pagtingin
habang naghihintay kajust an excerpt from what i've been writing since i insisted na this irene from fmr is maria clara. based on kabanata vii: suyuan sa azotea ng noli me tangere.
Nasa kalagitnaan ng kasarapan ng pagdidiskusyon si Kapitan Tiyago at Ibarra nang humarap sa kanila si Tiya Isabel at ang akay-akay nitong si Maria Clara na halos kaladkarin pa.
Sa isang silid na pinupunan lamang ng apat na tao, hindi maikakaila ang tahasang pag-iiwas ng tingin ng dalaga sa bisita. Ngunit kahit ano pa man ang gawin niya'y wala itong saysay dahil tila ba mga magnetong humahalina sa isa't isa ang kanilang mga mata at nagtagpo rin ang kanilang titig sa huli.
Walang siguradong makapagsasabi kung ano ang pinag-uusapan ng magkasintahan sa pamamagitan ng kanilang mga titig. Gayunpaman ay tiyak na nabatid ng magsing-irog ang bawat mensaheng sinasabi ng isa't isa sa paraang silang dalawa lamang ang pamilyar— isang lengguwaheng higit na mas makapangyarihan pa sa nabibigkas ng labi.
Pag-uusap na tahimik— paraang walang kahit anong pagpapalitan ng tinig upang hindi makagambala sa kanilang bumubugsong lantay na damdamin. Mak
Comments