Chapter 12

Feelings that can't Ignore (JaeYong)
Please Subscribe to read the full chapter

"Yuta! Ang bobo mo! Literal!" Sigaw ni Ten kay Yuta matapos nitong hindi mahuli si Kun. Si Kun yung last player na kailangang makarating sa unahan para matapos ang laban.

Kasalukuyan silang naglalaro ng patintero at syempre team building ulit nila yun. Si Kun ang last player and unfortunately, hindi sya nahuli ni Yuta kaya team nila Jaehyun ang nanalo.

Tawang tawa naman sila Renjun, Jaemin at Sungchan dahil kanina pang nagbabardagulan yang mga yan. Kulang nalang eh magkalbuhan.

"Si Kun lang yan oh? Bakit di mo mahuli? Sobrang tanga mo na ba?" Nakasimangot nitong sabi at pinagpagan ang sarili.

"Ako lang yun? Grabe ang pangit mo kabonding Chittaphon!" Sabat ni Kun sa kanya.

"Bobo mo din tanga! Ikaw nga hindi mahuli si Johnny. May favoritism talaga. Bat sakin ka nagagalit eh ang bobo mo din?! Hindi mo nga din mahuli eh!"

"Tama na nga yan, tanggapin nyo nang talo talaga kayo. Mahihinang nilalang." Pang-asar pa ni Jaehyun. Mas nagpaasar pa sa kanila yung tawa ni Lucas at Donghyuck na sobrang lakas. Isa pa naman yung batang yun ang lakas din mang-asar, akala mo kaedad nya lang yung pinipikon nya.

"Taeyong tatanggalan ko ng essential needs tong ex mo sabihin mo oo!" Sigaw ni Ten kaya tumigil sa pagngiti si Jaehyun.

"Anong essential needs?" Takang tanong ni Jaehyun. Hindi nya alam yun malamang, wala naman sya nung pinag-uusapan nila yun eh.

"Ayan oh." Turo ni Jisung kaya umatras si Jaehyun.

"Tangina moka gago! Kung mag-aaway kayo wag nyokong idadamay!" Balik sigaw ni Taeyong sa kanila. Nananahimik na nga sya idadamay nanaman eh. Lahat nalang ng about kay Jaehyun dapat kasali sya. Mga shuta talaga.

Imbis na awatin magbangayan si Ten at Yuta, pinanood lang sila nung mga tropa nila na parang nag-eenjoy. Aawatin naman sana sila ni Sungchan pero pinigilan sya ni Donghyuck.

"Wag. Baka masabunutan ka ni Ten hyung." Sabi nito.

"Ayiee concern." Sungchan teased.

Sinamaan naman sya ni Donghyuck ng tingin. "Oh sige pigilan mo nalang. Pasabunot ka don!"

"Uy joke lang baby." Sungchan kissed his cheek kaya natigilan ng slight si Hyuck.

"Hoy! Sungchan parang tanga!"

"Yawa talandi gusto din naman." Singit naman ni Doyoung kaya sa kanya ngayon nakatingin ng masama si Hyuck.

"Inggit talaga ang walang lovelife." Inirapan sya ni Hyuck.

"Ay nagblush. End game." - Xiaojun.

Binaling naman ni Taeyong ang tingin kay Mark. Nakasimangot lang sya pero nakatingin dun sa dalawa.

"Uy selos yarn." Asar ni Jaemin sa kanya.

"Luh. Sinong nagseselos? I don't like him that way."

"Sure ka? Hindi mo man lang namimiss? Kasi ikaw yung madalas kasama ni Hyuck noon nung hindi pa umaamin si Sungchan." - Taeyong.

"Namimiss din naman." Mark looked away at tumingin sa dagat. "But, yun lang yun. Sungchan's courting him and it's okay."

"Grabe? Wala ka talagang nararamdaman kahit kakaunti para kay Hyuck? Kasi kung ako ang tatanungin mo, feeling ko meron naman." Sabi pa ni Taeil.

Mark chuckled. "Well, I used to like him. Pero mas mahalaga sakin ang friendship namin. Hindi ko lang magawang aminin sa kanya dahil natatakot akong baka masira yun, and Sungchan is also important to me. Ayoko din mag commit, di ako ready."

Napanganga naman si Renjun after nilang marinig na sabihin ni Mark yun. Hindi naman nalalayo ang edad ni Mark sa kanila pero kung makapagsalita sya parang same age sila ni Taeil.

