plot twist

Tayo sa Huling Buwan ng Taon
Please Subscribe to read the full chapter

Hindi na nasanay si Joohyun.

 

"Pang-ilan na ba 'yung nagp-perform?" Tanong ni Ten sa kawalan.

 

"Pangalawa na," salo ni Lisa. "Kabado kayo?"

 

Nakita niyang tumango sina Tzuyu at ang iba pang mga freshie habang ikinakabit niya ang sinturon sa suot na maong na short.

 

Kahit siya mismo ay mabilis ang tibok ng puso. 'Yung adrenaline, ang sigawan ng audience at 'yung tatlong tasa ng kape na ininom niya kanina habang nag-aayos sila. Puyat na puyat ang ate niyo dahil sa isang bokalista ng ReVerb na hindi nagpatulog kagabi.

 

Pagod na pagod siya dahil sa rehearsal at last minute practice after. Halos buong maghapon silang hindi nagkita at nagkausap ni Seungwan dahil busy din ito sa banda. Kaya hindi niya rin ito masisi kung sabik ang bokalista nang pauwi sila, dahil gano'n din naman ang nararamdaman niya.

 

Nakatikim lang ng halik no'ng isang araw, hindi na siya tinigilan. Hindi naman siya nagrereklamo. Pero nangangawit siya sa pwesto nila sa kotse nito. Dinidikdik siya ni Seungwan sa gilid ng shotgun habang nakadukwang naman ang bokalista. Hindi siya makaunat, hindi niya maigalaw ang mga binti niya para ipalupot sa bewang nito dahil maliit ang space sa shotgun.

 

Sa totoo lang, may bukol siya sa ulo nang wala sa sarili niyang maiuntog ito sa bintana ng kotse. Agad na napatigil si Seungwan sa paghalik sa kanyang dibdib nang napadaing siya sa sakit.

 

"!"

 

Napabitaw si Joohyun sa pagkakasabunot kay Seungwan para hawakan ang sarili nitong ulo, "Tangina, ang sakit!"

 

", sorry, napadiin ba?" Nag-aalalang tanong ni Seungwan na mukhang iba ang tinutukoy.

 

"Nauntog ako," nakangiwi niyang sabi at sinalat ang likod ng ulo, "May bukol na yata."

 

Mabilis siyang dinaluhan ng bokalista, tinignan nito ang tinutukoy niya at hinalikan ito.

 

"Tangina, akala ko 'yung kagat ko ang masakit," maluwag na hininga ng bokalista. Kinurot niya ito sa tagiliran at natawa lang ang walangya.

 

Naputol na ang momentum dahil sa nangyari kaya dinampot na lang ni Seungwan ang polo ni Joohyun na nakapatong sa dashboard at binigay sa kanya.

 

"Next time, hindi na gugustuhing sumakay ni Kwon sa backseat," makahulugang sabi nito sa kanya at tinulungan siyang magbutones.

 

Namula si Joohyun at sinapak ang bokalista na mukhang nauulol na naman, "Ang bastos mo!"

 

Humagalpak ng tawa si Seungwan at tuluyan nang napasandal sa driver's seat mula sa pagkakadukwang sa kanya.

 

"Sasabihin ko sanang ang bastos eh 'yung nakahubad, pero saka na lang 'pag nakabihis na rin ako."

 

Diyos Amang Mahabagin.

 

"What a rocking hard performance from CADs!"

 

Tanginang rocking hard, sumang-ayon pa sa naalala niyang nangyari kagabi.

 

Halos hindi na marinig ang usapan ng mga kasama niya sa loob ng classroom na ginawa nilang dressing slash waiting room dahil sa sigawan sa labas.

 

"Are you guys ready for CELA? Let's give them a round of applause!"

 

"Shivs! Next na tayo!" Sigaw ni Jokwon na nakipagsabayan sa ingay. "Excited na akong lumabas para manuod!"

