Chapter 4

Feelings that can't Ignore (JaeYong)
Please Subscribe to read the full chapter

Sama-samang nagpapalipas ng oras sina Donghyuck, Renjun, Xiaojun at Kun sa ilalim ng isang puno malapit sa building nila. Pareparehong arts ang course nila at nagkataon na sabay ang vacants nila. 2 hours kay Kun at pareparehong 1 hour yung tatlo.

"Bat di mo kasama si Winwin?" Xiaojun asked Kun habang nagsusulat ng kung ano-ano sa notebook. Baka kasi gumagawa ng lyrics.

"Chismoso ka na din ha Xiaojun."

"Grabe tinatanong lang eh." Sagot naman ni Xiaojun kaya pinisil na lang sya ni Kun sa pisngi.

"May klase nga. Bakit ba kapag wala si Winwin sakin agad tinatanong?"

"Eh kasi hyung bestfriend mo yon." Sabat ni Renjun habang kumakain ng tinapay. "Hoy Donghyuck muka kang tanga." Sabi nya nang makita nya itong nakatulala na animoy wala din sa sarili.

Kahapon pa syang lutang actually.

"Mas tanga ka. Mangongopya na nalang hindi pa ayusin ng tingin tapos kapag bumagsak penmanship ko sisisihin."

"Kapal ng mukha nito. Kailan ako nangopya sayo?" Ngumiwi si Renjun saka umayos ng upo. "Pero seryoso muka ka ngang tanga. Bakit ba ganyan mukha mo?"

"Baka kasi nag-away sila ni Sungchan? Di mo pansin? Nag-iiwasan kaya sila kagabi."

Napatingin si Donghyuck kay Xiaojun.

Grabe, lakas naman pala makaramdam. Hindi na nga sya halos lumabas ng kwarto nya, napansin pa nya yun?

"Si Donghyuck nang-away pustahan tayo." Hamon ni Renjun.

"Samang ugali talaga nito. Alis nga!"

"Alam mo beh, pwede mo naman sabihin samin yan eh nang hindi puro buntong hininga ang ginagawa mo jan." Kun advised. Tumango naman si Xiaojun.

"Sasabihin ko naman eh, ayoko lang marinig ni Renjun."

"Tangina neto. Yoko na nga!"

Akma syang tatayo pero hinila sya pabalik ni Xiaojun sa tabi nya.

"Spill the beans. Dali na, malay mo makatulong kami."-Kun.

"Paano kung hindi?"

"Well, at least nailabas mo. Minsan kasi hindi mo kailangan ng advice, yung taong makikinig ng hinaing mo sa buhay lang, sapat na." -Xiaojun.

"Tama." Tumango si Kun.

Huminga ng malalim si Donghyuck bago magsalita.

Kesa nga naman sarilihin nya to, baka mabaliw na sya ng tuluyan.

"About nga kay Sungchan. Pero hindi kami nag-away okay?"

"Eh ano?" Tanong ni Renjun sabay kain ulit ng tinapay. Hindi nya inaalok si Kun kasi sabi nito magdadiet sya, kapag kasi sya kumain walang pigilan eh.

"Umamin sya sakin na gusto nya ako." Nahihiyang sabi ni Donghyuck.

Natigilan naman parepareho yung tatlo. Maging ang pagkain ni Renjun ay natigil.

"Yeah. Same reaction ko kahapon. Oo super nagulat ako dahil hindi ko naman ineexpect yun. He said, hindi ko sya kailangang magustuhan agad. But he'll do anything para magustuhan ko sya. I mean, I lowkey have a crush on him naman pero tangina nakakagulat pa din."

"Seryoso?" Renjun asked.

"Oo. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Sungchan eh."

"Akala ko si Mark ang gusto mo?"- Xiaojun.

Donghyuck scratched his nape. "Oo nga. Pero sabi ni Mark hindi nya pa ako kayang tingnan ng higit pa sa kaibigan."

"Hindi pa? So may chance pa din."- Kun.

"Taray ng bading ang daming lalake. Wag ka, crush din yan nung taga engineering dept na si Chani at yung babaeng criminology na si Karina ba yun?" Banat ni Xiaojun.

"Haba ng buhok ng kupal. Ang gwapo pakinshet. Notice me oppa!" - Renjun.

"Luh, parang gago."

"So anong plano mo Hyuck?" - Xiaojun.

"Hayaan mo nalang si Sungchan na patunayan sayo kung seryoso sya o hindi. Don't think about Mark muna. Like what you've said, kaibigan palang ang turing nya sayo." Sabi ni Kun at hinaplos sya ng marahan sa braso. Ramdam nya kasi yung frustrations ni Donghyuck.

"Yun naman ang plano ko hyung. Mabait naman si Sungchan eh. Pero kasi ayoko syang masaktan dahil alam ko sa sarili ko na si Mark talaga ang gusto ko."

"Let him do what he wants. Wag mo lang itake advatage yun para paselosin si Mark." Sabi naman ni Xiaojun.

"Oo naman no. Hindi naman ako ganun eh."

"Sinasabi ko lang Hyuck. Kilala ko kasi si Sungchan. Minsan lang yun magkagusto, at ikaw pa ang napili nya."

Until now, hindi pa din makapaniwala si Donghyuck na sya yung nagustuhan ni Sungchan.

Bakit sya? Ang dami namang iba jan eh?

Paano kung at the end of the day hindi nya magustuhan pabalik si Sungchan kasi nga si Mark talaga ang gusto nya?

---

"Shuta ang ingay." Sabi ni Taeyong at marahas na ginulo yung buhok nya. Pinagmasdan nya ang paligid, bakit ganito sila kaingay? Hindi na sila high school para mag ingay ng ganito kapag walang lecturer ah?

