4.5/6

Seulgi at Si Bunny

Hinati ko into two parts kasi boang ako. As usual maraming mali and cheesy na naman. Pakibasa yun note pagkatapos. Mwaps.

___________________________________

 

'Pero paano si bunny?'

 

"Ui Ate seulgi, may napapansin ako hah" Bigla naman nagulat si seulgi ng may naramdaman siyang mabigat sa side niya.


"How true ang chismis na Close daw talaga kayo ni madam president" Yerim wiggled her eyebrows habang kumakain ng chizcurl kahit na no snacks allowed during class hours.

Napatingin siya sa yellow sewing kita na nakapatong sa lap ng oso. May katabing "oh so familiar" na pink box. Pink box na may nakalagay na malaking acronym na BJH.

Napansin naman ito ni seulgi at alam niyang siya na naman ang target ng squirtle. 

 

 


'Bakit kasi sa akin pa pinahawak ni ms president yun sewing kit niya?'

 


Sa una ay okay lang naman kay seulgi ng inabot sa kanya ng kanilang president ang box niya dahil pupuntahan nila sa faculty ang may hawak ng susi ng TLE room. Makakatanggi ka ba kapag may 'please' na yun dulo ng sentence? SYEMPRE hinde.


Kaya naman ay Napa - opo na lang ng wala sa oras ang oso.


Pero simula ng umalis ang president ay bigla siyang naconscious (at namula)  ng makita niya ang mga mapanuksong ngisi at tinginan may laman mula sa mga classmate niya. 

Matagal ng napapansin ng mga classmate ang pagiging close ng kanilang resident bear at kanilang mahal na president.


Komportable nag lean sa right shoulder ng oso si yeri, nagpapanggap na sumisilip sa tinatagong nitong mga box (feat pencil case dahil studious si seulgi)


Nasa harap ng isang lumang building ang mga classmate nila seulgi dahil hinihintay nila maopen ang room ng T.L.E nila.  Ang iba ay nakatayo at nagiingay habang hawak hawak ang kanilang mga sewing kit. Ang iba naman (katulad nila seulgi) ay nakaupo sa may bench nagchichikahan or tinatapos ang mga binili nila sa canteen.

 

 

"Yerim pwede si Wends na lang guluhin mo. Open siya duon oh"

 

 

Hindi naman pinansin ni yerim ang hiling ng oso. Nakangisi pa rin ito at ready na ang kanyang mga bala.

 

 


"Hmm Alam mo ako ang guardian angel niyan box na yan noon pero hmm ngayon parang may nagaganap na sulutan hmm bakit kaya? Wiz naman siya pamilya pero parang gusto pa yata siya gawin part of the fa-

 

 

" Friendslangkamiyerim" tanggi ni seulgi na parang nagrarap sa sobrnag bilis nito magsalita. She also shake her head para ma emphasize yun sinabi niya pero makikita sa ngisi ni yerim na hindi siya naniniwala.

 

 

"Ay bongga. Wala pa nga ako sinasabi pero tanggi kaagad. Speed ka gurl? Iba yata nasa isip mo kapatid."

 

 

 


"Sa true lang. Pero ikaw seulgi hah Baka mamaya yan magtampo na si bunny" 

 

 

Bigla naman napatalon sa gulat si yeri  dahil sa unknown person na nagsalita sa likuran nila. Lumingon kaagad ang squirtle para tingnan ang salarin.

 

 

"Tinik ka talaga sa lalamunan kapre ka! Wag kang mangugulat, yun usop ko gaga! Gusto mo na yata talunin yun white lady sa likod ng Computer lab natin! " Hawak hawak ni yerim ang kanyang dibdib na para bang inatake ito sa puso. Dahan dahan naman itong tumayo para Ready na sana makipagbugbugan gamit ang sewing kit.

 

 Joy rolled her eyes.

 

"Laklakin mo pa yun kopiko 375 chuchu duon sa may canteen dzae. Nanenerbyos ka na naman." Napatawa nalang ng mahina si joy.

 

 

"Heh! Sakit mo sa dibdib boang. Antayin kita sa may gate tingan mo lang. Wait Ispeaking of canteen, baket mo sinabi na ako na magbabayad ng inutang mo na pancit canton kay Manang Baby. What you are? Swerte?"

