CHAPTER I

Disaster's Heart

THIRD PERSON POV

Napakaganda ng sikat ng araw. Ang ihip ng hangin ay isinasayaw ang mga dahon ng bawat punong makikita sa gilid ng daan. Napakaraming mga estudyanteng naglalakad at ang iba ay tumatakbo papunta sa kani-kanilang paaralan. May mga magulang na akay ang kanilang anak upang masiguradong hindi sila makatakbo at mahagip ng sasakyan. Napakasayang tingnan. Sa kabila ng sayang ito, kapansin-pansin ang isang babaeng naglalakad patungo sa kanyang trabaho. Nakatali ang kanyang maitim na buhok. Halata ang natural na puti at kinis ng kanyang balat. May katamtamang tangos ng ilong at mabilugang mata. Sa simple niyang kasuotan na maong at puting kamiseta, masasabi na siya ay may natural na ganda. Ngunit nakapagtataka na walang makitang anumang emosyon sa kanyang mukha.

 

JASMINE’S POV

Hay life… Ganda ng umaga, napakagandang nilalang ang nasa harapan ko ngayon. Tall. White. And Handsome. Nakakasipag magtrabaho pag ganito. Haha…

“Good morning sir. Welcome to Jewel’s Cup. May I have your order?” Halos mapunit labi ko sa pagngiti. Aba once in a blue moon makakita ng ganito kapogi. Kailangan galingan.

“Ah I’ll order one dark coffee and one cinnamon.” Megesh ang bango ng hininga ni koya. Amoy guava…

“I’ll just repeat your order sir, you’ll have one coffee and cinnamon. That will be P500.00 sir.”

Bumunot si pogi ng malulutong niyang pera… Hmmm…

“Thank you for the exact amount. Kindly wait for your number to be called.” Inabot ko na ang bayad ni pogi at siniguradong mapapadampi kahit konti man lang balat ko sa balat niya. And OMG, ano ka! ang lambot ng balat. Balat mayaman… Di crocodile..

“Ah okay. Thank you!”

Kung ganito ba naman araw-araw ang customers, nakakaboost ng energy.

Inalis ko na ang tingin ko kay pogi… napansin kong puno na naman pala tong store namin. Umaga pa lang pero ang dami ng benta. Sa bagay magaling yung kaibigan ko magtimpla e.

Daldal ako dito ng daldal, hindi pa pala ako nagpapakilala.  Ako nga pala si Jasmine Perdin. 23 taong gulang at soon to be Ms. Universe. Maganda, matalino pero di ko masyadong pinahahalata, alam nyo na be humble. 5’4 ang height and my vital statistic is 36x26x 6 by 6. Kung tinatanong nyo ko kung may bf ako… sarreh… no to boys muna tayo after all the experiences that I had. Masayahin akong tao, napapaligiran din ako ng masasayahing tao pero may isang naiiba kumbaga exception to the rule.

 

“Order No. 23. Dark Coffee and Cinnamon.”

 

Speaking of the devil…

Nakita kong lumalapit na si pogi dito sa kaibigan ko para kunin ang order niya.

“Enjoy your order sir.”

Megesh.. Tiningnan ko maigi mukha nitong kaibigan ko. Nakakapace palm na lang talaga. Wala man lang lambing at ngiti ate. Poker face?

 

“Ah miss have we met before?”

 

Kinakausap ni pogi ang kaibigan ko? Bumaling naman ako sa kaibigan ko at nakita kong busy siya sa pagpupunas. Meaning dedma ang ate mo.

Nakita ko ang pagsmirk ni pogi. Tsk… Halatang gustong makipaglandian.  Asa ka naman… Mamumuti ang uwak bago mo yan malandi.

 

“Ah I just thought you’re the one I saw in my dream.”

