Ang Palasyo ng Mga Bae

Ulan
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Yerim!" 

 

Mabilis na lumabas sa pintuan ang tinawag na babae. Nakita niya sa gate nila ang ate niya na may akay-akay na babae, yung kanang braso niya ay nakapatong sa kanang balikat ng ate niya. 

 

"Bakit at- Hala sino yan?!" 

 

"Saka ka na mag tanong, asan si Sooyoung?" sabi ni Joohyun, palingon-lingon sa likod ni Yerim. 

 

"Umuwi na ate! Ano ba yan, ate, maliit ka na nga, manliliit ka pa lalo." sabi ni Yeri habang tinitignan ang hirap na hirap na si Joohyun. 

 

"Eh kung tulungan mo kaya ako, ang tangkad pa naman nun sayang." 

 

"Ano ka ba, ate! Ang payat payat niya tapos di mo k- hala oo nga noh!" sabi ni Yeri matapos ipatong sa sarili niyang balikat ang basang braso ng 'di kilalang babae. 

 

Nakapasok naman sila ng maayos kaso nga lang may mga putik-putik na din sa sahig. 

 

Patuloy lang si Yeri sa pagtulong hanggang mas lalo ng bumibigat yung dinadala niya. 

 

"Huy ate! Bat sa taas mo 'to dadalhin?! Ang hirap hirap umakyat ng hagdanan!" 

 

Bago pa makahakbang sa pangalawang hagdanan ang tatlo, oo isama na natin yung mga pampabigat na paa ni Seulgi na may pakana ng ngayo'y isang kalsadang putik sa sala ng mga nagbubuhat sakaniya. 

 

"May sakit siya, eh! Tsaka ano- basa din siya!" sagot ni Joohyun. 

 

"Pwede naman sa sofa! Ang linis linis sobra dun sa taas tapo-" pagdadahilan naman ni Yerim. 

 

"Hindi naman ikaw yung naglilinis." bawi ni Joohyun.

 

"Eh ate basa siya tsaka nalalamigan na yung tao doon mo pa dadalhin sa may aircon." 

 

"Mas malamig dito, oh! Bukas na bukas pati bintana." 

 

"Mas lalo naman 'dun! Kanina pa kaya nakabukas yung aircon dun!  Bawal din tayo sa mga kwarto nila ate Suzy at ni Jinyoungie!" 

 

"Taena sino naman nag sabi na buksan niyo yung aircon?! Ang lamig na nga!" hindi makapaniwala si Joohyun sa ginawa ng demonyitang kapatid niya pati yung demonyitang kaibigan nito. 

 

"Hala nag mura siya oh! Akala ko ba bawal magmura, ate?" pagkamangha naman ni Yerim. 

 

Sa mga oras na yun nakalimutan nilang may binubuhat sila at nagkakasagutan na lamang.

 

Napag desisyonan nalang nilang dalhin si Seulgi sa banyo, kung saan may heater, at pinaupo sa inidoro. 

 

"Ay ang cute naman niya ate." sarkastikong sabi ni Yeri habang tinitignan si Seulgi na nakapikit sa nakasaradong bowl ng inidoro nila. 

 

Yung ulo ni Seulgi ay nakatagilid na sobra, onti nalang mababali na 'to, kaya tinabihan 'to ni Yerim para kahit papano ay may masasandalan yung ulo nito. 

 

"San mo naman 'to ate nadekwat? Human-sized plushie ba 'to para sakin?" napagmasdan naman ni Yerim ang pagkatulala ni Joohyun na nakakapote padin sa loob ng cr. "Huy ate!" 

 

"H-ha?! Ano?! Bakit?!" biglaang pagbalik ni Joohyun sa riyalidad. 

 

"Sabi ko, wala ka bang balak ayusan yung nakasandal sakin ngayon" sabi ni Yerim na ngayo'y nakangiti sa ate niya. 

 

"Anong nginingiti mo dyan? Paakyat na nga ako!" agarang pag sabi ni Joohyun at patakbo na sa taas. 

 

"Yung kapote mo, ate! Tanggalin mo muna!" sigaw ni Yerim mula sa banyo, natatawa na siya sa ate niya. 

 

 

Bumaba si Joohyun ng wala pang isang minuto at hingal na hingal. 

 

"H-hindi ko alam kung kasya ba sakaniya yung mga sinusuot ko kaya b-binaba ko nalang y-yung ove-rsi-zed sweater ko." 

 

"Wala naman akong tinatanong, ate, nagpapaliwanag ka pa." sabi ni Yerim at nakatanggap ng masamang tingin kay Joohyun. 

 

"Whatever. Lumabas ka na diyan, layas!" sabi ni Joohyun, papasok sa banyo, chinuchupe na palabas si Yerim. 

 

"Hoy anong lumabas, ate? Ako magpapabihis sakaniya!" 

 

Tinaasan naman ni Joohyun si Yerim ng kilay "At bakit ikaw? Sa pagkakaalam ko, bisita ko siya?“ 

 

"Sa pagkakaalam ko, ninakaw mo siya." sagot naman ni Yeri na halos mapukpok na ni Joohyun ng bidet na nasa tabi lang nito. 