 

Hindi sila pinayagan ni Kuya Yunho na lumabas para mapanuod ang mga naunang performancs. Aniya'y mawawala ang tension na binuild-up nila at mahahawa lang ng energy mula sa iba na hindi bagay sa routine nila.

 

Kung map-pressure sila na galingan, baka mas maging matigas ang mga galaw nila na sana ay fluid lang dapat. Buti na lang at mauuna silang magperform kesa sa ReVerb. Hindi makakapayag si Joohyun na hindi niya mawitness ng live ang pinaghandaan nina Seungwan.

 

Nakakumpol silang anim sa gilid, nags-set tungkol sa magiging ganap nila after the event.

 

"Arat moni," sabi ni Lisa, "Last ganap ko bago ako umuwi sa'min sa probinsya."

 

"Sumama na lang kayo sa'min sa Aura," anyaya ni Byul, "Do'n diretso ng ReVerb after nitong Lighting."

 

Napalingon si Joohyun sa sinabi ng kaibigan. Walang nasasabi ang bokalista sa kanya tungkol don. Enebeyen, 'di man lang nag-aaya. Nagmula pa sa jowa ng kabanda nito ang imbitasyon.

 

Well, 'di na rin niya masisisi si Seungwan kung wala na itong maalala kundi ang matamis na labi ni Joohyun. 'Wag lang sana nitong makalimutan ang lyrics ng set nila mamaya.

 

"Sige!" Napapalakpak si Lisa, "Putangina, sa wakas magkakaganap na rin kami ni Rosé mylabs!"

 

Diretso ang tingin niya sa mga kaharap, kila Jokwon na sumusulyap sa kanyang gawi, may mga nakakalokong ngiti sa mga labi. Malamang ay inaasar si Lisa.

 

Hindi na rin naman pinansin ni Joohyun ang lumalakas na tibok ng puso niya dahil malamang ay kinakabahan siya at umiindak alinsabay sa lakas ng bass ng tugtog sa event. 

 

"Kebs lang? Nakakahiya nemern," pabebeng sabi ni Jokwon. Mabilis pang kumurap-kurap sa gawi ni Joohyun at pakunwaring nilagay pa ang takas na buhok sa tenga kahit na naka-clean cut ito.

 

Gusto niyang masuka. No'ng una ay dahil hindi niya maatim ang pagmumukha ni Jokwon, pero nang maglaon ay napagtanto niyang dahil 'yon naramdamang presensya sa kanyang likod.

 

"Okay lang, Kwon. Sumama 'yung may gusto. The more, the merrier naman."

 

Hindi na kailangang lingunin ni Joohyun kung sino ang nagsalita. Alam na niya -- base pa lang sa timbre ng boses, sa pabangong nakakaakit, at sa kakaibang pakiramdam sa dibdib niya na tanging si Seungwan lang ang nakakagawa.

 

"Nasa labas si Yong, Byul. Nahihiyang pumasok," sabi nito sa kaibigan at mabilis namang tumayo si Byul para puntahan ang jowa.

 

Sumandal siya at saktong tumama ang ulo niya sa dibdib ng bokalista na nakadukwang sa kanyang likod, ang isang kamay ay nakatukod sa inuupuan niya. Naramdaman niyang hinaplos nito ang buhok niya at hinalikan sa may gawi kung sa'n siya nauntog kagabi.

 

"Masakit pa?" Mahinang bulong nito, takot na maistorbo ang mga kaibigan niyang may kanya-kanya ng pinag-uusapan, kahit na napapansin niyang may mga mapang-asar na ekspresyon sa mukha.

 

Umiling siya. "Buti pinayagan kang pumasok ni Kuya?"

 

Malumanay itong tumawa at saglit na lumayo sa kanya. Tumagilid siya sa pagkakaupo para pagmasdan si Seungwan na kumukuha ng isa pang upuan sa gilid. Baliktad itong umupo, ang sandalan ng monoblock ang nasa harapan. Pumwesto ito sa likod niya, halos dalawang dangkal layo, at ipinatong ang kaliwang braso at ulo sa tuktok.