 


"Hala pamilya pamilya na lang tayo dito undin madzae. Bayaran mo na lang"

 


"WALA NA AKONG PERA. BIBILI PA AKO NG PANINDA. DUON KA NA MAGPABILI KAY WENDY BEBE MO"

 

"WALA RIN NAMAN AKO PERA NUNG BINILI KO YUN CARTOLINA NIYO PARA SA FILIPINO HAH!"

 

Patuloy pa rin sa pagbabangayan ang dalawa. Nakalimutan na nila ang oso na nagmumuni sa gitna nila.

 

Pano na nga ba si bunny? Ang secret admirer niya na palagi siyang binibigyan ng mga libreng bagay. Palagi siyang binibigyan ng mga post it notes na inaamin ni seulgi na nagpapangiti sa kanya.

Ngunit ngayon alam na ni seulgi ang tunay na nararamdaman niya para sa president nila, Paano naman ang nararamdaman ng kanyang secret admirer? 

Ayaw rin naman ni seulgi na may masaktan siyang ibang tao. Ayaw niyang masayang ang effort ni bunny. 

 

 

"Alam mo seul, sabihan mo lang kami. Kami na bahala sa meet-up niyo ni bunny. If you want, just call me and I'll be there like superman got nothing on me."

 

"So true. " Napatango naman si Joy.

 

 

"Actually, nanjan lang naman talaga siya palagi sa t-" napatigil naman si joy dahil tiningnan siya ng masama ni yeri. Dpaat talaga ay sa isip lang si joy na nagmomonolouge pero parang muntikan na niya ito masabi with volume.

 

 

Mabuti na lang ay busy pa rin si seulgi sa pagmemeditate habang tinitingnan ang huling binigay ni bunny na keychain sa may pencil case niya.

 


 Napastop rin siya sa kanyang lutang moments  dahil bigla naman sumabay ang sigaw ng kanilang classmate.

 

Hindi pa ngayon ang tamang oras.
Hindi pa niya kaya sabihin kay bunny.

 

Kailangan niya mung magisip ng malalim na malalim, mas lalo ngayon may isa pa siya problema na hinahanarap.

____________________________________

 

Masyadong unpredictable ang ulan sa pilipinas. Kung kanina lang ay sobrang init. Ngayon naman ay sobrang lakas ng hangin at ulan. Napakadilim ng paligid kahit na mga 2:00 pa lang sa hapon. Dahil na rin yata ito sa masamang panahon.

Napatingin na lang si seulgi sa labas ng bintana. Siguradong may swimming pool na naman sila sa may plaza and somewhere sa campus.

Nahati na naman ang mga classmate niya into two groups.

May mga classmate siya na ayaw lumabas dahil masyado ng malamig. Mas pinili nilang matulog at maglatag sa sahig (which is approved by the president dahil wala namang teachers)

Mas pinili nilang maglaro ng uno o mga board games na (illegal) na dinala sa school.

Isa si seulgi sa grupo na iyon. Masarap kaya matulog kapag malamig ang panahon especially sa loob ng classroom nila.

The other group of students naman (kasama na sila yerim, ligaya at ang ibang tropa ni seulgi) ay napagdesisyunan maglaro, mag photoshoot at  magpabasa ng kaunti sa ulan (which is NOT approved by the president kasi kahit na wala ang teachers BAWAL PA RIN LUMABAS)

Alam ni seulgi na at the moment, ang kanilang president bae ay busy na nagbabantay at pagalitan ang mga classmate niya sa labas. Sayang at hindi nila natuloy laruin yun nabili ni seulgi na crocodile crocodile game.

Gusto na niya magpatalo manalo. Para kasing may hidden magic yun competitive president nila, gusto niya rin maranasan manalo. 

 

(Kung hindi papalarin, ok lang naman kay kang seulgi na matalo. Losing means maririnig niya yun cute na tawang pangmanang ng kanilang president.)

 

Anygay, Gusto man ni seulgi na samahan ang kanyang "friend" sa labas ay napaisip naman ito na wag na lang dumagdag sa sakit ng ulo ng kanilang president.

