Text

In Your Memory
Please log in to read the full chapter

[Taeyeon's POV]

Alas-syete na pero hindi pa rin ako kumakain. Siguro sa labas na lang ako kakain. Tamang-tama naman na nag text sakin si Sooyoung na lumabas kaming dalawa para kumain. May isang oras na break sya kaya kinuha nya yung pagkakataon na lumabas. Sa totoo lang gusto ko siya na mag pahinga. Himala nga dahil nagka-oras siya. Palagi siyang busy dahil Doctor siya, kaya minsan oo nalang ako pag nag-aaya siya. Isa na to sa mga araw na to. 

Ako ang kukuha sa kanya sa ospital. 

"Andito na ako. Sa may entrance parking ako nag park, bilisan mo." sent

Mga ilang minuto dumating na rin siya.

"Tara alis na tayo. May alam akong bagong kainan, iba yung daanan lagay ko nalang sa gps." Sabay pikit niya ng mata.
"Sooyoung."
"Hmmmm? Ano?"
"Wala."
"Miss mo ko? Oo, alam ko na yan. Sinasabi ko sayo pag-ako nagkajowa baka magkulang oras ko sayo." Tumingin siya sakin na parang nakakaloko.
"Okay ka lang? Hindi mo nga sinagot si Kyungho eh. Tuloy nasa ibang bansa na siya ngayon. Pareho lang tayo, tyaka alam ko na hinihintay mo siya." Sabi ko nakangisi.

Hindi na siya umimik. Sa mga ganitong sitwasyon, paniguradong naalala nya ulit si Kyungho. Sana kasi nung nandyan pa siya, sinagot nya na lang. Hindi gaya ngayon na hinahanap-hanap niya presensya ni Kyungho.

Sa totoo lang talaga di mo alam kung kelan mawawala ang mahal mo sa buhay, kaya kung hanggat nandyan pa siya, iparamdam mo sa kanya ang pagmamahal mo. 

"Oh, andito na tayo. Dito tayo malapit sa salamin umupo. Maganda tingnan yung labas. Ikaw na Soo mag order para sating dalawa."
"Hookaaay!" First time ko palang dito makapunta. Maganda yung interior ng building. Hindi marami yung design pero elegante tingnan. Ganitong design yung mga gusto ko.

-

"Love, tignan mo tong drinawing ko oh. Maganda ba?" 
"Ano ba gusto mo isagot ko diyan? Mukha ko yan na drinawing mo."
"Nahiya ka pa. Sige na, pwede ka naman mag sabi na MA-GAN-DA A-KO. Bat ka nahihiya? "
"Tiffany Erin. Alam mo masyado kang ano. Napapangitan ako sa mukha ko. Wag mo sakin ipagpilitan yan."
"Hindi kita gawing girlfriend tyaka fiance kung panget ka, duh." Tiningnan ko siya ng masama. "So ano ibig sabihin mo sabihin, mahal mo lang ako dahil sa mukha at katawan ko. Di ko alam na ganyan ka pala." Pasabi ko nang pabiro.
"Alam mo naman yung totoong dahilan kung bat mahal kita diba?" Sabay tawa niya.

"Maganda yan na drawing mo. Dahil ikaw gumawa." 

-

"Taeyon, hoy Taeyeon!" Nabigla ako, patapos na pala kumain si Sooyoung kumain. Kunti lang yung kinain ko, nawala yung gana ko. Sa huli, yung babae sa harap ko yung umubos ng sakin. 

"Tapos na ako. Tara alis na tayo,

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soshindeed
Open po ako for constructive criticism. Ingat po kayo lahat. :))

Comments

You must be logged in to comment
Jnkjsk #1
Chapter 5: Feel ko may sakit din si Sica
Jnkjsk #2
Chapter 5: Feel ko may sakit din si Sica
Jnkjsk #3
Chapter 5: I’ll wait for your update
Jnkjsk #4
Chapter 5: This is so beautiful authornim