Nangangamba (I)

Katha
 

Nangangamba (I/III)

 

 

Sabihin mo na,

nilalaman ng puso mo

 

 

“Winter, pareho naman tayong may allowance.”

 

“Ikaw lang ang kilala kong natanggi sa libre.”

 

“Just save it, Winter. There’s no need na itreat ako for now but you can sa susunod.”

 

Sa susunod? Naglight up ang mga mata mo kasing liwanag ng bumbilya nang marinig mo na may next time pa. Napa-yes ka sa isip mo.

 

“Talaga?”

 

“Oo nga.”

 

“Okay, tusok na tayo ng kwek kwek at fish ball..”

 

“Ayaw mo kikiam? Eh chicken ball?”

 

“Hehe no thanks sa kikiam, yaw ko nyan ate...”

 

Napangiwi ka nang tinuro nito ang kikiam doon sa mga bagong luto. Kasalanan kasi ito ng mga kaibigan mong niyaya ka manood ng Pylon Run nung persyir!

 

Pagkatapos ninyo bumili ay pumasok kayo sa 7eleven para naman sa gulp na soft drinks at tumambay sa taas non, nakaaircon kasi.

 

“Gusto mo ba talaga yang Biology?”

 

“Uh oo naman, pangarap ko kasi ituloy sa Med after.”

 

Nahihiya nyang sabi but you still can see how she’s passionate about it. This is what you like about looking into people’s eyes, hindi kasi marunong magsinungaling ang mga ito.

 

Magsalita ka man ng taliwas sa gusto mong sabihin o magbihis ka man ng ibang emosyon, bitbit pa rin ng mga mga mata ang totoong nararamdaman mo.

 

“Ooohh nice, future Doc Karina pala..”

 

“Sira ka, di pa nga ko nakakagraduate ng bio. Tsaka mahal magtuloy sa med school, titignan ko pa. Ikaw?”

 

“Ako?”

 

“Bakit Philosophy kinuha mo?”

 

“Ano lang... ano kasi sabi ni Nanang magaling daw ako magrason at magsagot, pilosopo raw kaya ayon kinareer ko na hehe”

 

Natawa ito at hinampas ka. Ganda nya talaga roldt tapos kumbaga sa concert, VIP seated ka sa sobrang lapit mo sa kanya.

 

“Ewan ko sayo niloloko mo naman ako..”

 

“Totoo nga ate Rina! Lalo kaya ako gumagaling sa pagpapalusot kina Nanang dahil natetraining ang reasoning skills ko sa Philo.”

 

“Hay naku, take your studies seriously mamaya mabalitaan ko kay Ning na nakikipaglaro ka lang kina Haechan sa comp shop dito sa Teresa!”

 

“Grabeee, minsan lang yon.”

 

Isinubo mo na lang yung chicken ball na natuhog mo mula sa baso mo.

 

“Teka wag ka gumalaw...”

 

“Hmm?”

 

“Dumi mo kumain, Win parang bata talaga!”

 

Seryoso syang kalabanin at alisin yung sauce ng fishball sa ilalim ng labi mo. Shet, ganitong-ganito yung pakiramdam mo pagnabubunot ang index card mo pagmagrerecite.

 

Daig pa ng puso mo yung tambol tuwing nanonood ka ng parada at hindi ka makahinga. Sign nga talaga ito na hulog na hulog ka na sa kanya.

 

Sabi nga sa oblicon class nyo kanina, you cannot give what is not yours.

 

Sa iyo naman itong puso mo kaya pwedeng pwede mo naman ibigay sa kanya.

 

Sa totoo lang, hinihintay mo na nga lang na kunin nya. Sana iredeem nya na kasi you can’t wait na ipadala maging ang fruits and accessories na kasama nito. Ikaw at yung walang kapantay mong pag-ibig sa kaniya.

 

Hihintayin mo sya hanggang sa hindi na masyadong maaga ang lahat.

 

Wala kang ibang hihintaying kumuha nito kasi si Karina na ang nagmamay-ari.

 

——

 

“Winter, I’m sorry. Wala pa kasi sa isip ko yung mga ganyang bagay.”

 

“Ah okay lang naman Ate Rina, willing ako maghihintay and I just want a chance.”

 

“Hindi ba masyado pang maaga? Look, second year college ka palang masyado kang nagmamadali.”

