Digmaan sa Starbucks

Ulan
Please Subscribe to read the full chapter

Napagpasyahan ni Seulgi na bumili ng panibagong cellphone tsaka sim, ngayon naman pinili niya yung smart para naman daw kahit papano "smart" siya. 

 

Malapit na ulit tumaba yung credit card niya, ilang araw nalang.

 

Syempre ginamit na niya 'to kaagad, may free load naman na kasama pag bagong bili. 

 

Buti nalang at memorize niya yung number ni Joy, ewan niya bakit niya minemorize, siguro para pag may humingi sakaniya ng number na 'di niya kilala, yung kay Joy yung ibibigay niya. 

 

 

0989*******: Oy, Joy! Ako 'to. Save mo ah ;) 

 

Wala pang isang minuto may reply na. 

 

0998*******: Tangina, sinong "ako"? Tsaka sino ka? Pano mo nakuha number ko? Pano mo ko nakilala? Baka gusto mo ipapulis kita? Di ako natatakot sampahan ka ng kaso, walang hiyang manyakis ka. 

 

Oh ayan, kaya pala number ni Joy yung binibigay niya sa mga nanghihingi ng number niya.  

 

You: Sige papulis mo ko kasi ninakaw ko puso mo ;) Seulgi 2 ano ba. Tsaka smart ako ah. 

 

Spokesperson Park Joy: Kingina mo! Buti nalang 'di kita tinawagan kundi kinain nanaman yung punyeta kong load, naka unli pa naman ako. Kadiri ka, papulis talaga kita eh. 

 

Wala atang araw na hindi nagmura 'tong si Joy. 

 

You: Nasa ATC ako, kita tayo? Papalaundry ko pa naman 'to sa labas. Maya pa ko uwi. 

 

Spokesperson Park Joy: Sige. Otw sa banyo. 

 

 

Saka na ni Seulgi pupunuin yung contacts niya, kapag naisipan na ng cellphone niyang Iphone 6 gumising. 

 

Pinuntahan ni Seulgi ang laundry shop sa labas at ang labas para kay Seulgi ay yung kalapit na mall lang nito. 

 

Hindi naman ganun kamahal kasi may sarili naman siyang fabcon atsaka sweater,  shorts,  tsaka cardigan lang naman yun.  

 

Mga 10 minutes okay na to, nadry na, nakaplastic at maayos na nakabalot sa paper bag na may logo ng laundry shop. 

 

Spokesperson Park Joy: Tangna mo, asan ka na? Wala ka sa ATC noh? Kanina pa ko palakad-lakad din. 

 

Tangina, hindi na talaga 'to naubusan ng bala ng pagmumura. Ay nag mura din pala ako. Isip ni Seulgi.

 

You: Tangna mo din! Minura kita? Ambilis mo naman! Nagwisik ka lang ata eh. 

 

Spokesperson Park Joy: Nagwisik nga lang ako! Nasa bahay ako ng tita ko sa Alabang eh. 

 

Ay ang galing kaya pala. 

 

You: Uu na!  Kinuha ko lang yung laundry.

 

Spokesperson Park Joy: Palibhasa suki ka na dyan. Kita tayo bean leaf.

 

You: Starbucks nalang!! :PP

 

Di na nag reply si Joy kasi bilang nalang load niya, di tulad ni Seulgi na halos gawing Messenger yung pagtetext nila.

 

 

-

 

Nakita agad ni Seulgi si Joy na nakaupo sa mga upuan na malapit sa counter, pag tinatamad ng naman. Gusto niya sana sa secluded pero sige, kanina pa siya naglalakad eh.

 

"Ano inorder mo sakin?" tanong ni Seulgi, upo niya sa katapat na upuan ni Joy. 

 

"Mocha Frappe." sabi ni Joy.

 

"Punyemas! Di naman yun yung gusto ko!" reklamo ni Seulgi. 