"Ang cool mo naman jan. Ako nalang kasi Mark." Biro pa ni Renjun at nagkunwaring hahalikan si Mark.

"Renjun ang harot. Parang wala si Yangyang sa tabi-tabi." Saway ni Winwin sa kanya.

"Hay nako hyung. Pagsabihan mo yun, ang gulo nya. Nabibwisit na kamo ako. Sagadin pa nya ako one more time, kay Mark na ako magpapaligaw."

"Kung ligawan ka eh." - Winwin.

"Ano Mark? You want fubu?"

"Hoy Renjun gago ka? San mo nalaman yan? Halika nga dito!" Tumayo si Taeyong at hinila si Renjun.

"Joke lang eh! Hyung joke lang talaga! Gusto ko lang syang asarin! Malay mo patulan."

"Bat naman fubu?" Tanong ni Jaemin na nagtataka. Si Renjun kasi hindi mo din mapredict minsan eh.

Akala mo nagbibiro, seryoso na pala.

"Eh ayaw nya kong ligawan eh."

"Bobo ka ba? Nakareserve ka kaya!" Singit naman ni Chenle kaya nilingon sya ni Renjun.

"Kanino? Hindi nga nagpaparamdam! Magsama nga kayo nun Jaemin!" Sabay tulak ni Renjun sa kanya.

"Anla bakit naman ako?" Jaemin pouted. "Manhid nga eh."

"Hindi ka din kasi nagpaparamdam. Ano ba yan? Malay mo kasi ayaw lang mag-assume." Sabat ulit ni Chenle.

"Woi! Yung mga sunod na talunan lumapit na dito!" Sigaw ni Donghyuck sa kanila.

"Tangina mo! Tingnan natin kung sinong talunan satin!" Sigaw ni Renjun pabalik kay Donghyuck.

"Handa akong maging talunan para sayo Hyuck!" Sabi naman ni Sungchan kaya tumingin sa kanya lahat ng mga kagrupo nya.

"Gago ang corny talaga." Sabi ni Winwin.

"Alam kong hindi normally ganyan si Sungchan pero nagpapakamais ang loko para kay Hyuck." Dagdag pa ni Taeyong.

"Hayaan nyo, kita nyong hulog na hulog eh."

Napatingin naman si Sungchan sa mga kagroup nya nang mapansin nyang nakatingin pala sila sa kanya. Napapailing lang si Mark sa kanya.

"Bakit?"

"Wala na bang mas icocorny yang banat mo?" - Jaemin.

"Papatalo ka jan? Pano kapag hindi ka sinagot non in the future?" - Renjun.

"Okay lang."

"Hoy Renato hindi ka sure! Kaya manahimik ka gago!" Sigaw ni Hyuck dahil narinig nya yung sinabi ni Sungchan.

Dahil sa sinabing iyon ni Hyuck, ngumiti ng malawak si Sungchan at namumula pa. Pati si Hyuck namula din sa sinabi nya dahil nagulat din sya sa ginawa nya. Tinatawanan tuloy sya ni Shotaro at Hendery.

"Si Jaehyun daw handa din maging talunan para kay Taeyong!"

"Hoy gago!" Inirapan ni Taeyong si Johnny.

Pinagtulungang hilahin ni Winwin at Jaemin si Sungchan dahil para itong tangang na stuck sa kinatatayuan nya dahil sa sinabi ni Donghyuck.

Sinulyapan pa ni Taeyong si Jaehyun at nagtaka pa sya na nakatingin ito sa kanya at nakangiti.

Ginagawa nitong gagong to?

The game goes on, ang team nina Taeyong ang huhulihin ngayon at si Jaehyun ang nasa unang line. Nakapasok naman ng mabilis yung iba sa line at si Taeyong ang naiwan sa first line.

"Doyoung hayop ka!" Sigaw nito. Kapit nya lang kasi ito kanina, ngayon nasa malayo agad.

"Tanga mo bat ka nga bumitaw?!"

Gusto pa syang sagutin ni Taeyong pero nabaling ang tingin nya kay Jaehyun na nakangisi pa sa kanya.

"Nginingiti mo jan? Ang daya mo ah!"

"Panong naging madaya?"

"Hinayaan mo lang silang makalampas tapos nung ako na todo bantay ka?"

"Kasalanan ko pang bumitaw ka?"

"Oo kasalanan mo talaga!"

"Paanong naging kasalanan ko eh desisyon mo yun?"

Luh, bat parang iba naman ibig sabihin non?

