same

Tayo sa Huling Buwan ng Taon
Please Subscribe to read the full chapter

Wendy Shon: hey, hyun

Wendy Shon: nakauwi na ako hehe

 

Hndi mapigilan ni Joohyun na mangiti. Jusko. Parang dati, pinapangarap niya lang na sana ay magkaayos na sila, tapos ngayon…

 

Wendy Shon: 'di ko nakuha number mo >:(

Wendy Shon: masyado akong nadistract sa yakap mo >;(

Wendy Shon: miss, digits? ;)

 

Gumulong-gulong siya sa kanyang kama. Napatili pa siya nang muntikan pa siyang mahulog. Kumatok tuloy si Yerim sa pinto ng kwarto niya.

 

"Hoy, ate," sabi ng kapatid niya, "Hinaan mo naman 'yang pinapanuod mong , gusto ko nang matulog."

 

Napabangon si Joohyun at dali-daling binuksan ang pinto, "Pinagsasabi mo d'yan!"

 

Nakakaasar na ngiti lang ang binalik sa kanya ng kapatid, "Aalis ako bukas ha. Magp-practice kami nila Suhyun para sa performance sa Lunes."

 

Tumango si Joohyun, "Sige. May pera ka pa ba?"

 

Napasimangot si Yerim, "Wala na nga, eh." Nagpacute ito sa kanya, ang dalawang hintuturo ng magkabilang kamay ay tinusok sa pisngi, "Bigyan mo 'ko?"

 

"Asa," poker face lang ang ate niyo Joohyun, "Tinatanong ko lang."

 

"Wala ka talagang kwentang ate."

 

"Ah, okay, may Aquino pa naman ako sa bulsa ko ngayon," sagot niya at akmang isasara na ang pinto, "Sige, goodnight."

 

"Hoy!" Pigil ni Yerim sa kanya. "Charot lang, ate, 'to naman 'di mabiro. Ikaw kaya ang dabest na kapatid ko," yakap nito sa braso niya at hinalikan siya sa pisngi.

 

Napangiti si Joohyun at hinalikan din si Yerim sa ulo, "Gaga ka, eh ako lang naman ang kapatid mo." Kinuha niya ang limangdaan sa bulsa at binigay ito sa kapatid, "Oh, pamasko ko na 'yan sa'yo."

 

Bumitaw na ang asungot niyang kapatid at tumalon talon pa habang papalayo, "Yey! Goodnight, ate! Sana mahimbing ang tulog mo mamaya."

 

Makakatulog ba siya kung hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya sa mga kaganapan ngayong araw? Hindi siguro.

 

Sinara niya ang pintuan at nilock iyon. Kinuha niya ang kanyang phone sa ibabaw ng kama at nahiga na.

 

Wendy Shon: seenzoned :O

Wendy Shon set the nickname for Bae Joohyun to Joohyun.

Wendy Shon: ang hina ko talaga sa'yo, mahal ko :(

 

Mabilis na nagtype si Joohyun ng reply kahit na nanginginig ang mga daliri niya sa sobrang kilig.

 

Joohyun: sorry, nag-usap kami ni yerim saglit

Joohyun: what's with the nickname >:|

 

You set your nickname to Baeby Hyun.

You set the nickname for Wendy Shon to Baeby's Wan.

 

Baeby Hyun: ayan? mahina pa ba?

 

Ilang beses nawala't bumalik ang tatlong tuldok. Natawa si Joohyun. Naiimagine niya si Seungwan na namumula, mabilis ang pagkurap at buka't sara ang bibig na parang isda.

 

Baeby's Wan: last mo na yan

Baeby Hyun: hmm?

Baeby's Wan: hindi na ako makakatulog kung lalandiin mo pa ako 

Baeby's Wan: bukas naman uli

Baeby Hyun: noted hahaha

Baeby's Wan: so? your number?