 

"Malakas ako pagdating sa iba," paliwanag nito sabay nguso, "Sa'yo lang ako naman nanghihina."

 

Napangiti siya sa sinabi nito ngunit hindi siya umimik. Masyadong naging abala si Joohyun na pagmasdan ang bokalista na nakaitim na v-neck graphic shirt, leather jacket, ripped jeans, at ankle boots. Kumikinang ang mga piercings nito sa magkabilang tenga. Takaw atensyon din ang dark makeup nito at mapupulang labi na kinakagat kasalukuyan ni Seungwan.

 

Parang gusto niyang burahin ang lipstick nito gamit ang bibig niya.

 

"Bawal," malamyang sabi niya at hinawakan sa baba ang bokalista, "Ako lang may karapatang kumagat d'yan."

 

"Wooh!" Malakas na buga ng hininga ni Jokwon, "Putangina niyong dalawa! Sa harap ko pa talaga!"

 

Nagtawanan ang mga tukmol at pati si Seungwan.

 

Bumitaw si Joohyun, at lumingon sa harap, "Edi 'wag kang tumingin?"

 

"Gago, anong magagawa ko eh may mata ako?"

 

"Bobo, edi pumikit ka! Tanga nito," sabat ni Jisoo.

 

Buti na lang at busy magkaladyaan ang mga kaibigan niya kaya't 'di nila narinig ang pagsinghap ni Joohyun. 

 

Naramdaman niya ang nakakapasong daliri ni Seungwan sa kanyang hita, pinaglalaruan ang fishnet stockings niyang suot. Bumibilog, gumuguhit, at naglilikot.

 

Diretso pa rin ang tingin niya sa mga katropa niya kahit na pinipigilan niyang mapapikit at manginig.

 

Nang maramdamang lumandas ang haplos ni Seungwan paakyat sa kanyang tagiliran ay agad siyang napabalikwas ng upo. Napatingin tuloy sa kanya ang mga kasama niya, malamang ay nagtataka kung bakit kasing pula ng mukha niya ang suot niyang long-sleeved cropped top.

 

"Baklang 'to," ani ni Jokwon, "'Di pa man din tayo sumasayaw, pinagpapawisan ka na d'yan."

 

Napabungisngis lang ang nasa likod niya. Sinapak niya ang bokalista at tuluyan na itong tumawa.

 

Tangina nito, pagpapahirap lang ang ambag kay Joohyun.

 

"Alis na nga ako, sinasapak mo na lang ako, eh," sabi nito sabay tayo. Umirap na lang siya at akmang tatayo na rin sana ngunit pinigilan siya nito.

 

Sinundan na lang niya ng tingin ang bokalista habang naglalakad palabas ng pinto, malawak ang ngiting binabati ang ilang kakilala sa Revel. 

 

"Wendy," rinig niyang tawag ni Mina, "Tutuloy ba kayo nila ate Whee sa Aura?"

 

"Oo," tango ni Seungwan, "Sumama ka, isama mo rin friends mo."

 

Napapalatak si Joohyun na siya namang ikinatawa ng mga kasama niya, nanunuod din sa nangyayari.

 

"Akala ko ba hindi selosa, Seul?" Pabirong sabi ni Lisa.

 

Hindi naman talaga selosa si Joohyun. Duh. Edi magpatuloy lang si Seungwan sa pag-entertain kay Mina, magngitian pa sila. Kahit abutin sila magdamag mag-usap, okay lang. 'Yong freshie na lang kaya ang ipakilala nito kila Tita Jessica at Tita Yuri? Magpakasal na rin kaya sila? Si Joohyun na ang mag-aadjust, putangina.

 

Nang malapit ng makalabas ang bokalista ay pabiglang tumayo si Joohyun. Muntikan pang matumba ang inuupuan niya. Padabog siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ni Seungwan na napalingon sa kanya.

