.9-2.

Moments After Moments
Please Subscribe to read the full chapter

A/N: Yeyy Happy 100+ Subscribers!! \o/ continuation po ito ng flashback-slash-kwento ni tiffany. Sorry kung medyo detailed hehe pero sana magustohan nyo ^^

@13luvsfriday: aww sigee nagtatanong-tanong parin naman ako kung san pwede magparecover haha thank youuu

 

---

 

.190830.

 

Eto ako ngayon naghihintay sa employee’s area at nakikipagchikahan kay Ailee-unnie. Usually ang HR/GA ay lumalabas 6-8 mins after ng time-out pero mukhang napahaba pa dahil stock-taking ngayon. Mas unang nakalabas sina Yeri, Joy, Wendy, Ms. Mihee at Ms. Chan kaya kayo na lang dalawa ni Ms. Yoona ang hinihintay.

Finally nakalabas na kayo at nakasakay na kami ng shuttle bandang 5:30PM. Ngunit naghintay nanaman kami ng pagkatagal-tagal dahil puro puno ang jeep na dumadaan. Ayun para kaming sardinas pagkasakay at bumaba naman sa may mga shuttle pa-expressway. Pag labas naman ng expressway punuan parin ang mga jeep kaya nahati kami sa dalawa at nagkita na lang sa may 7-eleven para sumakay ng tricycle papunta finally sa kanila.

Haba ng byahe noh? Mga 8:30PM na kami nakarating sa bahay ni Ms. Wendy. Hinihintay namin makarating si Ms. Yuri kasama si Sir Jay. Nararamdaman ko na din yung pagod at puyat ko. Jusko goodluck talaga sakin mamaya.

Habang kami ay nagpapahinga at nagpapalit ng damit, ayun hindi ko din ineexpect may darating pa na isang bisita.

Siya yung dati mong kasama, bago pa nahire si Ms. Yoona. Kasama niya yung asawa at dalawa niyang anak/inaanak mo. I know na sobrang close kayo at nakita ko ang iyong saya nung nakita mo sila, siguro ngayon lang ulit kayo nakita simula nung umalis siya sa company.

Yan ata yung isa sa mga dahilan mo kung bakit ikaw yung unang nagyaya.

Simula non kayo na ang laging magkausap hanggang sa lumipat kami sa bahay ng lolo ni Ms. Wendy, doon kasi sa malawak na kubo nila gaganapin ang overnight.

Hinayaan lang namin kayo magcatch-up sa isa’t isa. I also noticed how you talked to the kids. Hindi naman sa naiinggit ako pero ganun na nga. Pagkatapos ng hapunan, saka dumating si Ms. Yuri at Sir Jay. Doon na nagsimula ang paghahanda ng mga pangpulutan. Kami naman ni Yeri nagstart nang kumanta sa videoke.

Barbecue, hotdog, nachos na may toppings, at cheese-flavored fries ang naihanda ngayon. Dos na may halong iced tea naman ang pang-inom.

“Okay guys! Bilog na tayo!” ika ni Ms. Wendy ilang minutes after umalis na ang kaibigan mo at yung pamilya niya.

Isa-isa na kaming pumuwesto sa upuan (Ms. Yuri, Joy, Ms. Taeyeon, Ms. Yoona, Ms. Chan, Ms. Wendy, Ms. Mihee, ako, Yeri) at nagsimula nang kumain. “Huy patuntogin nyo naman yung Buttercup, puro mga malulungkot yung mga kinakanta nyo kanina eh.” Dagdag ni Ms. Wendy.

“Ay ganun ba? Sya sige.” At hinanap namin yung song.

Si Ms. Mihee yung tanggero namin. Napansin namin na laging umaapaw yung shot glass na binibigay samin.

“Huy! Grabe wag ganyang ka-puno” reklamo ni Ms. Taeyeon.

“Eh hayaan mo na, ganyan talaga haha. At saka gusto kong makitang malasing si Ms. Tiffany at si Ms. Yoona.”

“Hala ako talaga? Haha” ika ko.

Kalmado pa at medyo may hiya pa yung iba kaya warm-up muna sa videoke. Pero patuloy ang aming kasiyahan. Okay na din pala na hindi ako mabahala na hindi ako nag-dala ng Uno cards.

Si Yeri naman ang naging tanggero. Si Ms. Yuri naman ang tagakuha ng video pati taga-update dahil nagvvideo call si Sir Beom sa kanya. Dapat kasi kasama siya ngayon dahil pumunta siya kanina sa company para kuhanin ang backpay niya.

Inobserbahan kita nung ikaw na ang susunod na iinom. Nakakatawa nga yung reaksyon mo pagkatapos mong tumagay (kita kasi sa mukha na napapaitan ka sa timpla), tapos nagpalakpakan pa kami dahil don.

