Chapter 19

Feelings that can't Ignore (JaeYong)
Please Subscribe to read the full chapter

"Hala hoy sinong nag-ubos ng coke?!" Sigaw ni Jaemin sa kanila pero na kina Hendery at Xiaojun ang tingin. Hindi pa kasi nila nabibigyan si Jeno at itong mga Chinese na wala namang label ang relasyon ang matakaw sa coke kanina pa.

"Grabe sya! Bat samin ka nakatingin?" Sabi ni Hendery.

"Nakita kong naka apat na baso ka. Tig-apat kayo ni Xiaojun oh."

"Luh tatlo lang kaya." 

"Amina ambag ako na bibili." Sabi naman ni Shotaro na nakatayo sa tabi nila ni Jeno. 

"Oy ambag daw. Yung nakaapat jan dapat doble ha." Pang-asar pa ni Jaemin dun sa dalawa. 

"Dukha ba kayo? Ito lilibre ko na oh!" Sabi ni Chenle at lumapit kay Shotaro para magbigay ng pambili nila ng coke nila. 

Ngayon lang napansin ni Jaemin yung ginawa ni Renjun na apple hair sa kanya kaya naman automatic na napangiti ito at pinisil sya sa pisngi. 

"Halaaaa bakit ang cute-cute mo Taro! Nanggigigil ako sayo! Rawr!" Jaemin said habang pinisil pisil sa pisngi si Taro. 

Kanina pa din sya pinipisil ni Jungwoo at hinahayaan lang sila ni Shotaro. Hindi naman kasi masakit yung pisil nila kaya naman okay lang. 

So, after paglaruan ni Jaemin yung pisngi ni Shotaro, lumabas na din sya ng dorm nila para bumaba. Wala man lang talagang sumama sa kanya eh. 

Habang pababa sya, nasalubong pa nya si Donghyuck na parang ang lalim ng iniisip. Ang pinagtataka nya lang, bakit mag-isa sya? Diba kanina lang eh kasama nito si Sungchan?

---

"Ayaw mo talaga?" Tanong ni Yuta kay Jaehyun at inalok sya ng isang slice ng pizza. Tiningnan lang sya ni Jaehyun saka ito umiling. "Doon ko ito inorder sa favorite nyong puntahan ni Taeyong." 

"Ayoko nga." Iniwas pa ni Jaehyun yung kamay ni Yuta. 

"Joke lang kasi yung celebrate. Baka magalit ka samin eh." Sabi pa ni Yuta na natatawa pero wala, umiling pa din si Jaehyun.

"Anong samin? Baka sayo lang." Sabi ni Johnny. 

"Oh sabi ko sayo Doyoung si Yuta ang pasimuno ng lahat. Sinasabayan ko lang." Sabi din ni Ten. Magkatabi sila ni Johnny sa couch habang kumakain ng pizza. 

"Asan pala si Taeyong at Kun? Pagabi na hindi pa umuuwi." Tanong ni Hansol na pumukaw naman ng atensyon nila.

Oo nga, kanina pang wala yung dalawang yun. Padilim na pa naman at hindi pa din bumabalik. Ito kasing kinakain nila eh appetizer palang kuno nila since trip nga ni Yuta manlibre ngayon. Minsang-minsan lang mangyari. 

"Nagpasama si Taeyong kay Kun. Naghahanap ng extra. May gusto atang bilhin eh, ayaw naman humingi ng pera sa parents nya. Pinapautang ko naman ayaw din." Sagot naman ni Winwin. 

"Alam mo naman si Taeyong. Kapag may gustong bilhin pinaghihirapan nya." Sabi ni Taeil at tumango naman si Doyoung. 

"Kaya nga crush yon dati ni Johnny bago pa nya makilala si Ten." - Yuta.

Bigla namang hinampas ni Johnny si Yuta sa braso dahil sa sinabi nito. "Gago ka. Anong pinagsasabi mo?" Gulat na tanong nito. 

"Oh ano? Totoo naman ah. Nung grade 9 pa yun. Manghang mangha kasi sya nung binigyan ni Taeyong ng gift yung crush nya noon. Yung perang pinangbili nya dun, inipon nya galing sa pagtutor nya. Oha."

"Totoo ba yun?" Tanong ni Ten kay Johnny.

Tiningnan naman ni Johnny si Ten. "Grade 9 pa naman yun mahal eh and saglit na saglit lang yun." Sinamaan ni Johnny ng tingin si Yuta. "Ikaw nga eh patay na patay kay Sana! Effort effort ka pa iba pala ang gusto. Buti nga." Sabi pa ni Johnny pero hindi natinag si Yuta. 

"Okay lang. Crushable sadya ni Taeyong." Sabi ni Ten. "Ang dami kayang may crush don bukod kasi sa ang gwapo din eh ang sipag pa."

