false

Tayo sa Huling Buwan ng Taon
Please Subscribe to read the full chapter

Pagkakitang-pagkakita pa lang ni Joy sa kanya ay humagalpak na agad ito sa tawa.

 

"Giniginaw?" Tawa ni Joy, "At hindi makagalaw?"

 

"Tangina mo," irap ni Joohyun sa demonyitang kaibigan at umupo sa tabi nito. "Last day na last day, 'yang ugali mo wala pa ring awat."

 

Inakbayan siya nito at hinaplos ang suot niyang puting hoodie, "Sis, bakit naman kase ganyan suot mo. Jusko, tirik na tirik ang araw, 'di ka ba naiinitan?"

 

"Pake mo ba?" Umiwas si Joohyun sa kamay ni Joy at tinapik ito palayo. Tumawa lang ito at nanatili ang kamay na nakaakbay, "At bakit ba nakaupo ka d'yan? Tumabi ka na nga sa jowa mo."

 

Lumapit si Joy sa kanya at bumulong, "Katabi ni Seul 'yung crush mo."

 

Naestatwa si Joohyun ng ilang segundo bago ito manapak, "Ang ingay mo!"

 

"Hala? Ako pa ang maingay eh ikaw nga 'tong sumisigaw d'yan?"

 

Napapalatak na lang si Joohyun ngunit 'di niya maiwasang lumingon sa gilid. Napakurap siya nang mahuli niya ang mata ni Wendy sa kanya. Nakatingin ito sa kanya habang nakapalumbaba, tumatango sa kung ano mang kinukwento ni Seulgi.

 

Hala putangina, bakit nakatingin din? Sabi na't crush din siya ni Wendy.

 

Walang papalag, libre lang mangarap.

 

Naputol lang ang pagtititigan ng dalawa nang maramdaman ni Joohyun ang isa pang masamang espiritu na dumating. Lumingon siya sa harap.

 

"Aba, mukhang malamig ang pasko natin, ah?"

 

Nakipag-high five pa si Joy kay Jennie habang tumatawa. Umupo ang bagong dating sa bakanteng upuan sa harap nila.

 

Napapikit na lang siya at bumuntong-hininga. Lord, bigyan niyo nga po si Joohyun ng mahabang pasensya.

 

"Alam niyo, tangina kayo," inis na sabi niya, "Inaano ba kayo ng suot ko ha? Ngayon lang kayo nakakita ng hoodie?"

 

"Oh, puso mo, sis, kalma," sagot ni Joy, "Baka 'di ka na umabot ng pasko niyan, 12 days na lang naman."

 

"Mama mo kalma," pambabara ni Joohyun na siya namang ikinatawa na naman ng dalawa. Hinayaan na lang niyang mag-usap ang dalawa.

 

Kumuha siya ng ballpen sa bag at nagready na para sa last exam nila for the term. Isang kembot na lang, Christmas break na. 'Yon nga lang, kailangan niya pa ring pumasok para sa practice nila para sa Christmas Lighting event ng ReVe University sa 20. Well, at least pahinga muna sa acads.

 

"Oy, guys! Paakyat na si Ma'am. Umayos na raw," sigaw ng isang kaklase niya.

 

Tumingin siya sa katabi niya, "D'yan ka na talaga?"

 

"Oo, para 'di mo ko mamiss masyado."

 

Napamura na lang siya at hindi na pinansin si Joy. 

 

Luminga si Joohyun sa paligid niya. Sa bawat table ay may tigdalawang tao. Madalas niyang katabi ay si Jennie, minsan ay si Joy kung may LQ ang magjowa. Kung hindi naman ay solo niya ang table, walang may gustong tumabi sa kanya.

 

Nasanay na ang mga tao na titigan lang si Joohyun sa malayo. Alam ng lahat na kung lalapit ka sa kanya, handa ka dapat na masaktan. Pero kahit na gano'n ang eksena palagi, walang mintis pa rin ang mga nanliligaw kay Joohyun.

 

Saka… isa lang naman ang gusto ni Joohyun na lumapit sa kanya.

 

Bago pa man din mawala sa mood si Joohyun sa pagmu-muni muni niya ay dumating na ang prof nila, bitbit ang test papers.

 

"Sure na kayo d'yan sa mga katabi niyo?" Bungad na tanong ni Ma'am Hyoyeon na siya namang sinang-ayunan ng lahat, "Oh, get one and pass."

 

"Ma'am, madali lang po ba?"

