Another/That Day

In Your Memory
Please log in to read the full chapter

"Ako nga pala si Jessica Erin."

Dalawang araw na ako walang maayos na tulog simula ng pangyayaring yun. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Bat kapangalan niya pa. 

-

"Salamat ha dahil pinasakay mo ako. Akala ko kasi hindi eh. Baka akalain mo na masama akong tao. Pero hindi ako masamang tao ah. Hindi ko alam na walang dadaan na bus ngayon. Linakad ko simula doon hanggang dito. Walang dumaan na mga sasakyan. Naku. buti na lang talaga nakita kita. Ay ano pala pangalan mo?"

Bat naka-ngiti pa rin siya sa sitwasyon nato. Hindi niya ako kilala pero ang friendly niya sakin. Ahhh, utang na loob siguro. "Hehe, sorry pero di ako maka-focus mag drive. Pwede po ba na wag kayo magsalita." Nakatutok pa rin ako sa daan habang sinabi ko yun.

"Ganon ba? Pasensya na kung madaldal ako. Hindi na ako magsasalita." 

"Taeyeon, yan pangalan ko." Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakangiti siya. 

Natapos na yung byahe na hindi na siya nagsasalita. Sa mall niya gusto bumaba dahil may kukuha naman daw sa kanya dun.

"Salamat ulit Taeyeon ha. Pwede ba kitang tawagan na Tin. Eto pala yung bayad ko. Dagdag mo na lang sa pang gas mo." Nakangiti pa rin siya. Hindi bagay sa kanya ngumiti, pati yung pangalan niya hindi bagay sa kanya. Yung mukha niya, mukhang maldita. 

Pero maganda siya.

-

Madalas sa ganitong oras nasa bahay lang ako. Pero hindi ko alam kung bakit nasa isang cafe ako ngayon. 

"Taeyeon, andito kana pala." Kasalanan to ni Sooyoung, bigla na lang mag-aaya na lumabas ang barkada.

"Sabi ko sayo ayaw ko sumama, hindi ko alam kung ano ginawa mo kaya mo ako napilit. Tyaka sabi ko sayo mas matanda ako sayo. Mag ate ka sakin."

"Bakit ba ganyan ka sakin ha. Eh love mo naman ako. Diba? diba?" sabay akbay niya sakin.

"Isa, pag hindi mo yan ialis naku, wala ka ng Taeyeon na kilala."

"Joke lang. Masyado ka naman seryoso. Paparating na rin pala sina Yoona tyaka Hyoyeon." Tumango na lang ako. Ayaw ko na magsalita. Nakakaubos ng energy. Kelangan mo nang infinite na energy kapag kausap si Sooyoung.

"Ano pala balita dun sa Jessica na yun? Kapangalan niya pa-" Tiningnan ko siya ng masama. Hindi ko na pinatapos yung balak niyang sabihin.
"Taeyeon alam ko na masakit pa rin sayo yung nangyari. Pero please, tatlong taon na. Mag move on ka na. Panigurado rin na yun yung gusto niya para sayo." Inirapan ko lang siya.

Iniwan ni Jessica yung business card nya sa car seat ko. Pag dating ko sa bahay, saka ko lang napansin.

"Oh nandito na sila." Sabay tayo ni Sooyoung para salubungin yung dalawa.

Gusto ko na lang talaga humilata sa bahay.

"Ate, ang swerte mo. Wala ka nang ginagawa. May mga share ka na stocks tapos nag invest ka pa sa iba-ibang company. Kaya kahit sa bahay ka lang ayos na buhay mo. Ganon din gagawin ko kung marami lang akong pera." Ani ni Yoona habang iniubos yung inumin niya.

"Marami ka naman na pera, ano pinagsasabi mo. Mahirap makapasok sa France para maging model.

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soshindeed
Open po ako for constructive criticism. Ingat po kayo lahat. :))

Comments

You must be logged in to comment
Jnkjsk #1
Chapter 5: Feel ko may sakit din si Sica
Jnkjsk #2
Chapter 5: Feel ko may sakit din si Sica
Jnkjsk #3
Chapter 5: I’ll wait for your update
Jnkjsk #4
Chapter 5: This is so beautiful authornim