Ang Simula

Aking Ligaya
Please Subscribe to read the full chapter

'BIZ Bldg. Room 2.5-A'. Binasa ko ang room number na nakalagay sa tabi ng pinto.

 

Yep ito na nga yun! First day! Wooo. Tangina.. Ako lang ba kinakabahan sa mga 'First'? First day. First crush. First love. First kiss?? LOL. Neknek mo, Wends. Yung una lang lagi mo na eexperience. 

 

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng classroom. May iilang lumingon para tumingin sakin akala siguro instructor na yung pumasok. 

 

Maaga ako ng mga 30 minutes pero kung titingnan halos mapuno na ang classroom.

Wew. Ito na yung part na super crucial pag first day ang paghahanap ng mauupuan. Bakit? Kasi kapag dun ka na napwesto dun ka na din hanggang end ng term. Unless... may ibang seating arrangement na gusto ang prof.

 

Tumabi ako sa gilid ng unti para di ako nakaharang sa may pintuan at ini-scan ko ang silid kung san ba magandang pumwesto. 

 

Shutangenames. Mukhang may mga grupo grupo na agad dito at ito na naman ako nagtatalo na naman ang isip ko. Tatabi pa ako sa may grupo na at kakapalan ang mukha.. or...

Ay ayun! Mula sa kinatatayuan ko sa harapan mukhang may isang hilera pa ng upuan sa likod nila kuya....agad ko tong nilapitan.

 

Seryoso ba to??? Laking gulat ko ng makita na may mga suklay, pulbo, pencil case, at water jug na nakapatong sa hilera ng upuan. Kung may ibig sabihin man ito.. ibig sabihin reserved.  Napahinga nalang ako ng malalim. 

 

Bumalik ako sa paghahanap ng upuan mula sa kinatatayuan ko. Mula sa likuran, binaling ko na lang ang tingin ko sa kabilang bahagi ng room at napansin ko ang dalawang bakanteng upuan sa kanang tabi ni ate. Sa kaliwa naman nya'y may singkit din na babae na kachikahan nya.

 

Sa kanila nalang ba ako tatabi? pagko-contemplate ko.

 

Pinagmasdan ko lang ang dalawang babaeng naghaharutan habang nagiisip.. nang mapansin ko ang profile nung ateng katabi ng bakanteng upuan.

 

Ang ganda naman nya...

 

Para yatang tumigil ang mundo ko ng mapansin ang mga matatamis nitong ngiti habang kausap yung isa.

 

Alam nyo yung feeling na parang may nakatitig sayo kaya mapapatingin ka nalang by instinct? Ito siguro ang nafeel ni ate kasi napalingon sya sa direksyon ko. 

 

Gay Panic! Intense Gay Panic! Shet tumingin si ate girl teka Wendy kalma lang matibay ka! Wooh. Breathing Wends, Breathing, okay okay.. I want to be a tutubi na walang tinatagong bato..

Nung tumayo si ate sa kinauupuan nya at nakita ko ng harap-harapan ang mukha nya..Gago di yata magwo-work pampa-kalma antics ko.

Ang anghel ng mukha nya, at kung anghel man ito, kukunin na yata ako ni Lord kasi parang susunduin nya na ako. Lord, teka lang naman baka pwede pa natin pagusapan to??


"Gusto mo ba sa amin na lang tumabi? Kami lang dalawa nung friend ko dun. Kanina ka pa kasi pati dyan nakatayo." sabay ngiti ni ate sakin.

 

Hi...ganda naman ng ngiti mo. Kayo po ba yung pinadala ni Lord dito para ihatid ako sa langit? Sa langit nga ba ang punta ko? Nag-aalangan ako kasi parang nararamdaman ko yung init bigla. Napa-sign of the cross ako internally.

 

Napatango ako nang dahan dahan sa alok nito at para bang bata, ako'y sumama sa stranger para sa candy. Sa sobrang amo ng mukha ni ate, siguro madami na itong ma-kikidnap. Including yours truly~

 

Naglakad kami papunta sa pwesto nila at pabebeng umupo sa tabi ni ate pero di pa man nagiinit ang puwetan ko humirit na yung kasama nya.

 

"Ay naku, 'te. Kung di ka pa pinuntahan ni Irene para yayain umupo baka hanggang mamaya naandun ka lang." wika ni ateng singkit.

 

Ah..Irene pala ang pangalan mo.. Bagay sayo.

 

"Alam ba kung ano ano na nga sinasabi ko dito kay Irene...baka Student assistant ka or prof ka talaga tas bata lang itsura ganun.." 

"Di ka naman naglilista ng Noisy no?" matalim na tingin nito sakin

"Ano? Highschool lang? May noisy? Ang gaga mo talaga, Wheein" natatawang bara nito ni Irene.

 

"Actually, sampung sticks na meron ka" ngingiting sabi ko

 

Nanlaki ang mata ng dalawa sa akin. Uhh...Okay, korni mo, Wends.

 

"Alam mo" tapik sakin ni singkit "gusto na kit

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
redsummer0801
Pagpasensyahan nyo na liwbaliw na ako. Huhu

Comments

You must be logged in to comment
badingsawenjoy
#1
Chapter 2: HAHAHAHAHAHA sabi ng ano????? Putcha I kennat 🙈🙉
Prince_SeungWan
#2
Chapter 21: ang harot ni wendy haha,
iamriou_
1158 streak #3
Chapter 21: Otornim, balik ka na. :(
iamriou_
1158 streak #4
Chapter 21: mapapa-sana all talaga ako. T_____T
exy_kimlip
#5
Chapter 21: ANG LALANDI SANA LAHAT
tealundertones
#6
Chapter 21: lalandi nyo *report and block*
ChiChi0103 #7
Chapter 21: ANG HAHAROT 😭💙💚
Seubaechu
#8
Chapter 19: Salamat sa effort ni Hwasa at nagkatagpo and nagkatext na sila huhuhu landian iz real na. Isang malaking grasya si Hwasa! Mapapa-sana all ka nalang wew <3
leoheart
#9
Chapter 19: Aba Maria Hwasa, ang tulong mo ay grasya! Sa ngalan ng mga bilat, kami ay nagpapasalamat!

sa wakas ay hindi lang bsta makatulog sa gabi sa kaiisip, ngayon may katext na din
yurinisica
#10
Chapter 19: buong oras ako nakangiti habang binabasa yung chapter na ito. ahhh!!! Wenjoy!!!

Hindi ako pamilyar doon sa kanta na God Bless You, Mama Mary Loves you, kaya nag search pa ako sa youtube. Feeling ko minus point ako sa langit kasi tawa ako ng tawa, habang pinapakinggan ko. HAHAHA