Tuwing Marso 29 (epilogo)

habang naghihintay ka
Please Subscribe to read the full chapter

28

 

 

Sa pagdating ng mga sumunod na taon ay hiwalay nilang ipinagdiwang ang kaarawan ni Joohyun katulad ng bilin nito. Ang araw ng Marso 29 ay naka-reserve para lamang sa kanilang dalawa ni Seungwan at ang mga araw bago o pagkatapos ang mismong birthday nito ay nakalaan naman para pamilya at mga kaibigan.

 

 

Payag ang lahat sa napiling ayos ni Joohyun. Kung may aangal man ay wala rin naman silang mapapala dahil walang makakapalag kay Bae Joohyun, lalo na't birthday nito ang pinag-uusapan.

 

 

Kung si Seungwan lang din naman ang tatanungin ay wala siyang problema rito. Naiintindihan niya kung bakit ito ang napagdesisyunan ni Joohyun at mukha namang masaya ito sa kanilang lagay. 'Yun lang naman ang importante—ang maging masaya ang kanyang minahal, lalo na sa kaarawan nito.

 

 

Hindi maikakaila na tunay nilang minahal ang mga sandaling ginugol nilang magkasama. Iba't ibang pakulo ang kanilang ginagawa at destinasyon ang kanilang nararating sa bawat pagsapit ng Marso 29.

 

 

Nagbago ang lahat ng kanilang nakasanayang set-up sa pagdating ng unang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Ito kasi ang taon kung saan ipinanganak ni Joohyun ang kanilang panganay.

 

 

"AHHHH! ARAY KO PO, MOMMY TAEENG!! SON SEUNGWAN, TANGINA KAH! KASALANAN MO LAHAT NANG 'TO!!"

 

 

Kulang na lang ay isugod na rin si Seungwan sa ER dahil halos mabali ang buto niya sa kamay sa sobrang higpit ng kapit sa kanya ni Joohyun. 'Di niya magawang magreklamo dahil alam niya kung ga'no kahirap magluwal ng isang bata sa mundo. 'Di niya pa nae-experience, ramdam niya lang.

 

 

"Deep breaths, Hyun. Kaya mo 'to," paalala niya sa asawa habang sinasabayan ito sa paghinga nang malalim. Gusto niya rin kasing humiyaw at hanapin ang Mommy Fany niya dahil sa sobrang sakit ng pagkakayuyom ni Joohyun sa kanyang kamay.

 

 

"KAYA KO TALAGA 'TO! AKO PA BA!?"

 

 

"SON JOOHYUN, BEST WOMAN OF THIS GENERATION!!!"

 

 

"aaahhhHHHHHHHH!"

 

 

Matapos ang ilan pang paninisi at makukulay na salitang lumabas sa bibig ni Joohyun, sa wakas ay matagumpay nitong naipanganak ang supling nila.

 

 

Nag-uumapaw sa galak si Seungwan. Iaabot pa lang ng nurse ang sanggol ngunit nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata. Tuluyang tinanggap ni Joohyun ang bata at maingat na sinapo ang maliit nitong katawan sa mga bisig. Tumikhim si Seungwan at nag-iling ng ulo. Mamaya na siya iiyak, magiging malabo lang ang imahe ng mag-ina niya dahil sa mga luha. Sa ngayon, nanamnamin niya na muna ang sandaling nagaganap sa harap ng kanyang mga mata.

 

 

"Ang ganda naman ng kasalanan ko, kamukhang-kamukha mo." Pabirong komento ni Seungwan. Puno ng adorasyon at pagmamahal na nakatitig sa copy+paste ni Joohyun. Kung ganto lang din naman ka-cute ang itsura ng kasalanan niya ay aaraw-arawin niyang maging makasalanan kasama si Joohyun.

 

 

Charot! Mahal ang gatas ngayon, sa makalawa na lang ulit siguro...