 

"Oo naman! Baka nga wala pang 30 minutes, yari niyo na 'yan. Puro true or false lang naman."

 

Napa-yehey ang mga kaklase niya, at maski si Joohyun ay natuwa. Shet, fave prof niya na talaga si Ma'am Hyoyeon. Maganda na, mabait pa, tapos madalas pang absent dahil laging puyat kaka-DJ. Free cut tuloy lagi.

 

Excited na si Joohyun na mayari ang exam. Dumating ang papel sa table nila. Matapos siyang bigyan ni Joy ay iniabot na nito ang natira sa likod.

 

Matapos magsulat ng pangalan, course at block ay tinignan niya ang buong test. Legit ngang true or false lang. Tahimik lang ang lahat na nagsasagot, kaya't napatalon si Joohyun sa gulat nang biglang may sumigaw.

 

"Ma'am! Totoo po ba 'tong last number?"

 

Tangina, bilis naman no'n magsagot.

 

Maingay ang naging sabay-sabay na pagbuklat sa second page. Napakunot ang noo ni Joohyun nang mabasa ang tanong.

 

80. Single si __________ (write your seatmate's name).

 

Easy, false ang sagot. Napatingin siya kay Joy na may nakakalokong ngiti habang nakikisabay sa pagreact ng mga kaklase niya.

 

"Oo, bonus question 'yan."

 

Napangiti si Joohyun. Mukhang hindi siya makakabokya sa test na 'to. Nagpatuloy na siya sa pagsagot.

 

"Hala, ma'am, pa'no 'pag 'di namin alam?!"

 

"Aba, eh kaya nga tinanong ko kayo kanina kung okay ba kayo sa mga seatmates niyo," sagot ni Ma'am Hyoyeon, "May tama at maling sagot d'yan ha."

 

"Ede hindi na po bonus 'yon!"

 

Natawa na lang ang prof nila, "Basta sagutan niyo. Next meeting natin ay next year na hano? No'n natin ic-check."

 

"Eh, ma'am," tanong ni Joy, "Pa'no po 'pag kunware may jowa ako ngayon, tapos biglang nagbreak kami bago i-check 'yung papers?"

 

Nagpantig ang tenga ni Joohyun. Napatigil siya sa pagsusulat at kabadong tinignan si Joy na mukhang may binabalak na hindi maganda.

 

Tangina?

 

"Oh, good question! Ede walang points si Irene kung false man ang sagot niya," turo ng prof sa kanya, "Kase by the time na magc-check tayo, single ka na no'n."

 

Tangina. 

 

Mukhang hindi pa yata sigurado ang one point ni Joohyun. Napakunot ang noo niya at kinurot si Joy.

 

"Gaga ka? May balak kang makipagbreak kay Seulgi?"

 

Tumawa lang ang kaibigan niya, "Wala akong sinasabi, ha. Nagtanong lang ako." Saglit itong ngumiti nang nakakaloko sa kanya bago bumalik sa pagsasagot.

 

Nagkibit balikat na lang si Joohyun. Hindi naman siguro mag-iiba ang relationship status ni Joy. Imposible.

 

False, sulat niya before the number at ang pangalan naman ni Joy sa blangko.

 

Bumalik na si Joohyun sa naudlot na pagsagot nang magsalita uli si Ma'am Hyoyeon.

 

"Gano'n din ang rule sa mga single ngayon. Walang point ang mga katabi niyo kung true man ang sinagot nila," nakangiting sabi nito, "That is, kung magkakajowa kayo sa huling buwan ng taon."

 

*****

 

Nakabusangot na lumabas ng classroom si Joohyun. Hindi na nga niya napansin na iniwan na siya ng mga kaibigan niya. Halatang sura siya sa mundo kaya't napapatingin at gumigilid ang mga tao 'pag dumadaan siya. Ang bumangga, giba. 

 

"Oh, ba't ikaw lang?" Tanong ni Jennie sa kanya bago siya umupo, bitbit ang pagkaing inorder, "Nasa'n 'yung dalawa?"

 

Bago pa man makasagot si Joohyun ay nagvibrate ang phone niya.

 

[12/13 Fri, 12:57] Joytotheworld: date lang kami ni seul

 

"Nagdate, kakatext lang," bagot niyang sagot.

 

Hindi naman siya naiinggit.

 

[12/13 Fri, 12:58] Jooskolord: ibalik mo yan may practice pa kami mamaya

 

Hindi talaga.