Hindi niya rin pwedeng bulabugin ang kaniyang bestfriend na si Seungwan dahil nasa faculty ito ngayon.

Napagdesisyunan ni seulgi na makisali na lang sa grupo nila wheein na maglaro ng monopoly pero parang intense na ang air. Para bang any moment, may isa sa kanila ay ready na babaliktarin yun board.


 Kaya naman ay makikinig na lang siya mga horror stories sa kabilang grupo nila Mina. Dikit na dikit talaga ang mga nakikinig,  may pa kumot pa silang nalalaman (thanks to the tela na gagamitin para sa field demo ngayon nalalapit na foundation day)

 

 


"So yun na nga, Naabutan yun ate ko ng ulan 6:00 pm dito sa school. Nakalimutan niya na kapag umuulan,tumataas yun tubig sa parang drainage-"

 

 

 

"Kanal?"

 

 


"Its Drainage slapsoil. Basta drainage sa side ng building na ito , yun kung saan yun dadaan natin pag uwian."

 

 

"Hala wag naman ganyan. Uwi pa kami ui" commercial ng isang classmate nila.

 

 

"Nakalimutan niya na sabay ng pagtaas ng tubig ay ang pagahon ng Pinaguusapan multo ng isang batang babae-

 

 


"Grabe mars, baka fake news yan" narinig ni seulgi na sabi ng classmate niya. 

 

 


"PATAPUSIN NIYO MUNA KASI AKO- basta isang batang babae puti ang mata puno ng putik ang katawan at uniform na humihingi ng tulong."

 

 


"Bluff lang yata yan mars" napasinghap ang isa.

 

 


"Heh! Akala rin ng ate pinsan ko peyk news pero Legit daw talaga mars kasi siya na lang yun mag isa. "

 

 


"Sige continue mars"

 

 

"Lumamig daw talaga yun paligid tapos narinig niya na parang may umahon tapos pagkatingin niy tangina...MAY BATANG BABAE TALAGA TAPOS UMIIYAK NG DUGO-

 

Tatayo na sana si seulgi para takutin ang mga classmate niya ng biglang may flash of light at kasunod nito ay isang kulog.

Bigla naman namatay ang mga ilaw sa room. Kaya naman nagulat ang mga classmate niya at ang iba ay nagsimulang sumigaw ng sumigaw na parang kinakatay na, mas lalo na ang mga sharing period members ng mga horror stories.

 

 

 

"Shuta! NANJAN NA YUN BATANG BABAE NG KANAL."

 

 

"Tangina Papa G help!"

 

 

Tilian ulit ng mga kaklase ang maririnig. Kahit sa kabilang room ay nagtitilian rin.

 

 

"Respeto naman guys oh! May natutulog dito!"

 

 

"Shet anu yun?"

 

 


"TAKPAN NIYO YUN MIRROR. MAHAL NA MAHAL YAN. GALING PA YAN SA CLASS FUND"

 

 

"Grabe yun! Lakas mennn"

 

 

"Yass walang klase"

 


Bigla naman nag alala si seulgi. Meron pa naman isang tao na alam niyang takot sa kidlat at kulog.

Lumabas agad ang oso at hinanap ang kanilang president sa hallway. Nabasa kasi niya sa slambook na dinala ni seungwan nung last na isa sa mga weakness ni joohyun ang malalakas na tunog e.g thunder chuchu.

Nahanap kaagad ni seulgi ang kanilang president, may hawak pa itong purple na payong na pinapasok ang mga basang classmate niya. 

Binibigyan niya ng instructions ang mga classmate niya para hindi madumihan ang floor ng room. 

Pinapagalitan niya rin ito isa isa while giving them a pamunas to dry off. She started offering them a hot choco pero may sabay na kurot sa tagiliran. (galing yata sa paninda ni yerim, napatanong tuloy si seulgi kung paano na acquire ni joohyun ng ganun kadali ang resource ni yeri)


Napangiti naman ang oso. Kahit na may pagkastrikto si joohyun sa kanyang mga classmate at palagi siyang binabansagan na walang pakialam, she knows that their president truly cares for them.