 

 

Pumalatak na lamang si Joohyun at tumawa sa kanyang sinabi, halatang pagod na dahil sa malamlam nitong mga mata. Hinayaan niyang matapos ro'n ang diskusyon. Katulad niya, ramdam niyang nilalasap din ng asawa ang bawat segundong lumilipas.

 

 

Matapos ang ilang sandali ng katahimikan ay muli siyang nagsalita, "You did so well, my love. Mahal kita—kayo," mabilis niyang pagtatama sa sarili. Humalik siya sa sentido ni Joohyun, "Mahal ko kayo."

 

 

.....

 

 

Napabalikwas si Seungwan mula sa pagkakahiga nang may narinig siyang umatungal. Nagkuskos siya ng mata, sinusubukang pawiin ang antok sa katawan at lumingon sa orasan na nakapatong sa nightstand. 4:43 pa lang ng umaga. Masyado pang maaga para gumising pero wala rin naman siyang choice lalo na't kailangan niyang asikasuhin ang anak nilang walang humpay sa pag-iyak.

 

 

"Wan?" Tawag sa kanya ni Joohyun. Nakapikit pa ang mga mata nito at medyo paos ang boses dahil sa pagtulog.

 

 

"Hey, love, good morning," humalik siya sa talukap ng asawa. "Nagising ba kita? Sorry..." Muli siyang nagtanim ng halik sa talukap ng misis papunta sa sentido nito bilang paghingi ng paumanhin. Alam niya kung ga'no kapagod ang asawa mula sa pag-aalaga ng kanilang anak kaya naman marapat lang na makapagpahinga ito nang maayos.

 

 

"It's okay, pupuntahan ko rin naman si Chu." Humikab si Joohyun at akmang babangon nang mahigpit itong hinawakan ni Seungwan sa balikat para pigilan.

 

 

"No, go back to sleep. I'll take care of her." Mariin niyang saad saka nagsimulang mag-unat at tumayo.

 

 

Napatawa nang marahan ang kausap, ang mga mata nito'y nagniningning dahil sa banaag na liwanag na nanggagaling sa buwan. Tunay na nakabibighani. "Doesn't really seem like I have a choice, do I?" Nakangiting pang-uuyam nito.

 

 

Hindi agad nakasagot si Seungwan, bagkus ay napatitig siya sa babaeng nasa harap ng kanyang mga mata. Magtatatlong taon na silang kasal ni Joohyun—walo kung isasama sa bilang ang pagsasama nila bilang magkasintahan pero hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang nakabuo na sila ng sariling pamilya at makakasama niya ito hanggang sa pagtanda.

 

 

Napansin ni Joohyun ang kanyang kawalang-imik dahil naghilig ito ng ulo. Bago pa man ito makapagtanong ay umiling siya at sumagot. "Hmm, you don't." Matamis siyang ngumiti, yumuko at paulit-ulit na nagtanim ng halik sa labi ng asawa. Nagpakawala ng malamyos na alikik si Joohyun at halos umangat ang buong kaluluwa niya sa langit sa naulinigang matamis na himig.

 

 

Hindi rin naman nagtagal ang komportableng katahimikan nang may umalingawngaw na iyak sa muling pagkakataon at sa isang iglap ay naudlot ang sandali ng mag-asawa. Ibinaon ni Seungwan ang ulo sa leeg ng misis bago humaluyhoy at dumaing sa balat nito.

 

 

Sumitsit si Joohyun at marahan siyang hinampas sa braso, "Huy, anak mo 'yon!" Natatawang sambit nito.

 

 

Mapaglaro siyang umungot, "Anak ko ba talaga 'yon?"

 

 

Humalakhak ang kausap. "Baliw ka talaga," kinurot siya nito sa tagiliran. Dadaing pa sana siya nang lalong lumakas ang iyak ng anak nila. "Wan, go na, bilis!" Tinapik siya nito sa likod at bahagyang itinulak papalayo.

