Player Select

Ulan
Please Subscribe to read the full chapter

 

Naiintindihan na ni Seulgi kung bakit yun ang Plan A nila. 

 


Kasi ngayon, naglalakad na sila ni Joohyun sa isang park na hindi alam ni Seulgi kung saan. 

 


Si Joohyun kasi nag desisyon. 

 

5 mins ago.  

 


"Hoy! Joohyun! Baka tinatanan mo na ko ah!" sigaw ni Seulgi, ramdam niya yung paghihirap nung babae sa likod niya na kung maglakad parang may mga bawal siyang matapakan. 

 

 

"Ulol. Asa ka naman." sabi ni Joohyun na nangangawit na yung braso sa pagtakip ng mga mata ni Seulgi. 

 

 

Alam naman ni Joohyun na mas mapapadali yung prosesong ito sa pagdadala at paggagamit ng panyo pero syempre may isip siya. Tiis landi. 

 

 

"Sana naman kasi nag heels ka nalang. Di mo pa nga ata alam yung height mo." sabi ni Seulgi, ngayon hinahawakan na niya din yung mga kamay ni Joohyun kasi nakikita niya na medyo kung nasan sila. 

 

 

Pero syempre todo pikit din siya para dama niya yung "surprise".

 

 

Syempre todo kilig din si Joohyun. Ito yung gusto ko. Isip niya. 

 

 

 

Alam din ng mga kaibigan ni Seulgi ang tungkol sa paglalakbay nilang dalawa pero wala siyang alam sa apat na ulo na ngayo'y nagsisiksikan sa isang palumpong.

 

 

"Huy, wag nga kayong maingay!" sitsit ng isa na may magandang pangitain sa dalawang naglalakad ngayon, buti nalang wala masyadong tao. 

 

 

"Namoka, Joy! Porke ganda ganda ng tingin mo dyan." tulak sakaniya nung isa na halos mabutasan na sa pagkakatusok ng mga sanga-sanga sakaniya.

 

 

Kamuntikan ng madapa si Joy at kamuntikan na din sila matimbog ng mga tinitignan nila.

 

 

"Pota, Wheein!" narinig naman ni Joy yung hagikgik nung dalawa sa kabilang gilid. "Kasalanan ko bang maliit kayo!" sabi ni Joy. 

 

 

"Kasalanan din ba naming matangkad ka!" sabay-sabay na sabi nung tatlo kaya medyo napalakas, sabay-sabay din naman sila napababa apat.

 

 

 

Napalingon si Seulgi. "Parang narinig ko sila Joy." 

 


"Bingi ka lang siguro." sabi ni Joohyun. 

 


"Oo. Nabingi na ako kakadada mo dyan." sabi ni Seulgi. 

 


"Eh kasi naman. Gusto ko lang naman pasalamatan yung kung sino man yun." sabi naman ni Joohyun, may pagpout pa. 

 


Hindi naman ata masamang gamitin na yung Plan A, diba? Isip ni Seulgi. 

 


Sakto at hawak ni Seulgi yung cellphone niya. 

 


"Huyyyyy~ Sino ba kasi yun!" ngawa ni Joohyun, daig pa yung mga bata na sa di kalayuan ay nagpapabili sa mga magulang nila ng mga balloons na hawak nung lalaki dun. 

 


Tinignan ni Seulgi yung phone niya. 5:40 PM. Tagal pa bago mag kanya-kanyang landas sila ni Joohyun. 

 

"Hindi naman siya ganun kaimportante para kilalanin mo. Atsaka inaccept ko lang yun ano ba!" sabi ni Seulgi, halos mabulunan siya sa mga sinabi niya, buti nalang nagkakaunawaan yung lalamunan at leeg niya sa mga oras na yun. 

 


"Wow naman. Lakas mo, siya pa talaga nag add sayo." sabi ni Joohyun. "Pero maganda siya, gusto ko kilalanin." 

 

 

Napatingin naman kaagad sakaniya si Seulgi. 

 

 


"Selos ka naman agad, hindi pa nga kami nagkakakilala." biglang sabi ni Joohyun. 

 


"Selos my !" sabi ni Seulgi. Ganun yung mga tinginan ng mga mananakal na, boba! Isip ni Seulgi. 

 


"Sige." 

 


Nagulat naman si Seulgi kasi biglang may naramdaman siyang humaplos sa ibabang likod niya, gitna ng bewang at binti. 