 

(Seulgi saw their president smile while watching her classmate na daig pa kung palengke magcelebrate ng first win nila as a class sa sobrang ingay)


Habang palapit na ang oso sa kanilang president para tulungan itong icheck kung kumpleto na ba ang kanyang mga classmate ay bigla naman may flash of light again. Seulgi heard her president yelped in suprise. Nabitiwan pa nito ang kanyang payong dahil sa takot (and reflex).

Right on time, kaagad tinakpan ni seulgi ang tenga ni joohyun. The president immediately find shelter on seulgi's chest ng marinig niya ang napakalakas na kulog. 

As their eyes met, corny man pakinggan pero parang biglang tumigil ang mundo nila.


Seulgi shyly smiled. Joohyun shyly smiled. 


I could only tell you one thing, isa sa kanilang dalawa (?) ang nagdadasal na sana hindi gaano kalakas ang pagtibok ng puso nila.


_____________________________

 

 

Seulgi could only tell you one thing rin, Hindi pa niya kayang umamin sa president nila...

 

 


_____________________________

 

 

"Ayan photoshoot pa dzaii, open naman yun bahay namin kung papalayasin ka ng nanay mo sa bahay niyo" sabi ni joy sa kanyang bestie habang palabas na ng kanilang campus.

 

 

"K-k-katayin ako ng mama ko dzaii." Naiiyak na sabi ni yeri, habang kinakalikot ang basang cellphone niya. Hindi sapat ang pagpakyaw ng kanilang president sa paninda niya para hindi siya maevict sa bahay.

 

"Bili ka kasi ng pop socket. Meron ako pre order 70 pesos kung personalized. Bigyan na lang kita discount." sales talk na naman si ligaya. Napahagulgol ulit si yerim kasi kung bibili siya ng pop socket SAN NIYA ITO IDIDIKIT. PA DEADS NA NGA CP NIYA.

 

Gusto sana icomfort ni ligaya (kasi tapos na siya tumawa kanina) ang kanilang bhiebhie yerim pero marami kasi siyang hawak. Bag niya at bag ng bebe niya.


"Hey!"

 


Speaking of bebe, a wild hamster has appeared.

 

Galing si Wendy sa faculty, nag overtime yata.


Hapon na kasi at almost all students ay nakauwi na. Naiwan lang kasi si joy at yerim dahil (1)  Waiting game si joy sa bebe niya and (2) Hinahanda ni yerim sarili niya sa rap ng kanyang ng nanay.

 

 

"Sabi ko naman sa iyo na wag mo na kargahin bag ko kasi i will get it naman sa room." Sabi ni wendy habang kinuha ang bag niya kay joy.

 

 


"Ah sige noted. Ikaw na lang kargahin ko sa susunod babe" napangisi lang ang dalaga ng makita ang epekto niya sa hamtaro.

 

 

"Cute mo talaga pagnamumula ka babe. Matalo mo na si madam pramis"

 

 

 

"Tsk. Hindi ako mananalo duon nooh. Oh ano nangyari jan sa kasama mo?" Nguso ni seungwan sa katabi ni ligaya na trinatry istart ang phone sa pamamagitan ng pagpukpok at pagdasal.

 

 


"Nahulog ang cellphone nitong cutiepatootie na future ulila sa tubig ulan habang nagphophotoshoot kami. Naghahanap na siya ngayon ng bigas para irevive cp niya bago umuwi"

 

 

"Well, wala namang b-bigas dito sa school. Meron yata sa Cookery classroom pero di ko sure? Pero sa mga athlete yun eh."

 


"Halika na. Kunin na natin yerms" babalik na sana si joy sa building pero pinigilan lang siya ng dalawa.

 


"Ogag ka. Pride yun ng school natin tapos aagawan mo ng fudang? Kung last week yan, G ako. Pero ngayon? crucial ang sitwasyon ngayon dzaii. "

 

 

"Awts. Ipagdasal na lang kita lodz"

 

 

Bigla naman si wendy napaisip ng mga hacks na nabasa niya.


" yerm Tanggalin mo na lang muna yun simcard and--"

 

 

 

 

Oh.

 

 

 

 


Bigla naman napatigil sa pagsasalita si Wendy. Kaya naman ay napatigil rin si ligaya at napatingin sa kung saan nakatingin ang bebe niya. Parehong nagulat sa nakita.

