Masyado Pang Maaga (VII)

Katha

MPM PART 7

 


 

“Surprise!!!”

 

Maligayang sabi sayo ni Winter, napatingin ka sa likod nito. Dinala ka nya sa Star City.

 

Sigh, what do you do with this childish cutie?

 

“Ito yung sinasabi mo sa akin na pamalit sa foundation day?”

 

“Yes! Same vibe naman di ba?”

 

“Pero alam mo namang I’m not fond of extreme rides, I can’t accompany you sa rollercoaster. Okay lang sayo?”

 

You pouted at her, kunwari lang naman dahil if she really wants to ride those as long as you’re with her sasakyan mo na rin.

 

“Jagi, kaya nga dinala kita rito para sundin lahat ng gusto mo. Isa pa marami namang ibang rides tsaka sawa na ko sa rollercoaster yun na lang lagi ko sinasakyan tuwing field trip eh!”

 

Siningkitan mo ng mata na parang di naniniwala.

 

“Jagi! Seryoso ako, this date is solely to destress you. It’s your time to enjoy after ng successful foundation week, Miss VP!”

 

“Okay, sige na nga.”

 

Iaangkla mo na sana braso mo sa kanya.

 

“Pero jagi, ano eh, may pakiusap ako sayo mamaya. Pramis isa lang naman ito! Sana mapagbigyan mo ko.”

 

Kumaripas ng takbo at pumila na ito agad sa ticket booth pagkasabi nya sayo nyan. Ano na naman bang binabalak nya?

 

“Winter! Teka, ano ba kasi yun? Bakit hindi mo pa sabihin sa akin agad?”

 

“Basta, magtiwala ka na lang sa akin please...”

 

“Sinasabi ko sayo, Winter ha...”

 

Nung makarating ka na ulit sa tabi nya, minamata mo pa rin sya. So she reached out for your hand and grinned na parang walang ginawang kapilyahan kung makangiti.,

 

“Jagi, why would I let something happen to you? Nandito tayo for you to enjoy and I’m here to make sure na mangyayari yon. Because as long as you’re having fun, I’m happy too.”

 

You can’t help but smile na rin as she ease your worries, nakakainis ang dali mong bumigay.

 

Hayyy, where else could you find someone like her?

 

 

Anak naman ng tipaklong, lunchtime na di ka pa kumakain. Hindi mo alam saan pupunta itong kasama mo. But you let her na dalhin ka lang bahala na, wala ka naman magagawa eh.

 

“Kumain ka na ba?”

 

Linyahan ng pakboi yun pero bakit ang inosente pag sya ang nagsabi? Charot more like pafall talaga tong si Miss President, syempre naman di ka mapofall accckk kasi nafall ka na before.

 

“Oo kani-“

 

Truth is hindi pa talaga at sabi nga nila walang sikreto ang hindi nabubunyag. Bigla ba namang kumulo at tumunog ang sikmura mo.

 

“Seems like you’re lying, Winter.”

 

Di mo alam kung namamalikmata ka lang ba pero nakangisi ito habang tinaasan ka ng kilay at umiling-iling?

 

“What would you like to eat?”

 

Shuta, spokening dollars masyado tong ex mo natetest ang iyong

english skills.

 

“Kahit ano”

 

Siningkitan ka nito ng mata, tignan mo magtatanong tapos ganyan, syempre nung nagdedate kayo noon you let her choose ayaw mo kasing pagkain nalang eh pag-aawayan nyo pa.

 

“Okay, I’m craving for some japanese food. Magtonkatsu tayo sa booth na yon.”

 

May designated stalls pala parang food park inside the university may mga table with chairs naman at syempre bukas din yung canteen.

 

Gusto mo mabilaukan sa hangin nang marinig mo ang sinuggest nya, potek ikaw kaya ang mahilig sa japanese food especially tempura at tonkatsu.

 

What the hell anong mayroon sa ex mo today? May something fishy talaga, kalmado eh nakakapanibago para kayang pressure cooker yan na laging handang makipagbardagol sayo simula nung brineak ka nya.

 

Umorder kayo agad since di naman pwedeng maupo ang isa sa inyo dhil sa letseng posas. You ordered tempura rice bowl and tonkatsu while Karina ordered ramen, okonomiyaki and tonkatsu.

 

Natawag na yung number ninyo sa bilis nyo tumayo pareho nagkabanggaan ang balikat nyo.