 

Nagmamadali ka raw? It took you a year before maapproach mo sya at ngayon ka lang naman masinsinang tinatanong sya.

 

“Please let me just show you how serious I am with you...”

 

“Winter....”

 

“Please?”

 

“I still think it’s too early and too fast.. are you sure? Baka naman you’re only infatuated? Or just a crush? Nalilito ka lang.”

 

Hindi ka naman isang confusionism dahil mas shore ka pa sa sure. Sabi nga ng mentor mong si Ruffa Mae, go go go todo na ‘to!

 

“No! No! Ate Rina, I have liked you ever since nung group project natin sa nstp and I am really really certain of that.”

 

Parang nagulat pa ito sa sinabi mo, discreet ka lang naman kasi noon. You watch her from afar, you just got lucky when you became a part of her team for the final project ng nstp nyo last sem. Magkahalo yung sophomore at freshmen para maging interactive daw.

 

“Okay, fine.”

 

Bumuntong-hininga ng pagkalaki-laki si Karina. With the looks of it kasi you are too determined to be stopped so she has no choice but to allow you.

 

“Okay?”

 

Tama ba narinig mo?

 

“Okay.. as in do whatever you want, Winter.”

 

At nararamdaman nito

 

 

Kung 'di pa aminin ang gusto

 

 

After ng practice nila sa dance club ay susunduin mo sya more like sinasabayan sa pag-uwi. Simula nung umamin kaw, if may chance na sabayan sya talaga namang ginagawa mo. Minsan nga nagkukunwari ka pang napadaan lang pero ang trut ay sinasadya at hinintay mo talaga.

 

Dahil nga nakasanayan na, papunta ka na sa dance practice room nila at nadatnan mo ang kumpol ng mga taong nakatingin sa baba.

 

Anong meron? May nagshoshooting ba sa baba? Baka bumalik siguro ang eat bulaga at instead sa teresa magall for juan at juan for all, dito na sa loob ng Peyups naisipan.

 

Sheeeeett! Want mo makita si Maine!

 

Teka teka, nililigawan pala dapat ang priority.

 

Palinga-linga ka pero wala si Karina sa mga nasa labas kaya sinilip mo sa loob ng dance practice room nila kaso wala rin.

 

Kinalabit mo si Yeji, team captain nila nakikigulo rin sa mga chismosa sa harap.

 

“Te yej!”

 

“O Winter, bakit?”

 

“Ano ba’t natingin kayo dyan at si ate rina nasaan??”

 

“Ayy ayun sya oh...”

 

Tinuro nito yung pinapanood ng mga kasamahan nila sa baba. Minsan sumpa rin talaga na malinaw ang mata mo, nakita mo mula sa 2nd floor na pinagbuksan ng matangkad na lalaki si Karina ng pinto at pinasakay sa isang magarang kotse.

 

Naririnig mong naghihiyawan ang mga katabi mo nang sumilip sa itaas ang lalaki, binaba nito ang sunglasses nya kumindat at ngumiti.

 

“Hala, sino yon?”

 

“Ang gwapo!”

 

“Manliligaw ni Kar? Ngayon ko lang nakita yon ah!”

 

“Swerte naman ni Rina, omg!”

 

Napabaling ka rin sa mga taong nagkwekwentuhan tungkol sa kanya.

 

“Hindi raw yon manliligaw..”

 

“Huh?”

 

“May kaklase ako sa isang minor subject na classmate dati ni Karina nung high school, yan yata yung ex nya. Maghs sweethearts daw kaso pinag-aral yung guy sa States.”

 

“Weh? Legit ba yang chikka mo?”

 

“Oo, nalaman nya kasing kasali rin ako dito sa dance team kaya nasabi nyang kilala nya si Rina.”

 

“Kunsabagay, sa ganda nga ni Rina imposible talagang di pa nagkakajowa yon!”

 

“Kaya pala laging nirereject mga manliligaw nya, gwapo naman pala ng ex.”

 

“Mayaman pa, ay ang perpek ni koya.”

 

“Huyy ano ba name nung guy?”

 

“Jino or Jeno yata name..”

 

“Tignan natin sa instagram ni Kar!”

 

“Hala gagu sya nga! Acckkk gwapo nya grabe! Nakafollow din sila isa’t isa.”

 

Daig mo pa ang nabuhusan ng malamig na tubig habang napapakinggan ang mga sinasabi ng nasa paligid mo.

