Masyado Pang Maaga (II)

Katha

 

 

 

Kagigising mo lang pero binatukan ka kaagad. Umikot ulit paningin mo pero kilala mo kung kaninong mabigat na kamay yon.

 

“Ate Gi! Grabe ka..”

 

“Anong grabe ka, tumigil-tigil ka nga kakaingos mo!”

 

Huhuhu nasaktan ka naman kaya talaga, hindi naman mukhang flop ang pagbagsak mo diba? Sabihin na natin masakit pero umacting ka rin kasi malamang andun yung ex mo.

 

“Winter, ano na naman ba tong pakulo mo? Sinasabi ko sayo konti na lang mababaliw na ko sa pinaggagawa mo!”

 

“Eeehhh ate...”

 

“Nakakastress ka, sakit mo sa bangs!”

 

Sumandal ito sa kinauupuan nya pero bago yon inabutan ka muna nya ng tubig.

 

“Hoy ikaw mag-usap nga tayo ng mabuti! Hindi pa tayo tapos, sige lagukin mo muna yan.”

 

Naghanda ka sa kung anong ibabato sayo ng pinsan, grabe kaya mangreal talk yan.

 

“Ano na naman ba talaga tong pakana mo at tumakbo ka pang vice pres?”

 

“Gusto ko itry?”

 

“Ha? Ikaw? Gusto mo, seryoso ba? Tsk tsk sinasabi ko sayo kung ito isa sa mga kaekekan mo para ligawan si karina ay itigil tigil mo na! Hayskul pa lang sinasabi ko sayo streyt yan at wala kang pag-asa.”

 

Wala kasing nakakaalam na pinatulan ka na nya ngayong college. Subtle ka lang naman nung hayskul parang happy crush nung first year college mo lang sya pinursue kasi nga gusto mo na sya.

 

“Nakikinig ka ba? Di ka papatulan non! Nagquit ka pa talaga sa banda para lang don. Hay naku, Winter tigil na okay?”

 

Kunsuming-kunsumi sayo ang ate mo.

 

“Hindi pa ba enough proof yung slambook na pinilit mo kong pasagutan kay Karina noon. Look, si Jeno he matches Karina’s ideal type at hindi na rin lingid sa batch that there might be something going on between them. After all ang daming gustong partido na kumuha kay Karina as president pero kanino sya pumayag? Sa panig nina Jeno kaya please lang tigilan mo na to.”

 

Hindi ka na nakapagsalita. Kung kalat na nga sa batch nila, mukhang totoo nga napalitan ka. Tangina. Sana nilechong manok ka na lang n San Pedro kesa pinabalik ka dito sa lupa at malaman ito.

 

“Winter, marami pang iba. Huwag mong pilitin ang ayaw at ang imposible.”

 

Malamlam mong tinignan ang ate mo, lagi na lang ganyan ang sinasabi nila. Kesyo marami pa raw iba, bakit hindi ka nila maintindihan?

 

“Pero ate Giselle si Karina kasi... nag-iisa lang sya.”

 

—-

 

 

 

Babyyyyy...”

 

Narinig mo ang mahina nyang tawag sayo na parang naiinis. Gusto mong humagikhik, she failed another attempt ng panggugulat sayo.

 

“Nagluluto po ko.”

 

Niyakap ka pa nito mula sa likod ng mahigpit. Kita mo sa peripheral vision mo ang pagpout nya. Hindi mo matanggap na mas matanda sya sayo when she looks so fcking cute habang nakalabi.

 

Hindi fair na ilang taon mo na syang gusto at hanggang ngayon parang washing machine pa rin ang tiyan mo tuwing nakikita mo sya. Baka nga mabingin rin sya sa tunog ng puso mo.

 

“Iniwan mo ko sa kwarto.”

 

“Eh babe paano naman ang breakfast natin?”

 

We could just order naman tutal it’s weekend!”

 

Aminin mo na, this is one of her cute flaws. Mafastfood masyado, inevitable naman kasi she does not know how to cook plus she surely does not have time kasi nga busy masyado sa university.

 

“Nandito naman ako kaya I’ll cook.”

 

Routine nyo ito, to spend time during weekends. Exhausting ang week na ito, you barely saw her sa campus dahil tambak ang mga gagawin sa student council. As a vice president sobrang hectic ng schedule nya kaya naiintindihan mo naman kung bakit madalang ang pagkikita nyo.

 

“Patapos ka na ba?”

 

“Yes onti na lang, kaya maupo ka muna babe.”

 

“No, dito lang din ako!”

 

Kapit na kapit sa bewang mo.

 

“Paano naman ako makapagluto ng maayos kung hindi mo ko bibitawan?”

 

Hmmp bahala ka. I won’t.”

 

Mamaya siguradong magrereklamo syang masakit ang leeg nya. Dahil nakasubsob ang kanyang ulo sa likod mo.

 

“Ok fine but pwede ko bang iclaim muna yung morning kiss ko?”

 

“I thought you’d never ask. Please give me one too.”

 

Hinarap mo na sya, she gave you a forehead kiss. Ang daya yun kaya favorite mong gawin sa kanya kaso kasi mas matangkad sya hayyy.  