 

“Sorry.”

 

“Okay lang”

 

Nang marating ang counter sabay nyo pang hinawakan ang tray. Ginagawa nito? Sa mga date ninyo, ikaw kaya lagi nakatoka sa pagbitbit ng pagkain dahil for sure baka naibuhos nya lahat ng laman, di kasi sya maingat.

 

“Oops ako na.”

 

“No, ako na.”

 

“Clumsy ka kaya Ri- I mean Miss Pres. Ako na pakikuha na lang yung spoon, chopsticks and fork.”

 

Muntik ka nang madulas at mabanggit ang name ni Voldemort, charot lang.

 

May malaki kang problema pagupo ninyo tsaka mo narealize na right hand mo pala ang nakaposas. Napansin nya ito kaya nga lang di mo inaasahan ang mga sinabi at ginawa nya.

 

“Hmmm Winter ako na, let me help you.

 

Hindi, hindi ba nya napapansing iisang kutsara lang din ang ginagamit nya?

 

Sabihin nalang natin na buong lunch time kang namumula at di makatingin sa kanya dahil sinusubuan ka niya, ammpp baby na baby may left hand ka naman.

 

Akala mo yun na, nang maubos na yung inorder mo but wait there’s more!

 

“Hey, Winter, here say ahh.”

 

Hala sya, walang paawat ang ex mo.

 

“Sayo yang ramen na yan.”

 

“Uh yes but what? Didn’t we both like ramen? We do this naman all the time.”

 

Wait wait teka lang mahina ang kalaban, objection your honor! Ay mali pala, correction we used to do that nung nagdedate tayo, yung pagshare ng ramen. Ate gurl, hindi ba hindi na tayo?

 

“Winter, lalamig ito lalo, kain na.”

 

The ? Nasamid ka sa sinubo nyang sabaw sayo. Nag-abot agad sayo ng tissue at pinainom ka ng tubig. Marahan pang hinahagod ang likod mo at kita mong nag-aalala sayo.

 

Tangina, ano ngang meron?

 

 

 

“Jagi? Ah eh sure ka ba talaga rito?”

 

Napapaligiran kayo ng mga bulinggit. Mas malupit pa nyan pati mga kasama nilang matatanda tinititigan kayo. Gusto mo na lang lamunin ng lupa.

 

“Yes, favorite ride ko to! Why?”

 

“Ah ganun ba sige sakay ka na.”

 

“Anong sakay na ko? Ikaw din!”

 

“Huh wag na! Pipicturan kita oh.”

 

Pakshet hinding hindi ka sasakay dyan, nakakhiya puro bata nandoon.

 

“Nahihiya ka ba? Daya mo. Sabi mo, you’ll grant my wishes.”

 

Jusko, wag lang ito kasi naman eh.

 

“Rina, I want this to be memorable since fave mo nga kaya need kita picturan!”

 

Nawala naman ang pagkatamang hinala nya at pumayag na siya nalang ang sumakay.

 

Ang ganda nya masayang kumakaway habang nakaupo, di alintana kung puro maliliit ang mga kasama sa edad at tangkad nyang yon, mas mukha pa syang nageenjoy kaysa kanila.

 

Tinatawag ka pa nga pagnapupunta or nadadaan sa side mo siya. Imagine yung secondhand embarrassment na nararamdaman mo di bale na nga, pinakacute naman sya aminin mo na.

 

“Told you, super fun kaya ng carousel! Dapat kasi nasakay ka rin."

 

Sa bawat litrato nyang mayroon ka parang di naman kailangan kasi kusa kang nagpatihulog, freefall kumbaga, dinaig mo pa ang sumakay extreme tower kasi walang hangganan ang ibaba. 

 

Doon mo napagtantong kahit kailan hindi ka na makakawala sa kanya.

 

 

TANGINAAAA

 

Sabi na nga ba at may pakulo itong pinsan mo!

 

6pm tutugtog ang banda nyo, minsan talaga maypagkayawa yang ate Gi mo. Kaya wala kayong nagawa ng ex mo kung hindi pumwesto sa likod ng mga estudyanteng basag ang mga lalamunan kakasabay kumanta.

 

Pagkatapos nyong kumain niyaya ka nitong maglaro sa mga booth, nakalimutan nya bang magex kayo?

 

Diba sya natatakot at nakikita kayo ng maraming estudyante?

