Round 1

Ulan
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Mang Inasal? Kip's chicken? Bacolod Chicken Inasal?" 

 


Lahat yan lumabas sa bibig ni Jongin, buti nalang hindi awkward si Seulgi kay Jongin. 

 


"Ungas ka talaga eh. Bawal nga si Joohyun dyan." sabi ni Seulgi, binatukan si Jongin. 

 


Si Joohyun naman pangiti-ngiti. 

 


Apat silang nakalinya habang tumitingin-tingin.
Joohyun-Seulgi-Jongin-Krystal  

 


Mukhang hindi naman kasi pinansin ni Joohyun yung sinabi ni Seulgi edi syempre pinush niya talagang hindi siya kumakain nun, kahit gustuhin man niya kumain nung mga binanggit ni Jongin, mapaghahalataan naman siya kung binawi niya 'to. 

 


"Sa Mesa gusto niyo?" yun ulit yung pagkakataon na nagsalita si Krystal. 

 

 

Napatingin naman silang lahat kay Krystal, oo kahit si Seulgi.

 


Nagloloko ba siya? Natural sa mesa naman kasi kumakain. Palibhasa kasi panay breakfast in b-

 


Naputol naman yung pag-iisip ni Seulgi sa pagsasalita ulit ni Krystal, nakatingin din siya sakaniya. 

 

 

"Yung Mesa na restaurant malamang. Ayun oh." sabi ni Krystal tinuturo yung restaurant na kailangan pang tawirin. 

 

 


Wow. Nakakabasa na pala 'to ng utak. Isip ni Seulgi. 

 

 


Pinutol ni Seulgi yung tingin niya kay Krystal at ibinaling kay Joohyun. 

 


Hindi din naman nakalagpas sa mga mata nung kabilang apat na nakatingin sakanila. Medyo malapit na sila kumpara sa kanina kasi alam nilang mainit-init na yung sitwasyon dun kaya hindi sila ganun mahahalata tsaka mainit-init pa na balita masasagap nila. 

 


"Uy puta dun daw oh." bulong ni Joy. 

 


"Order nalang tayo tubig dun." sabi naman ni Moonbyul. 

 


"Gagi ganyan na ba kayo kapoor?" pang-aasar na tanong ni Wheein. 

 


"Oo sa sobrang yaman niya sampung piso lang patong niya sa pusta ko." sabi ni Moonbyul. 

 

 

"Dalian niyo andun na sila oh." sabi ni Hwasa. 

 

 

Bukod sa hindi nagdala ng ganung kalaki na pera sina Joohyun at Seulgi eh humindi na din sila kasi kakakain lang nila. May geta sila eh. Heavy nanaman kakainin nila. 

 

 


"Kami din eh. Si Jongin kasi walang kabusogan sa katawan." sabi ni Krystal. 

 

 


"Alam ko na, dun nalang tayo sa bagong tayong ice cream shop." 

 

 


Tila nag ilaw naman yung mga mata ni Seulgi. "SIGE." 

 


Dalawang bibig naman yung umangat sa pangitain na yun. 

 

 

Nagpasalamat nanaman sa Diyos yung apat na bugok na sina Joy, Wheein, Byul, at Hwasa kasi kahit na bagong bukas lang eh madami-dami din yung mga tao, ibig sabihin hindi sila mabubuking. 

 

Syempre umupo sila sa makikita nila ng maayos yung sabong. 

 


"Ano sayo, Joohyun?" tanong ni Jongin kay Joohyun na medyo may pagka mahiyain pa. 

 


"Vanilla Ice Cream lang. Bayaran nalang kita pagbalik." 

 


"Ah wag na. Treat ko na 'to kasi ako naman nagyaya. Ikaw Seulgi?" 

 


Akmang bubuksan palang ni Seulgi yung bibig niya nang biglang nag salita si Krystal. 

 

"Mint Choco Chip yan." 

 


Napatingin naman si Jongin. "Yun ba Seulgi?"

 


Um-oo nalang si Seulgi. 

 


"Iba talaga kapag BFFs." sabi ni Jongin bago umalis. 

 

 

 


"Kita niyo yun!" si Wheein yung unang nagsalita, syempre kunwari wala nakita yung dalawa kasi mapupunta kay Hwasa yung kayamanan nila pero kahit sila nagulat. 

 


"Oo. Rinig na rinig ko pa nga." sabi ni Hwasa nakangisi. 

 


"Mag-antay ka lang. Hashtag Team Joohyun." sabi ni Joy. 

 

 

 

Alam ni Seulgi na bilang nalang yung araw niya dito sa lupaing ito. 

 

 

Nakarinig naman siya ng pilit na ubo mula sa katabi niya. 

 


Oo, isang minuto na nga lang ata. Hindi ko pa makakain yung ice cream ko. Sabi ni Seulgi pero sa isip niya, ayaw naman niyang bumagsak 'to sa mga segundo nalang. 

 

 


"So, BFFs pala kayo ng inaccept mo lang." sabi ni Joohyun, mas malalim sa normal niyang boses.

 

 

Kitang-kita ni Seulgi sa gilid na nakatuon yung buong atensyon ni Joohyun sakaniya. Sama mo pa yung katawan at upuan niya. 

 

 

"Lumingon ka nga dito." 

 

 


Imbis na tumingin sa kaliwa eh napayuko pa si Seulgi. 

 

 


Naramdaman naman niyang inaangat na ni Joohyun yung mukha niya para tignan siya. 

 


"Sabi na eh! Imposibleng in-add ka lang nun! Selos ka kaya ayaw mong sabihing close kayo kasi ayaw mong maging close kami!" sabi ni Joohyun, nakangiti pa. 

 

 


Oh Jusmiyo. 

 

 


Namula nalang si Seulgi. Layo-layo na ng naabot ng kasinungalingan niya. 

 

 

 

"Kita mo yun." sabi ni Moonbyul, ginaya din yung ginawa ni Joohyun kay Seulgi pero kay Hwasa naman niya ginawa. 

 

 

"I smell 100." dagdag pa ni Joy. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pringlesniseulgi
HOOOOOYYY HAPPY ANNIVERSARY SA FIC NA TO YIEE (nalate ako 8 days pero yon nga yehet)

Comments

You must be logged in to comment
neggyL
#1
Chapter 19: Wala ng kasunod otor? Sure na? Hehezz bitins
soo_jjang25 #2
Chapter 19: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1247302/19'>Surrender?</a></span>
Luh 1 year na pala hahahahha ge tawa nlng kahit medj mashaket #loyal
jiCHUyaa
#3
Chapter 19: sana ma update pa to :(
forgotme #4
Chapter 19: ..ang cute nla...haha...
erzcaps27
#5
Chapter 19: Wag kang susuko Irene. Fight Fight lang. Pipiliin niya pa din ung Sr Pedro hehehe hindi na ko mkapagantay sa susunod na update author. Excited nako
sluggshyun
#6
Chapter 19: Team Sr Pedro!!
Cheetosqueen
#7
Chapter 19: Dami kong tawa sa fic na 'to hahaha the best talaga friends ni Seul
gomtokki_23
#8
Chapter 19: wawa naman si Joohyun :(
gomtokki_23
#9
Chapter 18: nakakatawa si Hwasa bwiset. haha nasend yung baby Joohyun tapos yung isa naman dapat daw nilagyan ng heart. Hahaha thanks sa update author-nim. welcome back :D