Gusto Mo Manok?

Ulan
Please Subscribe to read the full chapter

 

"YERIM!  DI SIYA HUMIHINGA" 

 

Napa-face palm naman si Yerim sa ate niya. "Malamang ate! Ang bilis bilis mo icheck tapos 'di ka pa ganun kalapit. Ako na ng-" 

 

"Hindi, hindi, ako na!" biglang pagsigaw ni Joohyun. "Bisita ko siya, kung natatandaan mo." at pinanlisikan pa niya ito ng mata si Yerim.

 

"Iyong-iyo na yan ate." sabi ni Yerim na palabas sa kwarto. "Maliligo ako. Wag mo kalimutan yun batas ah." 

 

"Anak ka ng- lumabas ka na nga!" 

 

Nung makalabas na si Yerim ay nilock niya agad yung pinto, baka kasi kung buksan 'to ng biglaan ni Yerim, baka kung ano isipin nito, pero hindi ba mas kahina-hinala kung nakalock? Hindi na 'to inisip ni Joohyun. 

 

Huminga muna ng malalim si Joohyun, nakatayo sa tabi nung babaeng borlogs padin.

 

Inilapit ni Joohyun ang kaniyang tenga, mas malapit na kumpara sa kanina, at di din siya huminga para marinig niya yung hinga nung isa. 

 

Tila nabuhayan naman si Joohyun, humihinga siya. 

 

 

 

 

-

 

"4pm." pagbabasa ni Joohyun sa malaking orasan na nakadikit sa pader ng sala nila. "Yerim, gigisingin na ba natin siya?" 

 

"Hmm." pag-iisip ni Yerim, ito na, yung pinaka inaantay ng lahat, si Yerim Abelgas. 

 

"Ayon sa sinasabi ng utak ko.." pagpapatuloy ni Yerim. "Ano ba sabi niya sayo bago siya bumagsak?" 

 

Ginamit ni Joohyun ang matalas niyang memorya, oo magaling siya makaalala. "Hmm, ano ba sabi niya nun?" Joke lang hindi pala. 

 

"Aba malay ko ate, sino ba kasama kagabi?" pagiging sarkastiko nanaman ni Yerim. 

 

Syempre gusto nanaman ni Joohyun batuhin ng remote ng TV si Yerim kasi hindi siya nakakatulong sa pag-iisip nito.

 

Pilit na inalala ni Joohyun, papikit-pikit pa yung mga mata niya.  

 

Nagulat kami dalawa tapos napatayo siya, pinuri ko o kung puri man yung tawag dun yung ngiti niya. Ah oo! Ngumiti siya tapos sa huli ngumiti nanaman siya habang sinasabi yung... sigaw ng mga maliliit na Joohyun sa utak ni Joohyun.

 

"SABI NIYA, "PABORITO KO YUNG MANOK NI SR PEDRO"!" sigaw ni Joohyun matapos maalala niya.

 

"Oo, ate, lakasan mo pa gising naman na yung kapitbahay." 

 

Tinignan nanaman ito ng masama mi Joohyun. Wala atang beses sa isang araw na hindi niya ito ginawa kay Yerim.

 

"Hmm, okay, alam ko na, kailangan mo bumili ng manok na yun." sabi ni Yerim paturo-turo pa kay Joohyun..

 

"Excuse me bat ako??! Sa pagkaka-alam ko hindi ako mahilig sa manok." pagtataas nanaman ng kilay ni Joohyun. 

 

"Pero yung BISITA mo, mahilig." sabi ni Yerim, talagang diniinan pa yung "bisita". 

 

Napaikot nalang ng mata si Joohyun. 

 

 

-

 

May malapit naman na Sr Pedro sakanila, walking distance lang, atsaka kilala na si Joohyun sa mga mukha ng kapitbahay niya bilang "Uy si ganda!" "Yung anghel andito na." "Ang swerte talaga natin kapit-bahay natin yung magaganda." "Ang ganda niya talaga, napapaihi ako." 

 

Oo kasi yun yung lagi nila sinasabi 'pag lumalabas si Joohyun tsaka kahit ilang beses niyang sabihin na siya si "Joohyun", yun padin ang tawag sakaniya. 

 

"Ang ganda niya talaga, napapaihi ako." oh diba sabi sainyo. 

 

Napalingon naman si Joohyun, siya yung bata dun na koreanong-koreano na halos yung alam na mga tagalog ay yung mga mapapalingon ka talaga. Nag-eenglish naman 'to, yun na nga lang yung lumalabas sa bibig niya. 

 

"Hi noona!" kaway naman nung bata. 

 

"Oh ano napaihi ka na ba? " pagbibiro ni Joohyun. 

 

"Isang kutsara, noona." 

 

Nabatukan naman ng mahina ni Joohyun yung bata 

 

"Kung ano-ano talaga lumalabas sa bibig mo,  Taeyong." saway ni Joohyun. 

 

"Ouch, it hurts, noona." reklamo nung Taeyong, hawak-hawak ng mga kamay niya yung ulo niya. "Dapat i-kiss mo para gumaling."