Baeby Hyun: same old, hindi ako nagpalit

Baeby's Wan: talaga ba??? why???

Baeby Hyun: well, first of, wala namang akong pinagtataguan

Baeby's Wan: hindi naman ako nagtago >:(

Baeby Hyun: wala naman akong sinabi?

Baeby's Wan: >;(

 

Ang sarap talaga asarin. Naiimagine na naman niya itong nakanguso at nakakunot ang noo.

 

Baeby's Wan: sabi mo start over >;(

 

Napakagat siya ng labi. Sabi niya kay Seungwan kanina na magsisimula silang muli, pero hindi na as friends. Well, ayaw na ni Joohyun na mag-aksaya pa ng oras kung back to zero sila. Nasayang na nila ang ilang taon, hindi niya na gustong maghintay pa ng matagal.

 

Baeby Hyun: yes, i mean it. inaasar lang kita

Baeby's Wan: asarin mo pa ako di kita liligawan jan

Baeby Hyun: edi magpapaligaw ako sa iba

Baeby's Wan: okay, i'll court someone else then

 

Napapalatak si Joohyun. Alam niyang nagbibiro lang ito pero asar talo ang madam niyo.

 

Baeby Hyun: subukan mo lang, son seungwan

Baeby's Wan: wew i can almost feel your glare

Baeby's Wan: i won't even dare, babe

Baeby Hyun: siguraduhin mo lang

Baeby's Wan: ofc, takot ko na lang sayo

Baeby's Wan: di ka pa matutulog? wala ba kayong practice bukas?

 

Pa'no naman siyang matutulog kung kausap niya pa si Seungwan? Kahit sa totoo lang ay napipikit na siya sa pagod sa kasasayaw kanina ay hindi niya magawang magpaalam sa kausap.

 

Baeby Hyun: wala, sa monday na uli

Baeby's Wan: sana ol ;( maghapon ang practice namin bukas

Baeby's Wan: preppin for something big and special ;)

Baeby Hyun: then you should rest na

Baeby's Wan: hmm okay, ikaw din

Baeby Hyun: goodnight, wan

Baeby's Wan: dream of me, babe

 

Hindi niya mapigilan na mapanguso nang nag-offline na si Seungwan. Pero 'di bale, marami pa naman silang oras. Ito pa lang ang simula ng maliligayang araw ni Joohyun.

 

*****

 

[12/16 Mon, 11:56] Hyunnie: quickly, love

 

"Malapit na nga yata magunaw ang mundo," gulat na sabi ni Jennie sa kanyang tabi.

 

Nagpasa ng requirements ang dalawang demonyita kaya sila pumasok. Sila naman ni Seulgi ay may practice mamayang ala-una.

 

Binaba ni Joohyun ang phone niya sa table at sumipsip sa kanyang milktea. Tinaasan niya ito ng kilay.

 

"Bakit? Ngayon lang kayo nakakita ng diyosang nagt-text?"

 

Rinig niyang napamura si Jennie sa sinabi niya.

 

"Never kang ngumiti nang ganyan while using your phone," sabat ni Joy na nasa harap niya na kanina pa siya pinagmamasdan. "Spill the tea, sis."

 

"There's nothing to spill," pagkibit niya ng balikat habang nagpipigil ngumiti. 

 

Nanliit ang mata ni Joy at tumikom ang bibig, pilit siyang hinahanapan ng mali. Siniko nito ang jowa niya na katabi nito, "May nangyari ba no'ng practice niyo?"

 

"Uhh," tinignan siya ni Seulgi at kumunot ang noo nito, "sumayaw?"

 

Napabungisngis si Joohyun.

 

"Tanga, malamang," sarcastic na sagot ni Jennie, "Mukha bang 'di namin alam 'yon?"

 

"Eh, 'yun lang lang naman ang nangyari," kamot ni Seulgi sa kanyang ulo. "Tapos inasar siya nila Kwon kase binigyan siya ng tubig ni Taehyung no'ng break."