"Eh hindi ko namalayan eh!"

"Tangina nyo dyan pa kayo mag-aaway!" Sigaw ni Kun.

"Hindi kami nag-aaway! Ang duga nitong kampe nyo!"

Medyo napalapit si Taeyong dahil sa pagsigaw nya kay Kun at muntik na din syang mahila ni Jaehyun, buti nakalayo sya agad.

"Sayang."

"Gago!"

"Wag kang magalit." Sabay tawa pa nya.

Sa kabilang dulo naman ay nag-aasaran si Renjun at Donghyuck. Hila naman ni Jaemin si Sungchan. Delikado kasi at baka magpahuli kay Donghyuck. Pagsinabi pa naman ni Sungchan na gagawin nya, gagawin nya talaga.

"Sungchan umayos ka sabi!"

"Ayos naman ah."

"Oo, ayos magpahuli. Sa galing mo naman."

Medyo nahirapan silang makalampas kay Johnny at Lucas dahil parehong mahahaba ang braso kaya madali silang mahuli. Pero buti nalang din mautak si Taeil at naisahan nila yung dalawa.

"Shuta ang galing ni Taeil." Sabi ni Hansol.

"Woi tingnan mo may pating oh." Turo ni Taeyong sa bandang likod ni Jaehyun.

"Oo nga, ang laki." Pang-aasar pa nito.

Minsan talaga may time na babadtripin ni Jaehyun si Taeyong, minsan naman nagiging mabait at minsan din nagiging gago.

Araw-araw hindi na yun nawala sa kanila. Ang gulo, pero mas ayos naman yung ganito kesa sa naman mag-away sila ng mag-away. Baka kapag patuloy lang silang nag-away, maulit nanaman yung dati na nahati silang magtotropa dahil apektado ang lahat sa break up nila. Yung iba syempre kay Taeyong sasama at yung iba kay Jaehyun.

Okay na din to.

Mabilis man ang nangyari, anong magagawa nya? Wala na.

"Hala si Autumn!" Tinuro ni Taeyong ang ibang direction kung san may mga babaeng nakabikini.

Lumingon naman si Jaehyun na naging dahil

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Jaeyongtrash0114
HI QUIIIZZZE SUPER THANK YOU PALA SA PAGBABASA NITONG FIC NA TO KAHIT PURO KASHUNGAHAN LANG ANG PLOT. STRESS RELIEVER KO KASI YUNG MAGSULAT EH HAHHA SALAMAT PONG MARAMI SA PATULOY NA PAGBABASAAAA

Comments

You must be logged in to comment
ynnarhin
#1
Chapter 16: next chapter pls~ hahaaha tangnang autumn -,-

pati ako curious sa irereto ni chenle amp HAAHAHAH
ynnarhin
#2
Chapter 15: so si sungchan ang gusto?? ang pokpok ahh -,-
ynnarhin
#3
Chapter 14: ewan ko sayo jaemin hahahaha ayaw pa sabihin ehh
ynnarhin
#4
Chapter 13: para akong maiiyak kay sungchan at hyuck amp kasi taena pag mahal mo kaya mo ipaubaya

kaso potaenang autumn to sarap balian ng leeg gago -,-
ynnarhin
#5
Chapter 12: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1470293/12'>Chapter 12</a></span>
so binalikan ko tong ff mo dahil talamak mga au sa twitter kaso hindi ko maumpisahang basahin so yeah hahahaha btw naguguluhan pa rin ako kay jae na fall out amp.. pero sana all may love life like johnny and ten.. sana all may dilig CHAROT HAHAHAHAHGA at sana all kinikilig when kaya ako ulit mag kaka jowa???? HAHAHAHA JOJOWA PA MAY NCT NAMAN



author-nim na miss ko tong ff mo
allaine__
#6
Chapter 14: nabobobo na ko kay jaemin mamsh
jenthusiaste
#7
❤️❤️❤️
rainbowaffles
#8
❤️😩
Foreverwithyou12
#9
Chapter 14: Thank you for this chap author-nim 💕. Super na enjoy ko yung pag babasa. Nabitin ako hahaha.

Kay Sungchan ako boto eh pero bakit ganun? Parang biglang gusto ko na si Mark para kay hyuck? Hahaha
Can't wait sa next chap!
Great update!
Foreverwithyou12
#10
Chapter 13: I love your update Author-nim ☺
Tuloy tuloy lang. Inaabangan ko to eh 💕