The Day You Said Goodnight

Katha

 

The Day You Said Good Night

 

(Your Universe ver 2)

 

“Ate, my decision is final. I won’t tolerate this anymore!”

 

Binaba mo yung phone mo, suddenly lahat sila tumatawag para pigilan ka all because of their so called reputation.

 

Pero punung-puno ka na, you let this go on for too many times. Ito na siguro yung tamang panahon para tumigil at simulang maningil.

 

Nakaupo ka rito sa isang sikat na law office while wearing ang mamahalin mong sunglasses to protect you sa sinag ng araw or ang namamagang mong mata. Pinag-isipan mo ito ng husto, today you want everything to end.

 

“Good morning, Mrs. Alvarez! Ako nga pala si Atty. De Leon and according to what I’ve heard you are here to seek legal advice about annulment.”

 

“Yes and I’m really planning to push it through. I want my marriage to be annulled.”

 

“Rest assured, Ma’am Karina we’ll do our best to help you get your annulment approved. But as you can see, it will be a very difficult and painful process especially towards women so we need you to be patient.”

 

“I know this is why I sought you, my cousin’s friend told me your firm handled her case.”

 

“Well, I hope alam nyo na yung consequences, you came from a very powerful family at ganoon din ang asawa ninyo.”

 

“I want this to be settled as quietly as possible until I received the court’s decision.”

 

“Gagawin namin ang makakaya namin para hindi kayo pagpyestahan ng media.”

 

Napabuntong-hininga ka, may pakpak ang balita hindi mo alam hanggang kailan maitatago ito sa public. Artista ka while your husband came from a political family. Just by the looks of it, alam mong this is going to be messy pero pagod ka na sa pagkukunwaring perpekto at ayos ang lahat sa inyo.

 

Nasusuka ka na, sa harap ng tv umaarte at pati ba naman sa totoong buhay kailangan mo pa ring magpanggap for the sake ng perfect and clean image ng parehong partido. to be put in this kind of situation pero wala kang magagawa.

 

“For the meantime, let me call kung nandiyan na yung lawyer that I will be assigning sa case mo. Don’t worry, very competent ang batang ito and she’s our firm’s ace, not to mention she topped the bar three years ago pero napakahumble at napakasipag.”

 

Tumango ka dahil dapat lang hindi naman kasi basta-basta lang ang binayad mo sa kanila. Maya-maya lang nakarinig kayo ng katok mula sa pinto.

 

“Sir?”

 

Napalingon ka sa nagsalita, oh my god yun lang ang nasa isip mo. Huminto ang mundo at wala kang ibang nakikita kundi ang taong nasa harapan mo. 

 

“Mrs. Alvarez, this is Attorney Winter Salazar, sya ang magiging annulment lawyer mo.”

 

Gusto mong tumawa, pinagtitripan ka siguro ng tadhana.

 

Hindi pa ba sapat ang karmang nakuha mo after all these years?

 

 

 

——

 

“Hey, Rina! Are you up for a challenge?”

 

Tahimik mong nilalaro yung pagkain mo, nasa Jollibee kayo walking distance mula sa PUP Main kung saan kayo lumalagi kanina.

 

“Challenge? What do you have in mind ba?”

 

Balik mong tanong sa kaibigan mong may baong sutil na ngiti sa labi.

 

“Well, sabihin mo muna kung payag ka.”

 

“Yuna, kilala mo ko. I don’t back down, kaya make sure na magugustuhan ko yang challenge mo.”

 

She winked at you, you and your mischievous friends all loved playing plus why are most people taking love so seriously?

 

You don’t believe in love. Ikaw, si Karina Diaz, not even your Atenean classmates na sobrang gagwapo at tatalino can make you swoon.

 

Hindi ka naniniwala at for you, those who fall in love are pure losers.

 

“Let’s see, matagal na tayong hindi lumalabas ng Ateneo. Maybe, it’s time ulit na subukan natin sa outsiders!”

 

“Yuna, ano na naman ba sinasabi mo dito kay Karina?” 

 

Singit ng friend nyong si Lia na kababalik lang from restroom.

 

“Naging busy kasi tayo but now, that I think of it medyo boring nga. Sobrang tagal na nung huli nating bar hopping.”

 

Nakapalumbaba mong tugon dito, same lang sila halos lahat ng galawan eh to be honest you are getting tired of acting like nagugustuhan mo yung cliche moves nila na ilang ulit mo nang nakita.

 

“My dear friend, I’m just helping Rina cure her boredom.”

 

“Wala akong tiwala dyan sa ngiti mo, kayong dalawa ha.”

 

“Yuna, sabihin mo na lang kasi pinapatagal mo pa. Anong challenge ba ang gusto mong patulan ko?”

 

“Tutal nandito tayo sa PUP, why not dito natin piliin ang bagong toy mo?”