Bigla naman napalitan ng ngisi ang gulat habang sinusundan ng tingin ang dalawang familiar na figure na papuntang parking ng mga motor and bike.

 


"SHET Hala hala gumana na YES! THANK YOU LORD- oh bakit kayo tumigil?" tanong ni yerim. Sinundan niya ang tingin ng dalawa niyang kaibigan.

 


"What kind of pabebeng teleserye sa hapon is this?"natatawang sabi ni Ligaya.

 

Nakapiggybackride kasi ang peyborit madam nila sa likod ni seulgi. Tawang tawa ang oso habang tinatahak ang daan na puro puddle lang. May pa sound effects pa ito na parang motorcycle.


If the three of them listen closely, maririnig nila na natatawa rin ang kanilang president with matching palo and 'Yah! Kang seulgi ibaba mo ko'  pero contradicting  naman mostly ang action niya dahil parang mas lalo itong kumakapit sa oso.

 

 

 "Grabe ni madam, power masyado." 

 


Dismayado naman tumingin si yerim sa cp niya na bago bago lang nagstart.  Sayang at hindi niya mavideo ang mga ginagawa ng kaniyang madam. Blackmail material sayang.

 

 


"Kim Yerim, kailangan na natin iready sarili natin. Sasakit na naman tenga at balikat natin dahil sa hampas later."

 

 

 

 

TBC.
_______________________________________

IMPORTANT Note:

Haluu wassup. Slr. Kakatapos ko lang magcharge char.

Itz ya ghourl who serves cringey unnecessary fluff.mwaps. di ako amrunong magangst pero...👀

Senxia n lodi kasi ngayon lang ito na continue. Dami kasing gawain school nung last pero good news- GRADWEYT NA AKO! HAHAHAHAHA. Nakagradweyt dahil sa maggi magic magic sarap.

Anygays, GUSTO KO MAGPASALAMAT SA LAHAT NG NAGUPVOTE AND SUBSCRIBE! GRABE YORN! Sabi ko nga nung last year, sana masarap ulam niyo ebriday! *heart*

And also duon sa mga nag comment , AHLABYU NA SAGAD WALA NG INTRO INTRO SKSKSKSK. Salamat sa paghahanap, kilig ako tru20😭😳

Sa totoo lang , nashookedt ako kasi may nagbabasa pala nito kahit korni siya and maraming mali whahahahaha SALAMAT SALAMAT NG MARAMI!

Pasensya na kung natagalan. Trinatry kong pagisipan ang daloy ng story kahit wala akong isip at sense.


 P.S: Pa-ending na to. Sananmataposkonayunending.
 

P.P.S. JOYLO JOYLO JOYLO 


p.p.p.s Still waiting with res7 sa rv.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sailorcee
Halaaa

Comments

You must be logged in to comment
Pristinemoon
32 streak 0 points #1
Chapter 8: Otorrrrrrr huhuhu welcome back 🥺. Willing to wait po and no pressure otor-nim hehehe
Goeynceilove
34 streak 0 points #2
Chapter 8: Welcome back, Author-nim!
No worries. Just think positive.
You are right, pour all your good vibes and positivity here. You are the author and have the power to make this a beautiful Happy ending.
I am sure in time, you'll find your happiness.🐻🐰😌🙏
Pristinemoon
32 streak #3
Chapter 7: Miss na kita beybe d q na kaya 😭 Balik ka na otor 😭😭😭😭
moksy12 #4
Chapter 7: bitin po otorrrrrr 😭😭😭
chenenow #5
Chapter 7: otor 😭?
future_mrs_liu #6
Chapter 7: Cute!!!!
renemate
#7
Chapter 7: aaa super cute omg pls update :((
kang_ddeul
#8
Chapter 7: new reader here otor-nim! :D HAHAHAHA ang cutie po ng storyyy! 😍😍😍
SEULRENEHAHAHA #9
Chapter 7: OTHORRRR UPDATE PLESSSSSSS GUSTO MO DEN BA FRUITOS OTHORRRR??? ANYTHING POR YOUUU,,, BASTA UPDATE MO LANG TO EHHE
iSPARKLE #10
Chapter 7: Thaaaaank you so much po sa pag update author!! Coooongrats din po pala. Sana po laging masarap ulam niyo