 

boy spotted…

Mali ang nilandi mo. Nakita ko pagsmirk ni friendship. Angas talaga nito. Parang di babae e. Kumuha siya ng isa pang cup. Wala namang pending order a? Nilagyan niya ang cup ng kalhating tubig at WTF binubo niya yun ng napakaraming pulbos ng coffee. Ano bang trip nito?

 

Inabot niya yung tinimpla niya dun kay pogi. Naikunot ni pogi ang noo niya sa pagtataka. Sa bagay, sino ba namang hindi. Eh kita ko mula sa pwesto ko yung lumulutang na buo-buong pulbos sa kape niya.

 

“W-What’s this for?” kunot-noong tanong ni pogi

 

“It’s new promo sir. We call it Himasmas Cup.”

 

What the.. Haha.. ang corny ni friendship.. Himasmas? San niya kinuha yun.

 

Napansin kong nakakunot pa rin ang noo ni pogi. Pero sa halip na magsalita ay binitbit na lang niya ang order kasama ang freebie niya na Himasmas Cup. Habang palayo ay tiningnan niya ang kaibigan ko na para bang pinakawirdong taong nakita niya sa tanang buhay niya.

 

Nilapitan ko agad ang kaibigan ko at binigyan ng CLAP CLAP CLAP

 

“And the Himasmas award goes to… Dan Da Ra Dan Dan…..  No other than, ang Poker Face ng South Korea! Xyline Ice Morcillus!!!”

 

Tiningnan niya lang ako ng mga 2 seconds at bumalik sa pagpupunas ng area niya.

 

“Ya! Dinedma talaga ang beauty ko Ice? Ginaganyan mo na ko ngayon ha! Pero sige pagbibigyan kita ngayon… Nakita ko na naman pagtataray mo e. Naentertain mo na naman ako.

 

Patuloy lang siya sa paglilinis ng area niya. Tsk. Kaya talaga ako nitong dedmahin ng buong araw e.

 

“Ano namang meron dun sa Himasmas Cup mo frienship?”

 

Nagpatuloy lang ako sa pagdaldal, Thank you Lord na lang pag nagreply si Ice pag hindi e di better luck next time. Bakit ba? Don’t me!

“Wala naman tayong promo, ang creepy pa ng hitsura ng kapeng ginawa mo. Mukhang gising ng 1 week ang iinom noon e.”

 

“Kape yun para sa mga taong kailangang mahimasmasan. Mga taong kulang ng likido ang katawan kaya hindi gumagana ang utak. Gusto mo?”

 

Megesh nagreply si friendship pero teka ano iniimply nito kinulang ako ng likido sa katawan at hindi gumagana braincells ko…

“No need ma friend.. My body is fully hydrated with H2O so my brain is functionally working 25/7”

“It’s 24/7.”

24? di ba 25? Whatever bakit ba. labis lang ng isa e.

“Nag OOT utak ko madalas Ice, kaya ganun. Di ba I’m so bright!”

“Okay.”

Taray-taray talaga nito… Kung hindi ko lang ‘to love, matagal ko na tong tinunaw e… Yan nga pala si Ice Morcillus.. ang exception to the rule, ang ipinanganak sa mundong ibabaw na di alam ang salitang emosyon, at may presensyang akala mo yelo sa lamig. Maganda pero mukhang di niya knowings. Ewan ko diyan napasok na ata ng lamig ang utak. Haha… Pero she is the best of friend that I have. Masungit lang yan pero mabait naman MINSAN….

Paano kami nagkakilala? Mahabang kwento.. Pero I’m very thankful to her.

 

Magbabalik tanaw pa sana ako kaya lang may mga dumating na namang customers. Go for the go. Nagdadatingan ang pera… Kaja!!! Nagpatuloy na kame sa pagtatrabaho. Halos maghapong puno ang shop. At ng pumatak ang alas 8 ng gabi ay nagsimula na kameng maglinis ng store. Habang naglalampaso ako ng sahig, si Ice naman pinupunasan na lahat ng lamesa at upuan. Hirap maging poor. Megesh…

 

“Ya Ice, baka late ka na sa pagkaon kay Gunhoe?”