 

You can see how their team captain Yeji, tries to shush them. Probably nakita nya ang reaksyon mo, normal lang naman na ganito ang maramdaman kahit pa kaibigan at manliligaw ka lang nya?

 

At sa isang iglap lang, naunawan mo na bakit kahit pa ilang taon mo syang suyuin hindi sya magiging iyo.

 

May hinihintay naman pala kasing iba.

 

——

 

 

Umaalingawngaw sa isip mo yung sinabi nyang masyado pa raw maaga, masyado ka pang bata at masyado raw mabilis.

 

Anong maaga, bata ka pa at mabilis? Eh may jinowa naman na pala sya nung highschool!

 

Gusto mong matawa, dapat doon pa lang nalaman mo na. Kapag ikaw, she gives too many reasons not to that you did not realize the only true reason was because she does not like you.

 

Or she will never like you because she likes someone else.

 

Masyado pala kasing hindi ka nya gusto.

 

Sana diniretso ka na lang nya, na hindi ka niya magugustuhan para naman maintindihan mo bakit ang tagal-tagal nyang sumagot. You prefer to take a bullet kaysa magpaligoy-ligoy pa sya.

 

You opened your phone and instagram app mo. Naalala mo rin tuloy na hindi ka naman mahilig sa social media but gumawa ka ng instagram for her dahil yun lang ang way of communication nyo.

 

Exchanging direct messages, you don’t have facebook at messenger, private twitter lang and tumblr.

 

Di mo na pinansin yung new notifcations mo, be it messages or likes. Pumunta ka agad sa account ni Karina. Nagscroll ka sa following nya.

 

You saw the name na sinasabi nila kanina, Jeno Angeles. Pumunta ka sa profile nya buti na lang nakapublic ito.

 

Bungad na bungad ay yung mukhang recent pic galing sa hangout nila. The guy was driving while Rina sits and poses comfortably from the passenger seat.

 

The caption says, just like the old times 🤪

 

Tangina, mukha silang magawoj talaga.

 

Nagscroll ka pa ulit pababa, nakita mo yung mga lumang post. Totoo nga ang chismis, hindi pa dinedelete ng lalaki ang mga photo nila ni Rina na magkasama nung hayskul years nila.

 

You can’t believe ang mga nakikita mo.

 

The guy kissing Rina’s cheeks. Nakasandal si Rina sa balikat ng lalaki while holding a bouquet of roses. May mga pic na napapalibutan sila ng maraming tao, you assumed na highschool classmates siguro nila ang mga yon. Sila yata yung parang sikat na sikat na couple ng school.

 

The guy even had a special nickname for her, Karomi.

 

One of the caption pa sa sandamakmak na pictures ay Happy Birthday, My Karomi! 🌹

 

Wow, sanaol binibigyan ng roses. Sanaol pinusuan din ng crush. Sanaol minamine pabalik, pota.

 

Sa sobrang inis mo, bitter na bitter, you closed the app immediately and erased it from your phone.

 

Okay lang, kaunti lang naman ang posts mo roon ayaw mo kasing nagpopost ng picture ng sarili mo masyado napilitan ka lang naman gumawa ng instagram para makausap mo sya even outside the school.

 

Ngayon naman hindi mo na kailangan, malinaw na malinaw sayo na wala ng patutunguhan pa.

 

Maghabol nang maghabol, wala ring mapupunta sayo.

 

Pakshet!

 

 

Baka kasi mawala na ako

 

 

==

 

 

 

Mej obvious na ito yung isa pang plot for Masyadong Pang Maaga tas narealize ko it fits Nangangamba kaya kinontinue ko na at gagawin ding multi-shot (3 parts po ito)

 

note: uu nga pala mga lods, i know marami naghihintay ng mpm part 8 til now outline palang mayroon ako. sad to say magiging inactive rin muna ako dito sa aff at sa twitter... hope u can forgive me for leaving this behind for the meantime again... (sana saglit lang tlaga)

 

i tried my best na makatapos ng isang shot kaso dehins di ko kinaya but I was able to complete the first part of Nangangamba. See you!

 

i was unsure whether to post it or not. But i guess, para may balikan kau kahit papaano dahil mawawaley na naman aq hahahah at di ko sure hanggang kelan...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
277 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
72 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
717 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