Divine Intervention

Aking Ligaya
Please Subscribe to read the full chapter

Kung gano katahimik ang byahe nila Hwasa at Wendy pauwi ganon naman kaingay sa kakachat sa TG itong si Wheein at ayaw tantanan si Hwasa sa kakasend ng mga quotes about friendship.

 

 

 

 

 

Natatawa na lamang si Hwasa at mukhang pinagsisihan na yata na inisplurk niya kay Wheein kung sino ba ang involved sa pa-weekly kapalaran niya, nung sumunod na araw matapos siyang mahuli about it.

 

 

 

Lintek naman kasi, Wendy. Kundi lang sana napa-uho ng sandamakmak na kashungaan ang kabaklaan mo edi sana di naiipit si Hwasa sa mga pangyayari.

Di na sinagot ni Hwasa si Wheein, bagkus ay binigay na lang ang buong atensyon kay Wendy at kinamusta nalang ang katropa.

 

“Okay ba tayo dyan bhielat?”, pangaasar ni Hwasa.

“Syempre hindi” pag park ng naka ngusong Wendy sa tapat ng boarding house nila Hwasa. “Excited pa naman din akong makausap siya. Kahit di ko alam sasabihin ko” 

 

“So paano na? Ano plano mo?”

“Edi matutulog na lang ako. Magi-emo, nakahanda na din playlist ko para mamaya” sabay scroll nito sa spotify niya, “at balik na naman sa pagbabaka sakali sa tuhugan ni Manong after classes.”

 

Napasinghap nalang si Hwasa at tinapik sa balikat ang kaibigan, pilit na pinipigilang matawa sa sitwasyon ng bhielat nila. Kanina lang eh nafufrustrate siya sa katangahan ng kaibigan nung marealize nito na kulang kulang pala yung number na naisave niya, pero ngayo’y natatawa na lang si Hwasa. Di talaga pwedeng walang tanga tangahan sa tropa eh no? 

 

“So paano? Ingat na lang sa byahe mo paguwi ha?” Tinanggal na ni Hwasa yung seatbelt niya at saka bumaba ng sasakyan. Nagtungo siya sa side ng driver’s seat kung saan pinagbuksan siya ni Wendy ng bintana.

 

“Salamat sa paghatid ulit” paalam ni Hwasa.
“Maliit na bagay.” sabi ni Wendy, “Salamat pala sa pakikinig.”
“Sus. Para namang others” sabay pisil ni Hwasa sa pisngi ni Wendy, “Pero salamat sa tiwala mo sa amin at pagiging open”

 

Balisa man sa mga happenings si Wendy, panatag naman siya somehow dahil maluwag siyang tinanggap ng katropa sa kung sino siya. Nginitian niyang muli si Hwasa. “Friends make the world beautiful talaga no?”

 

Natatawa si Hwasa sa loob loob niya. Lord is this your way of pangongonsensya? Kawawa naman tong tropa kong to. Bulong ng loob loob ni Hwasa. Napahinga tuloy ng malalim si Hwasa..

 

“Gano mo ba ka-crush tong si kikiambabe?”

 

“SOBRA!” masigasig na sagot ni bhielat. “AS IN. Kulang nalang magkahepa ako sa kakatuhog ko, kakaabang sa kanya! Tipong buhay ko ay nag-iba simula ng makilala ko siya, Every hour every minute nais siyang makita. Tapos di ko man lang siya makausap na sa phone, kasi between you and me alam mo yung kashungaang nagawa ko”

 

“Buti alam mong tatanga tanga ka minsan.” napanguso lalo si Wendy, “alam ko nga di ba? Kailangan ingudngud sa mukha ko?” sabay mahinang inuntog ang ulo sa manubela. “Hays, kikiambaby, I’m sorry”

 

“Lakas naman pala talaga ng tama mo sa kanya. Tinitigan ka lang nun noon ha?”

“Oy! nagkausap naman na kami kanina!” napa upo ng ayos si Wendy may mga ngiti sa labi na sumilip, nang maalala yung oras na kasama niya si Joy.

