004

High School Crush On
Please Subscribe to read the full chapter

Music. Yan yung first subject namin ngayong hapon. Ngayon din yung practicum na kakanta isa isa sa harap. Jusko, ewan ko ba bakit kailangan to pero taon taon nalang ganto. Yung grading depende pa, pag kumanta ka with background music na may kasabay may minus na agad. Pag kumanta ka naman ng with instrumental background na walang kasabay matic mataas grade mo kasi boses mo lang talaga maririnig. Yun yung napansin ko sa buong taon kong pag aaral dito sa school na to. Di na rin ako nagulat nung may dalang gitara tong si Winter, alam naman naming apat na may talent to sa pagtugtog ng gitara e, di nya lang masyadong pinapagmalaki, tamad rin kasi sya mag dala nito sa school. Tsaka mahirap na, mamaya ma issue pa daw sya na bida bida, minsan baliw rin talaga mag isip tong si Winter e, pero may point naman talaga sya. Di rin naman talaga maiiwasan na may mga na iinggit sa paligid, wala e that’s life.

Pumasok na yung teacher namin at agad namang pinaayos saamin yung mga upuan para ilagay sa gilid para kitang kita yung mag peperform kuno sa gitna mamaya. Kumuha ng isang upuan si Ma’am at pinwesto yun sa likod sa may gitna para kitang kita nya daw yung mag peperform. Di na kami nagulat, tutal ganto naman lagi ang set up pag may pag perform kuno sa room.

“Sinong mauuna?” Tanong samin ni Ma’am na wala namang sumagot. Aba syempre sino ba naman gustong mauna sa ganto no. Kakahiya kaya kumanta sa gitna tapos mag isa ka lang.

“Wala?” Tanong ulit ni Ma’am pero wala pa ring sumagot. Tumawa ito ng minsan bago sya tumingin dun sa list nung mga name namin. Ito na nga bang sinasabi ko e, sana di ako yung mapili.

“Sige, di ako mamimili. Pero yung unang mag vovolunteer automatic 100 na yung grade.” And ayun na nga ang mga loko nag siunahan na pumunta sa gitna. Natawa ang buong klase nung may nag hilahan na ng uniform para lang mauna sa gitna pati si Ma’am nakitawa na rin.

“Osige, yung unang tatlo na mag peperform, Automatic 100 na. Wag na kayo mag agawan dyang tatlo.” Sabi ni Ma’am at agad namang tumigil yung tatlo naming kaklase bago nag unahan umalis sa gitna. Jusko, di ko rin maintidihan talaga tong klase namin, kanina nag uunahan maka punta sa gitna, ngayon naman nag uunahan umalis. Napa iling nalang si Ma’am ngunit naka ngiti pa rin ito.

“Sige na Alex, ikaw na ang mauna.” Sabi ni Ma’am at wala na silang nagawa. Nag perform na si Alex and kahit di naman ganon talaga kagandahan boses nya at least diba, para sa grade gagawin lahat. Katulad ng pangako ni Ma’am pinakita nya kay Alex na 100 yung sinulat nya dun sa grading sheet nya. Bait talaga nitong si Ma’am Bang. May mga mangilan ngilan na rin yung nag perform. Natapos na rin kaming tatlo nila Ningning at Giselle habang ito si Winter nag eenjoy pa atang manuod sa mga nag peperform.

“Mag perform kana para makapaalam tayo kay Ma’am kung pwedeng sumaglit sa canteen, baliw.” Sabi ko kay Winter, tumingin sya sakin bago tumango tapos balik ulit sya doon sa mga nag peperform. Aba, nawili na nga ata manuod ang gaga.

“Okay. Sinong sunod?” Sabi ni Ma’am bago ngumiti kay Krystal na syang kakatapos lang mag perform. Tumayo na si Winter tapos kinuha nya yung gitara nya na nakasandal dun sa pader sa likod.

“Ako na po Ma’am.” Sabi pa ni Winter bago sya umupo dun sa kaisa isahang upuan na nasa gitna.

“Aba may pagitara ka pa Winter ah.” Nakangiting sabi ni Ma’am sakanya. Naghiyawan naman yung mga kaklase namin parang mga baliw talaga tong mga kaklase namin e.

“Bebe ko yan Ma’am” Narinig naming sabi ni Lloyd mula sa likod, lalo pang nagtawanan ang klase, kahit kelan talaga to si Lloyd napaka extra.

“Go bebe! Labyu!” Sigaw ulit nito at walang nagawa si Winter kundi tumawa nalang din, jusko bakit ba ganto kagulo tong klase namin na to.

“Osige na Winter, mag simula ka na.” Sabi naman ni Ma’am

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Urnzone
So yes. The End. Thank you sa lahat ng sumuporta sa unang story ko dito sa mga baklang ito, charot. Sa mga nagbasa, silent reader man o hindi. Sa mga nag walang sawang nag cocomment ng thoughts nila every chapter. Sa mga naghintay kahit may times na matagal yung update, sobrang thank you sainyo <3.

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
547 streak #1
Sobrang cute talaga netong balikan hehe
TakuyaKen
#2
Chapter 17: kinda confused in the end pero cute hehe
yurielle
#3
Chapter 7: karina bading
yukimin
#4
Chapter 17: Wahhhh shet ang cute kinabahan ako akala ko nirewind lang yung panaginip eh ang lawak lawak din tuloy ng ngiti ko.Thankyouuu for this author mwahhh
yukimin
#5
Chapter 15: WAHCJCJJSJSJD HOYYY ANONG ORAS NA KINIKILIG PA KO MAAAA
yukimin
#6
Chapter 14: tangina minura HAHAHAHAHAH
eunbisandpizza #7
Chapter 17: aw tapos na, ang kyut ng story otor, thank you sa pagsulat nito hehe
ayrenecutie
#8
Chapter 17: uwu ang cute ng story love it to the bone🥰
ayrenecutie
#9
Chapter 8: kinilig ako rawr di ko pmapigilan na mapangiti :)
ayrenecutie
#10
Chapter 4: damang dama ko ako si winter sa storyang ito eh kaso yung feelings ko para kay karina huhu