 

[12/13 Fri, 12:58] Joytotheworld: opo, inay

 

[12/13 Fri, 12:59] Jooskolord: wala akong anak na demonyo

 

Ibinaba niya na ang kanyang phone sa table. Muling bumukas ang pinto ng canteen, at agad siyang napailing. Nahihilo na nga si Joohyun sa kakailing niya sa bawat estudyanteng iniluluwa ng pinto. Hindi na nga siya makakain nang maayos kakatingin doon, nagbabaka-sakaling may dumating na kaaya-aya sa paningin.

 

Baka naman.

 

"Hay nako," buntong hininga ng bespren niya na kasalukuyang kumakain, "Hayaan mo na kasi, tama naman talaga si Joy."

 

Padabog niyang ibinaba ang kutsara, "Mama mo tama! Hindi pwede! Hindi ako makakapayag na makuha niya 'yung bonus point."

 

"One point lang 'yon, sis."

 

One point lang pero nayurakan ang dignidad ni Joohyun dahil sa sagot ng seatmate niyang pahirap sa buhay.

 

True ang sagot ni Joy nang tignan niya ang papel ng kaibigan. Tama naman talaga siya, dahil as of now, single si Joohyun.

 

Pero tangina kasi. Parang sinampal siya ng katotohanan na tunay ngang malamig ang pasko niya ngayong taon. Hindi pa nakatulong na nakahoodie siya ngayon at mukhang 'yon lang ang tanging magpapainit ng giniginaw niyang kalamnan at puso.

 

"Basta," sabi niya sabay sandal sa upuan, "Eto na talaga, kung sino ang susunod na papasok, jojowain ko na."

 

Willing na si Joohyun na gawin ang lahat, mapatunayan lang kay Joy na kaya niyang magkajowa bago pa man din mag-2020.

 

"Tangina, kanina mo pa sinasabi 'yan!" Nagdabog na rin si Jennie, "Napakachoosy mo! Sabihin mo na lang kasi na may inaabangan ka talaga, then go! Dami pang ebas, eh."

 

Napakurap si Joohyun at namula.

 

"P-pinagsasabi mo d'yan," utal niyang sagot. Kinuha niya ang Pepsi niya sabay higop sa straw, nagpapakalma.

 

"Asus," pang-aasar ng nasa harap niya, "Mapagpanggap ka. Alam naman natin na si Wendy ang hinihintay mo..."

 

Hindi na narinig ni Joohyun ang litanya ng kaibigan nang biglang bumukas ang pinto. Nasapawan ito ng malakas na pagtibok ng kanyang puso.

 

Pumasok sa loob ng canteen ang isang dalagang nakablack na hoodie at sweatpants na naglalakad papunta sa counter. Nagtama ang tingin nila at bahagya siya nitong nginitian. Agad na umiwas si Joohyun nang masamid sa iniinom.

 

"Aba, lakas mo kay Lord, ah," manghang sabi ni Jennie. "Maligayang pasko?"

 

Pinunasan ni Joohyun ang labi niya gamit ang tissue. Nilingon niya uli si Wendy na ngayon ay nakikipagbiruan na sa tropa nito. Tanaw niya ang maaliwalas na mukha nito -- ang kanang mata ay nakapikit dahil sa matamis na paghalakhak.

 

Naramdaman ni Joohyun ang biglang init sa kanyang dibdib, sa may bandang kaliwa. Sa bawat pintig ng puso niya ay tinutunaw nito ang nagyeyelong katawan.

 

"Maligayang pasko," sang-ayon ni Joohyun.

 

[12/13 Fri, 13:04] Joytotheworld: nyenye saka mo ko itakwil pag may jowa ka na

 

Napaismid na lang si Joohyun nang mabasa ang text ni Ligaya. Bumalik ang tingin niya kay Wendy na bigla namang lumingon sa kausap. Namumula ito at mabilis ang pagkurap. Huli, pero 'di kulong.

 

Maghanap ka na ng ibang nanay mo, Pokpak Sooyoung.

 

*****

 

"Five and six, seven, eight, pak! Nice! Okay, fifteen minute break tapos last two rounds tayo."

 

Hinihingal si Joohyun na napaupo sa gitna ng practice room. Mahirap ang last routine nila na chinoreograph ni Kuya Yunho pero maganda ito lalo na kung sabay-sabay. Kaya naman halos tatlong oras na silang nagpapaulit-ulit.

 

Halos gumapang si Seulgi para makasandal sa may pader, tapat ng salamin. Tumayo si Joohyun at sumunod sa kaibigan. Dumantay din siya at pumikit.