 

Umiling si Joy, "Bukod do'n?"

 

"Hmm," ngumuso ang oso at tumingin sa taas, naghahanap ng sagot sa bubong ng canteen. Ilang segundo lang ay biglang nanlaki ang mata nito na parang may naalala.

 

"Tapos no'ng pauwi na, nagkagulo lahat kasi naghihintay pala sa labas si Wendy --"

 

Malakas na suminghap si Joy na siya namang ikinairap ng kanyang mata. Narinig din niyang nasamid si Jennie sa iniinom nito at napaubo.

 

Lumingon si Seulgi sa kanya, "Nga pala, ate. Ikaw nga ba ang sinadya no'n?"

 

Hindi niya na nagawang sagutin ang tanong ng kaibigan nang maramdaman niyang unti-unting bumibilis ang kanyang puso. Parang alam nito kung kelan nariyan na ang may-ari nito.

 

Lumingon siya sa bandang kanan kung nasaan ang pinto at agad niyang nahuli ang mga mata ni Wendy sa kanya. Sinuklian niya ang matamis nitong ngiti at hindi niya mapigilang mamula nang maalala ang naging ganap nila noong weekend.

 

Walang ginawa si Joohyun ng Sabado't Linggo kundi ang magpagulong-gulong sa kama, tumili sa unan, at ngumiti at tumawa sa kawalan. Muntik niya na ngang makalimutang maligo at kumain sa oras dahil maghapon silang magkausap ni Seungwan.

 

Muli silang nagbalik-tanaw sa mga lumipas na panahong hindi sila magkasama. Mga pagbabago sa kanilang buhay, mga kaganapang nais ibahagi at mga nararamdamang kailangang ipaalam.

 

Gusto nga sana siyang puntahan ni Seungwan sa kanila para personal nila itong mapag-usapan pero hindi siya pumayag. Baka hindi mapigilan ni Joohyun ang sarili niya na ang mga labi niya na lang ang maghayag ng nararamdaman niya kesa idaan ito sa salita.

 

"Bakit ayaw mo?"

 

Hindi man niya ito nakikita ay alam niyang nakanguso si Seungwan ngayon. Isa sa mga rason kung bakit ayaw niyang payagan na pumunta ito sa kanila. 

 

"Ako lang mag-isa rito," mahinang sabi niya.

 

"Ano naman?" Takang tanong ni Seungwan. "M-mag-uusap lang naman tayo."

 

Napabungisngis si Joohyun sa halatang paghina ng boses ng kausap nang sabihin nito ang huling pangungusap.

 

"Sigurado ka? Usap lang?" Pang-aasar niya sa mababa at paos na boses.

 

Rinig niya sa kabilang linya ang malalim na paghinga ng bokalista.

 

"B-bakit? May gusto ka p-pa bang gawin?" Garalgal na tanong nito.

 

"Hmm," ungol niya at gusto niyang matawa nang marinig ang mahinang pagmumura ni Seungwan, "Marami akong naiisip."

 

Maikling buhok, pawisang noo, mapupungay na mga mata, mapupulang labing bahagyang nakabuka na naglalabas ng maiinit na hanging makapanindig balahibo, malilikot na mga daliri at balingkinitang katawang nakaibabaw sa kanya.

 

Linggong-linggo ay nagkakasala siya. Maligo kaya siya sa holy water?

 

Ama, patawarin niyo si Joohyun, hindi niya alam ang kanyang ginagawa.

 

Napakagat siya ng labi nang marinig ang boses ni Seungwan. Ang init ng phone niyang ilang oras nang nakalapat ay parang hininga ng kausap niyang bumubulong sa tenga niya.

 

"Hindi ko alam kung pareho tayo ng iniisip," sabi nito, "Pero masyado pang maaga, mahal ko."

