Tuwing Marso 29 (iii)

habang naghihintay ka
Please Subscribe to read the full chapter

Pagsapit pa lang ng alas-nuwebe ng gabi ay nagsimula nang magpaalam si Joohyun sa mga bisita. Atat na talaga itong umuwi sa apartment kung saan sila nakabukod ni Seungwan.

 

 

Gusto man ng mga kaibigang humirit kay Joohyun na mag-stay pa ay alam nilang wala silang magagawa dahil 'di papapigil ang madam—gagawin niya ang gusto niyang gawin—lalo na't kaarawan nito.

 

 

Kahit pa sa bahay ng mga Bae ginanap ang party at welcome na welcome silang mag-stay ro'n, matagal nang inungutan si Seungwan ng kasintahang kahit anong mangyari'y uuwi sila sa sarili nilang tinutuluyan. Naiintindihan din naman niya na gusto ni Joohyun ng privacy kaya 'di na siya nagdalawang-isip pang pumayag.

 

 

Maaga mang uuwi ang may birthday, tuloy na tuloy pa rin ang kasiyahan sa dako ng garden at mukhang 'di pa sila hihinto anytime soon. Wala namang problema sa kanila 'yon. Nilinaw na rin ni Mommy Taeng sa mga bisita na kahit hanggang anong oras, pwede silang magsaya basta't walang mabubulabog na kapitbahay.

 

 

Nakatayo ngayon si Seungwan sa harap ng gate. Si Joohyun naman ay kanina niya pa pinaunang sumakay sa kotse. Saglit siyang nagpaiwan upang kausapin si Seulgi at Byul para magbilin ng mga gagawin.

 

 

Si Seulgi, bilang ang dakilang bespren ng nagplano at nag-asikaso ng buong birthday party, ay nangakong tutulong sa pagliligpit dahil nga kailangan niyang umuwi nang mas maaga.

 

 

At si Byul naman na matalik nilang kaibigan pero halata sa mukhang napilitan lang at 'di niya nagugustuhan ang mga nangyayari.

 

 

Sa totoo lang naman kasi, si Seulgi lang talaga ang kinontrata ni Seungwan. Napasama lang si Byul dahil pinilit at inalay ito ng sarili nitong jowa na si Solar.

 

 

 

 

"'Yan, Wends! Isama mo 'tong si Byul! Tutal vinacuum nyan 'yung mga shanghai dun sa handaan."

 

 

 

 

"Seul, basta 'yung mga ilaw 'wag mong kakalimutang patayin, ha."

 

 

"Yes, Boss Son!" Sumaludo pa ito sa kanya. "Ako na ang bahala ro'n," mapaglarong sabi ng oso.

 

 

"At ikaw naman, Byul. Tulad ng sinabi ni Yong, ikaw na ang bahala sa basura." Nang-uuyam niyang sabi rito.

 

 

Lalo namang nalukot ang mukha ni Byul na ikinatawa na lamang ni Seungwan at Seulgi. Aangal pa sana ito nang may biglang umalingawngaw na malakas na boses.

 

 

"Son Seungwan!"

 

 

Nagsilakihan ang mga mata ng magkakaibigan. Siguradong pare-parehas silang nakaramdam ng kilabot na naging sanhi ng pananayo ng kanilang balahibo.

 

 

"Oo na, orb. Ako na bahala sa basura. Kahit basura pa ng buong street na 'to, ako na mangongolekta. Punta ka na ro'n, bilis at baka mapasama na naman tayo," mabilis na sabi ni Byul habang marahang tinutulak si Seungwan palayo sa kanila at papunta sa kotse.

 

 

Alam ni Seungwan na hindi ngayon ang tamang oras para makipaglokohan pero 'di niya napigilan mapangisi dahil sa inaasta ng kaibigan. Mukhang sumang-ayon din naman sa kanya si Seulgi nang narinig niya itong nagpakawala ng halakhak.

 

 

"Very willing, ah. Parang kanina lang naangal ka pa. What made you change your mind?" Nang-uuyam na usisa ng oso.

 

 

"'Yung sapak ng jowa nitong may pagka-Amazona!" Marahas na bulong ni Byul habang nakaturo kay Seungwan. Mahirap na, baka maulinigan pa ng pinatutungkulan nito.

 

 

Bakas pa rin sa mga mata ng kaibigan ang takot at sakit mula sa nangyari kanina. Sabihin na lang nating may nasaktan nung nalaman ni Joohyun na may nagpaluto pa ng shanghai sa kanya kaya siya natagalan sa pagsuyo rito.

 

 

Suminghap nang malakas si Seungwan, "Sinasabi mo bang Amazona si Joohyun?" Kunot-noo niyang tanong sa kaibigan. "Lagot ka, isusumbong kita, 'kala mo dyan." Pagbabanta niya.