 

 

Hindi nagpatinag si Seungwan at muling pinagtagpo ang kanilang mga labi sa huling pagkakataon. Nang makuntento ay agad siyang tumuwid sa pagkakatayo. "Yup! Eto na 'ko! I'm on my way, Jichu!" Sumaludo pa siya.

 

 

Bumungisngis si Joohyun. "Call me if you need help..."

 

 

"Yeah, no," iling niya. "Don't worry about me, I'm all good. Just sleep some more, babe. You deserve it. I'll be back when Chu's settled," inayos niya ang kumot na bumabalot sa katawan ng asawa saka tuluyan nang lumabas sa kanilang kwarto.

 

 

Naiwan si Joohyun na nakatitig sa pinto ng kanilang kwarto. Ang gilid ng labi nito'y bahagyang nakataas, malamlam ang mga mata ngunit may matamis na ngiting si Seungwan ang dahilan. Hindi kalaunan at huminto ang pag-iyak ng kanilang supling, pihadong matagumpay itong naalo ni Seungwan nang walang kahirap-hirap. Papapikit na si Joohyun nang muling umuwang ang pinto at iniluwa nito ang asawa. Lalong lumawak ang ngiti ng babae sa pagkaismid—ang panunuksong gagawin sa kasintahan ay madaling nakahanda sa dulo ng dila nito.

 

 

"I'm guessing you need my help?"

 

 

Pumalatak si Seungwan, "Still no. I just forgot something."

 

 

Nagtaas ng kilay si Joohyun, "And what i—"

 

 

Hindi na naituloy pa ni Joohyun ang sasabihin nang siniil ni Seungwan ang labi nito sa sariling pares. Nang naglayo ang kanilang mga mukha ay parehas na may ngiti sa kanilang mga labi, purong galak at pagmamahal para sa isa't isa ang nag-uumapaw sa kanilang mga puso. "Maligayang kaarawan, mahal ko..." Kapos man sa hininga ay hindi siya nabigong iparating ang kanyang adorasyon para sa minamahal nang inusal niya ang mga katagang 'yon.

 

 

Nagpikit ng mata si Joohyun saka pinagtama ang dulo ng kanilang mga ilong at marahan itong pinagkiskis. "Salamat, mahal ko..." Gumuhit ang bawat salita ng pasasalamat nito diretso sa kanyang labi.

 

 

May kung anong emosyong dumaloy sa buong sistema ni Seungwan. Pakiramdam niya'y may mahalaga siyang tunguhin at 'yon ay ipakita kay Joohyun kung ga'no niya ito kamahal—wari'y hindi pa sapat ang mga titig at halik na kanyang inalay kani-kanina lang.

 

 

Muli niyang inilapat ang labi sa asawa. Sa pagkakataong ito, hinayaan niya ang sariling mas laliman ang bawat hagod ng pares ng kanilang mga labi. Pumulupot ang braso ni Joohyun sa leeg niya habang ang sarili niyang mga kamay ay malayang gumala sa nag-iinit na balat nito.

 

 

"Mahal kita, Son Joohyun." Usal niya sa pagitan ng nag-aalab na mga halik na kanyang iniiwan sa balat ng nasa ilalim niya.

 

 

"And I love you, too, Son Seungwan." Hingal na tugon nito.

 

 

Patuloy na naglakbay ang mga halik ni Seungwan. Una niyang sinakop ang pisngi ng minamahal na dumausdos papunta sa tenga nito kung saan siya marahang kumagat, naging dahilan ng pag-ungol at kusang pagpilig ng ulo ni Joohyun. Matapos ay unti-unti niyang ipinababa ang labi sa panga nito hanggang sa marating niya ang leeg ng kasintahan.

 

 

"W-Wan..." utal na sambit ni Joohyun.

 

 

Nakasabunot na ito ngayon sa kanyang buhok—mahigpit na nakakuyom ang kamao sa bawat hibla at marahang kinakabig ang kanyang ulo pababa. Hindi na kailangan pang magsalita ni Joohyun para malaman ni Seungwan kung anong gusto nito.

