.11.
Moments After Moments.190906.
It's the time of the month.
I really wonder bakit hindi ako kagaya ng ibang babae during Red Light (yes yun ang tawagan ko). Yung iba parang wala lang sa kanila, like a typical normal day. Pero sakin halos isumpa ko na buong mundo o kaya naman gusto ko na lang mawalan ng malay sa sobrang sakit ng aking puson. At hindi lang dun yun nagtatapos, because I tend to vomit my soul out kapag malala na.
Hays ang hirap maging babae.
For sure, sa clinic nanaman ako magstay for long hours.
And yep I am right.
Buti naiintindihan ni supervisor during these times kasi alam niyang hindi ako makakapagtrabaho ng maayos. At buti na lang din walang schedule ang doctor ngayong araw kaya masosolo ko ang clinic.
After kong magpaalam kay supervisor an hour after lunch pumunta muna ako sa inyo para sumilip sa inyong bintana, with great effort dahil hindi na kinakaya ng tuhod at katawan ko.
"Ms. Taeyeon..." mahina kong sabi.
Agad ka namang lumingion. "Hot compress po.." mahina ko paring sabi. Agad mo rin namang inabot yung pang hot compress bag. Mukha na siguro akong gurang kaya ka nagtanong.
"Okay ka lang ba? ang putla mo." you said with that meaningful look. I think alam mo na kung ano ang kondisyon ko dahil naikwento ko na sayo dati. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit ako nanghihiram ng hot compress. Pero natutuwa ako dahil naalala mo kahit papaano.
"Okay naman kinakaya pa." Pinilit kong ngumiti sabay tawa. Syempre kailangan paring imaintain ang dignidad.
"Ay siya basta kapag may kailangan ka tumawag ka lang ah."
"Sige thank youuu."
"Diyan ka na lang sa pantry kumuha ng mainit na tubig para malapit."
"Okay thank you ulit" I smiled bago umalis papuntang pantry.
Ilang minuto na ang nakakalipas pero nasakit parin ang aking puson. Nailabas ko na lahat ng kinain ko pero lalo lang sumasakit, kaya eto ako ngayong nagiisa naglalakbay sa gitna ng dilim-----
*ehem* nagiisa sa kama I mean, namimilipit at pinagpapawisan.
lord kunin nyo na lang ako para matapos na huhuh.
Kung anu-ano na ang mga pumapasok sa isip ko habang pinipilit kong matulog nang hindi ko napansin na may nagbukas ng pinto. Nalaman ko lang na may tao na pumasok ng binuksan bigla ang ilaw.
"How are you feeling?" tanong niya.
Ah si Ms. Taeyeon. "Not.. Okay.." mahina kong sabi. Nakapikit parin ang aking mata dahil nasisilaw ako sa liwanag.
You glide your hand on my hair gently, saka mo napansin na ako'y pawisang-pawisan. kinuha mo yung towel sa gilid ko at saka pinunasan mo ang aking ulo. Para tuloy akong bata.
"Uminom ka ba ng gamot?" Umupo ka sa gilid ng kama.
"Hindi eh.. hindi ako sanay uminom." You only nod. "Tulog lang ang kailangan ko Ms. Taeyeon."
"Hindi ka parin makatulog?" Tano
Comments