010(Winter)
High School Crush OnMasaya akong pumasok sa school. Binati ko pa nga si kuyang guard ng good morning e, natuwa naman ito at binigyan ako ng malawak na ngiti. Ewan ko ba, feeling ko ang saya saya ko ngayon. I took my last step sa hagdan then I turned to my left, good mood pa rin ako not until I saw a certain person. Napatigil ako ng saglit at tinignan mabuti kung tama nga ba yung nakikita ko, napairap nalang ako nung maconfirm ko na sya nga. Bat andito yan? at bakit kausap mo? Yan yung malaking tanong ko. Habang papalapit ako ng papalapit sainyo nararamdaman ko na parang unti unti na rin talaga akong nawawala sa mood. Parang gusto ko nalang bawiin yung good morning ko kay kuyang guard, de joke lang pero ewan ko parang naiinis na ako na ewan.
Mukhang hindi mo pa ako napapansin so di ko nalang din kayo pinansin at pumasok nalang ako sa classroom. Nilapag ko na yung bag ko sa upuan ko bago ko kayo sinilip sa bintana. Umikot nanaman yung mata ko, sakit nyo sa mata.
“Hello? Oo Winter, good morning din sayo, oo.” Bati sakin ni Ningning na halatang sarcastic naman. Tinignan ko sya at bumati ng walang ganang good morning.
“Wow, sigla natin ah. Anyare?” This time it’s Giselle naman. Nagkibit balikat lang ako bago ako umayos ng upo.
“Bakit andito yun?” Kako sabay tango sa direction nyo. Tumingin din yung dalawa sainyo then bumalik naman agad sila sa pagkakaharap sakin. Kibit balikat din na may halong irita sa mukha nila.
“Gurl, yan din yung tanong namin ni Ningning kanina pa.”
“Oo, nagulat nga kami kasi si Karina pinaka maagang pumasok satin ngayon e though di ko sinabi di sya late ah. Anyways, absent daw first subject natin.” Tumingin ako sa dalawa kong kaibigan then sumilip ulit ako sa direction nyo. May pagtatakang nakatingin sayo.
”Bakit nga ba maaga ka ngayon?”
Dahil ba sakanya? Bakit? Anong meron?
“Matunaw naman Winter.” Napailing ako ng bahagya then tumingin ako kay Ningning na nakangisi sakin ng nakakaasar.
“Baliw.” Kako nalang bago ako umayos ng upo at tuluyan na talagang iniharap yung upuan ko dun sa may bintana kung nasaan kayo nyang kausap mo.
“Tingin nyo, bat andito yan?” Tanong ni Giselle.
“Wag nyo kong sasagutin na malamang dahil kay Karina, oo pareparehas nating alam yan mga ugok kayo. Sumagot kayo ng maayos.” Agad namang dagdag nito, natawa naman kami ni Ningning.
“Di ko rin alam, tanong ko rin yan sainyo kanina diba. Bakit andito yan.”
“Baka nagpapaalam na kay Karina.”
“Ni wala ngang pake sakanya si Karina, magpapaalam pa sya.” Sagot ko naman agad kay Ning kasi sa totoo lang naman talaga wala naman talagang pake si Karina kay Lucas or kahit sa kanino mang nagkakagusto sakanya. Ewan ko rin bas a babaeng to, wala atang balak pumasok sa isang relasyon e. Atsaka wala rin namang pake yan kung sino sino yung mga gagraduate ngayong taon. So why bother pa na magpaalam sakanya, diba Lucas? Okay ka sana e, kaso may sana.
“Baliw, di dahil gagraduate na sya. Nag papaalam para manligaw.”
“ANO?!” Sabay naman naming sagot ni Giselle at nagkatingin pa kami. Mirroring the same expression, natawa kaming dalawa.
“Panget mo hayop ka.” Kako bago ako tumawa pa ulit.
“Hiya ako sayo ah.” Sabi naman ni Giselle at binatukan pa nga ako ng gaga. Pero balik tayo sa totoong usapan. Nang kumalma na kami ni Giselle, tumingin na ulit kami kay Ning at nagtanong kung seryoso ba yung sinab nya. Nagkibit balikat lang sya bago sandaling sumilip sainyo, pati tuloy kami ni Giselle napasilip na rin. Wala namang bago, ganon pa rin posisyon nyo. Magkaharap na magkausap, at masakit pa rin kayo sa mata.
“Yun lang nakikita kong dahilan bakit andito yan e.”
“Sabagay. Pero di pwede.” Sagot ni Giselle, tumango tango kami ni Ningning at sumangayon.
“Oo di talaga pwede no.”
“Tsaka ekis si Lucas, di dahil ahead sya satin
Comments