 

 

Marso 29 ngayon, araw ng kapanganakan ng kanyang sinisinta at marapat lang itong ipagdiwang nang may kagalakan. Sino ba naman siya para magdamot at itanggi ang kahilingan nito?

 

 

Bibigay na sana si Seungwan sa kagustuhan ni Joohyun nang muling umalingawngaw sa hangin ang matinis na iyak ng kanilang anak.

 

 

Umungol si Seungwan, hindi dahil sa sarap kundi bilang pagmamaktol. Idinukdok niya ang ulo sa balikat ng nasa ilalim, "Ugh, baka naman napalitan talaga 'yung baby natin sa nursery?" Ungot niya.

 

 

Sinuklay ni Joohyun ang mga daliri nito sa kanyang buhok. "Babe, kahit napalitan pa, lahat naman ng sanggol naiyak." Nakangising lahad ni Joohyun ngunit rinig niya sa boses nito ang panghihinayang.

 

 

"Point."

 

 

Lumipas ang ilang segundo at hindi pa rin tumatahan sa pag-iyak ang kanilang anak kaya nagpasya na si Seungwan na ipagpaliban na muna ang kanilang gawain. Sa ngayon. Mabigat sa loob siyang tumayo at nag-ayos ng sarili. "Make sure to have a good rest. I'll be keeping you up later than usual mamaya. May gift ako sa'yo..." Kumindat siya at tuluyang lumabas ng kwarto sa muling pagkakataon.

 

 

At muling naiwan mag-isa si Joohyun, namumula ang pisngi dahil sa kanyang iniwang mga salita.

 

 

/////

 

 

Lumipas ang dalawang taon at nasundan ng isa pang bouncing baby girl ang panganay nilang si Jisoo.

 

 

Gano'n ulit ang drama sa hospital; si Seungwan na parang mababalian ng kamay habang kinakalma ang nanganganak at ang asawa niyang walang humpay sa pagsigaw. Ang pinagkaiba lang ngayon ay mas umuusok ang ilong ng nito—sumasabog at nagsasabi ng (mas maraming) masasamang mga words.

 

 

Eh kung 'di ba naman siya mabebembang, may isang nurse na hindi makaintinding asawa niya ang ginang na kasalukuyang nagsisisigaw at pilit siya nitong kinukulit. Nagbigay diin din siyang pangalawa na 'tong anak na iniire ng kanyang asawa ngunit patuloy pa rin ang nurse sa mga patutsada nito.

 

 

"SON SEUNGWAN!!! MATAPOS LANG AKO RITO'T MAKIKITA MO ANG LIWANAG, PAPATAYIN TALAGA KITA!!!! AHHHHH!!!"

 

 

Matapos ang ilan pang ire kasama ang mga pagbabanta ni Joohyun sa kanyang buhay, nailuwal na ang bouncing baby girl ng mag-asawa. Sa pagkakataong 'to, copy+paste naman ni Seungwan ang pangalawa nila. Nangiti siya. 'Di naman sa pag-aano pero ang cute niya talaga.

 

 

"Papatayin mo pa rin ba 'ko?"

 

 

"Oo, isasama ko 'yung maharot na nurse na nanghaharot sa'yo." Singhal ni Joohyun. "Asan na ba 'yon?" Luminga-linga ang kanyang asawa sa paligid.

 

 

Napalunok siya. Ngayon pa lang ay ipinapanalangin niya na sa Poong Maykapal ang sasapiting bagsik ng nurse na nangungulit sa kanya.

 

 

/////

 

 

32

 

 

Ang dating sa umpisa na silang dalawa lang ay nadagdagan ng isa haggang sa may isa pang dumagdag. Kapansin-pansing maraming bagay ang nagbago kung paano sila sa araw-araw at kasama na ro'n ang kung paano sila mag-celebrate ng kaarawan ni Joohyun. Simula kasi nang dumating ang bunso nilang si Rosie, naging mas mahirap para sa mag-asawa ang humanap ng panahon para sa kanilang dalawa.

