Chapter 3

Feelings that can't Ignore (JaeYong)
Please Subscribe to read the full chapter


Kaklase ni Taeyong sa isang subject si Jaehyun at yung subject na yun ang klase nya ngayon.

Makakasama nya si Jaehyun at yung bago nyang jowa.

Kung mamalasin ka nga naman oh.

Hindi pa sila nagkakaayos ulit after nung argument nila nung sabado. Wala syang planong kausapin pa si Jaehyun dahil nababadtrip pa din sya. Akala naman kasi nya lahat ng bagay ay dahil sa kanya.

Well, that time kasi about sa kanya naman talaga. Ang kulit kasi, kitang badtrip sya lalong bibwisitin. Aba kung sya okay na, si Taeyong hindi pa. Hindi naman lahat ng tao kagaya nya na madaling mag move on at makahanap ng iba.

"Hi, pwedeng makiupo?"

Napatingin si Taeyong dun sa nagtanong, walang iba kundi si Autumn.

Oo yung jowa ni Jaehyun. Kasama mismo si Jaehyun na pasimpleng tumingin sa kanya.

"Tutal magkaibigan naman kayo ni Jae, pwedeng dito nalang kami?"

Taeyong clicked his tongue saka tumango. "Oo naman."

Shuta bat dito pa? Ang lawak ng likod oh.

"Thank you. Halika na babe."

Sumunod naman ni Jaehyun sa kanya.

Ayaw nya talagang nakakasalubong tong babaeng to. Bukod kasi sa ang mysterious ng tingin sa kanya, mukhang plastikada pa. Hindi naman sila madalas magkatabi nito eh. Malamang alam nya na mag-ex sila ni Jaehyun kaya nagbibida-bida sa kanya.

"Nagbreakfast ka ba babe?"

"Mm. Kumain ako sa dorm."

"Ay ako hindi pa eh. Samahan mo naman ako later."

"Wala kang class?"

"Mm. Break after this."

"Okay sure."

"Sama ka Taeyong?" Biglang tinanong sya ni Autumn.

Tamo tong babaeng to nananadya talaga eh. Atrimidida talaga.

Taeyong shakes his head bilang pagtanggi.

"Ay? Why naman? Friends naman kayo ni Jaehyun so sumabay ka na. Gusto ko din kasing makilala at makaclose kayong lahat eh. So uumpisahan ko na sayo." She pouted.
But Taeyong won't buy that. Ano sya baliw? Wala na naman syang pakialam sa iisipin ni Jaehyun sa kanya. Bahala na sila.

"May gagawin ako."

"Please Taeyong."

"Sorry I can't."

"Hala sya. I'm trying to be close to you naman eh. Why won't you let me? Babe, help me persuading him naman oh."

Arte naman ng babaeng to. Kitang ayaw ko eh.

"Can you come with us Tae? I need to tell you something din naman."

Wow tinulungan nga. Galing naman, pero bahala kayo jan.

"Text mo nalang sakin." Taeyong said casually saka naglagay ng earphones sa tenga. Pero walang music.

"Babe ang sungit. Ganyan ba talaga sya?" Autumn ask pero hindi na nya narinig na magsalita si Jaehyun since nanjan na ang lecturer nila.

----

Nagulat si Yuta nang madatnan nya si Hansol sa harap ng lecture room nila at mukhang hinihintay sya.

"Uy Sol."

"Tapos na klase mo?"

"Hindi pa, may tatlo pa eh."

"Cancelled yung klase namin sa major ngayon, I'm free this whole morning. Pwedeng makisit-in sa inyo?" Ngiting ngiti pang tanong nito.

"Oo naman. Pero bat di ka nalang umuwi sa dorm? Makakatulog ka pa."

"Ayoko matulog." Sabi nito at mas lalong lumapit pa kay Yuta sabay kapit nya sa braso nito.

Hindi naman nagtaka si Yuta kay Hansol. Sanay naman itong ganito sila ka-close. Medyo nashocked lang sya nung sinabi ni Taeyong na wag daw nyang icrushback si Hansol.

Totoo kaya yun?

Pero bakit naman magsisinungaling si Taeyong diba?

"Kung ako sayo mas pipiliin kong matulog."

"Luh. Mas gusto kitang kasama eh, bakit ba?"

Tumaas ang kilay ni Yuta. Aba naman?

"Bakit naman?"

"Wala. Dapat ba may dahilan? Tara na nga. San ba ang room nyo?" Tanong nito sabay hawak sa kamay ni Yuta at pareho silang umalis.

---

Padabog na binaba ni Taeyong ang bag nya sa table at padabog ding naupo sa tabi ni Doyoung. Kamuntikan pa syang mamura ni Doyoung. Buti nalang tanda nya yung bag ni Taeyong kung hindi, baka nasapak nya to ng masarap-sarap dahil nambibigla nalang.

"Problema sist?" Kun asked.

"Mukhang galing bardagulan ka ah?"- Jungwoo.