 

 

"Hoy, gago, 'wag! Kung kelan pauwi na kayo, saka pa ko madadale. Tsaka compliment 'yon! Alam mo bang strong, independent women ang mga Amazons??" Aligagang paliwanag nito. Kapansin-pansin din na hindi ito mapakali, mukhang anytime ay handa itong tumakbo para sa sariling buhay.

 

 

Natawa nang napagkalakas ang magbespreng Seulgi at Seungwan.

 

"'Tong mga tukmol na 'to! Akala niyo naman apakatatapang niy—"

 

 

"SON SEUNGWAN!!! Bakit ba napakatagal mo?? 'Wag mong hintaying ako ang sumundo sa'yo dyan!" Sa muling pagkakataon, umalingawngaw sa paligid ang malakas na boses ni Joohyun. Halata sa tono ng dalaga ang pagkainip nito. 

 

 

Agad na napahinto si Seulgi at Seungwan sa pagtawa. 

 

 

Suminghal si Byul, "Tss! Tangnang mga 'to, takot din naman pala kayo."

 

 

"ISA!"

 

 

Kung ano pa mang mga panunumbat ang sasabihin pa sana ni Byul sa dalawa ay umurong ito sa lalamunan ng dalaga. Sabay-sabay naestatwa at namutla ang mga mukha ng tatlong magkakaibigan.

 

 

"DALAWA!"

 

 

Si Seulgi ang unang natauhan at marahas na inalog sa balikat si Seungwan, "Wanwan, nagbibilang na siya! Bilisan mo na!" Alalang pahayag ng oso sa harap ng mukha niya.

 

 

Sa gitna ng pagkakagulo ng tatlo ay may isang dalagang tawang-tawa habang pinapanood ang pagpa-panic ng magkakaibigan.

 

 

Mula sa tanaw ni Joohyun sa kanyang kinauupuan, makikitang hinihila na ni Byul papasok ng gate si Seulgi ngunit nanatili itong inaalog ang tila ba nanigas at naestatwa nang si Seungwan. Aliw na aliw si Joohyun sa kanyang nakikita. Iba talaga ang sayang naihahatid sa kanya ng panti-trip sa jowa niya at sa mga kaibigan nito. Para silang 3 idiots pero girl version.

 

 

Nag-iling ng ulo si Joohyun saka tumikhim at humingang malalim.

 

 

"TAT—"

 

 

"HYUN! Eto na ako, Hyun! Tara na, uwi na tayo!" Bungad ni Seungwan kay Joohyun mula sa pagkakasilip niya sa bintana ng sasakyan.

 

 

Buti na lang talaga't nahimasmasan siya agad at kumaripas ng takbo papunta sa kotse. Pasalamat na lang siya sa sampal ni Seulgi na nagbalik ng ulirat niya just in time. Si Byul, 'wag na 'yon. Pambihira, handang-handa ba naman mang-iwan at manakbo si gago. Pero 'di niya rin naman masisisi ang kaibigan kung na-traumatize ito dahil sa nangyari kanina.

 

 

Matapos ang ilang sandaling paghahabol ng hininga, tuluyan nang pumasok si Seungwan sa kotse. Nilingon niya si Joohyun na daig pa ang nakalunok ng megaphone. Maaliwalas ang mukha ng kasintahan dahil sa malawak na ngiti nito sa mga labi. Ang mga mata ng dalaga'y nag-uumapaw ng pagmamahal, paggiliw na alam niyang buong-pusong nakalaan sa kanya at para sa kanya lamang.

 

 

'Di niya napigilang mapangiti sa kabila ng kakaba-kabang nangyari kanina. "Hi." 

 

 

Tumawa si Joohyun, "Hi?" 

 

 

Hindi niya rin alam kung bakit 'yun ang lumabas sa bibig niya. Ewan niya ba, sa tuwing napapatitig siya sa mukha ni Joohyun, natatanga siya. Nagkibit-balikat na lamang si Seungwan bilang tugon. 

 

 

Bumungisngis ang kausap at nag-iling ng ulo, "Well, hello~" malambing na sambit nito. Inilapat ng kasintahan ang palad nito sa kanyang mukha at hinaplos ang pisngi niya.

 

 

Nagsalubong ang kilay ni Joohyun. "Ba't ang pula nito?" Alalang tanong ng dalaga habang masuring nakatitig sa pisngi niya.

 

 

Shet, Kang Seulgi.

 

 

"Ah!" Tumawa siya nang malakas at tumingin sa labas. Nakatayo pa rin sa harap ng gate si Byul at si Seulgi. Nakatingin ang mga ito sa direksyon nila, sinisilip siguro kung anong kinahinatnan niya. Ibinalik niya ang kanyang tingin kay Joohyun na matiyagang naghihintay sa kanyang magiging sagot. Ayos naman ang lahat, ang tanging nagpakabog sa dibdib niya ay ang ekspresyon ng dalagang mukhang handang manakit kung sino man ang nagpapula sa kanyang pisngi. 