 

Tama, masyado pang maaga. Tirik ang araw pero mas mainit ang nararamdaman niya sa kanyang dibdib at tiyan.

 

"So mamayang gabi ka pupunta?"

 

Malamya at mahangin ang tawa si Seungwan sa pilosopong tanong niya. 

 

"Pupunta lang ako 'pag handa ka na."

 

Hindi natinag ang pagtitinginan nila hanggang sa makalapit si Seungwan sa table nila.

 

"Sorry, hindi na ako nakareply. I was driving," sabi nito sabay upo sa tabi niya, diretso ang tingin kay Joohyun na parang wala silang katabing mga nakanganga at parang nakakita ng anghel na bumaba sa langit. Hindi naman sila mali ro'n.

 

Mas lumawak pa ang ngiti ni Joohyun, "Kebs lang. Ikaw nga ang topic namin."

 

Tumaas ang kilay ni Wendy at nilingon ang mga kaibigan niya, na ngayon ay may mga nakakalokong ngiti.

 

"Halos mapunit ang labi niyan," turo ni Joy sa kanya, "Kakangiti habang nagt-text."

 

Pinandilatan niya ang demonyong nagsisimula na namang maghasik ng lagim. Kumunot ang noo ni Seungwan at lumingon sa kanya. Hinawakan siya nito sa baba at pilit iniharap ang mukha ni Joohyun rito.

 

"Bawal," matamang sabi ng bokalista, nakatingin sa kanyang labi, "Ako lang may karapatang pumunit d'yan."

 

Sabay na napamura ang mga kaibigan niya, maliban syempre kay Seulgi, at humagalpak naman ng tawa si Seungwan nang sapakin niya ito, "Nauulol ka na naman!"

 

Nang humupa ang asaran at tawanan ay nagsimulang magpaulan ng tanong ang tatlo tungkol sa kanilang dalawa. Si Seungwan ang sumagot ng karamihan sa mga ito at hinayaan ito ni Joohyun. Ngayon niya lang din narinig ang karamihan sa mga kwentong lumabas sa bibig nito.

 

"So, crush mo rin si ate Joohyun no'ng high school kayo?" Tanong ni Seulgi.

 

Tumango si Seungwan at kumindat sa kanya. Napailing na lang si Joohyun.

 

Habang nagkukwento ang bokalista ay hindi maiwasan ni Joohyun na mapatitig sa maaliwalas na mukha ni Seungwan. Nagniningning ang mga mata nito habang binibigkas ang pangalan niya. May bahagyang pamumula rin sa pisngi habang inaamin sa mga kaibigan niya ang patagong paghanga nito kay Joohyun. May lungkot sa boses nito nang mapunta sa usapang hindi pagtalon at pagsalo.

 

Napagtanto niya na kung simula pa nga lang noon ay gusto na nila ang isa't isa, ang habang panahon pala talaga ang sinayang nila sa pag-iwas at hindi pag-amin.

 

Ang pinrotektahan nilang pagkakaibigan ang naging balakid sa pag-usbong ng pag-iibigan nila na sana'y namumukadkad na ngayon. Buti na lang at napangalagaan nilang dalawa ang pagmamahal para sa isa't isa. 

 

Buti na lang talaga, dahil kung sakali mang napaglumaan na rin ang pagtingin ni Seungwan para sa kanya… Baka hindi niya kayanin.

 

Dahil sa ilang taong lumipas, hindi natuto ang puso ni Joohyun na tumibok para sa iba bukod kay Seungwan.

 

*****

 

Tumigil si Joohyun sa paglalakad nang makaakyat na sila ng hagdan. Ilang hakbang na lang ay naroon na ang studio ng ReVel.

 

"Oh? Ba't ka huminto?" Tanong ni Seungwan at nilagpasan siya. Agad niyang hinatak ang braso nito para sana patigilin ito sa paglalakad.

