Weekly Kapalaran 0.5

Aking Ligaya
Please Subscribe to read the full chapter

WEEK 1

 

"Joy, my friend", bati ni Moonbyul nang makaupo na sa seat sa tabi ni Joy, "pakopya naman ng sagot mo sa problem set."

 

Monday na Monday yan ang bati ni Moonbyul sa tropa niya.
Wala kasi itong problem set eh at mamayang after lunch pasahan na nito sa isa nilang subject.
Matapos kasi ang kaarawan ng lola nito, mas inuna pa niya ang magliwaliw nitong nakaraang linggo kaya naman ni isang numero wala pa siyang nasisimulan.
At bilang di na ito lingid sa kaalaman ni Joy, nakatanggap tuloy ito ng pagtataray niya first thing in the morning.

 

 

"Nu ka, sinuswerte??" sabay taas ng kilay nito habang busy sa phone.
"Oo naman. Swerte ko kaya sa inyo" pagbibiro ni tanga di pa yata nakaramdam, "lalo na sayo Joy!"
"Lalo na sayo, Joy mo mukha mo" sabay tingin nito kay Byul, "wala kang makokopya sakin! Magaral ka. Puro ka gala"
"Damot puta" pagrereklamo ni Byul, "binabawi ko na di na kita peyborit"
 

 

"Jooooy~~" bati naman nitong si Yeri na halos kasunuran lang ni Moonbyul dumating at naupo na sa kabilang side ni Joy.
Isinabit ni Yeri ang bag nito sa likuran ng upuang nasa harap niya, binuklat at nilabas ang isang pad paper pati na rin ang kaniyang blue ballpen.

 

Medyo may pagka tarantado tong dalawang kaibigan ni Joy pero unlike Byul, si Yeri sinseryoso naman ang pag-aaral.
Si Byul? Saks lang.
Beauty and Brains nga kasi si Joy ika nga. Kaya naman maliban sa gandang ambag niya sa tropa, takbuhan siya nitong dalawa pag may lesson na hindi maintindihan.

 

 

"Bakit ganon yung sagot ko sa no.3. HAHAHAH!" sabay kamot nito sa bunbunan at seryosong iniintindi ang sagot na nakasulat sa papel, "nag negative? Feeling ko may mali ako sa pagkakaintindi nung problem? Tingnan mo yung Free body diagram ko? suspetya ko may mali eh? what do you think??"

 

 

"Bhe?" ulit ni Yeri dahil dii yata siya napansin ni Joy na abala pa rin at tila ba focus sa binabasa nito.
News article ba to? Latest chikka? Chat? or text message? May nanliligaw na ba dito sa kaniyang tropa or may gumugulo na naman sa kaniya?
Walang idea si Yeri kaya naman makiisyoso na siya at sisilip na sana sa phone ni Joy kaso napansin ito agad ng tropa at inoff ang screen

 

 

"Ay oh?" sabay tingin nito kay Yeri, "Sorry.. ano yon?"
"Hmmm" naiintriga tuloy ang gaga ngunit palalagpasin na niya muna, "sabi ko kako paturo me ng no.3 sa prob set. Feel ko kasi mali yung FBD na ginawa ko", paguulit ni Yeri, "busy ka ba? mukhang seryoso yung binabasa mo kanina eh".
Charot lang pala yung palalagpasin.
May mga bagay talaga na di matitiis pag kailangan ng chismis.

 

 

"Ahhh" sabay anga ni Joy at binalewala yung last na sinabi ni Yeri. Kinuha naman nito ang nakastapler na papel niya na sagot sa problem set at inabot kay Yeri, "check mo kung san tayo nagkaiba. Feel ko naman magegets mo agad pero pag hindi ask mo ko"

 

 

Kahit papano nama'y mas inuna na ni Yeri ang problem set kesa chumismis, malaki kasi percentage ng problem set sa overall grading nila kaya tagilid man ito sa quizzes or exams nila mahihila pa ito at maaari pa siyang maisalba. Kaya walang pagaatubiling kinuha niya naman ang papel ni Joy, "Yown" ika niya sabay lipat ng pahina para hanapin ang problem no.3, "thanks!"
 

 

Saksi sa mga kaganapang para sa kaniya ay act ng pagtataksil, ang kaibigang tinurn down, si Moonbyul.
"Seryoso Joy??" paghihimutok nitong damdamin, "after all that we've been through? Pag kay Yeri bigay agad? Pag sa akin? Wala.. Wala." pag iling ng ulo niya in disbelief at pagiinarte, "may favoritism na pala talaga sa tropahan natin" sabay aakmang hilot ng ulo nito. Ang extra nga niya masyado.