 

Natawa naman ng malakas si Joohyun, "Haynako, Taeyong, mga galawan mo di uubra sakin. Osiya, lakad na ko." 

 

"Sige noona, take care, mwah mwah" sabi ni Taeyong nag sesend pa siua ng mga flying kisses kay Joohyun. 

 

Natawa nalang ulit si Joohyun tapos kumaway. 

 

 

-

 

Napadpad si Joohyun sa tapat ng Sr Pedro. Mabango naman yung amoy ng iniihaw na manok tapos may mga umuusok pa pero sa ilong ni Joohyun, hindi siya ganun kaaya-aya. 

 

"Isa pong buong manok, pachop-chop na din po." magalang na sabi ni Joohyun sa matanda na ngayo'y handa na tanggalin sa pagkakatusok yung lutong-luto na manok sa ihawan. 

 

"Joohyun, ikaw ba yan?" sabi nung matanda, minumukhaan si Joohyun. 

 

"Opo, Mang Pedro, ako nga po." nakangiting sabi ni Joohyun. 

 

"Ang laki mo na ah" Simula ng lumipat ng Pinas si Joohyun ay dito na din siya nakatira, 12 years old palang siya noon pero mukhang 8. Dumadaan sila sa Sr Pedro isang beses sa isang linggo. Mahilig kasi yung iba niyang mga kapatid dito. Syempre dahil nakikita sa bintana at naglilibot-libot itong si Joohyun sa kabahayan nila, nakilala niya si Mang Pedro na may-ari nga ng Sr Pedro.

 

"Opo nga po eh." nakangiti padin si Joohyun.

 

"Aba sa pagkaka-alam ko, hindi ka kumakain ng manok sabi ng nanay mo, nagbago na ba 'yun?" pagtatakang pagtatanong ni Mang Pedro. 

 

Natawa naman si Joohyun. "Ah hindi po, para po sa bisita ko po yan." 

 

"Siguro ispesyal 'tong bisita mo kasi kahit na ibang tao kakain, 'di ka pumapayag na ikaw bumibili kasi nga ayaw mo sa manok." pagtawa naman ni Mang Pedro. 

 

Nakangiti padin si Joohyun, natutuwa na kahit papano ay naaalala padin siya ni Mang Pedro pero napaisip siya, 'di naman ispesyal tawag dun, diba? Nagmamalasakit lang si Joohyun kasi syempre dinala niya yung babaeng yun sa puder nila ng walang kamalay-malay, dapat lang na alagaan niya yun. 

 

"Ayan, dinamihan ko yun toyo, sili, at kalamansi, siguradong magigising diwa niyan,  Joohyun. " 

 

Natawa ulit si Joohyun at binayaran na ang manong.

 

 

-

 

"UYYYY ANG BANGO ATE." sigaw ni Yerim pagpasok na pagpasok ni Joohyun. 

 

"Ano ba! Para 'to dun sa babae." saway ni Joohyun. "Gising na ba siya?"

 

"Oo ate." sabi ni Yerim. 

 

Nakaramdam naman ng kasiyahan si Joohyun.

 

"Kaya akin na yung manok, ate, puntahan mo na siya dun." dagdag pa ni Yerim.

 

Bigla namang naisip ni Joohyun na maaaring yung manok lang yung habol nito kaya dala-dala niya yung manok, kahit gusto na niya ilapag, pataas. 

 

Napatigil si Joohyun sa pintuan niya. "Ayoko dalhin 'to sa loob. Mangangamoy manok na dun, hanggang bitbit lang ako, di ko na kaya na maamo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pringlesniseulgi
HOOOOOYYY HAPPY ANNIVERSARY SA FIC NA TO YIEE (nalate ako 8 days pero yon nga yehet)

Comments

You must be logged in to comment
neggyL
#1
Chapter 19: Wala ng kasunod otor? Sure na? Hehezz bitins
soo_jjang25 #2
Chapter 19: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1247302/19'>Surrender?</a></span>
Luh 1 year na pala hahahahha ge tawa nlng kahit medj mashaket #loyal
jiCHUyaa
#3
Chapter 19: sana ma update pa to :(
forgotme #4
Chapter 19: ..ang cute nla...haha...
erzcaps27
#5
Chapter 19: Wag kang susuko Irene. Fight Fight lang. Pipiliin niya pa din ung Sr Pedro hehehe hindi na ko mkapagantay sa susunod na update author. Excited nako
sluggshyun
#6
Chapter 19: Team Sr Pedro!!
Cheetosqueen
#7
Chapter 19: Dami kong tawa sa fic na 'to hahaha the best talaga friends ni Seul
gomtokki_23
#8
Chapter 19: wawa naman si Joohyun :(
gomtokki_23
#9
Chapter 18: nakakatawa si Hwasa bwiset. haha nasend yung baby Joohyun tapos yung isa naman dapat daw nilagyan ng heart. Hahaha thanks sa update author-nim. welcome back :D