First day.

The Feeling

                    5:30 na ng umaga at tumunog ang alarm ni Mingyu. Oras na para siya ay gumising at maghanda upang pumasok. Araw ng Lunes, unang araw ng kanyang pagpasok bilang isang second year pre-dentistry student sa Pamantasan ng Centro Escolar.

“Hayyy… First day na naman.”

Napabuntong hininga na lang si Mingyu sa kanyang pagbangon. Agad-agad siyang naligo at nagbihis. Bilang estudyanteng nakatira sa isang dorm, normal na lang sa kanya ang hindi kumain ng breakfast, katulad ng ibang estudyanteng walang nag-aasikaso sa kanila. Pagkatapos niyang magbihis at mag-ayos ng sarili sa harap ng salamin, kinuha na niya ang kanyang bag at pumasok sa eskwelahan.

Sa paglalakad niya mula sa kanyang dorm, huminto muna siya sa McDonald’s at bumili ng sausage mcmuffin with hash brown at iced coffee. Pagkabili niya ay pumasok na siya sa north gate ng unibersidad. Tumunog ang kanyang cellphone. Binuksan niya ito at nakitang nag-text si Joshua.

 

Joshua: Mingyu, andito lang kami sa north quad, kasama ko si Jeonghan. Hintayin ka namin.

 

Naglakad lang siya at nakita niya na agad si Joshua, kasama niya si Jeonghan habang nakaupo sa white tables.

“Hoy! Guys!” sumigaw si Mingyu.

Lumapit naman agad sina Joshua.

“Oh, kumusta na, Mingyu? Long time no see!”

“Oo nga, Mingyu. Kumusta ka na? Di ka man lang sumama samin ni Joshua pagkatapos ng enrollment natin!”

“Sorry guys, sabi naman sa inyo diba, kailangan ko din agad umuwi. Teka muna, kakain lang ako ng breakfast.”

Habang kumakain si Mingyu ay nagkwento muna sina Joshua at Jeonghan tungkol sa pinuntahan nilang bar pagkatapos ng enrollment.

“Nako Mingyu, alam mo ba ‘yang si Jeonghan, hindi naman uminom, pero naglasing-lasingan, daig pa yung mga tao dun sa Valk, akalain mo bang maki-table sa iba! Ang matindi pa dun, may lalaking gwapo dun, tinawag ba namang ‘daddy’!”

Muntik nang mabulunan si Mingyu sa kinakain niya. Hindi niya mapigilang tumawa sa sinabi ni Joshua.

“Hoy! Sinabi na sa’yong secret lang natin ‘yon, bakit mo sinabi kay Mingyu?” nainis si Jeonghan.

“Okay lang ‘yon Jeonghan, sanay na ako sa ganyang kwento tungkol sa’yo!” inasar pa lalo ni Mingyu si Jeonghan.

 

Pagkatapos kumain ni Mingyu ay pumunta na agad sila sa room ng first class nila. Pagkarating nila sa room ay umupo sila dulo. Mainit at medyo masikip sa room nila dahil isa itong laboratory class. Maingay ang mga estudyante ngunit biglang tumahimik nang may pumasok sa loob ng room. Dalawang lalaki ang pumasok sa loob.

“Sus, akala ko naman andito na yung prof natin.” sabi ni Mingyu.

“Pano ba naman di tatahimik eh ang angas ng pagpasok nila, tignan mo yung isa, ang gwapo pa.”

“Haynako, Jeonghan… Tumahimik ka dyan… First day pa lang natin!!!” tumawa si Joshua.

 

 


 

 

7:00 a.m., pumasok na ang kanilang professor.

“Okay… Good morning class! I am Seo Juhyun, and I will be your professor for this semester in Primary Health Care. AAPD-2D am I correct?”

Sumagot naman ang buong klase. Nagpaliwanag ang professor sa mga rules niya sa klase, mga lessons na kanilang pag-aaralan. Katulad ng isang normal na klase, konti lang ang nakikinig sa professor at mas marami ang nagkekwentuhan. Halos lahat ng kanilang kwentuhan ay tungkol sa ginawa nila noong nakaraang sembreak.

Nabored si Mingyu sa sobrang hirap ng mga gagawin nila para sa subject na ‘yon kaya napatulala na lang siya. Napatitig siya sa isang tao, isang gwapong lalaki ang nakaupo sa first row. Napa isip na lang si Mingyu sa sinabi ni Jeonghan kanina. Siya kaya yung sinasabi ni Jeonghan na gwapo?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
SHINee_MAKNAE #1
Chapter 1: Tuloy mo be