 

 

Apat na taon na ngayon si Jisoo at si Rosie ay dalawang taon naman. Ilang taon na rin mula nang lumabas silang mag-asawa na silang dalawa lang at 'di man nagsasabi si Joohyun, alam ni Seungwan na nami-miss na ito ng misis niya. 

 

 

Kaya eto siya ngayon, kasama si Yeri sa sala at hinihintay si Joohyun matapos sa paghahanda nito ng mga dadalhing gamit para sa kanilang out of town trip. Matagal-tagal niya ring plinano ang lahat. Swerte na lang talaga't sumakto sa araw ng Biyernes ang Marso 29 kaya naman hindi nila kailangang mamroblema sa pag-absent sa kanilang trabaho at pag-asikaso sa kanilang mga anak. Nakausap na nila si Jisoo at Rosie tungkol dito at wala namang naging problema sa dalawa. Kinontrata na rin nila si Yeri bilang tagapagbantay sa mga bata pag-uwi ng mga ito mula sa galaan kasama ang mga lola nila. Talaga nga namang excited na siya pero hindi niya mapigilang mabagot mula sa paghihintay kay Joohyun.

 

 

Parang ansayang mambadtrip...

 

 

Huminga siyang malalim, lumapit sa sofa na kinauupuan ni Yeri at humalik sa tuktok ng ulo nito. Kasabay ng pamumula ng pisngi ng dalaga ang paglaki ng mga mata nito.

 

 

"Ate Wends naman!" Bulalas ng pinsan ni Joohyun.

 

 

"What? I used to do that when you were in high school," katwiran niya na may malokong ngiti.

 

 

"Exactly! In high school! I'm a grown- woman now!" Inis na sabi ni Yeri at nagwagayway ng kamay sa hangin.

 

 

Sumandal si Seungwan sa pader sa likod niya, naglagay ng kamay sa panga at tiningnan taas-baba si Yeri. "Are you really?" Naniningkit na matang hamon niya.

 

 

Yamot na bumuntong-hininga si Yeri bago nagsisisigaw, "Ate Ren, 'yung asawa mo inaaway ako, oh!"

 

 

Maririnig na tumawa si Joohyun mula sa kwarto nilang mag-asawa. "'Wag kang umangal, Yeri, deserve mo 'yan! Sige, Wan, awayin mo lang 'yan!"

 

 

Lalong umusok ang ilong ng dalaga, ngumisi na lamang si Seungwan at lumapit para guluhin ang buhok nito. Suminghal ulit si Yeri pero hindi na nagsalita pa. Matapos ang ilang minuto, lumabas na rin si Joohyun mula sa kanilang kwarto.

 

 

Agad siyang tumayo para abutin ang hawak nitong mga bag. "Ako na rito, Hyun." 

 

 

"Thank you, babe." Ngumiti ito at humalik sa pisngi niya.

 

 

"Ugh, dito pa talaga sila sa harap ko, 'di ba?" Nanunuyang bulong ni Yeri na hindi nakatakas sa kanilang pandinig.

 

 

Nilingon ni Joohyun ang pinsan at pumalatak, "Hoy, Kim Yerim! Baka naman kung ano-ano na namang ituro mo sa mga anak ko!" Bulyaw niya sa dalagang prenteng-prente sa pagkakaupo.

 

 

"Yeah, yeah, whatever." Pagsasawalang-bahala ni Yeri na sinamaan ng tingin ni Joohyun. "Alis na kayo, bye," sabi nito habang tutok pa rin sa cellphone.

 

 

Nag-iling na lang ng ulo si Seungwan at nagsimula nang lumabas kasama si Joohyun. Bago pa man sila tuluyang makaalis ay may ipinahabol na bilin si Yeri sa kanila.

 

 

"'Wag niyo nang dagdagan 'yung dalawang chikiting, ha!" 

 

 

"KIM YERIM!"

 

 

.....