 

Hindi ito nagpapigil at sa halip ay marahang kinaladkad si Joohyun palapit sa pintuan, "Dito na lang, Seungwan. Bumaba ka na."

 

Kumunot ang noo nito at ngumuso, "Bakit ba ayaw mo akong ihatid kita?"

 

"Kaya ko namang pumunta rito mag-isa," pagdadahilan niya.

 

"May tinatago ka ba sa'kin? Si Kim?" Malamig nitong tanong.

 

Agad siyang napalingon kay Seungwan na may matigas na ekspresyon sa mukha. Imbes na nakanguso at nakatikom na ang bibig nito ngunit nanatili ang kunot sa noo.

 

Napakagat ng labi si Joohyun, nagpipigil ngumiti. Maling oras pero hindi niya mapigilang matuwa dahil ang gwapo magselos ng mahal niya.

 

"Pinagsasabi mo d'yan?" Malumanay niyang tanong, "Wala akong tinatago sa'yo."

 

Tinalikuran ni Seungwan ang pinto ng studio at lumapit kay Joohyun na napasandal sa pader, "Bakit ayaw mong nandito ako sa ReVel?"

 

Pilit na iniiwas ni Joohyun ang mga mata niya kay Seungwan ngunit imposible sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. 

 

Kaya't iniharap niya sa kanan ang kanyang mukha, "Hindi kita kayang bakuran dito."

 

Wrong move. 

 

Napapikit siya nang maramdaman niya ang ilong nito sa kanyang panga, paakyat sa kanyang noo. Hinalikan nito ang sentido niya at dahan-dahang iniharap ang kanyang mukha.

 

Tanginang mata 'yan, bakit ganyan makatingin?

 

"Hindi naman kailangan, Hyun."

 

Pinilit niya ang sarili na hawakan si Seungwan sa magkabilang balikat at bahagyang itulak ito.

 

"You don't get it," umiling si Joohyun, "Maraming may gusto sa'yo rito. Para kitang inihain sa handaan."

 

Napahalakhak si Seungwan, "Eh, ikaw lang naman ang gusto kong tumikim sa'kin."

 

Pabirong sinakal ni Joohyun ang maligalig na bokalista. Kung siya ay namumula sa hiya at kilig, si Seungwan naman ay namumula sa kakatawa.

 

Bwisit 'to.

 

"Sino ba 'yung maingay sa la-- Putangina!"

 

Napalingon si Joohyun sa pinto ng studio na nakabukas at nakita niya ang ilang miyembro ng ReVel na naka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hiddenstage
we'll be okay, bebeluvs <3

Comments

You must be logged in to comment
TaeSicaDaisy #1
Chapter 4: 🔥🔥🔥
TaeSicaDaisy #2
Chapter 2: Sakit ng pisngi ko sa kakangiti and kakatawa 😂
reveclean
#3
Chapter 4: hindi ko kinakaya yung kiliiiiig!!!!!
mydearwenrene
#4
Chapter 4: kinilig ako sa lahat ng chapters!! iba pa rin pag pinapakingan mo yung songs na nakalagay dito. sana all nalang sa wenrene, thank you authornim:)
hi_mitochondria #5
Chapter 4: 🥵🥵🥵🥵🥵🥵🥵
M_jeeh08
#6
Chapter 4: Hahaha jusko grabe taragaaaaaa
_iceGRRR #7
just want to say i always go back to this story, it always gives me kilig. i miss your stories and i hope you can come back to writing one day! ☺️
wnandehy
#8
POTANGINA NAGWAWALA AKO SA SOBRANG KILIG GRABE MAHAL NA MAHAL KO TALAGA WENRENE HSJDJDDJSJDKDJDH
pinkblueskies #9
Chapter 3: AAAAAAA jusko yung kilig ko habang binabasa ko 'to, 'di ko kinakayaaaa!!!
shikshinsoo1525 #10
Chapter 4: putangina BAT NGAYON KO LANG TO NABASA