 

Nagpunta kayo sa PUP-Sta. Mesa para magpasagot ng survey ninyo, yung mga state university students kasi ang need nyong respondents eh. Balak nyong ihuli ang mga UP student since malapit lang naman sila sa inyo. 

 

“What?”

 

“Anong what ka dyan? Sabi mo kahit ano, malay mo maenjoy mo.”

 

Sa totoo lang, nagdalawang-isip ka bigla. Paano ba naman kasi almost lahat ng estudyanteng pinapakiusapan nyong magsagot ay mukhang mababait, hindi nila kayo iniisnob kung mayroon man siguro yung mga nagmamadali but they politely declined.

 

Papayag ka bang mamantsahan ang isang puting damit?

 

“Game ka pa ba? Simple lang naman Rina, gaya lang ng dati make the guy fall in love with you then break him. Ikaw bahala paano mo sya kukunin, lalaruin at kung hanggang saan mo dadalhin.”

 

You don’t know what to expect. Hindi naman bago sayo to play with a total random stranger, you had lots of one night stand tuwing nagpapalipat-lipat kayo ng bar.

 

“Rina, wag mo ngang pakinggan yan si Yuna. Hindi pa rin ba kayo nagsasawa sa paligsahan nyong dalawa?”

 

“Wala naman mali sa pinapasubok ko kay Rina, Li. Binibigyan ko lang sya ng masayang gawain especially deserve nya to have some fun after nitong stressful nating thesis.”

 

Nakapag-isip ka na, tama nga rin naman sobra kang nastress sa group thesis ninyo. Isang buong sem kang walang boyfriend, oops boy toy pala.

 

“Okay fine but in exchange, I want you to date Ryujin Salcedo of UST for a year then dump her.”

 

“Are you crazy?! No!”

 

“Bakit hindi? Isa naman sya sa masugid mong manliligaw, madadalian ka.”

 

“Rina, I don’t swing that way, plus friend sya ni Chaer ayokong pagalitan ako ng pinsan ko.”

 

“Ayaw mo bang pagbigyan man lang yung tao? She’s been what courting you for 2 years now? A little experiment won’t hurt, Yu. Plus, gusto ko ring makaganti sa kapatid nyang si Changbin.”

 

Narinig nyong bumuntong-hininga ang kaibigan nyong si Lia. Lately, hindi nyo maintindihan ba’t bigla na lang syang naging iritable at hindi nakikisakay sa trip nyo. Anong nangyari ba?

 

“Hindi ko na ba talaga kayo mapipigilang dalawa? Arghh... fine, bahala kayo. Magpapasagot na ko ulit ng questionnaires, tapusin nyo na yang lunch at mamaya na kayo mag-away. Sumunod kayo, okay? Balik na ko doon.”

 

Bumaling ka ulit kay Yuna who is obviously out of her mind sa hiningi mong kondisyones.

 

“Yes, kaya nga I don’t entertain her eh. I’m straight. Bakit idadamay pa natin sya eh brother nya pala may atraso sayo? Just name any guy sa class mo and I’ll play with him.”

 

“That’s not fair, Yuna. Pumayag ako na you’re going to pair me with some random PUPian guy. Playing with someone na matagal ka nang gusto ayaw mo pa?”

 

Matagal itong natahimik at nakikipagsukatan ng tingin, well hindi mo babawiin ang kapalit na gusto mo. 

 

“Okay fine! But let me change something, yung target mo is kung sino man ang huling respondent ng survey natin dito sa PUP and that means not only limited to a guy.”

 

Hindi talaga sya nagpapatalo. Ah yes, a little experiment won’t hurt diba?

 

—-

 

“Bakit ang daming nakapila? Anong meron?”

 

Tanaw na tanaw mo yung pila mula sa 5th floor sa may Freedom Park. Nakakapagtaka lang kasi wala namang may mga hawak ng placard at sumisigaw. Madalas yung mga namimigay ng libreng blue na inumin or yung nag-aalok ng mumurahing sim cards with freebies ang nagiging dahilan ng pila ay mukhang absent din.

 

“May mga magaganda raw na tagaAteneo na nagpapasagot ng survey.”

 

Basta talaga usapang chix di nahuhuli tong katropa nyong si Mark.

 

“Winter! Di ba maganda sulat mo? Dali-dali pila ka don!”

 

Tanginang Haechan ito parang nakalunok ng megaphone, pilit ka ring niyaya bumaba ng hagdanan.

 

“Putek bitawan nyo nga ko!”

 

“Tara na! Bilisan mo, tulungan mo naman kami. Gusto lang namin makita sina ate gurl, sobrang ganda raw bes! Dyosa!”

 

“Tsaka diba mahilig ka sa pink pringles at chocolates? Namimigay daw sila non after mo sumagot sa questionnaire nila!”

