First day. II

The Feeling

“Wonwoo!”

Bigla siyang kinalabit ni Jeonghan at nawala sa pagkakatitig sa kaklaseng lalaki.

“Uy, bakit tulala ka dyan ha?”

“Ahhhhh… Eh ang boring naman kasi?” sagot ni Mingyu.

Wonwoo… Wonwoo ba yung pangalan niya? Siya ba yung tinawag?

“Nako. di ka pala nakikinig, bahala ka dyan, ‘wag kang magtatanong samin ni Josh.”

“Okay class, that’s it for today. Let’s meet on the next day. Don’t be late! We’ll start the lesson na agad ha.” Pagkatapos itong sabihin ng professor nila ay agad naman itong umalis.

Inayos agad nila Mingyu ang gamit nila at umalis ng room. Bumaba sila ng building at naupo sila sa may North Quadrangle. 

 


 

Katulad ng inaasahan, maraming estudyante sa white tables sa North Quadrangle. Maswerte sila Mingyu at may bakanteng pwede nilang upuan. Nag-uusap sina Joshua at Jeonghan, pinilit nilang isali si Mingyu sa usapan ngunit mukhang wala itong interes. Napansin ni Joshua na parang may iba kay Mingyu kaya naman tinanong niya ito.

“Mingyu, okay ka lang ba?”

“Ah, oo naman.” sagot niya.

“Sure ka ba? O may iniisip kang iba dyan? Kanina ka pa namin napapansin ni Josh eh.”

“Okay lang ako guys, ano ba kayo hahahaha” patawang sagot ni Mingyu. “Alam niyo maglakad-lakad na lang tayo!”

Tinanong ni Jeonghan si Joshua kung gusto nitong sumama sa kanila pero humindi ito dahil mag-chacharge daw siya ng kanyang phone.

 

Naglakad-lakad sila Mingyu hanggang mapunta sila sa may library. Sa pagtingin-tingin niya sa may bintana ay nakita niya ang lalaki sa kanyang isipan. Siya ay nagbabasa ng novel habang nakikinig ng music. Nabighani si Mingyu sa kanyang nakita. Hindi niya inakalang sa hitsura ng lalaking iyon, siya pala ay palabasa ng mga libro. Nakita niya na hindi lamang ito dulot ng pagkabagot o kung ano pa man. Hindi maalis ang kanyang mga mata sa tanawing iyon habang sila ay mabagal na naglalakad. Nakita ni Jeonghan na may tinititigang mabuti si Mingyu kaya naman huminto siya at pinagmasdan ang kaibigan maglakad mag-isa.

“Hayyy… Tignan mo ‘tong tao na ‘to, parang timang.” Napabuntong hininga na lang si Jeonghan. “Hoy!!! Mingyu!!!”

Napahinto si Mingyu sa paglalakad dahil may tumawag sa kanyang pangalan. Pagtalikod niya ay nakita niya ang kaibigan na tawa nang tawa kaya naman siya ay nainis.

“Badtrip ka! Ba’t iniwan mo ko?” Pagalit na tanong ni Mingyu.

“Sino ba kasi yung tinitingnan mo sa loob?”

“Wala, wala! Tara na nga”

 


 

ComSkills14 ang next subject nila Mingyu. Pumunta sila ng North Quad at sinundo si Joshua upang pumasok na sa kanilang next class. Nasa isip pa rin ni Mingyu ang lalaki, kung makikita niya ba siya sa next class nila? Kung kaklase ba nila siya o isa siyang irregular student?

ComSkills, siguro naman magpapakilala kaming lahat, kung nandun man siya, sigurado akong malalaman ko na ang pangalan niya.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
SHINee_MAKNAE #1
Chapter 1: Tuloy mo be