 

Marahan niyang itinulak si Seungwan palabas, ang buong mukha nito ay puno ng pagtataka, "Oh? Anong prob--"

 

Kinuwelyuhan ni Joohyun ang bokalista upang hatakin papalapit. Napakapit si Seungwan sa bewang niya, ang mga palad nito ay mainit sa kanyang balat.

 

Madilim naman sa labas. Pero hindi niya matandaan kung sumara ba ang pinto ng kwarto bago niya halikan si Seungwan. Nawalan na rin naman siya ng pakielam sa oras na naglapat ang mga labi nila.

 

"Guys! Bumilog na, malapit na tayo!"

 

Bumitiw na si Joohyun sa pagkakayukom ng kamay niya sa damit ni Seungwan at tinulak ito palayo. Marahan siyang dumilat at bumungad sa kanya ang mukha nitong mukhang hirap na hirap. Nakapikit pa rin ito, nakakunot ang noo at mabilis ang paghinga.

 

"Good luck kiss," sabi niya, "Hindi mo 'ko binigyan, ako na ang kumuha."

 

Napangiti ang bokalista na ngayon ay nakadilat na ang mga matang lasing sa kanyang ginawa, "Break a leg, babe."

 

"I'll break yours kapag tumingin ka sa iba," babala niya.

 

'Diba? Hindi selosa si Joohyun. Marunong lang siya bumakod.

 

*****

 

Sinabayan ni Jimin ang tugtog, ang tanging ilaw sa stage ay nakatutok sa lalaki. Nag-angat ito ng shirt at itinuro ang abs nito, "D, I got the dope!"

 

Nagsigawan ang mga tao at nangibabaw ang tili ng mga babaeng hayok na hayok. Nakakabingi, pero mas ginanahan lang si Joohyun.

 

Showtime.

 

You put your body on me

Feel, feeling different lately

From your head to your toes

To the way you put on

 

Hindi na magkamayaw ang sigawan ng mga tao nang magsimula na silang sumayaw. Nakapikit niyang pinaikot nang marahan ang ulo pakanan. Ang mga kamay niya ay hinahaplos ang sariling katawan, feeling herself at the center of the stage.

 

Nang dumilat siya ay agad niyang natagpuan ang mga mata ni Seungwan sa audience. Seryoso itong nanunuod, matigas ang ekspresyon ng mukha. Nasa pangatlong row ito mula sa harap, sa section kung saan reserved para sa mga performers.

 

You're my midnight lover

Baby, hands round your neck

Love it best when you're wet

Baby, under the covers

 

Saglit niyang pinilig ang ulo niya sa gawing kanan, at kumindat nang mapagtanto ang lyrics ng kanta.

 

"REVEL! REVEL! REVEL!"

 

"AY, PUTANGINA KA IRENE!"

 

At kahit na lumakas ang hiyawan sa gawi nila Seungwan ay sigurado siyang alam ng bokalista na para sa kanya 'yon. Hindi naman maikakaila ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito.

 

Napaismid si Joohyun. Tignan na lang natin kung tatagal ang ngiti sa labi ni Seungwan 'pag dumating na sila sa latter half ng routine.

 

When I think about you

When I think about you

When I think about you, yeah

When I think about you, you, you, you

 

Kahit nasa harap, gilid o likod man siya ay ramdam niya ang makapanindig balahibong titig ni Seungwan. Kung marupok lang siya, kanina pa bumigay ang tuhod niya at niluhuran na lang ang bokalista.

 

Buti na lang at hindi siya pinalaking marupok ng mga magulang niya. At maniwala man kayo o hindi, kay Lord lang siya lumuluhod, opo.

 

Pero hindi niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng init kahit na nakashort lang siya at malalim na ang gabi. Kung dahil ba sa adrenaline rush o sa titig ni Seungwan… hindi na rin siya sigurado.

 

Oh, oh, sweat, sweat, sweat

Oh, oh, sweat, sweat, sweat

 

"LALISA! SAPAKIN MO AKO!"