 

"Edi parefund mo dun." sabi ni Joy, tinuturo yung counter na ilang malaking tapak lang sakanila. "Joke lang, syempre yung favorite mo bebe Seul, Mint Choco Frappe." 

 

"Sabi na eh crush mo talaga ako eh." sabi ni Seulgi.

 

"Hindi, papabayad sana kita. KKB yan hoy!" sabi ni Joy.

 

Matagal-tagal pa daw nago maserve yun sakanila kasi madami-dami din yung mga nag order kaya naisipan ni Seulgi maglaro nalang. 

 

"Staring contest tayo!" 

 

"Ulol, mag isa ka. Napaka daya mong hayop ka eh." tanggi ni Joy.

 

"Boba! Di ako makakakanta ng malakas dito, oh." sabi ni Seulgi, pinapakita pa kung gano katahimik at nageenjoy yung mga ibang customers.  "Atsaka walang distractions oh diba." 

 

Napapayag naman si Joy. 

 

Mga tatlong minuto na silang hindi pumipikit, mas malala pa nga yung sa condo ni Wendy, halos sampung minuto na yun. 

 

"Puta, ang tagal naman ng drinks natin." sabi ni Joy, malaki padin yung mata. 

 

"Oo tapos magrereklamo ka pag nagulo ka. Galing mo din eh noh." sabi ni Seulgi. 

 

Nakatitig lang ng sobrang maigi si Joy kay Seulgi, hindi pa naman ganon kabasa mata niya pero medyo palabas na yung luha. 

 

Ganun din si Seulgi, 'pag swinerte nga naman, andun lang yung aircon sa likod ni Joy. Masaya naman si Joy kasi pagkakataon na niya manalo. 

 

Nagsimula ng may tumulo sa kanang mata ni Seulgi at medyo pumipikit-pikit na yung mata niya pero hindi pa siya napapapikit.

 

"HA! THE ODDS ARE IN MY FAVOR!"  masayang sigaw ni Joy, nakalimutang nasa cafe sila. 

 

Bigla namang may sumulpot sa likod ni Seulgi, hindi na makita ni Joy kung sino yun kasi nakatuon lang naman yung mga mata niya sa mga mata ng nasa harap niya pero napasigaw din 'to. 

 

"SOOYOUNG!!!" biglang takbo sakaniya at niyakap si Joy. 

 

"PUTANGINA MO!" sigaw ni Joy at napapikit.

 

"PUTANGINA MO DIN!" sigaw sakaniya pabalik nung kung sino man yung tumili na yun.

 

Nakita naman ni Seulgi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pringlesniseulgi
HOOOOOYYY HAPPY ANNIVERSARY SA FIC NA TO YIEE (nalate ako 8 days pero yon nga yehet)

Comments

You must be logged in to comment
neggyL
#1
Chapter 19: Wala ng kasunod otor? Sure na? Hehezz bitins
soo_jjang25 #2
Chapter 19: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1247302/19'>Surrender?</a></span>
Luh 1 year na pala hahahahha ge tawa nlng kahit medj mashaket #loyal
jiCHUyaa
#3
Chapter 19: sana ma update pa to :(
forgotme #4
Chapter 19: ..ang cute nla...haha...
erzcaps27
#5
Chapter 19: Wag kang susuko Irene. Fight Fight lang. Pipiliin niya pa din ung Sr Pedro hehehe hindi na ko mkapagantay sa susunod na update author. Excited nako
sluggshyun
#6
Chapter 19: Team Sr Pedro!!
Cheetosqueen
#7
Chapter 19: Dami kong tawa sa fic na 'to hahaha the best talaga friends ni Seul
gomtokki_23
#8
Chapter 19: wawa naman si Joohyun :(
gomtokki_23
#9
Chapter 18: nakakatawa si Hwasa bwiset. haha nasend yung baby Joohyun tapos yung isa naman dapat daw nilagyan ng heart. Hahaha thanks sa update author-nim. welcome back :D