She's Back

In Your Memory
Please log in to read the full chapter

[Taeyeon's POV]


Ang dilim, nasaan ba ako? Malumanay kong tiningnan yung paligid, pero nakadim yung mga ilaw. Nang nag adjust na yung mga mata ko, naging klaro na kung nasaan ako. Nasa ospital ako ngayon. Hindi ko na gaanong naalala kung ano nangyari at kung bakit ako nandito. 

Mag-isa lang ako sa kwarto, naka-private room. Tumayo ako at pumunta sa bintana. Tinabi ko yung kurtina para makita ang nasa labas. 

Saang floor kaya ako ngayon, dahil kitang-kita yung mga iba-ibang building. Yung mga ilaw, ang gaganda nila tingnan. Ilang oras na kaya ako dito sa hospital. Sa may gilid ng kwarto, may nakasabit na orasan sa pader. 

Alas tres na pala.

Hindi ako puyat, pero ano ba dapat kong gawin ngayon? Bumalik ako sa higaan baka sakali na baka makatulog ulit ako, pero kahit anong pilit ko hindi talaga. Umupo ulit ako sa higaan ko. Hindi mapakali katawan ko. Naisipan ko na lang maglakad sa hallway dala yung swero. Sana wag ako pagalitan or ipabalik sa kwarto pag merong nakakita sakin na nurse.

Sa paglakad lakad ko, namumukhaan ko kung saang ospital to. Dito nagta-trabaho si Sooyoung. Ilang beses na ako nakapunta rito para bisitahin sya, o paminsan inuutusan nya ako na magpabili nang kailangan nya. 

Merong chapel sa dulo. Napagisipan ko na pumunta dun. Pag pasok ko, merong isang tao nakaluhod sa unahan na upuan. Tiningnan ko lang ng sandali, tapos umupo na rin ako. Di ako sanay manalangin, pero nagpasalamat pa rin ako. 

Nakaupo pa rin ako, ayaw ko bumalik sa kwarto masyadong nasisikipan ako. Parang hindi ako makahinga. Lagot lang kung merong nurse na pumunta doon, baka mag panic sila. 

Yung tao sa harapan, mukhang tapos na sya dahil tumayo na sya at balak nang umalis. Sa una, hindi ko sya namukhaan. Pero nang palapit na sya, saka ko lang sya nakilala. Nakayuko lang sya kaya hindi nya ako nakikita. Hinintay ko na i-angat ang ulo nya pero palabas na sya kaya wala akong choice kundi i-sigaw pangalan nya.

"Jessica!" Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa kanya. Nakatalikod pa rin sya sakin. Tinawag ko ulit sya.

"Jessica" Di ko alam yung nangyari, pero nakayakap na sya sakin ngayon. Naririnig ko yung paghikbi nya. Ano ba dapat kong gawin sa taong umiiyak? Yakapin ko pa pabalik? Yun nalang yung ginawa ko, tapos hinaplos ko ulo nya. Pero imbis na tumahan sya, mas lalo syang umiyak. 

"Ang gago mo Taeyeon. Ang gago mo." Yung boses nya, di galit kundi rinig sa boses nya yung pag-alala.

"Bakit ka nandito Jessica? Tyaka natulog ka ba?" Inalis nya na yung pagkayakap sakin. Wala akong magawa kundi punusan yung mga luha nya, bat naawa ako sa kanya.

Mga ilang segundo bago ulit sya nakapag salita.

"Bakit ka nandito rin? Dapat nasa kwarto ka lang. Tara balik na tayo." Kinuha nya yung wrist ko pero dahan dahan nya akong inaalalayan. 

"Jessica, ayaw ko bumalik doon. Parang nasisikipan ako pag nanduon ako." Tiningnan ko sya sa mata habang sinabi ko yun.

"Tin, kelangan mo bumalik, tyaka kung gusto mo buksan ko yung bintana para sayo. Pero kailangan mo talaga bumalik." Medyo nag iba yung boses nya, mas dumiin.

"Tyaka naalala mo ba yung nangyari sayo? I-kwento ko sayo pag balik natin doon, kaya tara na." Sa huli, sumunod na lang ako. At least meron na kong kasama sa kwarto na yun. Gusto ko rin malaman kung ano nangyari at kung bat ako nasa ospital ngayon.

Pagdating namin sa kwarto, inalalayan nya muna akong umupo. Pagkatapos binuksan nya ng onti yung bintana. Kinuha nya yung upuan sa gilid tapos tumabi sakin. Pero bago ko sya pasalitain, ako muna nag tanong sa kanya.

"Bakit ka nandito sa ospital? Sana umuwi ka na lang para matulog." Hindi ko maintindihan kung bakit sya andito. 

"Para bantayan ka. Pumunta yung mga ibang kaibigan mo rito. Pero wala akong nakita na kapamilya mo na bumisita man lang." Mukha syang pagod at wala gaanong tulog.

"Hindi mo yun obligasyon. Kaya dapat mamaya umuwi ka na sainyo. May naghahanap siguro sayo. Okay na rin naman ako." Pagkasabi ko nun, ngumiti lang sya sakin.

"Ano nga pala yung nangyari sakin? Pagkaalala ko nasa theme park tayo." Wala akong maalala pagkatapos naming bumaba sa ferris wheel.

"Nung nasa labas na tayo ng gate, bigla mo nalang hinawakan ulo mo. Hindi ka nagsasalita kaya mas lalo akong nag-alala. Hanggang sa napaluhod ka, inakala ko na baka sumakit ulo mo. Uminom ka ng gamot para dun diba? Yung mga tao pinalibutan tayo, mabuti may mga mabuting tao na tinulungan ako. Tumawag sila ng ambulansya, habang hawak kita. Nawalan ka ng malay." Nakayuko lang sya, habang sinasabi nya yun. 

"Last week pa yun, ngayon ka lang gumising." Narinig ko ulit na umiiyak sya. Dahan dahan nyang inangat ulo nya para tingnan ako.

Isang linggo ako sa ospital? Dahil sa sakit ng ulo lang. Bakit ganon naman katagal. 

"Ano sabi ng doctor?" 

"Siya nalang yung magsasabi sayo

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soshindeed
Open po ako for constructive criticism. Ingat po kayo lahat. :))

Comments

You must be logged in to comment
Jnkjsk #1
Chapter 5: Feel ko may sakit din si Sica
Jnkjsk #2
Chapter 5: Feel ko may sakit din si Sica
Jnkjsk #3
Chapter 5: I’ll wait for your update
Jnkjsk #4
Chapter 5: This is so beautiful authornim