 

Tumatagaktak na ang pawis sa kanyang noo pero hindi niya mapigilang matawa sa sumasapaw na bulyaw ng kung sino man 'yon. Nakita niyang natatawa rin si Seulgi sa kanyang gilid nang tumalikod siya para tumungo sa bandang likod ng stage.

 

Agad ding nakabawi si Joohyun at muling binalik sa mukha ang mapanghikayat na ekspresyon nang magsimulang magbago ang tugtog. Ang puting ilaw na nagpapaliwanag sa buong stage ay nawala at napalitan ng pula sa kanang bahagi.

 

Drink in your glass

You drinking it fast

I'm watching you dance

You're watching my hands

Throw it back babe

 

Itong part ng routine ang pinakaaabangan niya. Bukod sa forte ni Joohyun ang ganitong klaseng choreography, smooth at sensual, ay hindi siya makapaghintay na makita ang reaksyon ni Seungwan habang pinapanuod siya.

 

Gusto niya ng maghasik ng lagim at lalo pang painitin ang gabi.

 

Give it to me don't hold back, babe

If your friends could see you right now

No lying girl I bet they'd wanna be you right now

Your body's takin' over you

 

Bumukas na rin ang ilaw sa kaliwa, at nagsabay na sumayaw ang mga natapatan nito. Masarap sa pakiramdam kahit nakakabingi ang malakas na hiyawan ng mga tao. 'Yon ang nagpapalakas sa kanilang mga performers kahit unti-unti na silang napapagod habang tumatagal.

 

"KANG SEULGI! GILINGAN MO AKO!"

 

Umalingawngaw ang sigaw ni Joy habang sinasayaw nina Seulgi ang parts nila. Napailing na lang siya naghintay ng ilang dahil siya na ang susunod.

 

Baby we can take it slow, say my name

Don't let go, I can hear your body when I

Pull your hair, what's my name

Girl I swear, I can hear your body, babe

 

Halos malagutan na ng hininga ang mga tao nang tumapat ang pulang spotlight sa kanya.

 

Hindi mapigilan ni Joohyun na magpakawala ng mapang-akit na ngiti habang nagsasayaw, lalo na nang maramdaman niya ang matalim, nakakapaso ngunit nakakaenganyong titig na kanina pa niya inaabangan.

 

Hanggang mayari ang routine ay kay Seungwan lang siya nakatingin. Nakahalukipkip ito, ang isang kamay ay pinaglalaruan ang labi. Diretso ang titig nito sa kanya, taas baba, sinusundan ang kanyang kamay na lumalandas sa sariling katawan. May kung ano sa tingin ng bokalista na para bang nangyayapos.

 

Hindi sigurado ni Joohyun kung ang pamumula ng mukha't leeg ni Seungwan ay galing lang sa ilaw ng stage o dahil sa galit nang may sumigaw ng "IRENE BAE! BAEYUHIN MO AKO!"

 

You know I'm your number one fan, babe

 

Pero gusto niyang isipin na namumula ito dahil nagawa ni Joohyun nang maayos ang misyon niyang painitin ang pasko ni Seungwan. 'Yon lang ang tatanggapin niyang dahilan kung bakit daig pa ng init na nararamdaman niya sa kanyang dibdib ang apoy sa impyerno.

 

Nadedemonyo na siya.

 

Kasalanan 'to ni Joy.

 

*****

 

Hanggang sa pagbaba ng stage at pagbalik sa kwartong pinaghintayan nila kanina ay hindi pa rin humuhupa ang pagkaligalig ni Joohyun.

 

"Good job, guys! You nailed it! Congratulations!"

 

Ramdam pa rin niya ang excitement nang nagbatian sila at nagkuhaan ng picture. Malawak ang ngiti niya at maaliwalas ang mukha. Parang hindi big deal kay Joohyun na maraming sumakabilang buhay dahil sa kanya.

 

"Hoy, tara na sa labas!" Anyaya ni Lisa sa kanila, "Manuod na tayo!" Lahat ay sumang-ayon at nauna nang lumabas.