 

"Lumabas ka na kasiiii! Sayo pa nga nanggaling na nanlalamig na yung tao! Lalamig na din 'yang heater na yan oh!" sabi ni Joohyun sabay turo sa heater na mahina na nga din ang nilalabas na init. 

 

"Ate..." huminga muna ng malalim si Yerim. "Ayon sa saligang batas bilang 6969, ang paghuhubad sa isang tao na hindi mo kilala ay tinatawag na UAL HARRASMENT." talagang diniinan pa ni Yerim ang pagsabi nun bago magpatuloy. "Maaari lang ito hindi maging krimen kung ang gagawa ay mas bata sa bib-" 

 

Natigil ang pagsasalita ni Yerim nang isunggab ni Joohyun ang mga damit na pinagkukuha niya sa taas sa bibig ng nagsasalita. 

 

"Pare, pulis ako." pang-aasar ni Yerim bago ibinagsak ang pintuan sa mukha ni Joohyun. 

 

Sa mukha ni Joohyun na ngayon ay basang-basa ang buhok at nakakunot ang noo, desidido na siyang patulugin sa garahe si Yerim. 

 

Mga limang minuto na din nakalipas, limang minuto na din si Joohyun nag-aantay sa tapat ng pintuan, hindi na din muna siya nag-ayos kasi akala niya'y mabilis lang sila. 

 

"Hoy Yerim! Anong oras na oh?! Kelan mo balak lumabas, bagong taon?!" galit na sigaw ni Joohyun. Okay nainip na yung lola. 

 

Sasabihin sana ni Yerim "kung pwede, sige!" pero alam niyang may mga usok ng lumalabas sa ilong at tenga ng ate niya, kaya lumabas na siya pero napukaw yung atensyon niya sa braso ng babaeng nakaupo padin sa inidoro. 

 

"Huy ate shocks puro sugat yung braso niya!" 

 

Syempre nagmamadaling binuksan ni Joohyun yung pinto pero nakalock.

 

"Chill, ate, hindi pa nga kami nakakalabas." 

 

At yun, bumungad sa mukha ni Joohyun ang babae na suot ang pink niyang "oversized" sweater na ngayo'y halos magmukha ng crop top sa nakasuot nito.

 

"Ang cute noh? Kamukha niya si Winnie the Pooh." sabi ni Yerim na pangiti-ngiti pa. 

 

Medyo hindi na narinig ni Joohyun ang sinabi niya kasi deretso nitong tinaas ang sleeves ng babae. 

 

"May sugat nga." mahinang sabi ni Joohyun. "Salamat Yerim. Ako na bahala mag-aakyat sakaniya." 

 

"Hindi, tulungan na kita, ate. Tignan mo, basa-basa ka pa, hustisya naman sa pagpapakahirap kong bihisan si ate Winnie." 

 

Napatingin naman si Joohyun sakaniya, "Winnie? Kilala mo siya?" 

 

"Malamang. Si Winnie the Pooh kasi ate! Kamukha niya oh" 

 

Napangiti naman si Joohyun. "Oo nga noh." 

 

"Oo kaya tutulungan nga kita iakyat siya." 

 

Dinala nila si Seulgi sa kwarto ni Joohyun. Nakikitulog si Yerim dun kasi hindi niya kaya mag-isa sa kwarto niya sapagkat dalawa lang sila sa bahay. Yung mga magulang nila ay hiwalay na pero yung nanay nila ay kumakayod sa ibang bansa, partikular sa Daegu ng South Korea. Yung mga kapatid naman nila ay nasa iba't ibang mga probinsiya, trip kasama barkada, nagtratrabaho. 

 

"Yerim, dun nalang ako sa kwarto mo matutulog, tabihan mo siya ah o kahit wag na, baka kasi may sakit siya." sabi ni Irene habang kinukuha yung mga damit na ipapampalit niya.     

 

"Hindi, at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pringlesniseulgi
HOOOOOYYY HAPPY ANNIVERSARY SA FIC NA TO YIEE (nalate ako 8 days pero yon nga yehet)

Comments

You must be logged in to comment
neggyL
#1
Chapter 19: Wala ng kasunod otor? Sure na? Hehezz bitins
soo_jjang25 #2
Chapter 19: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1247302/19'>Surrender?</a></span>
Luh 1 year na pala hahahahha ge tawa nlng kahit medj mashaket #loyal
jiCHUyaa
#3
Chapter 19: sana ma update pa to :(
forgotme #4
Chapter 19: ..ang cute nla...haha...
erzcaps27
#5
Chapter 19: Wag kang susuko Irene. Fight Fight lang. Pipiliin niya pa din ung Sr Pedro hehehe hindi na ko mkapagantay sa susunod na update author. Excited nako
sluggshyun
#6
Chapter 19: Team Sr Pedro!!
Cheetosqueen
#7
Chapter 19: Dami kong tawa sa fic na 'to hahaha the best talaga friends ni Seul
gomtokki_23
#8
Chapter 19: wawa naman si Joohyun :(
gomtokki_23
#9
Chapter 18: nakakatawa si Hwasa bwiset. haha nasend yung baby Joohyun tapos yung isa naman dapat daw nilagyan ng heart. Hahaha thanks sa update author-nim. welcome back :D