 

'Di niya forte ang pagsisinungaling, lalo na't kung kay Joohyun niya ito gagawin. Bahala na si Bathala sa magiging kapalaran nila ni Seulgi. Sinigurado muna ni Seungwan na naka-child lock na ang pinto ng kotse bago ang lahat. Mahirap na't baka may mabalatan na oso nang wala sa oras.

 

 

Tumikhim si Seungwan, "Nadapa kasi ako," bulong niya habang nakatingin sa manibela.

 

 

"Wan..."  

 

 

Kumagat siya sa kanyang labi, "Sumalampak ako sa pader," 

 

 

"Seungwan." Saad ng kausap, halatang 'di ito naniniwala sa mga pagdadahilan niya. 

 

 

Hays, ano pa bang point? Todo mo na 'to, Seungwan!

 

 

"SinampalakoniSeul." 

 

 

Agad na nalukot ang mukha ni Joohyun sa narinig nito.

 

 

"P-pero oks lang naman ako!" Mabilis niyang pagpapatuloy bago pa man makapagsalita ang dalaga. Hinalikan niya ang palad ng kasintahang nakalapat pa rin sa kanyang pisngi.

 

 

Muling hinaplos ni Joohyun ang kanyang pisngi, mas banayad at maingat sa pagkakataong ito. "Ba't ka ba kasi sinampal ng best friend mo?" Tanong nito na puno ng pagtataka ang boses at nakakunot pa rin ang noo. 

 

 

'Di niya na naman kailangan pang sabihin kay Joohyun na kaya siya nasampal ni Seulgi ay dahil sa pagpa-panic nila sa pa-countdown nito kanina, 'di ba? Oo, 'wag na. Past is past.

 

 

So let's not bring the past back anymore~

 

 

"Uhmm... Weird soulmate things?" Baluktot niyang pagdadahilan. Kung 'di man naniwala ang dalaga sa palusot niya ay hindi na ito nagpumilit pa.

 

 

"Hmm," huni nito bago hinawakan ang magkabila niyang panga at nagtanim ng magaang halik sa kanyang namumulang pisngi.

 

 

"Tara na, Hyun?" Nakangiti niyang sabi nang naglayo ang kanilang mga mukha.

 

 

"Masakit?" Sa halip ang isinagot ng kasintahan.

 

 

"Nah," nagkumpas siya ng kamay. "Mas masakit pa rin hampas mo," banat niya sabay kindat.

 

 

Pumalatak si Joohyun, "Seungwan." Seryosong saad nito.

 

 

Tumawa si Seungwan, "No, not really." Matapat niyang tugon saka ngumiti sa kausap. 

 

 

Teka nga, kung tutuusin, masakit naman talaga. Sayang naman sampal ni Seul kung wala akong mapapala rito. 

 

 

"Well, actually yes." 

 

 

Tumaas ang kilay ni Joohyun sa narinig, "Ano ba talaga?" 

 

 

"Ang sakit. Final answer na 'to, promise. Kiss it better? Pleaseee," nakanguso niyang ungot sa kasintahan.

 

 

Binawi ni Joohyun ang mga kamay nito mula sa kanyang mukha upang sumadal nang maayos sa kinauupuan nito. "Tss! Alam mo, girlfriend ng birthday girl, kung gusto mo ng kiss, ibibigay ko naman sa'yo." Nakaismid na tugon ng dalaga, mayabang ang itsura nito maharil dahil nagamit nito ang linyahan ni Seungwan laban sa kanya.

 

 

Umirap siya, "Yeah, yeah." Saka siya na mismo ang umangkin sa mga labi ni Joohyun. Agad pumulupot ang mga braso ni Joohyun sa leeg niya at 'di niya napigilang mapangiti sa halik.

 

 

"WOOOH! ANG HAHAROT NIYO TALAGA! DITO PA KAYO INABUTAN, SA BAHAY NIYO NA 'YAN ITULOY, PLEASE LANG!" Narinig nilang sigaw galing sa labas. Agad naman silang naghiwalay at sumilip sa dako ng gate. Ang kaninang nakamasid na si Byul at Seulgi ay nadagdagan ng dalawang demonyita na si Joy at Yeri.

 

 

Natawa na lang ang magkasintahan bago parehas umayos sa pagkakaupo. Nag-iling si Seungwan ng ulo bago inabante ang kotse sa tapat ng kinatatayuan ng mga kaibigan.

 

 

"Oh, babe. Ba't andito kayo? Akala ko ba kakanta kayo ni Yerms?" Tanong ni Seulgi sa jowa nitong si Joy, halatang nagulat din sa pagsulpot ng dalawa.