Ang susunod naman na naging tanggero ay si Yeri. Wala naman actually nagsasabi kung sino ang gustong magsalin ng inumin kasi ang mas importante ay dapat naka-ikot ang baso sa lahat. Hindi na din ata namamalayan na may nandadaya na eh.

Kain, inom, kanta, picture, video. Plus silay pero syempre ako lang yun haha.

“Inaantok na ako.” sabi ko kay Joy.

“Ay sya magpahinhin ka muna.” Tumango lang ako. Kaso syempre hindi alam yun ng nagtatagay kasi si Yeri ulit ang may hawak ng pitsel. Kaya binibigyan parin ako, tas eto naman si ako sige parin ng sige.

Ikaw naman yung naging tagasalin sa shot glass.

Nako po.

“Oh Tiffany” Ganyan. Everytime na nakangiti kang binibigay mo sa akin ang shot glass hindi ko ito lalo matanggihan. Tapos lalo namang lumalaki yung ngiti mo after kong tumagay at ibalik sayo ang baso, aba’y lalo akong willing magpakuha sa langit dahil dyan.

“Woah ang galing ni Tiffany oh straight ang shot!” ilang beses mo itong sinabi pati na rin si Yeri. Lalo tuloy ako nagpapakitang-gilas dahil sa mga papuri mo. O kaya dahil gusto ko lang na mapansin mo ako. Hehe.

At saka yung way mo kapag nagsasalin ka ng inom parang hindi ko talaga namamalayan ang lahat ng nasa paligid ko.

Itaas ang kamay ng mga marurupok dyan! \o/

Naririnig ko nang nagrereklamo na si Ms. Mihee at Ms. Yuri na nandadaya na kayo ni Ms. Yoona ng pagsalin kapag kayo na ang susunod na iinom.

Pero nakai-skip naman ako ng inom nung ako na ang tanggero. Ako na kasi ang nagkusa nung nagsabi si Yeri na “Huy sino na magsasalin!” pero nagstop lang ako nung naubos na yung laman ng pitsel.

Habang nagtitimpla naman ng panibagong round ng inuman, napakanta na nila finally si Ms. Yoona. Dahil napaka-rare ng ganitong pangyayari ika nila, navideohan ko yung pagkanta nya. Ngunit imbes na siya ang highlight ng video ko, naging ikaw pa.

 

Video:

 

*Ms. Yoona singing*

Ms. Yuri: Nako pag napakanta nyo si Taeyeon-unnie… iiyak tayo

Ms. Mihee: Dali na kanta ka na

Ms. Taeyeon: Mga ano *turo sa wrist watch sabay peace sign* 2AM *smiles*

Joy: Ano ba yan tulog na kami non!

Ms. Taeyeon: *laughs*

(Nagfocus na ang lahat sa pagkanta ni Ms. Yoona)

Joy: *tinaas ang kamay as if praising* mga naniniwala sa ano

(lahat ay tumawa na)

/end/

 

Sa mga oras na yun may kanya-kanya na kaming ginagawa. Nilabas ko na din ang instax camera ko at nagstart na kaming magpicture. Balak kong magpapicture sa kanila isa-isa kaya nagsimula ako kay Joy, tapos kay Ms. Yoona at Ms. Wendy. May group pic din

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jysowee
Prayer circle for taeny selca at taeny moments

Comments

You must be logged in to comment
13luvsfriday
#1
Chapter 13: Nako tara na hanap na tayo bagong crush author shii ahahaha I hope in future maka hanap ka na inspiration and thank you sa update Ingat lagi .
GimmeGummiesTY
#2
Chapter 12: Hala bat ngayon ko lang nadiscover to? Huhuhu super cuteee !!
Liannman
#3
Chapter 12: yihhh gumagalaw na yata si taeyeon haha
BleuHyacinthJ
#4
Chapter 12: Parang hindi nalang din si tiff ang marupokpoks ?
shalalabs
#5
Chapter 11: Ayun oh salamat author ssi sa update. Napunan ang uhaw ko sa taeny.
13luvsfriday
#6
Chapter 11: Omy kay tagal kitang inintay author ssi
Naka punta ka ba last time sa concert ni tiffany?

Salmat sa update
Keep safe po
Liannman
#7
Chapter 10: wala bang ibang nasabi si Tiff kay Taeyeon nung lasing sya?haha
13luvsfriday
#8
Chapter 9: Welcome backkk
Wala me idea pano ma recover un e.hardrive basta d pa tumutunog na kakaiba or beep sounds good pa ata yan pero not sure tlgaaa ahh

Naeexcited nako mag ka taeny momentss
_aesthetic00
#9
Chapter 1: English??
Liannman
#10
Chapter 9: kelan ang overnight yihhhhhh
parang si tAeyeon ang gumawa ng paraan para makasama si tiff ah i smell something nice haha