“So?”

“Mas lalo akong tinamaan sa kanya” iling ni Wendy sabay pikit na ewan, may paghawak sa dibdib at pagkagat ng labi.

 

Hindi na din alam ni Hwasa kung tama ba tong gagawin niya. As much as possible ayaw niyang makisawsaw sa trabaho ni tadhana pero that. This calls for her divine intervention. 

 

Inabot ni Hwasa ang palad niya kay Wendy, “amin na.”

“Ang alin?”

“Cellphone mo.”

 

Inabot naman ni Wendy ang kanyang cellphone nang di man lang tinatanong kung para saan ito gagamitin ni Hwasa. Hawak ang cellphone niya at cellphone ni Wendy, nag simulang magpipindot itong si Hwasa.

 

tutut tutut tuturututut

 

“Anong ginagawa mo?” tanong ni Wendy na sinisilip ang ginagawa ni Hwasa.

“Pagkauwing pagkauwi mo itext mo si Joy” sabay abot pabalik niya nung phone sa kamay ni Wendy nang masave ang tamang numero.

 

“Huh?” napatingin si Wendy sa phone niyang naka on pa ang screen. May napansin na siyang kakaiba sa number ni Joy sa contacts niya. At para makapanigurado binilang niya ng husto yung numero.

 

2,4,6,8,11.. Nanlaki mga mata ni Wendy. Labing-isa. Kanina sisiyam lang ito. Di makapaniwala si Wendy.  “T-teka, san mo nakuha number niya? At p-pano mo nalamang Joy pangalan niya? Di ko sinabi di ba.”

 

Kumurba ng sobra ang mga labi ni Hwasa at kininditan siya. “Kilala mo si Madam Auring?”

“Kamag-anak mo sya?!”

“Hindi. Kilala ko lang din hahahahah!” halakhak ni Hwasang magaling. Natawa sa sarili niyang kalokohan, “isa akong manghuhula”

“Tanga di nga?” naiiyak na si Wendy na natatawa.

“Oo nga” pagpigil niya sa kanyang tawa, “Di ka naniniwala nu.. O eto, alam mo kung ano pa?”

“Ano…?”

“Gising pa yun at hinihintay ang text mo” malumanay ang pagkakasabi sa kanya ni Hwasa.

Sa sobrang thank you ni Wen

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Pagpasensyahan nyo na liwbaliw na ako. Huhu

Comments

You must be logged in to comment
badingsawenjoy
#1
Chapter 2: HAHAHAHAHAHA sabi ng ano????? Putcha I kennat 🙈🙉
Prince_SeungWan
#2
Chapter 21: ang harot ni wendy haha,
iamriou_
1158 streak #3
Chapter 21: Otornim, balik ka na. :(
iamriou_
1158 streak #4
Chapter 21: mapapa-sana all talaga ako. T_____T
exy_kimlip
#5
Chapter 21: ANG LALANDI SANA LAHAT
tealundertones
#6
Chapter 21: lalandi nyo *report and block*
ChiChi0103 #7
Chapter 21: ANG HAHAROT 😭💙💚
Seubaechu
#8
Chapter 19: Salamat sa effort ni Hwasa at nagkatagpo and nagkatext na sila huhuhu landian iz real na. Isang malaking grasya si Hwasa! Mapapa-sana all ka nalang wew <3
leoheart
#9
Chapter 19: Aba Maria Hwasa, ang tulong mo ay grasya! Sa ngalan ng mga bilat, kami ay nagpapasalamat!

sa wakas ay hindi lang bsta makatulog sa gabi sa kaiisip, ngayon may katext na din
yurinisica
#10
Chapter 19: buong oras ako nakangiti habang binabasa yung chapter na ito. ahhh!!! Wenjoy!!!

Hindi ako pamilyar doon sa kanta na God Bless You, Mama Mary Loves you, kaya nag search pa ako sa youtube. Feeling ko minus point ako sa langit kasi tawa ako ng tawa, habang pinapakinggan ko. HAHAHA