001

High School Crush On
Please Subscribe to read the full chapter

Ang lawak ng pag kakangiti mo sakin at ganun din naman ako sayo. Unti unti kang humakbang palapit sakin at sa bawat hakbang mo ay mas bumibilis lang yung tibok ng puso ko. Di ko alam kung maganda to pero yung fact na napakalawak ng ngiti mo sakin wala na akong pake kung atakihin ako sa puso ngayon.

“Ano ulit yung sinabi mo?” Bigkas mo nung nasaharapan na kita, suot mo pa rin yung malawak mong ngiti. Di ko alam pero kahit kinakabahan ako nagawa ko pa ring ulitin yung sinabi ko sayo kanina.

“Kako, mahal kita.” Kung possible lang na mas lumawak yang ngiti mo e siguro yan na nga yung nakikita ko ngayon. Hinawakan mo ang mga kamay ko habang ako ay nag hihintay sa mga susunod mong gagawin. Niyakap mo ko ng mahigpit at ganon din ang ginawa ko sayo pero habang tumatagal parang may mali. Sinusubukan kong kumawala sa sa yakap mo pero di ko magawa. Tinawag ko ang pangalan mo pero parang hindi mo ito naririnig. Napabalikwas ako sa aking higaan ng makaramdam ako ng hampas sa braso.

“Alas syete na! Mahuhuli ka nanaman sa klase.” Bungad sakin ng mama ko na nakakunot ang noo. Nagpout ako habang himas himas ko yung braso ko kung san nag landing yung malabakal na kamay ng Mama ko. Sinilip ko saglit yung orasan sa may lamesa sa tabi ng kama ko at ala sais palang ng umaga. Si mama talaga kahit kelan advance sa oras.

“Bumangon kana dyan Karina at mag almusal kana.” Sabi pa ni mama bago sya tuluyang lumabas ng kwarto.

“Opo.” Pahabol kong sagot bago ako tumayo sa kama at niligpit ito. Nag suklay ako saglit ng buhok bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Nakita ko si Mama at Papa na nag uusap habang kumain sa kusina, binate ko sila bago ako umupo at kumuha ng isang pandesal at sinawsaw ko sa milo, hindi ako makapeng tao so sa milo tayo.

“Bilisan mo na kumain dyan at baka malate ka nanaman.” Sabi ni mama bago pa ulit ito kumuha ng isa pang pandesal.

“Ma, di ka pa ba sanay.” Kako bago ako humigop ng minsan don sa milo. The best talaga to.

“E kung bawasan ko kaya baon mo anak.” Sabat naman ni Papa na nakangisi pa sakin. Nag pout ako at di nalang sumagot.

“Subukan mo, wala kang matatanggap na pera sakin Agapito.” Sabat naman ulit ni mama. Yes naman, kaya mahal ko to si mama kahit kulang nalang bugbugin na ako tuwing umaga pag gigisingin ako e. Tumawa lang kami ni Papa at nagpatuloy kumain. Natapos ko yung tatlong pandesal ko at tumayo na ako. Inabot din ako ng kalahating oras sa pag aayos ng sarili ko.

“Ma, Pa! Pasok na po ako.” Kako nang makalabas ako ng pinto namin. Hindi ko na sila inantay sumagot at dumiretso na sa pag aabang ng tricycle na masasakyan papuntang school. Mga 5 minutes lang pag sumakay ako ng tricycle pero oo lagi akong late. Ganon naman ata talaga, pag malapit ang bahay mas lalong na lelate sa school.

 

Nagulat ako nung may mga student officer na nakatayo sa may gate ng school. Napahilamos nalang ako ng mukha ng maalala ko na Monday nga pala ngayon at may flag ceremony. What the , and since wala naman na akong magagawa dumiretso na ako at tulad ng inaasahan ko hinarang nila ako para kunin yung I.D ko, pakshet di na ba mababago na tuwing lunes ng umaga wala akong I.D jusko Karina Yoo. Pag tapos nila kunin yung I.D ko nak

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Urnzone
So yes. The End. Thank you sa lahat ng sumuporta sa unang story ko dito sa mga baklang ito, charot. Sa mga nagbasa, silent reader man o hindi. Sa mga nag walang sawang nag cocomment ng thoughts nila every chapter. Sa mga naghintay kahit may times na matagal yung update, sobrang thank you sainyo <3.

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
546 streak #1
Sobrang cute talaga netong balikan hehe
TakuyaKen
#2
Chapter 17: kinda confused in the end pero cute hehe
yurielle
#3
Chapter 7: karina bading
yukimin
#4
Chapter 17: Wahhhh shet ang cute kinabahan ako akala ko nirewind lang yung panaginip eh ang lawak lawak din tuloy ng ngiti ko.Thankyouuu for this author mwahhh
yukimin
#5
Chapter 15: WAHCJCJJSJSJD HOYYY ANONG ORAS NA KINIKILIG PA KO MAAAA
yukimin
#6
Chapter 14: tangina minura HAHAHAHAHAH
eunbisandpizza #7
Chapter 17: aw tapos na, ang kyut ng story otor, thank you sa pagsulat nito hehe
ayrenecutie
#8
Chapter 17: uwu ang cute ng story love it to the bone🥰
ayrenecutie
#9
Chapter 8: kinilig ako rawr di ko pmapigilan na mapangiti :)
ayrenecutie
#10
Chapter 4: damang dama ko ako si winter sa storyang ito eh kaso yung feelings ko para kay karina huhu