 

 

"Tapos na kami kanina pa, hinihintay na lang namin kayo makabalik para masimulan na 'yung bagong round," paliwanag ni Joy.

 

 

"Ang tagal niyo naman kasi! Akala namin naglalaro na kayo rito ng tagu-taguan kasi may narinig kaming nagbibilang nang malakas," reklamo ni Yeri. "'Yun pala nanonood lang kayo rito ng teledrama ng buhay pag-ibig ng dalawang 'yan na 'di na nakatiis at sa kotse na lang nagjugjugan." Dagdag pa ng batang demonyo na nakaturo kay Joohyun at Seungwan.

 

 

"Hoy! Tanginamuka, Kim Yerim! Nag-kiss lang, jugjugan agad??" Gigil na sabat ni Joohyun na namumula ang mukha. Kung dahil ba sa hiya o sa galit ay hindi na rin alam ni Seungwan.

 

 

Pumalatak si Yeri, "Aysos, garbanzos. Kunyari ka pa, gusto mo rin naman. Oks lang, Ate Ren, tanggap pa rin kita."

 

 

'Di na kailangan ni Seungwan humarap kay Joohyun para malaman na nanlilisik ang mga mata nito dahil ramdam niya ang biglang paglamig sa loob ng kotse kahit mahina lang ang aircon. 

 

 

"Ako, 'di kita tanggap!" Bulalas ni Joohyun habang sinusubukang buksan ang pinto ng kotse. Buti na lang talaga't naka-child lock ito kundi baka may batang (demonyong) maagang mamaalam.

 

 

"Ay, anuto? MMK?" Nanunuyang singit ni Joy na lalo namang ikinagalit ng jowa niya.

 

 

Kung 'di nasinsindak si Yeri at Joy kay Joohyun, ang dalawang kaibigan niya na nanatiling tahimik sa gilid ay nangangatog na dahil sa takot.

 

 

Mukhang naramdaman naman ni Byul na hindi magiging maganda ang kahihinatnan nila mamaya kung 'di pa hihinto ang dalawa kaya pumagitna na ito.

 

 

"Hay nako! Umuwi na nga kayo para makapag-inuman na kami," sabi nito saka binigyan ng makahulugang tingin si Seungwan.

 

 

"Hyun," pagtawag niya sa atensyon ng kasintahan ngunit abala pa rin ito sa pagtitig nang nakamamatay sa dalawang babaeng nakaismid lang. "Hyun." Pag-ulit niya, sa pagkakataong 'to ay hinila niya nang marahan ang kamay ng dalaga. Gumana naman ito at lumingon sa kanya si Joohyun, "Let's go now? It's already getting late," giit niya.

 

 

Nagbuntong-hininga si Joohyun at tumango na sinuklian niya ng ngiti at halik sa likod ng palad nito.

 

 

Lumingon siya sa labas ng kotse, "Guys, una na kami," paalam niya sa apat. "Oy, kayong dalawa, 'yung mga bilin ko, 'wag niyong kalimutan." Muli niyang paalala kay Byul at Seulgi.

 

 

"Tsk! Oo nga, Wan. Kami na nga bahala ro'n. Sayonara na," Inip na sabi ng best f

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
kalian ko naman kaya 'to madadagdagan? >;|

Comments

You must be logged in to comment
wintzkie #1
Chapter 7: Nalunod ako sa iyong paggamit ng mga salita sa tagalog . Sana'y hindi na sa ganitong paraan ng paggamit ng salita ang iyong gagamitin sa susunod na kabanata. 😅
WluvsBaetokki #2
Chapter 7: Ang lalim ng Tagalog gosh... pero ang galiiiiing mo po
WluvsBaetokki #3
Chapter 4: Hiy ang ganda Tae naiyak ako bakit ganern
paradoxicalninja
#4
Chapter 6: bakit parang angst hahshshsh sana naman nde 🥲🤧

welcome back otor 💗💙
Ot5langlakasam
#5
Chapter 6: Di ko naman sinasabing para akong tangang single dito na kinikilig at nasigaw internally dahil sa chapter na ito pero parang ganun na nga.... Labyu otornim
juhyuneeeee
92 streak #6
Chapter 6: hi otor labyu po 😭♥️
seventy743 #7
sobrang ganda ;((( parang kasama rin tuloy nila ako sa journey nila dahil sa ganda ng pagkakasulat huhu v v v heartwarming thank you for writing this huhu
hyehye29
#8
Chapter 4: whyket ganern naiiyak ako sa ending sheeeemsss 😭😭😭 pero masaya naman akez para sa kanila <3
WluvsBaetokki #9
Chapter 5: Ang kyot bat ganern
WenRene_77 #10
Chapter 5: ang cutie ng story na to lalo na si seungwan hehe salamat author, kelan po ulit update? dejoke, haha take ur time😊💙💝