 

Wala ba silang date ng ulupong nyang boyfriend?

 

Pinatulan mo na ang trip nya, may pagkacompetitive ka kasi, tutal andyan na edi tanggapin na lang.

 

Namamawis kang nakatayo sa tabi nya, nakakapagod kayang maglibot sa mga booth, this is the first time for the both of you na whole day magkasama sa first day of foundation week. Noon, nag-iiwasan kayo making sure na walang interaction between the two of you dahil napapaligiran kayo ng mga taong nakakakilala sa inyo. Pero, ngayon para kayong nakawala sa hawla.

 

You can’t deny din kasi, you kind of enjoyed this day. Any day with her naman is always memorable. Ahhh pakshet ka, why must God make you a simp for your ex?

 

Naupo kayong dalawa sa nakita nyong bench, makakapagpahinga na rin ang mga paa mo.

 

Nagsimula ng magsetup ang mga kabanda mo sa stage. Nang umalingawngaw ang tunog sa buong paligid napamura ka.

 

Bwiset!

 

Oh wag kang tumingin

Ng ganyan sa 'kin

 

Palatak mo, sa lahat kasi ng kanta bakit, bakit yan pa?

 

Dahil katulad mo

Ako rin ay nagbago

 

Nananadya ba talaga ang tadhana?!

 

Di na tayo katulad ng dati

Kay bilis ng sandali

 

Ay ewan, nagpokus ka na lang kay Ningning at sa boses nito. Ayaw mong isipin na katabi mo lang yung matagal mo mamahalin este minahal pala.

 

Oh, kay tagal din kitang minahal

 

Mas lalong di mo kinaya na kalagitnaan ng kanta ay unti-unti nyang nilagay ang daliri nya sa bawat patlang ng kamay mong nakaposas.

 

Oh, kay tagal din kitang minahal

 

Sinandal pa nito ang ulo nya sa balikat mong nanghihina. Nagwawala ang mga lamang loob mo, puta sana magkastiff neck sya sa ginagawa nya sayo. Ang unfair, roldt, napakadaya!

 

 

 

“Winter! Nakakainis ka sabi mo no extreme ride!”

 

“Please ito nga lang eh, nangako ka na kanina tutuparin mo ang only wish ko.”

 

You asked her na sumakay kayo ng ferris wheel.

 

“Jagi... conquer your fears nga raw!”

 

Hanggang sa makasakay kayo di ka nya pinapansin. You felt bad kasi she looks really grumpy.

 

Nung nagsimula na gumalaw ang ride, you saw her close her eyes. Damn, she’s really scared now, you understand bakit inis sya sayo.

 

She was trembling.

 

Natuod ka sa upuan but you knew you need to do something para pakalmahin sya.

 

언젠가 기억해주길

한번쯤은 돌아보길

부디 놓지 말아줘

우릴 계속 바라봐주길

 

Napatingin ito sayo dahil sa ginawa mo. After you sang a bit, you reached for her hand nananginginig lang kanina and held onto it tight. You’re never going to let her go.

 

“Do you feel better?”

 

Tumango ito at you can feel naman na medyo at ease na sya.

 

“Sabi ko naman sayo di kita pababayaan eh!”

 

“Hahaha did you understand naman ba what you just sang to me?”

 

“Ah eh diba linya naman ni Taeyeon yon? Fave mo sya eh so...”

 

She just chuckled at umiling-iling. Nagawa pang kurutin ang pisngi mo with her free hand.

 

“Pasalamat ka talaga cute ka.”

 

Nang makarating sa tuktok you made her look sa window, the both of you can see the stars and city lights, too lovely to miss.

 

“Winter”

 

“Hmmm?”

 

Nang bumaling ka nakita mong nakangiti na ito ng malaki habang nakatitig sayo at wala na ang takot nya. Hinigpitan mo ang magkasalakop nyong mga kamay at nagdampi ng labi sa kanang kamay nya.

 

“Thank you, Winter.”

 

In return, showed her your gummy smile, anything for her. Because of all the stars, she is your most favorite.

 

“To answer you, there’s no way I’ll ever forget and let go of you.”

 

“Huh?”

 

Imbes na sagutin ang pagtataka mo, kumikinang ang mga matang nilapit ka sa kaniya. Sa isang iglap lang tuluyan nang nanakaw nito ang first kiss mo at ang mga susunod pa.

 

You don’t mind as long as you get to steal hers as well.