 


"Punyeta Joohyun!" sabi ni Seulgi, mamula-mula pa parang nilelechon. 

 


"Sabi mo my eh." sabi ni Joohyun natatawa. 

 

 

 


"Gagi! Kita niyo yun!" bulong slash sigaw ni Moonbyul. 

 

 

"Oo, HD sobra." sabi ni Joy na ngayon ay nakadikit na ngayon sa katawan ng puno. 

 

 


"Malamang nandyan ka." sapok ni Wheein kay Joy. 

 

 


"Tabi nga! Di ko makita." tulak ni Hwasa kila Moonbyul at Wheein. 

 

 

"Gunggong! Late ka na." sabi ni Moonbyul. 

 

 

"Late my ." sabi naman ni Hwasa, gayang-gaya pa paano sinabi ni Seulgi. Ibig sabihan, nakita niya din. "Tignan niyo, mauulit yan." sabi ni Hwasa sabay pumitik siya sa hangin. 

 

 

Napalaki naman yung mga mata nung mga kasama niya nang hinampas nga ulit ni Joohyun yun pwet ni Seulgi. 

 

 

 

"Joohyun!" sita ni Seulgi.

 


"Ano ako aso?" sabi ni Joohyun. 

 


"Oo." sabi ni Seulgi, nauuna na. 

 


"Hoy sandali! Woof woof!" pang-aasar ni Joohyun, hinahabol na din si Seulgi. 

 

 


Syempre yung apat sunod din. 

 

 


"Ang tagal naman ng thrill." reklamo ni Hwasa. 

 

 


"Papano ang layo natin eh." sabi ni Moonbyul. 

 

 

Nasa Jollibee sila ngayon, may pagkalayo nga sa dalawa. Pero nagpapasalamat na din sila at hindi sa mamahaling restaurant sila nagpunta na nangangailangan pa ng pag check-in. 

 

 


"Oo nga noh. Lapit kaya tayo?" mungkahi ni Wheein. 

 


"Edi nakita na tayo. May topak ka din eh noh." sabi ni Joy. 

 


"Wow, Joy."

 

"Grabe, ang galing talaga." 

 

"Wag niyong inaano yan, wala yang topak." 

 


Sabi naman nung tatlo, may pagpalakpak pa. 

 


Ngayon naman, hindi lang yung dalawang nilalivestream nila yung nakunan nila ng atensyon, pati na din yung mga katabi nila.

 


Nagpasalamat nanaman sila dahil nakasuot sila ng mga kalo't jacket. 

 

Hanggang sa nilapitan sila ng isang crew dun. 

 

 

 

"Feeling ko talaga narinig ko sila Byul." sabi nanaman ni Seulgi. 

 


Pinakilala na din ni Seulgi si Moonbyul kay Joohyun. Tama nga yung hinala niya noon na stinalk nga ito ni Joohyun. Kilala na din ni Joohyun sina Hwasa at Wheein pero sa pangalan at ugali lang. 

 

Napatingin na din si Joohyun sa tinitignan ni Seulgi. 

 

"Hind

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pringlesniseulgi
HOOOOOYYY HAPPY ANNIVERSARY SA FIC NA TO YIEE (nalate ako 8 days pero yon nga yehet)

Comments

You must be logged in to comment
neggyL
#1
Chapter 19: Wala ng kasunod otor? Sure na? Hehezz bitins
soo_jjang25 #2
Chapter 19: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1247302/19'>Surrender?</a></span>
Luh 1 year na pala hahahahha ge tawa nlng kahit medj mashaket #loyal
jiCHUyaa
#3
Chapter 19: sana ma update pa to :(
forgotme #4
Chapter 19: ..ang cute nla...haha...
erzcaps27
#5
Chapter 19: Wag kang susuko Irene. Fight Fight lang. Pipiliin niya pa din ung Sr Pedro hehehe hindi na ko mkapagantay sa susunod na update author. Excited nako
sluggshyun
#6
Chapter 19: Team Sr Pedro!!
Cheetosqueen
#7
Chapter 19: Dami kong tawa sa fic na 'to hahaha the best talaga friends ni Seul
gomtokki_23
#8
Chapter 19: wawa naman si Joohyun :(
gomtokki_23
#9
Chapter 18: nakakatawa si Hwasa bwiset. haha nasend yung baby Joohyun tapos yung isa naman dapat daw nilagyan ng heart. Hahaha thanks sa update author-nim. welcome back :D