"Buti nga may self control ako at baka nabardagol ko yung magjowang yon." Inis nyang sabi at humalumbaba sa table.

"Bakit? Anong ginawa sayo?"-Doyoung.

"Yung babaeng magaling na yun kasi, kung makalapit sakin kanina akala mo close kami eh never naman kaming nag-usap. Nagkunwari pang api. After class namin sinundan ako at kinukulit pa, shet patulong ng patulong sya kay Jaehyun eh sabing ayoko."

"Eh bakit ba ayaw mo?" Tanong naman ni Doyoung.

"Parang tanga ka? Kita mong hindi kami okay nun tas aayain ako nung jowa nya."

"Bitter neto. Malay mo makikipag-ayos na yun."- Kun.

"And hyung? Kailan ba kayo naging okay ni Jaehyun?" - Jungwoo sabay higop ng smoothie nya.

"Alam mo yung, okay kayo pero hindi totally okay talaga. When again?"- Kun.

"Sinasabi nyo jan? Sya naman yung may problema hindi ako."

"Oh? Sure ka talaga? Bakit paiyakin ka nung sabado?" Tanong ni Doyoung sa kanya sabay kuha ng chips at kinain.

"Asan ka non? Hindi ka pa gising nun ah?"

"Sabi ni baklang Ten paiyakin ka daw."

Taeyong greeted his teeth, naiinis sya kasi kahit anong galaw nya basang-basa sya ni Ten. Mukhang hindi sya makakapagsinungaling doon.

"Kasalanan mo kung bat kami nag-away tanga!"

"Tangina neto dinamay pa ako, kinalaman ko dun eh tulog ako?"

"Yun nga eh! Bakit ka tulog?"

"Anong kagaguhang tanong yan Taeyong?"

Natawa naman si Kun at Jungwoo sa dalawa, parang tanga kasi si Taeyong kung sino-sino nalang sinisisi.

"Kasalanan mo naman talaga !"

"Don't tell me about dun sa sabaw nanaman yan? Jusko Taeyong hyung kahit doon hindi ka pa nakamove on?" Pang-asar sa kanya ng bagong dating na si Winwin. Tumabi naman ito kay Kun kaya tinaasan din sya ng kilay ni Taeyong.

"Aba hoy Sicheng ako'y tigilan mo ha. Pasimuno naman kasi yang kaibigan mo eh. At anong sinasabe mong hindi nakamove on? Gusto mo masaktan?" Taeyong was about to hit him pero napigilan na sya ni Doyoung.

"Kalma bading. Wala ka sa dorm."

"Tara na Kun." Siniko naman sya ni Winwin.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Jaeyongtrash0114
HI QUIIIZZZE SUPER THANK YOU PALA SA PAGBABASA NITONG FIC NA TO KAHIT PURO KASHUNGAHAN LANG ANG PLOT. STRESS RELIEVER KO KASI YUNG MAGSULAT EH HAHHA SALAMAT PONG MARAMI SA PATULOY NA PAGBABASAAAA

Comments

You must be logged in to comment
ynnarhin
#1
Chapter 16: next chapter pls~ hahaaha tangnang autumn -,-

pati ako curious sa irereto ni chenle amp HAAHAHAH
ynnarhin
#2
Chapter 15: so si sungchan ang gusto?? ang pokpok ahh -,-
ynnarhin
#3
Chapter 14: ewan ko sayo jaemin hahahaha ayaw pa sabihin ehh
ynnarhin
#4
Chapter 13: para akong maiiyak kay sungchan at hyuck amp kasi taena pag mahal mo kaya mo ipaubaya

kaso potaenang autumn to sarap balian ng leeg gago -,-
ynnarhin
#5
Chapter 12: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1470293/12'>Chapter 12</a></span>
so binalikan ko tong ff mo dahil talamak mga au sa twitter kaso hindi ko maumpisahang basahin so yeah hahahaha btw naguguluhan pa rin ako kay jae na fall out amp.. pero sana all may love life like johnny and ten.. sana all may dilig CHAROT HAHAHAHAHGA at sana all kinikilig when kaya ako ulit mag kaka jowa???? HAHAHAHA JOJOWA PA MAY NCT NAMAN



author-nim na miss ko tong ff mo
allaine__
#6
Chapter 14: nabobobo na ko kay jaemin mamsh
jenthusiaste
#7
❤️❤️❤️
rainbowaffles
#8
❤️😩
Foreverwithyou12
#9
Chapter 14: Thank you for this chap author-nim 💕. Super na enjoy ko yung pag babasa. Nabitin ako hahaha.

Kay Sungchan ako boto eh pero bakit ganun? Parang biglang gusto ko na si Mark para kay hyuck? Hahaha
Can't wait sa next chap!
Great update!
Foreverwithyou12
#10
Chapter 13: I love your update Author-nim ☺
Tuloy tuloy lang. Inaabangan ko to eh 💕