 

—-

 

Tinatawag kita

Sinusuyo kita

 

Naalala mo yung star city date ninyo but unlike sa nangyari roon, instead of holding her hand during the ferris wheel ride hindi mo binalik ang hawak nya sa kamay nyong nakaposas.

 

Di mo man marinig

 

Nanatili itong bukas habang sya mahigpit pa rin ang hawak tugging it for you to do the same but you didn’t.

 

Di mo man madama

 

Patapos na yung kanta, her confusing actions towards you continue. Nakasandal pa rin ang ulo nito sa balikat mo at lalong hinihigpitan ang pagkaintertwined ng kamay nya sayo pero hindi mo binabalik.

 

Why would you hold onto something na hindi na sa iyo?

 

Oh, kay tagal din kitang mamahalin

 

Last verse na ng song when she said something na sobrang nagpabagabag sayo.

 

“I miss you, jagi...”

 

Bulong lang pero dahil masyado syang malapit sayo at kahit pa napaingay ng paligid, you managed na marinig yon.

 

Oh, kay tagal din kitang mamahalin

 

Ano bang dapat mong maramdaman? Ano bang tingin ni Karina sayo, aso? Asong sa bawat hila nya babalik ka sa tabi nya.

 

Nagulat ito nang tumayo ka at hinarap sya.

 

“Tapos na yung kanta, puntahan na natin sina Ning.”

 

Hindi mo ito hinitay sumagot at nagsimulang maglakad patungo sa gilid ng stage kung nasaan ang mga kabanda mo. Naiinis ka pa rin sa ginagawa nya sayo, buong araw kang nagtataka sa inaakto nya.

 

“Win, sandali masyado kang nagmamadali.”

 

Narinig mo itong umaray, malakas yata masyado ang paghatak mo sa posas.

 

“Sorry, gusto ko lang matapos na ito.”

 

Hindi mo sya nilingon pero naramdaman mong napatigil siya.

 

“Hindi ka ba nagenjoy today?”

 

Huh? Nudaw?

 

Ayaw mo nang maguluhan and doon kasi sya magaling eh magpa-ikot. Miss? Putangina namiss ka pagkatapos kang hiwalayan? Does that make any sense?

 

“Pagod na kasi ako, I just want to take a rest.”

 

Pagod ka na mag-isip at lagyan ng meaning ang bawat kilos nya.

 

“O-okay, let’s find Gi.”

 

Why is she stuttering?

 

Nang makita nyo na ang pinsan mo, dali-dali mo itong pinatanggal kasi gustong gusto mo na mag-isa yung walang gumugulo sayo.

 

“Galing ni Ningieee!”

 

Agad mong bati at yakap kay Ningning nang makita mo ito at makawala ka na ng tuluyan mula sa pagkakagapos. Gumanti naman din ito ng yakap kaya nakaisip ka ng kalokohan at binuhat unti-unti.

 

“Hoy winter!”

 

“Congrats Ningning.”

 

Binaba mo agad at pareho pa kayong napatingin ni Ning sa nagsalita.

 

“Thank you Ate Rina!”

 

“Musta naman friendly date nyong dalawa?”

 

Yawa talaga itong pinsan mo sasagot ka sana kaso naunahan ka ng ex mo.

 

“Una na ako may kailngan pa kong tignan sa office.”

 

“Uyyyy share naman ng kwento naging close na kayo?”

 

Nagwiggle pa ng kilay para asarin ka at ayaw pakawalan ang bespren nyang si Miss President.

 

“Gi, stop it nagmamadali na ako. Bye na Ning at Gi!”

 

Lumipat sa iyo ang tingin.

 

“Bye Winter... uhm thanks for staying with me today.”

 

May paspecial mention at shoutout pa nga. For the first time in forever, she smiled at you but hindi mo maintindihan ano yung nasa mga mata nya.

 

Pinanood mo itong tumalikod at maglakad papalayo sa pwesto ninyo. Bakit parang bagsak na bagsak ang balikat nya? Ay ewan, you shouldn’t care, diba?

 

Napabuntong-hininga ka na lang, hindi pinapansin ang mapanuksong tingin at kantyaw ng mga kabanda mo.

 

Ano nga kayang klase ng espiritu ang sumapi sa kanya ngayong araw na ito?

 

 

 

===

 

Ano nga kayang meron kay Karina no?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
276 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
69 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
714 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