 

"Ikaw, Irene?" Rinig niyang sabi ni Taehyung, nag-aalangang iwan siya mag-isa sa kwarto.

 

"Okay lang, mauna na kayo," sabi niya, "Magbibihis muna ako."

 

Hindi siya tanga para lumabas ng naka-crop top nang dis oras ng gabi, ginawin siya at hindi nakakatagal sa lamig. Maya't maya siyang naghahanap ng init.

 

Speaking of.

 

"Congrats, ReVel!" Rinig niya ang maligayang bati ni Seungwan sa mga katropa niya sa labas, "Galing!"

 

"Thanks, Wends," maharot na sabi ni Jokwon, "Napainit ko ba ang gabi mo?"

 

"Gaga! Ayan ka na naman sa kalandian mo, patay ka kay Madam!"

 

"Sinusulit ko na habang wala! 'Wag kang ano d'yan."

 

Natawanan ang mga tukmol at napailing na lang siya.

 

Naramdaman niya ang presensya ni Seungwan sa kwarto. Hindi niya ito nilingon habang hinahalungkat ang bag, naghahanap ng pamalit na shirt.

 

"Hi," alanganing bati nito sa kanya.

 

Hi? Kanina lang habang nasa stage siya ay grabe kung makatingin. Ngayong magkaharap na sila ay bigla itong nahiya.

 

"Uhh," hinto nito sabay dila sa labi, "Dumaan lang ako. G-gusto ko lang kayo i-congrats."

 

Humuni lang si Joohyun, at hinarap na si Seungwan. Pinagmamasdan niya ito at napagtantong naroon pa rin ang pamilyar na pamumula sa tenga at leeg nito.

 

"M-magpapalit ka ng damit?" Tanong nito nang makita siguro ang hawak niyang shirt. Malamang ay lukot na ito sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

 

Tumango lang siya. Malalim na ang kanyang paghinga.

 

May kung ano sa kilos ni Seungwan na parang hindi mapakali. Malikot ang mga mata nito, nakikiramdam. Parang may gustong gawin na hindi dapat. Hindi pa dapat.

 

Pero walang pakielam si Joohyun.

 

"Help me?"

 

Hindi na niya kailangang pagsabihan si Seungwan na isara ang pinto at i-lock 'yon. In-off din nito ang lahat ng ilaw maliban sa isa sa dulo ng kwarto. Matapos gawin lahat ng 'yon ay humarap na ito sa kanya.

 

Hindi na hinintay ni Joohyun na tuluyan itong makalapit. Sinalubong na niya ito ng mapusok na halik, ang isang kamay ay nakapalupot sa balikat nito. Ang tensyong kanina pa niya nararamdaman ay pinawalan na niya.

 

Inalalayan siya ni Seungwan nang saglit itong maglakad para maisandal si Joohyun sa pader. Ang kanang kamay nito ay nilalaro ang laylayan ng kanyang damit. Samantalang ang isa naman ay naglalakbay mula sa kanyang bewang pataas sa kanyang balikat at pababa naman sa kamay niyang nakayukom sa damit na hawak.

 

Napasinghap si Joohyun nang pwersahang hablutin ni Seungwan ang hawak. Hindi niya na alam kung sa'n nito inihagis ang damit niya at narinig na lang niyang ang maingay na kalansing ng mga gamit.

 

Kinuha nito ang kamay niya at inilagay ito sa ulo ng bokalista. Agad itong kumuyom nang maramdaman ng kanyang dila ang mainit na kapareha.

 

Ilang saglit pa ay lumayo nang bahagya si Seungwan, ang bawat galaw ng labi ay ramdam niya pa rin.

 

"Don't let go," mapang-akit na kanta nito sa sinayaw niya kanina, "I can hear your body when you pull my hair."

 

"Hmm," napangiti siya nang nakakaloko, "Mali yata ng lyrics."