 

Tumingin si Ice sa relo niya at bumaling ule saken.

 

“Tatapusin ko lang ‘to. Sabay na tayong umuwe. Nagpaalam naman ako kay Zen na alas 8 na lagi ang out naten.”

 

“Ah ganun ba. Sige bilisan na naten at baka mainip si bebe mo.”

 

Mag aalas nuebe na ng makatapos kaming maglinis. Naglakad na kami ni Ice pauwi para tipid.

“Ice kumusta na si Gunhoe? Di mo na siya madalas dalhin sa shop e.”

“Ayos naman. Malusog pa din. Ipinasok ko muna siya sa nursery.”

Nakita ko ang maliit na ngiti sa labi niya matapos niyang sabihin yun. Tama.. Si Gunhoe lang.. Si Gunhoe lang ang nakapagbibigay ng ngiti sa labi ng kaibigan kong ‘to.

“Pero di ba 3 years old pa lang siya? Pwede na ba yun?”

“Sit in lang. Napansin kong hirap siya sa pagsasalita baka makatulong.”

Napatango naman ako sa sinabi niya. Sa bagay… pansin ko ding medyo utal si Gunhoe e. Madalas  last syllable lang ng bawat salita nababanggit niya.

Nagpatuloy lang kame sa pagkukwentuhan hanggang sa kailangan na naming maghiwalay ng landas. Huhu…

“Ice, my dear friend in all aspect of astronomy and the universe. With the mighty power given to me by all the Gods and Goddesses… Goodbye…”

May paiyak-iyak pa ko kunware.. Bakit ba. Trip ko e.

“Bilisan mong umuwe baka mahamugan utak mo.”

Napaismir na lang ako dito sa kaibigan ko. Di man lang sakayan mga trip ko sa buhay.

“Yeah Yeah..  WhatevaH!!! Saranghae chingguuuuuuu. Mwah. Ikiss mo ko kay Gunhoe ha..”

Agad na kong nagtatakbo pauwe at ng makarating ng bahay ay naglinis ng katawan at kumain. And then wapak… hilata, kakapagod.. papanoorin ko muna mga baby ko. Kailangan ko ng inspiration. Haha… Agad kong inopen ang wifi ng phone ko at nagsearch sa youtube…

 

Inisa isa ko yung mga performance nila…

 

Mukhang walang tulugan na naman ito. Kaja!

 

 

ICE’S POV

Napatingin ako sa relo ko. 9:30 na pala. Agad akong kumatok sa pinto ng bahay ni Zen at nagbukas din naman agad ito.

“Oh Ice, ginabi ka yata masyado ngayon.”

“Maraming naging customers kaya di agad nakapaglinis ng maaga.”

“Ah ganun ba? Ayos lang. Nakatulog na si Gunhoe sa kwarto. Halika pasok ka.”

Inalis ko muna ang sapatos ko at pumasok sa munting bahay ni Zen. Pumasok ako sa kwarto at nakitang mahimbing na natutulog si Gunhoe katabi ang limang taong anak ni Zen na si Seungjae.

“Maaga siyang nakatulog. Napagod siguro sa kalalaro. Maghapon kasi silang naghabulan ni Seungjae. Teka kumain ka na ba?”

Umiling na lang ako. Sa totoo lang nakakalimutan ko na talaga minsang kumain kasi late na din kame lumalabas at nakakatulog na ko pag-uwe sa pagod.

“Sabi na nga ba e. Halika sabay na tayong kumain. Dinamihan ko yung niluto ko, sure kasi akong magpapalipas ka na naman ng gutom.”

Pumunta na kame sa kusina at naghanda na ng hapunan si Zen. Kanin, isda, at gulay, sapat para malamnan ang kumakalam kong tiyan.

“Oh hala kain na.”