 

"Tangina, nakakapagod," rinig niyang sabi ni Seulgi sa tabi niya.

 

"Konting linis na lang naman," sabat ni Momo na nakahiga sa lapag, "Konting kembot na lang."

 

"Eto kaseng si Jisoo, ayaw lambutan. Mas makembot pa ako sa'yo!" Pabirong sabi ni Jokwon.

 

"Baklang 'to! Eh kung patigasin kaya kita d'yan?"

 

"Pokpok ka!" Matinis na sigaw ni Jokwon na siyang ikinatawa ng lahat, kahit si Joohyun ay napadilat para masaksihan ang kaguluhang nangyayari. "I feel so dirty and harassed!"

 

Sinugod ni Jisoo si Jokwon at nagkaladyaan ang dalawa sa gitna. Napailing na lang si Joohyun at pumikit muli.

 

"Uhh, Irene?"

 

"H-ha?"

 

Muli siyang napadilat nang marinig si Taehyung sa malapit, may dalang dalawang bote ng tubig. Iniabot ng lalaki ang isa sa kanya at siya namang pagkantyaw ng lahat ng miyembro ng ReVel, ang dance troupe nila.

 

Hakdog. Ayaw ni Joohyun ng hakdog.

 

Halos hindi na marinig ang pasasalamat ni Joohyun sa lalaki dahil sa lakas ng pag-ayieut ng mga tukmol. Nahiya tuloy ito kaya't biglang tumalikod at bumalik sa pagkakaupo nito sa kabilang dulo ng studio.

 

"Dami niyong alam," pilit na lang na tumawa si Joohyun para sakyan ang mga biro nila.

 

Bumukas ang pinto at dumating si Moonbyul na napag-utusang bumili ng pagkain. Nagsitayuan silang lahat at dinumog ang dala nitong plastic bags. Pagkakuha ng Gatorade at choco pie ay bumalik na si Joohyun sa pagkakaupo sa dating pwesto.

 

Busy ang lahat sa pagkain at pagkukwentuhan habang nagpapahinga. Kinuha ni Joohyun ang phone niya at napakunot ang noo niya nang makita ang tadtad na messages ng kapatid one hour ago.

 

Pero hindi siya makaconcentrate sa pagbabasa dahil sa usapan ng mga kasama niya.

 

[12/13 Fri, 17:33] Aa Yerimie: ate may bisita tayo mamaya ha

 

"Pang-apat tayo sa magp-perform, diba? Si Lisa ang bumunot last week," rinig niyang sabi ni Jimin.

 

"Oo, tapos ReVerb ang last," sagot ni Ten.

 

[12/13 Fri, 17:34] Aa Yerimie: wag kang magugulat

 

"Bongga raw ang set nila? Save the best for last talaga," sabat ni Jokwon, "Jusko, sana hambalusin ako ni Wendy ng gitara niya."

 

[12/13 Fri, 17:35] Aa Yerimie: gift ko na to sayo

 

[12/13 Fri, 17:35] Aa Yerimie: hehehehe

 

Mabilis na nagtipa ng reply si Joohyun.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hiddenstage
we'll be okay, bebeluvs <3

Comments

You must be logged in to comment
TaeSicaDaisy #1
Chapter 4: 🔥🔥🔥
TaeSicaDaisy #2
Chapter 2: Sakit ng pisngi ko sa kakangiti and kakatawa 😂
reveclean
#3
Chapter 4: hindi ko kinakaya yung kiliiiiig!!!!!
mydearwenrene
#4
Chapter 4: kinilig ako sa lahat ng chapters!! iba pa rin pag pinapakingan mo yung songs na nakalagay dito. sana all nalang sa wenrene, thank you authornim:)
hi_mitochondria #5
Chapter 4: 🥵🥵🥵🥵🥵🥵🥵
M_jeeh08
#6
Chapter 4: Hahaha jusko grabe taragaaaaaa
_iceGRRR #7
just want to say i always go back to this story, it always gives me kilig. i miss your stories and i hope you can come back to writing one day! ☺️
wnandehy
#8
POTANGINA NAGWAWALA AKO SA SOBRANG KILIG GRABE MAHAL NA MAHAL KO TALAGA WENRENE HSJDJDDJSJDKDJDH
pinkblueskies #9
Chapter 3: AAAAAAA jusko yung kilig ko habang binabasa ko 'to, 'di ko kinakayaaaa!!!
shikshinsoo1525 #10
Chapter 4: putangina BAT NGAYON KO LANG TO NABASA