"Yabang ni Atuy parang hindi din naging crush si Taeyong." Singit naman ni Doyoung.

"Hoy! Gawagawaan ka ah!" - Yuta.

"Narinig kita dun sa H.E room. Sabi mo pa nga, 'ang ganda pala talaga ni Taeyong. Ang sarap tuloy magcommit.' Tangina ang harot."

"Naks. Ungkatan ng past." - Taeil.

"Nagandahan lang eh! Napaka ano nito!"

"Naging crush nyo pala si Taeyong? Bakit hindi ko alam yan?" Sabi ni Jaehyun at parehong pinadaanan ng tingin ang dalawa. Seryoso lang syang nakatingin. 

"Bakit ko sasabihin?" - Johnny. 

"Same." - Yuta.

"Oo nga Jaehyun? Bakit nila sasabihin? Edi friendship is over?" Sabi ni Winwin.

"Oh, kung hindi pala sinabi ni Yuta hindi ko malalaman. Di naman ako magagalit ah." Sagot ni Jaehyun.

"Di mo sure. Bakit parang ang bitter mo bigla?" Pang-asar naman ni Ten sa kanya. 

"Malamang galing break up." Sagot ni Hansol. 

"Luh. Bakit ako malulungkot doon eh ginamit nga ako. Asa naman syang magpapaka-emo ako sa kanya." Depensa kaagad ni Jaehyun. 

"Yuta talaga pasimuno ng gulo. Naungkat tuloy ang pareho nyong nililihim ni Youngho." Sabi ni Taeil.

"Clout chasing lang eh."

After nilang kumain, si Taeil na ang nagprisintang maglinis pero tinutulungan naman sya ni Winwin at Doyoung. Then, bumalik na din si Jungwoo at Lucas galing sa 3rd floor kasi doon sila nakisaya at masaya daw ang bonding doon. Parang others eh.

Pumunta sya sadya don para palakasin ang loob ni Mark kasi nga si Mark ang pambato nya para kay Donghyuck. Hindi nya alam na nagpalaya na yung isa.

"Hayop. Nauna pang magkalabel si Jaemin at Jeno kesa kay Xiaojun at Hendery. Taena." Sabi ni Jungwoo, tawang tawa pa. 

"Totoo?" - Sabi ni Doyoung at bakas sa mukha nya ang saya. 

"Oo nga. May plano na nga akong nabuo kung di pa sila magbabati ngayon eh." 

"Ikaw talaga, hayaan mo na yung mga yun sa love life nila. Malalaki na yun ha." Doyoung said. 

"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Jaeyongtrash0114
HI QUIIIZZZE SUPER THANK YOU PALA SA PAGBABASA NITONG FIC NA TO KAHIT PURO KASHUNGAHAN LANG ANG PLOT. STRESS RELIEVER KO KASI YUNG MAGSULAT EH HAHHA SALAMAT PONG MARAMI SA PATULOY NA PAGBABASAAAA

Comments

You must be logged in to comment
ynnarhin
#1
Chapter 16: next chapter pls~ hahaaha tangnang autumn -,-

pati ako curious sa irereto ni chenle amp HAAHAHAH
ynnarhin
#2
Chapter 15: so si sungchan ang gusto?? ang pokpok ahh -,-
ynnarhin
#3
Chapter 14: ewan ko sayo jaemin hahahaha ayaw pa sabihin ehh
ynnarhin
#4
Chapter 13: para akong maiiyak kay sungchan at hyuck amp kasi taena pag mahal mo kaya mo ipaubaya

kaso potaenang autumn to sarap balian ng leeg gago -,-
ynnarhin
#5
Chapter 12: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1470293/12'>Chapter 12</a></span>
so binalikan ko tong ff mo dahil talamak mga au sa twitter kaso hindi ko maumpisahang basahin so yeah hahahaha btw naguguluhan pa rin ako kay jae na fall out amp.. pero sana all may love life like johnny and ten.. sana all may dilig CHAROT HAHAHAHAHGA at sana all kinikilig when kaya ako ulit mag kaka jowa???? HAHAHAHA JOJOWA PA MAY NCT NAMAN



author-nim na miss ko tong ff mo
allaine__
#6
Chapter 14: nabobobo na ko kay jaemin mamsh
jenthusiaste
#7
❤️❤️❤️
rainbowaffles
#8
❤️😩
Foreverwithyou12
#9
Chapter 14: Thank you for this chap author-nim 💕. Super na enjoy ko yung pag babasa. Nabitin ako hahaha.

Kay Sungchan ako boto eh pero bakit ganun? Parang biglang gusto ko na si Mark para kay hyuck? Hahaha
Can't wait sa next chap!
Great update!
Foreverwithyou12
#10
Chapter 13: I love your update Author-nim ☺
Tuloy tuloy lang. Inaabangan ko to eh 💕