014(Winter)

High School Crush On
Please Subscribe to read the full chapter

“Winter!” Rinig kong tawag saakin ni mama mula sa sala. Naghahalungkat pa rin ako ng damit na susuotin para sa date naming magkakaibigan.

“Andito na mga kaibigan mo anak. Dalian mo na dyan.” Napakunot ang noo ko, maaga pa ah. Nag kibit balikat ako at sumagot kay mama na palabas na. Dumampot nalang ako ng simpleng oversize na t-shirt. Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko na agad yug tatlong mokong na nakangisi sakin ng nakakaloko. Anak ng, alam ko yang mga ngitian nila na yan e. Tumingin ulit ako sa relo ko and yes, lunch time palang.

“Walang ulam! Para samin lang yon!” Pabirong sigaw ko sakanilang tatlo at sabay sabay namang sumimangot ang mga ito.

“Titaaa, si Winter po oh.” Sabay sabay nilang sumbong kay mama. Parang mga sira talaga tong tatlong to.

“Hayaan nyo yan. Sainyo na yung parte nya.” Natatawang sagot ni mama sakanila. Napabusangot naman ako agad.

“Mama naman~~~”

“Oy oy, narinig namin yun. Saamin na parte mo.” Sabat naman nitong si Karina. Sinamaan ko sya ng tingin.

“E kung sapak sapakin kaya kita dyan, Rina.”

“Tita si Winter po namimisikal~~~” Sumbong pa nito. Nako kung di lang talaga gusto tong isang to kanina pa to tinamaan sakin ng kiss sakin e, este fist. Sinimangutan ko sya bago ako pumunta ng kusina at sinilip kung maluluto na ba yung ulam. Di naman na bago saming magkakaibigan kung makikain kami sa isa’t isa. Actually, sabi ni mama na expected nya na daw na mangyayare to nung nag sabi ako sakanya na may gala kaming apat ngayon kaya nag pa sobra talaga sya ng luto ngayon.

“Tawagin mo na sila at ang papa mo, kakain na tayo.”

“Sige po Ma. Puntahan ko lang si Papa sa labas.” Kako at bumalik na ulit sa sala. Isa isa ko silang kinoyatan at sinabi na kakain na at tatawagin ko lang si Papa sa labas. Ngumisi naman sila sakin na parang mga tanga.

“Pa? Kain na raw po tayo.”

“Sige anak.” Tumayo na si papa mula sa kinauupuan nya at sabay na kaming pumasok. Inaya ulit ni papa yung tatlong mokong bago pa sila tumayo. Nauna na si papa sa kusina at naiwan kaming apat dito sa sala.

“Hoy, usapan after lunch ah.”

“After lunch nga, wala namang napag usapan kung san ba dapat mag lunch.”

“The best kaya luto ni tita no.”

“Ay true, kaya favorite ko yan si tita e.” Kinonyatan ko si Giselle at tumawa naman ito.

“Kapal mo, pag nakila Ningning tayo yan din sinasabi mong hayop ka.”

“Kala mo naman napaka linis mo, kung mabola mo nga rin si Mama pag dun kayo kumakain sa bahay wagas e.”

“Syempre dapat pinupuri talaga sila no. Nakikikain na nga lang e.”

“Exactly my point teh.” Sagot pa nito sakin sabay irap ng pabiro

“Tara na, gutom na ko.”

“Lagi ka namang gutom Ning.”

“Heh! Manahimik ka, kagatin kita dyan e.”

“Ayan na nga ba sinasabi ko e, type mo talaga ako e.”

“Hala gago, mandiri ka nga Winter.” Bago pa ako tinulak nito palayo habang tumatawa. Nauna ng maglakad yung dalawa, ang kapal talaga ng mukha nung dalawang yun kahit kelan. Tinignan kita, inaantay mo ata akong pumunta na rin sa kusina.

“Tara.” Di ka pa rin gumalaw sa kinatatayuan mo. Nakatitig ka pa rin sakin. Medyo nahiya tuloy ako.

“Uy Rina tara na kako.” Wala ka pa ring sagot at naka tingin ka lang talaga sakin. Nakita kong sumasandok na ng ulam yung dalawa kaya tinawag na ulit kita.

“Karina alam ko nagagandahan ka nanaman sakin pero please gutom na—”

“Taena ka kaya pala di ko mahanap hanap yang damit ko nayan nasayo pala, bwiset ka talaga.” Ay, akala ko naman nahuhulog na sakin tong kaibigan ko na to. Tinignan ko yung suot ko, kaya pala. Natatawa akong tumingin ulit sayo habang ikaw naka busangot na yang mukha mo.

“Kaya pala di ako familiar sa damit, sayo pala to.”

“Balik mo yan.”

“Agad agad, gusto mo lang makita abs—”

“Tanga, balik mo after mo masuot. Gumagawa ka nanaman ng pangar

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Urnzone
So yes. The End. Thank you sa lahat ng sumuporta sa unang story ko dito sa mga baklang ito, charot. Sa mga nagbasa, silent reader man o hindi. Sa mga nag walang sawang nag cocomment ng thoughts nila every chapter. Sa mga naghintay kahit may times na matagal yung update, sobrang thank you sainyo <3.

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
546 streak #1
Sobrang cute talaga netong balikan hehe
TakuyaKen
#2
Chapter 17: kinda confused in the end pero cute hehe
yurielle
#3
Chapter 7: karina bading
yukimin
#4
Chapter 17: Wahhhh shet ang cute kinabahan ako akala ko nirewind lang yung panaginip eh ang lawak lawak din tuloy ng ngiti ko.Thankyouuu for this author mwahhh
yukimin
#5
Chapter 15: WAHCJCJJSJSJD HOYYY ANONG ORAS NA KINIKILIG PA KO MAAAA
yukimin
#6
Chapter 14: tangina minura HAHAHAHAHAH
eunbisandpizza #7
Chapter 17: aw tapos na, ang kyut ng story otor, thank you sa pagsulat nito hehe
ayrenecutie
#8
Chapter 17: uwu ang cute ng story love it to the bone🥰
ayrenecutie
#9
Chapter 8: kinilig ako rawr di ko pmapigilan na mapangiti :)
ayrenecutie
#10
Chapter 4: damang dama ko ako si winter sa storyang ito eh kaso yung feelings ko para kay karina huhu