Nako, stress nanaman sya.

"Hayaan mo na, minsan lang nila magawa yan." Sabi naman ni Yuta. Kaklase nya ito sa isang subject. Yun nga ay yung subject dapat nila ngayon.

"Hindi ko nga matapos to oh."

"Parang tanga ka naman kasi. Sabing next week pa ang pasa nyan eh."

"Gusto ko na nga tapusin ngayon para matutulog nalang ako next week."

"Wow nagpapakaestudyante ka ah, iba talaga nagagawa ng heart break no?"

"Tangina mo ah. Hindi na ako broken tanga." Inirapan sya ni Taeyong.

"Sus, mula nga nung nagbreak kayo bigla kang sumungit eh. Masungit ka naman noon pa pero mas lumala eh. Tatanggi pa eh kilala naman kita."

Huminga ng malalim si Taeyong at sumandal sa upuan nya. Ang sakit nanaman nga ng ulo nya, pinipilit nya kasing tapusin yung mga activities nya bawat subject at mahilig na din syang mag-advance study these days.

Nagtataka nga yung mga bading nyang kaibigan eh, bakit sya nag eexcel?

May maganda din naman palang naidulot sa kanya yung break up nila ni Jaehyun. Dati kasi basta makapasa sya, okay na. Hindi sya ganoong sobrang palaaral unlike ngayon.

Imbis na magmukmok sya, nag-aral nalang sya. Kaya naman may time din syang maglasing gabigabi ng walang inaalalang assignment kasi tapos na.

"Pero alam mo sa totoo lang, nahihirapan pa din akong makita sya Yuts. I'm trying my best to be okay naman and mind my own business, ang hirap pa din talaga eh. Lalo na last month lang yun." He sighs and ruffles his hair at di sinasadyang dumako ang tingin kay Autumn na ngayon ay masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan nya.

Ang ganda nga naman ni Autumn, no wonder nagustuhan sya ni Jaehyun.

"Gets naman kita eh, wag ka mag-alala. Alam kong nahihirapan ka. But you know, saksi kaming lahat kung gano nyo kamahal ang isa't isa nun kaya hindi mo din maaalis samin na umasang bumalik ang dati." Marahang sabi ni Yuta at sumandal din sa inuupuan nya. Kumuha sya ng candy sa bulsa nya at inabot kay Taeyong.

Tinanggap naman nya yun at binuksan sabay kain.

"Sorry to pop your bubble but, hindi na yun mangyayari Yuts."

Yuta smirks. "Uy di ka sure."

"Tsk. Tara na nga, mukhang di na yon dadating si sir." Tumayo na sila pareho sa inuupuan at lumapit kay Jeonghan.

"Oyy pa-attendance kami." Kinalabit ni Taeyong si Jeonghan. Kasama nito ngayon si Sungcheol at Joshua and unfortunately, sila palang tatlo yung pinakamaingay.

"Pasaan kayo?"

"Uwi na malamang." Iritadong sagot ni Taeyong.

"Mainit ulo nyan tol." - Yuta.

"Stress ka nanaman Taeyong eh, oh ayan." Inabot ni Joshua yung papel sa kanya pero pabiro nya ding iniwas.

"Ano ba?!" Sinamaan nya ng tingin si Joshua. Wala sya sa mood makipagbiruan kasi.

"Bakit ba ang sungit mo sakin?"

"Hoy Jisoo big

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Jaeyongtrash0114
HI QUIIIZZZE SUPER THANK YOU PALA SA PAGBABASA NITONG FIC NA TO KAHIT PURO KASHUNGAHAN LANG ANG PLOT. STRESS RELIEVER KO KASI YUNG MAGSULAT EH HAHHA SALAMAT PONG MARAMI SA PATULOY NA PAGBABASAAAA

Comments

You must be logged in to comment
ynnarhin
#1
Chapter 16: next chapter pls~ hahaaha tangnang autumn -,-

pati ako curious sa irereto ni chenle amp HAAHAHAH
ynnarhin
#2
Chapter 15: so si sungchan ang gusto?? ang pokpok ahh -,-
ynnarhin
#3
Chapter 14: ewan ko sayo jaemin hahahaha ayaw pa sabihin ehh
ynnarhin
#4
Chapter 13: para akong maiiyak kay sungchan at hyuck amp kasi taena pag mahal mo kaya mo ipaubaya

kaso potaenang autumn to sarap balian ng leeg gago -,-
ynnarhin
#5
Chapter 12: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1470293/12'>Chapter 12</a></span>
so binalikan ko tong ff mo dahil talamak mga au sa twitter kaso hindi ko maumpisahang basahin so yeah hahahaha btw naguguluhan pa rin ako kay jae na fall out amp.. pero sana all may love life like johnny and ten.. sana all may dilig CHAROT HAHAHAHAHGA at sana all kinikilig when kaya ako ulit mag kaka jowa???? HAHAHAHA JOJOWA PA MAY NCT NAMAN



author-nim na miss ko tong ff mo
allaine__
#6
Chapter 14: nabobobo na ko kay jaemin mamsh
jenthusiaste
#7
❤️❤️❤️
rainbowaffles
#8
❤️😩
Foreverwithyou12
#9
Chapter 14: Thank you for this chap author-nim 💕. Super na enjoy ko yung pag babasa. Nabitin ako hahaha.

Kay Sungchan ako boto eh pero bakit ganun? Parang biglang gusto ko na si Mark para kay hyuck? Hahaha
Can't wait sa next chap!
Great update!
Foreverwithyou12
#10
Chapter 13: I love your update Author-nim ☺
Tuloy tuloy lang. Inaabangan ko to eh 💕