 

 

Matapos ang ilang oras na byahe, sa wakas ay narating din nila ang kanilang destinasyon. Parehas napagod ang dalawa at halos gumapang na sila papunta sa kanilang kwarto para magpahinga pero nang masulyapan nila ang tanawin ay hindi nila magawang palampasin ang pagkakataong panoorin ang paglubog ng araw.

 

 

Nakatayo sila ngayon sa balcony at mayapang nakatanaw sa malawak na kalangitan. Hindi naging mahirap para sa kanilang tumitig sa kagandahan ng papawirin lalo na't unti-unti nang nawawala ang araw sa bawat paglipas ng minuto at tinutulungan ng mga ulap ikubli ang nakasisilaw nitong liwanag. Napuno ang langit ng iba't ibang kulay—pula, kahel, lila, asul, at lahat ng klase ng pinta sa pagitan ng mga ito.

 

 

"What do you think?" Tanong ni Seungwan sa asawa. 

 

 

"This place is beautiful, Wan." Matapat na sagot nito. Umihip ang malamig na simoy ng hangin at kusang siniksik ni Joohyun ang sarili sa kanyang harap, naghahanap ng init na palagi niyang malugod na ibibigay.

 

 

Tumaas ang gilid ng kanyang mga labi, "I'm glad you like it then." Hinigpitan niya ang mga braso sa pagkakalingkis sa baywang ni Joohyun at humalik sa sentido nito.

 

 

"Mmhm. Kahit sa'n naman siguro basta kasama kita, magiging masaya ako."

 

 

Napangiwi siya, nagpipigil na magpakawala ng tawa. Naramdaman din naman ni Joohyun ang marahan niyang panginginig dahil kinurot siya nito. "Pfft. Ah, aray! Baket!"

 

 

Pumalatak ang misis niya, "Ayan ka na naman. Tinatawanan mo na naman ako." Nakaharap ang mukha nito sa kanya kaya kitang-kita niya ang simangot nito sa labi.

 

 

"Kasi naman, ang cheesy mo! Tapos lagi mo akong inaasar na bolero ako,"

 

 

"Totoo naman kaya!"

 

 

"Oo na. Pero you, saying sappy things like that, makes the two of us."

 

 

"Ugh, whatever!" Marahan nagpumiglas si Joohyun sa braso niya ngunit nanatili ito sa kanyang yakap.

 

 

Hindi pa rin nagbabago si Joohyun.

 

 

Napangiti si Seungwan.

 

 

"Hey. I was just kidding, okay?" Pag-alo niya sa asawa.

 

 

Humuni na lamang si Joohyun bilang tugon. Muli silang natahimik, parehas na tinatamasa ang mga nalalabing minuto ng pag-aagaw-dilim.

 

 

Ganap nang lumubog ang araw sa dakong kanluran at tuluyan nang binalot ng kadiliman ang kalangitan.

 

 

"That was beautiful. Sunsets never fail to mesmerize me."

 

 

"Yes..."

 

 

"Wan, you're not even looking at the skies..."

 

 

"Ay, hindi ba? Eh, bakit may angel sa harap ng mga mata ko ngayon?

 

 

Napabungisngis si Joohyun, "Ewan ko sa'yo." Kumawala si Joohyun mula sa kanyang mga bisig at pumasok sa kwarto nila. Nang marating nila ang harap ng higaan ay nagsimula itong maghubad sa harap niya. Ang paggalaw ng mga kamay nito sa pagtatanggal ng damit ay mabagal, para bang nanunukso. Wala siyang ibang nagawa kundi sundan ito ng tingin at panoorin ang bawat kilos ng asawa.

 

 

"I'm taking a shower. Want to join me so we can save water?" Nakangising alok ni Joohyun. "Kung gusto mo lang naman..." Kibit-balikat nitong saad. 

 

 

" yes."

 

 

/////

 

 

35

 

 

"Mama, can I go play outside?" Tanong ni Rosie kay Seungwan. Naka-pout ang labi nito at nagmamakaawa ang mga mata. 

 

 

Pa'no ba naman makakahindi si Seungwan do'n? Walang pusong nilalang na lang siguro ang hihindi sa gano'ng itsurahan kaya agad siyang sumagot. "Of course, b—"

 

 

"Not. Of course not, Rosie. Hindi ka pa nga nakakapag-breakfast, lalabas ka na agad. No." Mabilis na putol ni Joohyun sa sasabihin niya.

 

 

Lalong hinabaan ng bata ang nguso nito at umungot, "But Momm—"

 

 

"No buts, Roseanne. I already said no." Mahigpit na saad ng asawa niya, para bang 'di tinatablan ng pag-atake ng pout ni Rosie.

 

 

Nagpakawala ng malalim na hininga ang bata saka muling lumingon sa kanya. "Mama..." pagmamakaawa nito.

 

 

Eugh. Lord, tulungan niyo po ako.

 

 

"Uhhh... Uhm, babe, baka nam—" natikom ang bibig ni Seungwan nang pinandilatan siya ng mata ni Joohyun. Tumikhim siya at muling nilingon ang bunso nilang nakanguso. "Your mother said no, baby, we should listen to her."

 

 

"Hmph! Okay..." Nakasimangot na tugon ni Rosie saka naglakad palayo.

 

 

.....

 

 

"Ma!" 

 

 

Nasa toy store sila ngayon, naghanap ng ireregalo sa anak nina Joy at Seulgi na malapit nang mag-birthday nang tinawag siya ni Jisoo at hinila papunta sa isang section ng mga laruan.

 

 

"Chu! What's up?" Tanong niya at walang palag din namang nagpahila sa anak. 

 

 

"Ma, look! Bagong Hot Wheels Playset!" Excited na turo sa kanya ni Jisoo.

 

 

Okay, bago may mang-judge kay Seungwan ay oo, nangongolekta siya ng Hot Wheels at oo, si Jisoo ang kalaro niya. Medyo mahal na hobby kung tutuusin pero pwede na rin.

 

 

Pinagmasdan niya ang tinuturo ng anak at hindi niya mapigilang mapasipol, "Man, that's cool~"

 

 

Biglang lumitaw si Joohyun sa likod nila at muntik nang mapatalon ang mag-ina. "Seungwan, tigilan niyo 'yan, ha. Kabibili niyo lang talaga ng isang set last month." 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
kalian ko naman kaya 'to madadagdagan? >;|

Comments

You must be logged in to comment
wintzkie #1
Chapter 7: Nalunod ako sa iyong paggamit ng mga salita sa tagalog . Sana'y hindi na sa ganitong paraan ng paggamit ng salita ang iyong gagamitin sa susunod na kabanata. 😅
WluvsBaetokki #2
Chapter 7: Ang lalim ng Tagalog gosh... pero ang galiiiiing mo po
WluvsBaetokki #3
Chapter 4: Hiy ang ganda Tae naiyak ako bakit ganern
paradoxicalninja
#4
Chapter 6: bakit parang angst hahshshsh sana naman nde 🥲🤧

welcome back otor 💗💙
Ot5langlakasam
#5
Chapter 6: Di ko naman sinasabing para akong tangang single dito na kinikilig at nasigaw internally dahil sa chapter na ito pero parang ganun na nga.... Labyu otornim
juhyuneeeee
92 streak #6
Chapter 6: hi otor labyu po 😭♥️
seventy743 #7
sobrang ganda ;((( parang kasama rin tuloy nila ako sa journey nila dahil sa ganda ng pagkakasulat huhu v v v heartwarming thank you for writing this huhu
hyehye29
#8
Chapter 4: whyket ganern naiiyak ako sa ending sheeeemsss 😭😭😭 pero masaya naman akez para sa kanila <3
WluvsBaetokki #9
Chapter 5: Ang kyot bat ganern
WenRene_77 #10
Chapter 5: ang cutie ng story na to lalo na si seungwan hehe salamat author, kelan po ulit update? dejoke, haha take ur time😊💙💝