 

Para silang baliw na dalawa halos buhatin na pati mga paa mo, kakamadali. Ang awkward kasi pagdating mo roon puro lalaki ang nakapila. Ang tatangkad panay likod nila ang natatanaw mo at hindi mo maaninag man lang yung hinahanap ng mga kaibigan mo.

 

Nagselpon ka na lang habang hinihintay umusad ang pila. Nakatutok ka pa rin at hindi mo napansing malapit ka na pala kung hindi ka pa tinulak ng dalawa mong kupal na kaibigan. Tatadyakan mo sana sila pareho kaso may boses na pumigil sayo.

 

“Ah hi?”

 

Napalingon ka, ito ba yung pakiramdam ng mga upuan na hinuhulog mula sa 6th floor ng main building? Kasi kung oo, naiintindihan mo na ang pakiramdam na mahulog at solid ang pagtama sa lupa. Tangina, grabe yung impact! Hindi ka makaimik.

 

“Miss, buti nakaabot ka pa, this is our last questionnaire.”

 

Daig pa ng mga sigaw ng mga kabataang lumalaban para sa edukasyong karapatan dapat ng lahat, ang dagundong ng dibdib mong hindi mapakali nung kinausap ka niya at nginitian. 

 

Malumanay nyang pinapaliwanag sayo ang thesis at anong ibig sabihin ng mga nakalagay sa pinapasagutan nila. Wala ka naintindihan bukod sa ang respondents nila ay State U students kaya sila nandito, hindi mo nga rin alam ano ba objective ng research nila.

 

Shuta, nakakapanghina pala kasi yung dimples, ngayon ka lang naapektuhan ng sobra. At nakakadistract super yung nunal sa babang gilid ng labi nya.

 

Tao ba itong nasa harap mo?

 

Tao ba talaga sya?

 

Totoo nga yata yung sinabi nila, ah hindi, sure kang she nalagpasana nya na si Aphrodite o kung sino mang Goddess of Beauty ang pinag-aaralan ninyo.

 

“Ang unique naman ng name mo.”

 

Komento nito habang ikaw namamawis at nanginginig pang nagsusulat, paano kasi ramdam mong titig na titig ito sayo habang nakatungo ka sa papel at iniiwasan ang tignan sya. 

 

Nang matapos ay masinsinan nitong binabasa ang mga sinulat mo sa papel. 

 

“Hi, Winter! Ako nga pala si Karina, this is Yuna and Lia.”

 

Inabot naman sayo nung Yuna yung pink pringles at chocolates while yung Lia nginitian ka at nagmouth ng thank you.

 

“Thank you sa pagparticipate and since ikaw ang last respondent namin. I have something special for you.”

 

Nagtataka ka, bakit hininaan nito ang boses nya at lalong lumapit sayo?

 

“So Winter, UAAP fan ka ba?”

 

Shet na malagket, opkors! Fan na fan ka ni Mika Reyes, Alyssa Valdez, Denden Lazaro, Ara Galang, Kim Fajardo at Jia Morado

 

“I have an extra ticket with me on Sunday. Wanna watch the volleyball game together?”

 

Hindi mo alam kung saan ka unang malalagutan ng hininga sa excitement mong mapanood ng live ang favorite vball players mo o dahil sa kindat ng dyosang itago na lang natin sa pangalan na Karina.

 

 

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

 

 

Note: May other version pa ako nito hahahaha gusto ko lang talaga ng lawyer Minjeong, ito yung your universe na hindi sila 🤣🤣🤣 Nakailang palit ako ng idea if I get to finish the other ver ishare ko pero for now, ito lang muna. (Hayyy nakakamiss din pala magsulat...)

 

First plan ko gawing lawyer si Minjeong ng asawa ni Karina sa divorce case and they will meet sa court room. But I decided na ifit sa PH setting, wala pang law for divorce talaga rito. Tapos nilipat ko na lang si Winter as Karina’s lawyer pero bahala na if I will be doing the original one HAHAHAH I think mas intense yon. (Magreresearch din muna ako abt this para kahit papaano hindi pure fiction, kung may law student mang nagbabasa nito or nagbabalakmaglaw at may alam sa annulment process baka pwede paturo and paexplain in simple terms hahahah baka di kayanin ng utak ko ang mga ireresearch) (I also had a lot of misconception about annulment nashookt ako that hindi pala ganon yon hahahahhahahah)

 

I can’t say that babalik na ko. Ilalatag ko lang talaga ito, probably after MPM pa ‘to masusundan.


wait lang pala baka may maoffend akong atenista ha 😭😭😭 inspired din kasi ito nung maynakachat ako sabi nya ambabait dw ng mga tagapup and hindi sya atenean pero bat nga ba tagaAteneo eh kasi vball fan ako HAHAHHAA ayon lang naman fan ako ni Baldo ✊💪 (shuta ang hirap kaya pumila sa San Juan makanood lang noon amputek 😭😭😭)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
276 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
69 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
714 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