2/6

Seulgi at si bunny

 

Seul decided na hanapin ang secret admirer code name: bunny.

She really needs to know. She badly wants to know kasi... Ano- di rin niya alam.

Maybe sluggie wants to thank her or unfair lang para kay seulgi na hindi niya kilala ang palaging nagiging rason ng pagblush niya.

 

Kaya naman linapitan niya ang source ng mga natatanggap niya from her secret admirer.

______________


First: Joy.


"Hindi namin alam. Wala akong alam. My lips are sealed" sabi ni joy habang kinakain ang lunch niya na chicken joy.


"Pero joy... sige na please"


"K"


"JOY PLEASE"


"Well...hindi lahat ay libre na Kang. Equality. balance. Everytime na may natatanggap dapat may mawawala. You know what i mean?" Ginamit pa ni joy na pang turo sa mukha ni seulgi ang buto ng chicken joy na ulam niya.
.
.
.
"Ibibigay ko number ni wendy"
.
.
.

 

Sorry na lang wends. Kailangan may isasakripisyo. Napadasal na lang si seulgi na sana hindi siya batukan or worse, hindi na siya bibigyan ng ulam every lunch ni wendy.

 


"Bat hindi mo sinabi kaagad? Bigyan kita clue"

 


"Sige sige"

 


"Ang secret admirer mo ay....pabebe. yun lang clue ko. Bye, lagay mo lang yun number ni bebe wends sa cp ko "


"JOY!"


Mababatukan na lang nga siya, kulang pa yun info na matatanggap niya.
 

Good luck kang seulgi.

_____________________

Second: Yeri.


"YERIM! Kilala mo kung sino secret admirer ko?"


Napatigil naman si yerim sa paglalakad sa hallway. Hingal na hingal na si seul sa kakahabol sa kanya from sa plaza hanggang dito sa building nila.


"Syemps naman. Kilalang kilala ko kung sino"


"Pwede- ano pwede pa hingi clue"


" Sorry seul pero kagaya ni joy, my lips are sealed. Isa akong marangal na babae and i keep my words." Proud na proud na saad ni yerim.


"Pero- yerim. Gusto ko siyang makilala"


"At baket?"


"I- ano- gusto ko m-mag thank you"


"Thank you lang? Hindi mo i hug? Tsk tsk"


"Wait- ano - hindi ko rin alam"


Hindi pa rin siya pinapansin ni yerim, papasok na siya sa room nila. Malapit na mag time eh.

Kaya naman kailangan na ni seulgi gamitin ang kanyang secret technique bago ni yeri iopen ang pintuan.


"Kahit clue lang yerim. Libre kita banana roti duon sa may labas."


"Ma afford ko lang yan."


"Pahiramin kita nang bike ko"


Clinose ulit ni yeri ang pintuan at inakbayan si seulgi with matching malaking smile.


Equality. Balance.

 

"BAKIT HINDI MO SINABI KAAGAD? Gusto mo clue ng secret admirer mo ? Yun lang? Jusko easy peasy...basta pahiramin mo ako bike mo hah ate seulgi atsaka yun banana roti"


Aba't tinawag pa siyang ate... Napabuntong hininga na lang si seulgi. Ang usapan lang kasi bike lang pero bahala na, ang importante may another clue na siya.

 

"Oo ba. Hinge ako clue please"


"Jusko kung alam mo lang ang ugali nun  babaeng yun!"


Oh... Bunny is a girl. Nakaramdam ng saya inside her heart si seul. Mabuti na lang hindi hatdog.

 

 "...yun admirer mo, sobranngg pabebe atsaka classmate lang nati-"

 

"Miss kim yerim and ms. Kang seulgi" Bigla naman napatigil ang dalawa dahil sa isang familiar and strict na boses. Napalunok naman si yerim dahil kilalang kilala niya kung kanino ang boses na narinig niya.

 

"Ms. Pres!" Sabay bati nila seulgi. 


"Get inside. Tumunog na yun bell tapos nandito pa rin kayo... Ako ang mapapagalitan guys." Sita ni bae joohyun, class president ng class nila. Responsable, terror pero sobrang ganda. Lahat ng section ng grade 7  kilala na siya at lahat ng studyante ng school na yata ang nagka crush sa kanya pero lahat sila na didiscourage because (1) natatakot sila and (2) wala silang chance.

 

"Yes ms pres" all seulgi and yerim can do is nod.

 

Dyk! Naging crush ni seulgi ang ms. Pres nila pero naalala niya na nilagay siya sa noisy list at sinermonan siya nung grade 3 sila kaya naman natakot na siya... Engk!

 

Pero nagagandahan pa naman siya sa president nila and nakita niyang mabait naman ito kaya goods lang si seul. (Sabi ng iba may gusto na rin daw ang pres nila na iba pero di pa kilala. Sabi nila si Bogum daw yun basketball player sa kabilang section pero chismis lang daw yun eh)

 

____________________

 

Si seulgi lang ang pumasok sa loob ng room nila, hinila kasi papuntang cr ni president bae si yerim na parang namutla ng slight.weird.

 

Oh well, ang importante may alam naman siyang clue about sa secret admirer niya.

 

Now, simulan na natin ang paghahanap!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sailorcee
Pag naka half na ako sa ending, ipopost ko na yun partsz 2 ksskskkssk HAPPY BEINTE TRES AGAIN AND THANK YOU MWAPS!

Comments

You must be logged in to comment
Pristinemoon
14 streak #1
Chapter 7: Miss na kita beybe d q na kaya 😭 Balik ka na otor 😭😭😭😭
moksy12 #2
Chapter 7: bitin po otorrrrrr 😭😭😭
chenenow #3
Chapter 7: otor 😭?
future_mrs_liu #4
Chapter 7: Cute!!!!
renemate
#5
Chapter 7: aaa super cute omg pls update :((
kang_ddeul
#6
Chapter 7: new reader here otor-nim! :D HAHAHAHA ang cutie po ng storyyy! 😍😍😍
SEULRENEHAHAHA #7
Chapter 7: OTHORRRR UPDATE PLESSSSSSS GUSTO MO DEN BA FRUITOS OTHORRRR??? ANYTHING POR YOUUU,,, BASTA UPDATE MO LANG TO EHHE
iSPARKLE #8
Chapter 7: Thaaaaank you so much po sa pag update author!! Coooongrats din po pala. Sana po laging masarap ulam niyo
Varcenciel21
#9
Chapter 7: Yieeee may update. hindi naman corny, cute lang kasi pang-grade school life, kakamiss din maging bata at usapang crush muna hehe
Ivie12
#10
Chapter 7: Thanks sa story author, author di naman sYa korni ang ganda nga at ang cute Sana po UPDATE ulit waiting with respect po ako author love ya na talaga 😭😭😭😭😭