Tuwing Marso 29 (ii)

habang naghihintay ka
Please Subscribe to read the full chapter

Sa wakas ay yari na rin siya sa pagpiprito ng pesteng shanghai. Katatapos niya lang din sa pagre-refill ng mga pagkaing naubos sa nakalatag na handaan. Sa totoo lang ay para na siyang lantang gulay, amoy mantika't shanghai na rin ang buong pagkatao niya.

 

 

Tumayo si Seungwan sa gitna ng garden saka inikot ang paningin sa paligid.

 

 

Lumpiang shanghai, check. Carbonara, check. Drinks, check. Cake, check.

 

 

Proud na ngumiti si Seungwan sa kanyang sarili.

 

 

Okay n— Ay, punyemas! Si Joohyun nga pala!

 

 

Inikot niya ang kanyang paningin sa muling pagkakataon, sinusubukang hanapin ang kanyang kasintahan. Matapos ang ilang sandaling hindi matagumpay na pagtatangka ay napagdesisyunan niyang tanungin na lamang ang mga kasama ni Joohyun kanina nang makita niya ito.

 

 

Patakbo niyang tinungo ang veranda kung saan nakaupo ang mga kaibigan nila ni Joohyun.

 

 

"Guys..." Hingal niyang pagtawag sa atensyon ng mga bisitang abala sa paghuhuntahan.

 

 

"Oh, buhay ka pa?" Gulat na tanong ni Jennie sa kanya.

 

 

"Oo, bakit?"

 

 

Bakit? BAKIT?? Nagtanong pa talaga siya 'di ba? Kahit na alam niya na kung anong pinatutungkulan ng best friend ni Joohyun. 

 

 

"'La lang, 'kala namin kanina mo pa natanggap ang bagsik ni Madam, eh." Simpleng sagot nito.

 

 

Pumalatak si Seungwan, "'Di pa nga, eh. Katatapos ko lang magluto ng shanghai—"

 

 

"Yown!" Masiglang pagsingit ni Byul na agad tumayo sa kinauupuan nito, malamang para kumuha ng shanghai.

 

 

"Kaya 'di ko pa siya nakakausap simula kanina," patuloy niyang pagpapaliwanag.

 

 

Nagsilakihan ang mga mata ng mga kaibigan niya.

 

 

"L-luh? B-b-bakit? Ba't ganyan mga m-m-mukha niyo?" Aligaga niyang tanong.

 

 

Nag-sign of the cross si Solar bago sumagot, "Lagot ka, Wends. Edi lalo ka palang yari do'n."

 

 

"Saglit nga! 'Di ko nga alam kung anong ginawa ko, eh!" Pagdedepensa ng nadidiin sa kanyang sarili. "Ang alam ko lang inasar daw ni Yerms si Joohyun na matanda na siya," sinamaan niya ng tingin ang TOTOONG maysala. "Yerms naman kasi, eh!"

 

 

"Hehe, haim zo zorry," wika ni Yeri saka nag-peace sign. Para namang maililigtas siya no'n sa galit ng jowa niya, 'di ba?

 

 

"Bigyan mo na lang ng birthday para matahimik ang nanunuyot na kaluluwa ni Ate Ren..." Suhestiyon nito habang cool na cool na nainom mula sa wineglass. Todo rin naman sa pagsang-ayon ang iba nilang mga kaibigan.

 

 

Minsan gusto niya na lang talagang iligaw si Yeri sa lugar kung saan 'di na nila ito masisilayan pang muli.

 

 

Napahawak na lang si Seungwan sa kanyang sentido saka bumuntong-hininga. "Nasan na ba si Joohyun?"

 

 

"Andun siguro sa kwarto niya. Magpapalit daw siya, eh. Kanina pa nga 'yon umalis, hanggang ngayon 'di pa rin nabalik," paglalahad ni Joy.

 

 

"Patay kaaaa..." Pananakot ni Byul, nakabalik na pala ang mokong at ngayon ay may dala nang plato na punong-puno ng shanghai.

 

 

"Hoy! 'Wag mo kong inaano-ano dyan, ikaw talaga ang dahilan kung bakit ako natagalan—nagpaprito ka pa ng shanghai! Sana ma-choke ka!" Panunumbat niya sa kaibigan na sinuklian lamang siya ng malakas na halakhak. Nakabawi rin naman siya nang dagukan ito ng jowa nitong si Solar sa likod ng ulo.

 

 

"Oh, ano pang hinihintay mo, boi? Puntahan mo na ro'n at baka lalong magalit 'yon!" Dagdag ni Byul na ngayon ay hinihimas ang ulong dinagukan ng jowa nito.

 

 

"Oo nga, Wan. Go na, bilis!" Alalang payo ni Seulgi.

 

 

Tumango si Seungwan at nagsimula nang maglakad. Ang words of encouragement ng mga kaibigan ang kanyang huling naulinigan bago tuluyang sapitin ang loob ng bahay ng mga Bae.

