Masyadong Pang Maaga (I)

Katha


Parang kay bilis ng iyong pag-alis
Teka lang, teka lang, teka lang muna
 

 

“Ano bang alam nyan? E gitarista lang naman yan ng banda kaya nanalo.”

 

Tiim-bagang mong sinalubong ang himutok ng damuhong nasa harapan mo. Ang sarap nyang bangasan at sa totoo lang kanina ka pa nagpipigil.

 

“Ano bang maitutulong non sa pagiging opisyal ng student council? Wala namang alam yon!”

 

Kung ikaw siguro yung dating Winter baka nasapak mo na ito at hindi mangingiming manghamon ng away, tutal ang sarap suntukin ng mabahong bibig nya. Oo nga pala,new year new me ka na, ikaw na si Winter 2.0. Hindi ka na mapagpatol.

 

Nakita mong dumarami na ang kumpol ng mga estudyante sa paligid nyo at ang tukmol walang kaalam-alam na nasa likod ka lang nya. 

 

Napansin mong may bagong dating na agad na napatingin sa inyo.

 

Yung bago at kakapanalo lang na student council president, si Karina Diaz.

 

Ano nga bang masasabi tungkol sa kanya??

 

Hmmm, maganda sya

 

Matalino, fourth-year accounting student at consistent dean’s lister

 

Running for Summa Laude

 

Sobrang talented, marunong kumanta, sumayaw at umarte. 

 

Crush ng bayan, part time model at nagteteatro.

 

Responsable, last year’s SC vice president

 

Ika nga nila higit na pinagpala at peyborit ni Rowld.

 

Perpekto!

 

Ah eh Siguro?

 

Mukha lang syang perpekto pero ayun bagsak sa isang category, kaya naniniwala kang hindi.

 

Almost perfect lang sya.

 

Hindi mo kasi sya girlfriend

 

Ay mali —- hindi mo na sya girlfriend

 

Ex-girlfriend mo

 

Secret ex-girlfriend mong hiniwalayan ka dahil napakaisip-bata mo raw, iresponsable, puro biro kalokohan at laro ang alam mong gawin at ni hindi mo nga raw yata kayang magseryoso kahit kailan.

 

Dapat hindi ka na raw nya pinatulan. Ano raw bang pumasok sa isip nya at umoo sya sa mas bata sa kanya?

 

Lahat sana yon mapapalampas mo. Kasi tangina hindi mo maintindihan, parang ang babaw naman yata masyado ng dahilan nya!

 

Mababaw diba?

 

Kaso eto ang pinakahindi mo matanggap, tinawag nyang pambata ang pangarap mo, pagiging parte ng isang banda. Yung gabi-gabing pagtugtog nyo ng banda mo at paghihirap mong magsulat ng kanta, turing nya sa pagsusumikap mo pambata?

 

Gusto mong tumawa, sino ba kasing niloloko mo? Kahit below the belt at nakakasakit ang hirit nya.

 

Eh si Karina yan!

 

At alam mo yung sinasabi nila?

 

Marupok

 

Marupok ka kay Karina dahil mahal na mahal mo sya.

 

Handang- handa ka nang magmaka-awa sa kanya, na magbabago ka at gagawin mo ang lahat bumalik lang sya sayo.

 

Sige na tatanggapin mo nang pambata ang pagbabanda! Hindi mo na ipipilit na pumunta sya sa mga gig mo. Kung gusto nya sige bibitawan mo na yang gitara mo.

 

Sige na aamin ka nang isip-bata ka talaga! Mangangako ka ring hindi mo na sya kukulitin mag chocolate ice cream bago kayo umuwi every date ninyong dalawa.

 

Sige na kahit bobo ka naman, mag-aaral ka na rin ng husto para maging responsable at matalinong estudyante ka na. Di ka na matutulog sa klase tuwing umaga at makikipag-away sa mga lasinggero sa tinutugtugan nyong bar sa gabi.

 

Di ka na magkacutting classes para maglaro ng LOL at DOTA. Hindi mo na rin sasayangin ang wifi ng dorm nya sa pagpubg at ros.

 

Magseseryoso ka na!

