Missing You (i)

habang naghihintay ka
Please Subscribe to read the full chapter

Kung saan panatag ang loob ni Irene basta't kasama niya si Wendy — kapiling nila ang isa't isa, walang dapat katakutan.

 

 

 

Ibinaling ni Irene ang tingin sa labas at pinanood ang pagtatakip-silim.

 

Kanina pa siya nakatitig sa kalangitan, matiyagang pinagmamasdan ang pagpapalit ng kulay sa mga ulap habang ang hapon ay nagiging gabi. Hindi niya maitatanggi na medyo nasakit na rin ang leeg niya kakatingala. Hinaplos niya ang batok at bahagyang nag-unat. Tanda niyang maliwanag pa ang sikat ng araw nang naupo siya sa kanyang pwesto, inabot na lang talaga siya ng pag-aagaw-dilim kahihintay.

 

Huminga siya nang malalim at sumulyap sa suot na relo.

 

Maybe it's time.

 

Kinuha niya ang phone mula sa bulsa at nag-dial ng number. The line on the other end rang for a few seconds before someone picked up.

 

"Hello, Wen? Nasa'n ka na?"

 

"— hello! Sorry, love, paalis pa lang ako." Hingal na sabi ng nasa kabilang linya, para bang may hinahabol. "How about you? Nandyan ka na ba?"

 

Irene just hummed dejectedly.

 

Narinig niyang tumikhim si Wendy. "K-Kanina pa?" Halata na sa boses nito ang pag-aalinlangan at pag-aalala.

 

Muli siyang napatingin sa oras, akala mo nama'y hindi niya ito nakita ilang sandali lang ang nakalipas.

 

"Hindi naman, kararating ko lang din." Sinungaling. Kanina pa siya naghihintay. She's been sitting at this damn table for almost an hour and a half now.

 

Nagpakawala nang malalim na hininga si Wendy. "Mmhm— thank goodness!" Biglang bulalas nito na medyo ikinabigla niya. "I'm going to hang up na, okay?"

 

Tumango na lang si Irene kahit na alam niyang hindi siya nakikita ng kausap. She paused to hear the beep sound before putting her phone down from her ear.

 

Napasimangot siya.

 

That was kinda weird...

 

She can't help but think that something feels a bit off.

 

Nagkibit-balikat na lang siya. At least Wendy's reminded of their date night plans now.

 

Naputol ang pagmumuni-muni ni Irene nang sunod-sunod na tumunog ang phone niya.

 

 

My love, Wendy, darling <3:

hi lovee

srry i ended the call agad ;(

my bad

didn't get to say tuloy na

i love uu <3

hehe

i'll be otw now

miss u lots

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
kalian ko naman kaya 'to madadagdagan? >;|

Comments

You must be logged in to comment
wintzkie #1
Chapter 7: Nalunod ako sa iyong paggamit ng mga salita sa tagalog . Sana'y hindi na sa ganitong paraan ng paggamit ng salita ang iyong gagamitin sa susunod na kabanata. 😅
WluvsBaetokki #2
Chapter 7: Ang lalim ng Tagalog gosh... pero ang galiiiiing mo po
WluvsBaetokki #3
Chapter 4: Hiy ang ganda Tae naiyak ako bakit ganern
paradoxicalninja
#4
Chapter 6: bakit parang angst hahshshsh sana naman nde 🥲🤧

welcome back otor 💗💙
Ot5langlakasam
#5
Chapter 6: Di ko naman sinasabing para akong tangang single dito na kinikilig at nasigaw internally dahil sa chapter na ito pero parang ganun na nga.... Labyu otornim
juhyuneeeee
92 streak #6
Chapter 6: hi otor labyu po 😭♥️
seventy743 #7
sobrang ganda ;((( parang kasama rin tuloy nila ako sa journey nila dahil sa ganda ng pagkakasulat huhu v v v heartwarming thank you for writing this huhu
hyehye29
#8
Chapter 4: whyket ganern naiiyak ako sa ending sheeeemsss 😭😭😭 pero masaya naman akez para sa kanila <3
WluvsBaetokki #9
Chapter 5: Ang kyot bat ganern
WenRene_77 #10
Chapter 5: ang cutie ng story na to lalo na si seungwan hehe salamat author, kelan po ulit update? dejoke, haha take ur time😊💙💝