 

 

Nagsalubong naman ang kilay nitong si Joy at nilingon na ang kaibigan sabay tingin nito ng masinsinan.
Kung nakakasilab lang ang tingin, sunog na ang kaluluwa nitong si Byulie.

 

 

 

 

"SI YERI KASI GUMAGAWA--"

 

Ayan na nga ba't inis na si ate mo Joy. Natatawa na tuloy itong si Yeri sa gedli ngunit kino-contain niya ito at baka madamay pa sya sa gulo.
Hinukay mo to sa sarili mo Moonbyul ikaw lang din dapat ang ibabaon isip isip nito ni yeri. 

 


 

'Don't worry ipagdadasal kita' buka ng bibig ni Yeri para kay Byul. Literal. Without sounds. Sabay sign of the cross with matching giling giling.
Lakas pa ng loob mang asar nakatulad kasi sa kanya si Ligaya.

 


Gusto sanang tumawa ni Moonbyul sa kagaguhan ni bansot ngunit nasa sa sitwasyon siya kung saan nakasalalay na ang buhay niya.
Nagbibiro lang naman siya na na medyo medyo half meant. ksksks.

 

"---IKAW ANO? MANGONGOPYA? KUNIN MO PAD PAPER MO AT MAGSAGOT KA---" panlalaki ng mata ni Joy kay Moonbyul.
Karipas naman sa pagkilos itong si Moonbyul dahil legit scary itong si Joy pag naiinis.

 

"---INTINDIHIN MO YUNG PROBLEM TAS MAG CONSTRUCT KA NG FBD TAS MAGTRY KA NAMAN MAG SAGOT" reklamo ni Joy, "pag seryosong di mo na nagets tsaka ka magtanong sa akin.." pag kalma niya ng kaunti sabay pikit at exhale ng malupit. Agang aga kaen energy si Moonbyul.

 

 

 

Hawak hawak ang phone ng mahigpit, tumayo itong si Joy at inayos ang buhok at damit. "Labas lang ako saglit" wika nito, "wag mo ibibigay yang papel ko kay Moonbyul ha," bilin nito kay Yeri, "Kelangan magets niya yung mga nilesson natin. Malapit na exam week"

 

 

Lumabas si Joy ng classroom at tumambay na muna sa hallway upang magpahangin. She needs it para kumalma dahil imbyerna ito at para na din makapagfocus sa kanina pang gumugulo sa isip nito.

 

Hmmm...

 

Binasa ulit ni Joy ang text message na nareceive niya ngayong umaga.
Nakakaloko kasing makareceive pa ng ganong messages nowadays.
Sa isip ni Joy, totoo pa ba daw ba yung mga ganito?
Luh.. Dapat ba siyang nagpapaniwala sa mga ito?

 

 

"Joooooy~~~!" masayang tawag sa kanya mula sa malayo na agad namang nilingon nitong si Joy.
Nang mapansin siya ni Joy ay aga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Pagpasensyahan nyo na liwbaliw na ako. Huhu

Comments

You must be logged in to comment
badingsawenjoy
#1
Chapter 2: HAHAHAHAHAHA sabi ng ano????? Putcha I kennat 🙈🙉
Prince_SeungWan
#2
Chapter 21: ang harot ni wendy haha,
iamriou_
1158 streak #3
Chapter 21: Otornim, balik ka na. :(
iamriou_
1158 streak #4
Chapter 21: mapapa-sana all talaga ako. T_____T
exy_kimlip
#5
Chapter 21: ANG LALANDI SANA LAHAT
tealundertones
#6
Chapter 21: lalandi nyo *report and block*
ChiChi0103 #7
Chapter 21: ANG HAHAROT 😭💙💚
Seubaechu
#8
Chapter 19: Salamat sa effort ni Hwasa at nagkatagpo and nagkatext na sila huhuhu landian iz real na. Isang malaking grasya si Hwasa! Mapapa-sana all ka nalang wew <3
leoheart
#9
Chapter 19: Aba Maria Hwasa, ang tulong mo ay grasya! Sa ngalan ng mga bilat, kami ay nagpapasalamat!

sa wakas ay hindi lang bsta makatulog sa gabi sa kaiisip, ngayon may katext na din
yurinisica
#10
Chapter 19: buong oras ako nakangiti habang binabasa yung chapter na ito. ahhh!!! Wenjoy!!!

Hindi ako pamilyar doon sa kanta na God Bless You, Mama Mary Loves you, kaya nag search pa ako sa youtube. Feeling ko minus point ako sa langit kasi tawa ako ng tawa, habang pinapakinggan ko. HAHAHA