006

High School Crush On
Please Subscribe to read the full chapter

Tinignan ko ulit yung sarili ko sa salamin sa huling pagkakataon bago ako umalis ng bahay at pumasok sa school. Suot ko yung t-shirt ng school kahit pa ba sabihing pwedeng mag civilian pero may tinatawag pa rin silang proper attire and ito nga yun, yung t-shirt ng school na every year napapalitan ang design not bad na rin naman kesa naman mag uniform kami diba, white t-shirt lang sya then yung design na for this school year. Sino ba namang estudyante ang gustong laging naka uniform diba. So ayun, nag tuck in lang ako then yung pants ko faded na fit sakin then belt, oh diba perfect then white shoes para sa clean look ko for today. Then yung buhok ko hinayaan ko lang na nakalugay, I just feel na kailangan kong maging good looking simula ngayon kasi ayun, nakakahiya mang aminin pero sa tingin ko gusto ko na nga ata yung lecheng Winter na yun na sa kaswertehan ko e kaibigan ko pa simula pagkabata. Kinuha ko na yung messenger bag ko since wala namang klase ngayon, so di na rin ako nag dala ng gamit pang complete ko lang ng look tong bag na to.

“Ma. Pa. Pasok na po ako.” Kako bago ako nag goodbye kiss sakanilang dalawa.

“Mag iingat ka. Sige na at late ka nanaman atang bata ka.” Sabi pa sakin ni Mama at binigyan ako ng magaan na ngiti. Tumingin ako kay Papa bago ako nag wave ng goodbye sakanila at tuluyang lumabas na ng pinto. Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko at nakita kong nag text nanaman tong si Winter.

 

From: Wintermelon

San kana? Late na nga kami pero mas late ka pa rin talaga hahahaha.

 

To: Wintermelon

Daming sinsabi, di nalang sabihing miss ako hahahaha. Nasa tricycle na, saglit nalang to.

 

From: Wintermelon

Oo nalang hahaha. Sige, ingat :*

 

Tinitigan ko lang yung text nya. Bakit ba kasi ang hilig nito mag send ng kiss sa text jusko, dati wala akong pake dyan pero iba na ngayon Winter. Iba na! Di na ako nag reply since malapit na rin naman ako sa school. Bumaba na ako kaagad at nag bayad kay kuyang driver. Inayos ko saglit sarili ko at nag salamin muna sa cellphone ko. Pumasok na ko, walang nangunguha ng I.D ngayon since di naman Monday. Dumaan muna ako sa chapel para magpasalamat sa itaas. Nakita ko na agad yung tatlong itlong kong kaibigan na nakaupo dun sa may labas ng gym since may mga bleachers din naman doon.

“Naks, san punta natin teh?” Pang aasar pa ni Giselle sakin atsaka pa sila nag appear tatlo, bwiset.

“Wag kayong ganyan, baka mag tampo.” Pang gagatong pa nitong bwiset na Winter na to. Kung di ko lang gusto to sinapatos ko na to dito mismo e. Pasalamat sya, cute sya.

“Blooming ka. Anong meron?” Tanong ni Ningning habang naka ngisi nang nakakagago ang gaga. Napatingin naman ako kay Winter na nakatingin na pala sakin. Nakita ko yung pag scan nya sakin mula ulo hanggang paa, potek nahihiya ako na kinikilig bakit ganon. Ngumiti sya bago ulit sya tumingin sakin at tumango.

“Bet.” Sabi nya habang nakangiti pa rin sya sakin. My ghad, bakit ang ganda. Kalma self, si Winter lang yan, yung crush mo. Ay tae, este si Winter lang yan, yung kaibig

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Urnzone
So yes. The End. Thank you sa lahat ng sumuporta sa unang story ko dito sa mga baklang ito, charot. Sa mga nagbasa, silent reader man o hindi. Sa mga nag walang sawang nag cocomment ng thoughts nila every chapter. Sa mga naghintay kahit may times na matagal yung update, sobrang thank you sainyo <3.

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
547 streak #1
Sobrang cute talaga netong balikan hehe
TakuyaKen
#2
Chapter 17: kinda confused in the end pero cute hehe
yurielle
#3
Chapter 7: karina bading
yukimin
#4
Chapter 17: Wahhhh shet ang cute kinabahan ako akala ko nirewind lang yung panaginip eh ang lawak lawak din tuloy ng ngiti ko.Thankyouuu for this author mwahhh
yukimin
#5
Chapter 15: WAHCJCJJSJSJD HOYYY ANONG ORAS NA KINIKILIG PA KO MAAAA
yukimin
#6
Chapter 14: tangina minura HAHAHAHAHAH
eunbisandpizza #7
Chapter 17: aw tapos na, ang kyut ng story otor, thank you sa pagsulat nito hehe
ayrenecutie
#8
Chapter 17: uwu ang cute ng story love it to the bone🥰
ayrenecutie
#9
Chapter 8: kinilig ako rawr di ko pmapigilan na mapangiti :)
ayrenecutie
#10
Chapter 4: damang dama ko ako si winter sa storyang ito eh kaso yung feelings ko para kay karina huhu