 

But in return, you get to kiss her on the lips naman, magrereklamo ka pa rin ba sa height mo?

 

 

 

 

 

 

—-

 

 

Palabas ka na, uwian na kasi alangan namang magunli tambay ka sa clinic. Sabi rin ng ate mo pinapatawag kayo ni Jeno bukas ng umaga sa Dean’s office. Medyo pumipintig lang ang magkabilang gilid ng sentido mo.

 

“Kakapanalo mo palang sangkot na agad sa gulo.”

 

Napalingon ka sa nagsalita, nasa gilid pala ito ng pintuan ng clinic na ngayon ay isasara mo sana. Buti hindi ka kagaya nito na magugulatin.

 

“Ikaw pala miss president.”

 

“Yung ginawa mo kanina, tama ba yon?”

 

Masakit pa ang ulo mo tapos ang dami nyang sinasabi bakit hindi ka nalang nya kasi halikan? Or balikan? Charot, since yun naman talaga ginagawa nya tuwing nagkakapasa ka.

 

“You are the newly elected vice president, my god so please act like it.”

 

“Miss pres-"

 

“Hindi ito playground kaya please be serious naman.”

 

“Teka lang, kakapanalo ko lang and it’s not even my first day yet.”

 

Napailing ito sayo.

 

“It doesn’t matter kaya kung hindi mo naman pala kaya step down from your position. Huwag mong akuin ang isang bagay na hindi mo kayang gawin.”

 

Napasinghal ka, sobra silang dalawa ng bago nya.

 

“Ganyan ba talaga kababw ang tingin mo sa kin?”

 

“Oo because if i know gumaganti ka lang”

 

Tinignan ka nito ng mariin. You absolutely hate it na mas matangkad sya sayo so she had to look down on you. 

 

“Ganon ba? Then who do you think fits the position, si jeno?”

 

Hindi ito agad sumagot.

 

“Una sa lahat hindi totoong wala akong alam at hindi ko kaya? Da , kakasimula pa lang! Pangalawa, I quit the band even before i joined the campaign at hindi naman naggitara habang nangangampanya. Hindi ako nandun bilang parte ng isang banda may sarili kaming adbokasiya at platapormang pinangako sa mga estudyante at kaya nila kami binoto ay dahil naniniwala sila dito.”

 

She was about to say some thing again pero inunahan mo.

 

 “Deserve nila yung totoo. Do we not owe them the truth? Tapos you want to elect someone na sinungaling at di marunong tumanggap ng pagkatalo. Someone who had the guts na siraan ako, when in fact wala naman syang basehan. Huwag nyong kakalimutan, I am a Philo student of course may alam ako tungkol sa politika at mga organisasyon. May magagawa ba kayo? Qualified ako to run as an official and I won fair and square.”

 

Dinugtungan mo pa. Hindi ka na yung dating Winter, wala ka ngang say nung naghiwalay kayo. Sya lang ang nasunod, eh ayaw mo ngang makipagbreak.

 

“Miss President, is this how u want to lead? Ganitong klase ba ng student council ang gusto mong patakbuhin kapag may nakita kang mali at hindi totoo, hindi ka iimik?”

 

You saw how her eyes changed, nagagalit na sayo ito. Inis na ang bebe mo kaya napangiti ka ng konti. Hindi mo na lang basta tatanggapin ang mga lait nya sayo.

 

“Iba ito, Winter!”

 

“Paanong iba? Mali yung sinasabi nya tungkol sa kin waala ba kong karapatang itama yon?”

 

She leaned sa wall sa gilid nyo and crossed her arms. Humakbang pa, papalapit sayo.

 

“Umamin ka na lang kasi!”

 

“Na ano?”

 

“Na ginagantihan mo nga lang ako! You are not even serious of becoming a student council official. You are just here to ruin me and my campaign!”

 

“Sumosobra ka naman yata. Bakit ko naman gagawin lahat ng iyon para lang sayo?”

 

Nanlilisik na ang mga mata nya parang may lalabas na apoy dito in any minute.

 

“Tutal honesty naman ang pinag uusapan natin then be honest and tell me that you are doing all of these just to get even with me. Napakaisip bata mo talaga!”

 

You scoffed, grabe naman sya. Sobrang naniniwala talaga syang isip-bata ka, pero hindi rin naman sya entirely wrong kasi nga tumakbo kang VP para tapatan yung ulupong nyang bago na si Jeno at syempre ipamukha sa kanyang kaya mong magseryoso.

 

“Hindi naman ikaw ang mundo para umikot sayo lahat ng bagay. Hindi ba sabi mo nga tapos na tayo? Marunong akong gumawa ng mga sarili kong desisyon, hindi na ako bata. Kaya do not make this all about you, Miss President.”

 

Mariin mo syang tinapatan, mata sa mata. Gusto mo syang paniwalain at ang sarili mo na hindi na sya ang mundo mo. 
 

Tumalikod ka na rin pagkaraan ng ilang sandali at naglakad papalayo ng walang paalam. 
 

Iniwan syang mag-isa.

 

====

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
277 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
72 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
717 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