 

 

Dahil nga amoy shanghai ang buong pagkatao niya, napagdesisyunan niyang magbihis na muna nang mabilisan. 'Di niya rin kinalimutang mag-spray ng pabangong si Joohyun pa mismo ang pumili. Nang matapos ay dali-dali siyang umakyat sa pangalawang palapag ng bahay at tinungo ang kwarto ng kanyang kasintahan.

 

 

Whoo! HAHA! I'm not ready for this pero wala na naman akong magagawa, 'di ba? Kaya mo 'to, Son Seungwan! 'Di ka pinalaking matapang ni Mommy Fany para lang sa wala.

 

 

Pagp-pep talk ni Seungwan sa sarili bago tuluyang kumatok. Nang makarinig ng mahinang tugon mula sa kabilang panig ay saka niya dahan-dahang binuksan ang pinto at idinukwang ang ulo para silipin ang kasintahan sa loob.

 

 

Nakatayo si Joohyun sa harap ng salamin kung kaya't ang likod nito ang sumalubong sa paningin ni Seungwan. 'Di pa siguro ito nakakapagbihis dahil napansin niyang parehas pa rin ang damit nito nang huli niyang makita. Ang pinagkaiba lang ay may nakalapat na asul na blusa sa katawan nito, para bang sinusuri kung babagay sa kanya ang damit.

 

 

Sa kahit anong suot mo naman maganda ka. Lalong-lalo na 'pag wala kang dami—

 

 

Nang makita niya sa repleksiyon ng dalaga na napansin siya nito ay saka siya tahimik na pumasok at marahang isinara ang pinto.

 

 

Nakangiti siyang lumakad sa kinatatayuan ni Joohyun. Sa kanyang pagsapit, agad niyang ipinulupot ang braso sa baywang ng kasintahan at ibinaon ang ulo sa leeg nito—umaasang mapapakalma ng kanyang mga galawan ang jowang may pagkadragon.

 

 

"Hi, birthday girl..." Malambing niyang bati sa tenga nito. 'Di naman nakalampas sa kanyang pandinig ang mahinang singhap na pinakawalan ng dalaga.

 

 

Suminghal si Joohyun bago pinagkrus ang braso sa harap at mahigpit na kinuyom ang damit sa maliit nitong kamao. "Wala ritong birthday girl!" Mataray na bulyaw nito.

 

 

"Eh? Nasaan?" Taka niyang tanong. Ano na naman kayang dahilan at ganto ang inaasta ng kasintahin niya?

 

 

"Tss! Andun siguro sa may garden, pangatlong table sa dulo tapos pangalawang bangko mula sa kaliwa!"

 

 

Kumunot ang noo ni Seungwan, sinusubukang alalahanin kung sino o anong meron sa pwestong 'yon.

 

 

"Uhm, si Sana??" Tanong niya matapos ang ilang segundong pag-iisip.

 

 

"Alam na alam, galing talaga..." Narinig niyang bulong ng nasa harap, ang tono nito'y punong-puno ng panunuya. "Oo, ayon, si Sana! Dun ka na lang tutal mas gusto mo pa yata siyang kasama kaysa sa'kin."

 

 

"Pa'no mo naman nasabi 'yan, babe?"

 

 

"Pa'no mo naman nasabi 'yan, babe?" Nang-uuyam na pag-ulit nito. "Kitang-kita ko kayong dalawa! May papisil-pisil pa siya sa ilong at paghimas sa buhok mo!"

 

 

Bumuntong-hininga si Seungwan, "Hyun, sorry na," pag-amo niya rito. "Nagpapahinga lang naman ako no'n nung dumating si Sana. Tapos ayon, nagkakwentuhan na kami hanggang sa napatagal na kasi dumating na rin 'yung ibang tropa." Matiyaga niyang pagpapaliwanag kay Joohyun.

 

 

Pero mukhang 'di pa rin magpapatinag ang madam dahil lalo lang nitong sinamaan ng tingin si Seungwan sa salamin.

 

 

Ah.

 

 

Tinanggal ni Seungwan ang pagkakabaon ng kanyang mukha mula sa leeg ng kasintahan. "Mahal, nagseselos ka ba?" Maingat niyang tanong kahit na alam niya na ang sagot.

 

 

"Oo, Seungwan, nagseselos ako!" Walang pag-aalinlangang amin ni Joohyun na halos umusok ang ilong at tenga sa sobrang galit.

 

 

Alam na ni Seungwan 'to. 'Di na bago sa relasyon nila ang pagseselos ni Joohyun, ang palaging katwiran nito'y 'Wan, may tiwala ako sa'yo. Pero sa mga haliparot na nasa paligid wala, kaya nagseselos at nagagalit ako.'