Inabutan niya ko ng kanin at nagsimula na kaming maghapunan. Si Zen ang kaibigan ko na nagbabantay kay Gunhoe habang nagtatrabaho ako. Mas matanda siya saken ng 7 taon at may anak na siya pero walang asawa.

“Ya Ice, kumusta ka naman? Di ba parang nag-ooverwork ka ngayon.”

Napatigil naman ako sa pagsubo.

“Ayos lang. Kailangan ko din ng malaking kita kasi lumalaki na si Gunhoe.”

“Gunhoe.., Gunhoe.., Gunhoe.., lahat ng bagay sa’yo ay para kay Gunhoe. Lahat ng ginagawa mo para kay Gunhoe. Minsan naiisip mo ba ang sarili mo?”

Ramdam ko ang pagtitig saken ni Zen.

“It doesn’t matter. As long as okay si Gunhoe, okay na ako.”

Kita ko ang pagbuntong hininga niya at konting pagtaas ng gilid ng labi niya habang nilalaro ang kutsarang hawak niya.

“Hayys…. Ice… Napakasaya siguro ng baliw nating kaibigan kasi nandyan ka sa tabi ni Gunhoe.”

 Napatigil ako sa pakain dahil sa sinabi niya.

“Ice naiisip mo ba minsan? Pa’no kung sumunod siya sa mga payo natin noon. Ano kayang buhay niya ngayon? Anong buhay mo ngayon?”

Natahimik ako bigla. Iniiwasan kong pag-usapan ang nakaraan hangga’t maaari. Kahit ano pang isip ang gawin namin pauli-ulit, wala ng mababago. Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy muli sa pagkain.

“Salamat sa pagkain.”

Tiningnan lang ako ni Zen at bumuntong hininga.

“Hanggang ngayon pilit mo pa ring iniiwasang pag-usapan. At hanggang ngayon ayaw mo pa ring sabihin kung ano ang nangyare noong araw na yun.”

Kita ko ang disappointment sa mukha ni Zen. Mas mabuti na ‘to. Mas mabuti ng wala siyang alam. Nagpunta na ako sa kwarto at dahan-dahang binuhat si Gunhoe. Binitbit ko na ang bag ko at pumunta sa kusina para magpaalam kay Zen.

“Zen mauna na kame ni Gunhoe.”

“Yeah Yeah.. Di ko na kayo maihatid sa taas baka kasi magising si Seungjae. Mahirap na. Baka makatakbo na naman yun kung saan kahahanap saken.”

“Ah sige.”

Lalabas na sana ako ng tawagin ule ako ni Zen.

“Ice…”

Agad naman akong lumingon sa kanya. Nakatalikod siya. Alam kong hanggang ngayon disappointed pa rin siya sa usapan namen kanina.

“Hindi ko alam kung anong nangyare 4 years back then pero sana sumaya ka na ule. Huwag mong sisihin ang sarili mo. You are not at fault. For sure yun din ang iniisip niya.”

Hindi ko alam kung ano bang dapat maging reaksyon at sagot ko sa sinabi niya. Nakagat ko na lang ang labi ko at nagsimulang humakbang palabas ng bahay.

Isipin ko mang paulit-ulit. Alam kong tamang kimkimin ko na lang ang nangyari noon.  Mas mabuting ako na lang…

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Sampung hagdan lang naman ang layo ng bahay ko kay Zen. Oo magkapit bahay lang kame. Nang makarating ako ay inihiga ko na si Gunhoe sa kwarto. Mahimbing pa din ang tulog niya. Napakainosente ng mukha niya.

 “Huwag mong sisihin ang sarili mo. You are not at fault. For sure yun din ang iniisip niya.”

Naalala ko bigla ang sinabi ni Zen. She doesn’t know anything.

 

 

If I was just strong at that time..

If I was able to stop her.

If I have the strength to protect her,

 

 

She might be able to…

I look at Gunhoe and at that moment, regret filled my mind and heart.

 

"Mianhe Gunhoe..."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet