Fabcon

Ulan
Please Subscribe to read the full chapter

Nalaman ni Seulgi na taga-Alabang pala 'tong si Irene base sa mall na nakita niya, ATC. 

 

Gusto pa ni Joohyun na ihatid sa mismong bahay nila si Seulgi kaso nga lang tumanggi nalang siya atsaka sinabing may pupuntahan pa 'to. 

 

"Sure ka okay ka na?" muling pagtatanong ni Joohyun, halos hindi na mabilang ni Seulgi kung ilang beses niya ito tinanong. 

 

"O-opo. Kayang-kaya ko na po." pagsisigurado ni Seulgi. 

 

"Sigurado?" pagtatanong nanaman ni Joohyun.

 

"Sigurado." sagot ni Seulgi. 

 

"Siguradong sigurado?" tanong nanaman ni Joohyun.

 

"Siguradong sigurado." sagot nanaman ni Seulgi.  

 

"Sigurado talaga? Walang halong biro?" tanong nanaman ni Joohyun.

 

"Siguro talaga. Walang halong biro." sagot nanaman ni Seulgi.

 

"Di ka nag sisinungaling makakauwi ka n-" 

 

Di na natapos ni Joohyun ang sasabihin.

 

"ANAK NG TETENG ATE IRENE. MAKAKAUWI AKO NG ISANG BUONG KATAWAN." pagsabog naman ni Seulgi.

 

Natawa naman ng sobrang lakas si Joohyun.

 

Medyo nagulat si Seulgi kasi nawala yun pasensiya niya pero buti nalang natawa yung unli na hayop.

 

"Sige. Di kasi ako mapakali." sabi ni Joohyun, hinubad niya yung cardigan niya.

 

Puta ano naman gagawin nito. sabi ni Seulgi sa isip niya. Syempre may hiya at respeto pa siya sa nagbantay at nagpakain sakaniya. 

 

"Oh, i-pulupot mo nalang sa may tyan mo. Masyadong exposed eh."  sabi ni Joohyun, binibigay yung cardigan sakaniya.

 

Di napigilan ni Seulgi ang tumawa ng sobrang malakas. 

 

"Anong tinatawa-tawa mo?!" sabi ni Joohyun, tinitignan ng masama si Seulgi pero hindi 'to pinapansin ni Seulgi. 

 

Sa pagkakatanda ni Seulgi, mas malala pa yung mga sinusuot niya dati, lalo na nung sumasayaw pa siya kasama yung dance crew. Nakasports bra nga lang siya noon eh. 

 

Mas lalo pa siyang natawa, nakikita na niya din yung mga tingin ni Joohyun na kung hinarap pa ng mas matagal ay baka manigas na siya sa takot.

 

"Okay lang, ate Irene. 'Di ko na kailangan." sabi ni Seulgi, binabalik yung cardigan sakaniya.

 

"Hindi, utos ko." tinignan nanaman siya ni Joohyun, yung kung pano siya tinitignan kanina sa bahay nila, yung tipong mapapasunod siya. 

 

Pero wala di na umubra kay Seulgi. "Wala na kaya tayo sa bahay mo, ate. Ano ka chix?" syempre paloko niyang sinabi.

 

Akala ni Seulgi aatras na si Joohyun dito pero mali ang kaniyang akala. Kung yung tinginan ni Joohyun kanina ay yung tipong maninigas ka sa takot, ngayon naman ito yung tipong gusto mo ibalik yung sinabi mo, yung gusto mo nalang matunaw bigla tas maglaho.

 

"Nasa. Alabang. Ka. Padin. ANDITO. YUNG. BAHAY. KO." sabi ni Joohyun. 

 

Kingina nasan na yung anghel kanina puta si Satanas na ba to?! Nawa'y patawarin niyo sana ako. Pagdadasal ni Seulgi sa utak niya. 

 

Agad na kinuha ni Seulgi yung cardigan, "Salamat, ate! Napaka bait mo talaga, pupuluputin ko 'to dito, di na ko lalamigin, di na exposed tyan ko..." 

 

Pinulupot nga ni Seulgi ng napakahigpit sa tyan niya, halos masama na din sa pagkakapulupot yung mga kamay niya. 

 

Napangisi naman si Joohyun. "Sige, mag ingat ka, Sluggie." 

 

Salamat sa Diyos at aalis na si- 

 

"As much as I want to, gusto ko sana hingiin number mo, pero di ko alam kung ibibigay mo." nagsalita pa muli si Joohyun.

 

Anak ng... 

 

Sa mga oras na yun di alam ni Seulgi kung ano ang dumudugo sakaniya: yung bituka niya na namimilipit na sa higpit ng pagkakatali niya o yung ilong niya. 

 

"A-ah. Wala ak-akong p-phone." 

 

 

"Ahh. Di pala phone tawag sa hawak mo kanina."

 

 

Napakapalpak mo talaga mag-dahilan Kang Seulgi, dapat sayo binabalik sa pre-school eh. ​​​​​​isip ni Kang Seulgi. 

 

Para kay Joohyun, nakuha naman niya na yung ipinapahiwatig nung isa. 

 

Pero syempre ika nga ni Wiz Khalifa. "Never accept rejection as failure." 

 

"Ingat ka pauwi, bye!" 

 

 

-

 

Imbis na umuwi si Seulgi sa mas malapit niyang bahay ay dumeretso siya sa tinitirhan ni Joy sa may Paranaque na mas malayo. 

 

"JOY! JOY! JOY!" 

 

Binulabog naman ni Seulgi ang katahimikan sa bahay ni Joy gamit yung doorbell. 

 

Narinig niya yung sigaw ni Joy. "PUNYEMAS MASIRA YUNG DOORBELL NAMIN." 

 

Ito yung gusto niya, yung bismod na Joy. 

 

"Tangina sino ba y-" binuksan ni Joy ang pinto, nagulat siya pagkatapos, "Seulgi! Kingina mo!" 

 

Sinuntok ni Joy si Seulgi sa balikat. 

 

"Aray puta. Ang ganda ng bati mo sakin ah." reklamo ni Seulgi. 

 

"Syempre maganda ako eh. Tsaka nahiya naman yung doorbell namin." 

 

Nagkunwaring nasusuka si Seulgi. Pinagmasdan niya si Joy. "Galing ka bang giyera ha? Tsaka himala, aga mo matulog ah." sabi niya pagkatapos makita na nakapangtulog na to.

 

"Oo, buong araw ata ako nakipag sabakan mahanap lang yung gunggong na si Kang Seulgi tsaka maaga ako matutulog kasi NATURAL napagod ako." pagpapaliwanag ni Joy. 

 

"Awwwwww. Sandali, natats ako." sabi ni Seulgi bago lumapit para yakapin si Joy. 

 

"Tangna mo, ambaho mo gago. Yung totoo, nag ukay-ukay ka ba o naligo sa imbornal. San mo napulot yung damit na yan? sa basurahan? O sa kanal?" sabi ni Joy, may patakip pa sa ilong.

 

"Luh. Ikaw nga 'tong una kong nilapitan imbis na umuwi ako." sabi ni Seulgi, may pa-pout pang nalalaman. 

 

"Magpapasalamat ba ko?" taas ni Joy ng kilay niya.

 

"Oo, matuwa ka pa dapat." sabi ni Seulgi, pumasok siya kaagad ng walang pasabi, si Joy naman todo layo. 

 

"Kingina mo, para namang may virus ako." saad ni Seulgi. 

 

"Wala kasi ikaw yung virus mismo." 

 

Di na to pinansin ni Seulgi at dere-deretso siya sa banyo. 

 

"Wag kang magdudumi dyan ah hayop ka! Mahiya ka sa naglilinis." sigaw ni Joy. 

 

"Opo, manang Joy." 

 

 

 

-

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pringlesniseulgi
HOOOOOYYY HAPPY ANNIVERSARY SA FIC NA TO YIEE (nalate ako 8 days pero yon nga yehet)

Comments

You must be logged in to comment
neggyL
#1
Chapter 19: Wala ng kasunod otor? Sure na? Hehezz bitins
soo_jjang25 #2
Chapter 19: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1247302/19'>Surrender?</a></span>
Luh 1 year na pala hahahahha ge tawa nlng kahit medj mashaket #loyal
jiCHUyaa
#3
Chapter 19: sana ma update pa to :(
forgotme #4
Chapter 19: ..ang cute nla...haha...
erzcaps27
#5
Chapter 19: Wag kang susuko Irene. Fight Fight lang. Pipiliin niya pa din ung Sr Pedro hehehe hindi na ko mkapagantay sa susunod na update author. Excited nako
sluggshyun
#6
Chapter 19: Team Sr Pedro!!
Cheetosqueen
#7
Chapter 19: Dami kong tawa sa fic na 'to hahaha the best talaga friends ni Seul
gomtokki_23
#8
Chapter 19: wawa naman si Joohyun :(
gomtokki_23
#9
Chapter 18: nakakatawa si Hwasa bwiset. haha nasend yung baby Joohyun tapos yung isa naman dapat daw nilagyan ng heart. Hahaha thanks sa update author-nim. welcome back :D