 

 

"Tangina!" Pahabol pa ni Joohyun saka ipinihit ang ulo pakanan, marahil ay para maiwasang maaninagan ang repleksiyon ni Seungwan na mausisang nakatitig sa kanya.

 

 

At eto si Seungwan, na sa buong pagkakataon akala'y kaya nagagalit ang kasintahan niya dahil sa sinabi ni Yeri, 'yun pala'y siya talaga ang may kasalanan.

 

 

Bumuntong-hininga siya sa muling pagkakataon, 'di niya na mabilang kung ilang beses na ba nagselos si Joohyun kung kani-kanino—sa ateng nag-abot ng beef sa kanya nung nasa frozen section sila sa grocery store, sa mga katrabaho nitong para bang kinikiliti sa tuwing dadalaw o susunduin niya si Joohyun sa pinagtatrabahuan, sa picture ng isang model na nakapaskil sa labas ng isang bilihan ng damit sa mall, at marami pang iba—at 'di niya na rin mabilang kung ilang beses siyang na-guilty dahil dito. Tulad sa ngayon na si Sana naman ang pinagseselosan ng minamahal.

 

 

Ang buhok ni Joohyun na nakaladlad sa kaliwang balikat ay dahan-dahang hinawi ni Seungwan papunta sa likod.

 

 

"Babe," humalik si Seungwan sa lantad na balat sa balikat ng kasintahan.

 

 

"Baby," tumaas ang kanyang labi patungo sa leeg ng dalagang 'di napigilan ang sariling mapasinghap.

 

 

"Love," sa sentido naman siya nagtanim ng halik.

 

 

Inihilig ni Seungwan ang kanyang ulo kung saan nakaharap ang dalaga, "Mahal."

 

 

Sa wakas, sa buong maghapong lumipas, natikman niya rin ang matamis na halik ni Joohyun nang sa malalambot na labi ng minamahal huling dumampi ang kanyang sariling pares.

 

 

Naramdaman ni Seungwan ang pagbigay ng kasintahin sa kanyang mga bisig. Ang kaninang matigas na tindig nito'y ngayo'y napalitan ng komportableng pagkahilig sa kanyang katawan.

 

 

"Talk to me..." Marahan niyang saad sa minamahal nang naglayo ang kanilang mga mukha. "Please?" Halos pagmamakaawa niya.

 

 

Mula sa pagkakatitig sa mga matang nagsusumamo ni Seungwan ay binaba ni Joohyun ang paningin sa sahig.

 

 

"Eh kasi naman naiinis ako kasi siya nakausap mo tapos ako 'di mo man lang ako mapuntahan dun sa veranda eh ang lapit-lapit ko lang naman sa'yo..." Mahinang maktol nito, parang isang batang ayaw umamin sa nagawang kasalanan kahit nahuli na sa akto.

 

 

Mabilis na tinanggal ni Seungwan ang pagkapulupot ng kanyang braso mula sa katawan ni Joohyun. Bago pa man makaangal ang dalaga ay marahan niya na itong naiikot paharap sa kanya.

 

 

"Hyun, 'di kita pinuntahan kasi you were talking with your friends. And you just get to see them every once in a while, so I thought you needed some alone time with them. You know, 'friends only' talk or someth

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
kalian ko naman kaya 'to madadagdagan? >;|

Comments

You must be logged in to comment
wintzkie #1
Chapter 7: Nalunod ako sa iyong paggamit ng mga salita sa tagalog . Sana'y hindi na sa ganitong paraan ng paggamit ng salita ang iyong gagamitin sa susunod na kabanata. 😅
WluvsBaetokki #2
Chapter 7: Ang lalim ng Tagalog gosh... pero ang galiiiiing mo po
WluvsBaetokki #3
Chapter 4: Hiy ang ganda Tae naiyak ako bakit ganern
paradoxicalninja
#4
Chapter 6: bakit parang angst hahshshsh sana naman nde 🥲🤧

welcome back otor 💗💙
Ot5langlakasam
#5
Chapter 6: Di ko naman sinasabing para akong tangang single dito na kinikilig at nasigaw internally dahil sa chapter na ito pero parang ganun na nga.... Labyu otornim
juhyuneeeee
84 streak #6
Chapter 6: hi otor labyu po 😭♥️
seventy743 #7
sobrang ganda ;((( parang kasama rin tuloy nila ako sa journey nila dahil sa ganda ng pagkakasulat huhu v v v heartwarming thank you for writing this huhu
hyehye29
#8
Chapter 4: whyket ganern naiiyak ako sa ending sheeeemsss 😭😭😭 pero masaya naman akez para sa kanila <3
WluvsBaetokki #9
Chapter 5: Ang kyot bat ganern
WenRene_77 #10
Chapter 5: ang cutie ng story na to lalo na si seungwan hehe salamat author, kelan po ulit update? dejoke, haha take ur time😊💙💝