 

Hinalikan siya nitong muli at inangat na ang damit niya, "Mali nga ba?"

 

Bahagyang nanginig si Joohyun nang maramdaman ang lamig ng pader ngunit agad din niya itong nalimutan nang idiin ni Seungwan ang katawan nito sa kanya.

 

"Mali ba?" Ulit na tanong nito sabay pisil sa balakang niya.

 

Dali-daling umiling si Joohyun at ibinalik ang mga kamay niya sa pagkakapalupot sa balikat ng bokalista. Hinatak niya itong muli para ituloy ang naudlot na pag-uugnay ng labi.

 

Nakakabingi ang hiyawan sa labas ngunit ang tanging naririnig lang niya ay ang malakas paghinga ni Seungwan mula sa bibig nito. Ang mainit na hanging dumadampi sa mukha niya ay mas pinag-aalab ang apoy sa tiyan.

 

"Let's give a big hand for ParaCITE!"

 

Bumaba ang halik ni Seungwan pababa sa balagat ni Joohyun at marahan itong kinagat. Matapos ay dahan-dahan itong lumayo, "Kami na ang next."

 

Dumilat si Joohyun at bumungad sa kanya ang kumikinang na mata ni Seungwan. 'Yon lang ang naaninag niya sa madilim na kwarto. Mababaw ang paghinga niya dahil sa lalim ng pagmamahal na nakikita niya mula sa mga mata nito.

 

"'Di mo naman ako tinulungang magbihis," biro niya at tumayo na nang maayos.

 

Tumawa ang bokalista at tuluyan nang lumayo sa kanya. Mabagal itong naglakad sa may gilid, at dinampot ang damit niya sa gitna ng mga nakatumbang mga makeup kits. Inabot ni Seungwan ang damit niya sa kanya.

 

"Sorry," malambing na sabi nito at pinanuod siyang magbihis, "Wala ng ibang pumapasok sa isip ko kundi 'yon."

 

Good. 'Yon naman talagang intensyon niya. Napabungisngis si Joohyun, "Ano 'yon?"

 

"'Yung masolo ka," pag-amin nito, "Nakita pa lang kita sa suot mo kanina bago kayo magperform, gusto na kitang iuwi."

 

Humagalpak siya ng tawa, "Gago ka! Ilang linggo kong pinractice 'yon ta's 'di mo pala ako pasasayawin?"

 

Natapos na siyang magbihis at mag-ayos. Naglakad siya papunta sa switch ng ilaw at nakita niya ang itsura ni Seungwan na mukhang pinagsamantalahan.

 

Putangina.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hiddenstage
we'll be okay, bebeluvs <3

Comments

You must be logged in to comment
TaeSicaDaisy #1
Chapter 4: 🔥🔥🔥
TaeSicaDaisy #2
Chapter 2: Sakit ng pisngi ko sa kakangiti and kakatawa 😂
reveclean
#3
Chapter 4: hindi ko kinakaya yung kiliiiiig!!!!!
mydearwenrene
#4
Chapter 4: kinilig ako sa lahat ng chapters!! iba pa rin pag pinapakingan mo yung songs na nakalagay dito. sana all nalang sa wenrene, thank you authornim:)
hi_mitochondria #5
Chapter 4: 🥵🥵🥵🥵🥵🥵🥵
M_jeeh08
#6
Chapter 4: Hahaha jusko grabe taragaaaaaa
_iceGRRR #7
just want to say i always go back to this story, it always gives me kilig. i miss your stories and i hope you can come back to writing one day! ☺️
wnandehy
#8
POTANGINA NAGWAWALA AKO SA SOBRANG KILIG GRABE MAHAL NA MAHAL KO TALAGA WENRENE HSJDJDDJSJDKDJDH
pinkblueskies #9
Chapter 3: AAAAAAA jusko yung kilig ko habang binabasa ko 'to, 'di ko kinakayaaaa!!!
shikshinsoo1525 #10
Chapter 4: putangina BAT NGAYON KO LANG TO NABASA