Unexpected Event

In Your Memory
Please log in to read the full chapter

Halos araw-araw laging nag paparamdam sakin yung Jessica na wag kalimutan yung friendly date namin. Pero kanina naka-receive ako sa kanya na napapagod daw sya. Hindi ko alam kung na mali ba syang sent. Inisip ko na baka sa kaka-message nya sakin tapos di ko sinasagot. 
"Huh?" sent. Kung pagod sya, wag nya na akong i-text. Hindi ko na yun problema.

Nagvibrate yung phone ko at nagmessage ulit siya. "Sumagot ka rin, lol. Napagod lang ako sa trabaho. Basta ha, wag mo kalimutan. Tyaka, mag damit ka ng maganda. Magkita na lang tayo this weekend."

Sinabihan ko nalang sya na oo. Pero ang lakas nya mag demand na kung ano dapat isuot ko. Hindi naman ako fashionista, pero kahit papano maganda ako mag damit. Si Tiffany lagi bumibili ng mga damit ko, at nag bibigay sya ng opinyon kung ano bagay sakin. Nasanay ako na lagi sya dyan para sa tabi ko, kaya kahit normal na mga gawain o bagay di ko na nagagawa. Sa gilid ng kwarto ko may cabinet dun ng mga damit ni Tiffany. Sa tuwing na mi-miss ko sya, kinukuha ko yung damit nya at tinatabi ko sakin pag natutulog ako. 

Hindi pa rin talaga ako sanay kahit tatlong taon na.

 

[Jessica's POV]

Ito na yung araw. Matagal na rin ako di nakaranas ng date. Nagdala ako ng maraming pera para ako manglibre, ako yung nagaya kaya normal lang ako yung dapat gumastos, tyaka ewan ko, gusto ko lang talaga siya makasama. Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya noon na nagkita kami tyaka yung mga tinext ko sa kanya. Pag nakita yun ni Yuri, for sure na pagtatawanan ako nun.

Halos isang oras din ako pumili ng dapat isusuot ko. Lakas ko pag sabihan si Tin, pero ako nga tong walang isusuot. Nang nakapili na ako at nakapag ayos, kumuha na lang ako ng taxi para mabilis makapunta sa meeting place namin, kung saan doon din kami mag date. Sa isang theme park. Hindi naman ako mahilig sa mga rides, pero hindi naman ako takot. 

Mas na una ako kay Tin na makarating, paniguradong nag hahanap yun kung saan may maganda na parking. Mga fifteen minutes bago sya makarating sa entrance. "Tin, kumuha na ako ng entrance tickets para satin na dalawa. Suot mo na tong bracelet." Ani ko sa kanya. 

"Kaya ko naman bayaran sarili ko, sana di ka na bumili. Bayaran kita maya, may cash akong dala." Halata sa mukha nya ang pagkabagot. 

"Huwag na ibulsa mo na yan." 

"Ayaw ko na may utang na loob ako sa ibang tao, tapos lalong-lalo na sa hindi ko naman kilala." Seryoso yung mukha nya, hindi to magpapatalo.

"So ganito na lang, if ever na lalabas tayo ulit na dalawa, ikaw na magbabayad para satin na dalawa." Alam kong hindi nya gusto kaya hinatak ko agad sya sa loob.

Pareho kaming nagugutom kaya pareho kaming sumang ayon na kumain muna. Pinahanap ko sya ng mauupuan namin, tapos ako naman yung mag o-order ng makakain namin na dalawa. Yung hindi gaanong mabigat sa tyan na pagkain yung kinuha ko, tyaka mango juice. Nung nakuha ko na yung pagkain, lumapit ako sa kanya. May ininom syang gamot, baka mahilohin siya. 

"Ito na yung pagkain natin." Linapag ko sa mesa tapos sa

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soshindeed
Open po ako for constructive criticism. Ingat po kayo lahat. :))

Comments

You must be logged in to comment
Jnkjsk #1
Chapter 5: Feel ko may sakit din si Sica
Jnkjsk #2
Chapter 5: Feel ko may sakit din si Sica
Jnkjsk #3
Chapter 5: I’ll wait for your update
Jnkjsk #4
Chapter 5: This is so beautiful authornim