 

Kapag galit sya, di mo na sya lalo aasarin. Di mo na sya bibiruin tuwing bagong gising. Iintindihin mo na lang sya at di mang-iinis pagtinotoyo na.

 

Basta hindi ka na magiging si Winter na isip-bata!

 

Kaya lang kung kailan handa ka nang lumuhod sa asin, kumain ng bubog, kabisadong-kabisado na ang mga panata mo sa kanya at gagawin lahat ng hiling nya. Nakarating ka na sa kanto ng bahay nila ay madadatnan mong may kayakap ito.


Kilalang-kilala mo yang damuhong yan, matagal nya ng manliligaw si Jeno Angeles.

 

Perfect match sa kanya, tamang tama sa ideal type nyang sinulat nya sa paslam book ng ate Giselle mong kaklase nya mula hayskul. Matangkad, lalaking gusto sya at matalino. Tamang-tama sabi nga nila sa campaign, sila raw ang perfect tandem kaya iboto sina Karina at epal bilang bagong presidente at bise presidente ng University Student Council.

 

Heto ka naman ngayon, nagquit pansamantala sa pagbabanda para ipakain sa ex mong magaling ang mga sinabi nya tungkol sayo kaya ka rin sumali at tumakbo bilang Vice President ng kalabang partido nito. 

 

Hindi dahil sa nagseselos ka ha, hindi talaga!

 

Pero tangina, ganyan yung pinalit nya sayo?

 

Pagkatapos matalo sa eleksyon kung ano-ano pinagsasabi, daig pa ang sanggol kung ngumawa. Akala mo uhuging batang dinaya sa pogs at pinatid sa patintero.

 

Asar-talo naman pala.

 

Pota, mas isip-bata  pa sayo ‘to eh.

 

Dumating naman ang ate Giselle mo sa tabi mo, magkabatch sila ni Jeno pero syempre mas malakas ang lukso ng dugo.

 

Ipagtatanggol ka na sana ng pinsan mo, ready na makipag rap battle kay Jeno. 

 

Hindi sa tinitignan mo si Karina pero nahagip ng mata mo ang mariin na tingin sa inyo at akmang lalapit, iniisip sigurong aawayin mo yung bago nya. Hindi rin naman lingid sa kanya na marunong kang magjudo, taekwondo at syempre laman ng basag-ulo madalas. Di rin kasi nakatulong na puro lalaki na ang mga pinsan mo bukod kay Giselle. 

 

In short, pareho kayong sanay makipagbardagulan ng pinsan mo kahit babae kayo.

 

“Hoy anong sinasabi mo—“

 

“Ate Gi, huwag mo na lang pansinin dahil kahit anong sabihin nya I won fair and square.”

 

Nainis ang epal, sinugod ka at kinwelyuhan. Ikaw? Kalma lang, maganda ka eh.

 

“Ang angas mo, lamang ka lang ng isang boto.”

 

“Ano naman? A win is a win.”

 

Humigpit lalo ang hawak nya sayo baka hindi ka talaga makapagpigil kaya sobra mo nalang kinukuyom ang palad mo.

 

“Bitawan mo nga ang pinsan ko!”

 

Nagtataka man ang ate Giselle mo sayo, ready na ready pa rin naman sya rumesbak. Magsasalita ka pa sana ulit kaso may lumapit na at umawat sa inyo.

 

Alam mo yung pabangong gamit nya.

 

“Jeno, tama na yan.”

 

Hindi ka pa rin binibitawan. Hinawakan ito ni Karina sa braso, unti-unting inilalayo. Nang magawa nya humakbang sila paatras pero masama pa rin ang tingin sayo ng lalaki.

 

“Tara na, tumigil na kayo.”

 

Aya sa kanya ng ex mo. Sabay silang aalis sa eksena, ampota ang sweet naman. 

 

“Miss President!”

 

Tawag mo, ang hilig nya kasing talikuran ka. Ganon-ganon na lang ba?

 

Ang dali naman nyang palitan ka. 

 

“President baka naman sa susunod pwedeng pakitali yang aso mo para di sya pagala-gala at tahol nang tahol.”

 

Maya-maya lang naramdaman mo nang may parang sumapong bato sa mukha mo. Basag ang labi mo at dumudugo na.

 

Ah tangina ang hirap nga naman magbago.

 

“Winter!”

 

Ay shet may anghel, boses ng anghel yon!

 

After 3 months ngayon mo lang ulit narinig na tinawag ka nya.

 

Pagdating mo sa alapaap, kaninong santo ka kaya dapat lumapit para bumalik na sya sayo?

 

Sa'n nagkamali? Pwede bang bumawi?
Teka lang, teka lang, teka lang muna
Masyado pang maaga


 

****

 


 

Dahan-dahan mong minulat ang nga mata mo, nakayukod sa table. Nakatulog ka pala, muntik ka nang atakihin sa puso dahil may paang nagsisway sa tapat mo.

 

Kilala mo yong sapatos na yon, regalo mo sa kanya nung birthday nya.

 

“Hi?”

 

Alanganing bati nya sayo, alam nya kasing yari sya. 

 

“Winter, anong ginagawa mo rito?!"

 

“Di kaw raw kumain ng lunch sabi ni ate Gi. Dinalhan kita ng food at coke kaso natutulog ka kaya di muna kita ginising.”

 

Pagagalitan mo na sana sya kasi syempre hindi nga dapat malaman ng iba na kayo tapos pupuntahan ka nya sa student council room. Paano kung may makakita sa inyo?

 

“Winter diba sabi ko naman sayo—“

 

“Alam ko pero nag-aalala lang naman ako.”

 

Napayuko naman ito ng husto, ang liit-liit nya talaga tignan. Hayy ang cute, sobrang cute!
 

Gusto mong matunaw.

 

“I’m sorry hinatid ko lang naman yan talaga.”

 

Bago pa man sya makalapit sa pinto ay hinawakan mo ang kamay nito at hinila papuntang storage room.

 

Naglulumbay-lumbayan lang ito kanina. Nakasmirk na nga si tanga, alam na alam kasing di mo sya kayang tiisin.

 

“Nakakainis ka!”

 

“Babe, hindi po kaya.”

 

“Thank you.”

 

Bulong mo at yumakap sa kanya.

 

“Naku hindi ako tumatanggap ng thank you lang.”

 

Inirapan mo pero unti-unti ka rin namang yumuko at nag-iwan ng munting halik sa labi nya.

 

 

 

Humiwalay lang kayo sa isa’t isa nang makarinig kayo ng katok sa pinto.

 

“Ate Rina?”

 

Bumukas ang ilaw at nagpanggap kayong may inaayos sa loob.

 

“Ate Rina! Ay hello rin Winter!”

 

Nabigla na may kasama ka pala.

 

“Nagpatulong lang ako magbuhat sa kanya.”

 

Patingin-tingin sa inyong dalawa.

 

“Ah sige alis na ko thank you sa pasnacks Vice president.”

 

Kinindatan ka pa. Wow ang lowkey ha, gusto mo sya kalbuhin.

 

“Buti tinulungan ka nya ate Rina.”

 

“Oo nga Ning akala ko kasi nung una kaya ko buhatin mag-isa yung boxes dito sa loob ng storage room. Sakto napadaan sya sa hallway kanina."

 

Nakikinig lang ito at busy na sa pagdampi ng palad sa balat nya

 

“Dapat pala ate pausukan na rin natin to, ang daming lamok na pumapapak dito oh.”

 

Tumango ka lang bilang pagsang-ayon. Lumilipad pa rin ang utak mo dahil muntik na kayo mahuli. At si Ningning pa talaga na nakalunok ng megaphone, broadcaster ng bayan ang makakakita sa inyo.

 

“Uy ate Rina bakit parang namamaga yata ang labi mo? Nakagat ka ng lamok?”

 

Namula ka, gago talaga yang si Winter.

 

 

Teka lang, teka lang, teka lang muna

Masyado pang maaga para mawala ka


====

 

Inspired by 1D's 18 and Ben&Ben's Masyado Pang Maaga.

3rd yr college AB Philosophy student si Winter at 4th yr Accounting student naman si Karina

 

 

This is supposed to be Seulrene's pero para to sa birthday ni Winter kaya BELATED HAPPY BIRTHDAY WINTERRRRR!!!! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
277 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
72 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
717 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