Chapter 4

Para Lang Sa'yo

                          Mukhang nadenggoy ako ni Gerald, naisaloob ni Kim. Napapayag sya nito sa isang kalokohang pustahan. Tanga sya kung paniniwalaan nya na ipapakain nito ang sarili sa buwaya kapag natalo ito sa pustahan nila. Alam nyang sinabi lang nito iyon para mang-insulto. Mukang panatag na panatag ito na hindi nya magagawang mapaibig si Rico kaya handa nitong itaya ang sariling buhay.

                          Oh how she hated that super jerk! Gagawin nya ang lahat upang mapahiya ito. Tatalunin nya ito sa pustahan. Sisismulan na nya ang pagkilos upang maakit si Rico.

                          Sinundan nya si Rico papasok sa school cafeteria. Mag-isa lamang ito. Mamayamaya ay palapit na sya sa mesang kinaroroonan ni Rico. Hawak na nya ang tray ng pagkain na in-order nya. When she reached his table she cleared to call his attention.

                          " Excuse me." Inihanda na nya ang kanyang ngiti ngunit nang tingalain sya nito ay tila naestatwa sya. Hindi nya nagawang makapagsalita.

                          "Miss?"

                          "Ah... Is--" Napigil ang pagsasalita nya nang may isang lalaking biglang umupo sa silayang dapat ay ipagpapaalam pa lamang nyang maupuan. She immediately fumed when she recognized the guy. Geraldoooo! Alam nyang sinadya nito ang ginawa. Gusto nitong pigilan ang balak nya.

                          "Pare ba't di ka nagpupunta sa Gamers' Haven? Last month pa yata iyong huling mathchup natin doon ah,"

                          "Kakapunta ko lang doon last week. Wala ka naman doon," ani ni Rico na mukang nakalimutan na sya. "Si Fred lang ang nakalaro ko. Sabi pa nga nya di ka makakasama kasi may date kayo ng girlfriend mo." 

                          Tumaas ang kilay nya. Girlfriend? Hindi nya alam na may girlfriend pala itong unggoy na to. Ang alam nya ay babaero ito at kung sinu-sino ang idine-date nito. Kung ganoon ay may babae palang nakakapagtiyaga sa ugali nito.

                          "Hindi ko girlfriend iyon," pagtatama nito.

                          Mabuti naman. Dahil kawawa ang kung sinong babaeng iyon. Napaisip sya. Wasn't she supposed just go away? Sira na ang plano nya. kaysa magmukang syang tanga habang nakatayo roon ay napagpasyahan nyang tumalikod na. Nagulat na lamang sya nang may kumuha sa tray nya na hawak nya. Si Gerald. Nagtaka sya nang iharap pa sya nito sa mesa ni Rico.

                          "Pare sya ang girlfriend ko. She's Kim," wika nito.

                          Napanganga sya sa sinabi nito.

                          Ngumiti si Rico. "Hi Kim," 

                          Hindi nya ginantihan ang ngiti nito. Sa halip ay sinita nya si Gerald. "Anong sinasabi mong Girlfriend mo ako?"

                          "Ayaw mo pa rin bang ipagsabi na girlfriend na kita? Gusto mo pa rin bang itago ang relasyon natin?" seryosong tanong nito. Bago pa sya makasagot ay inakbayan na sya nito ay inilapit nito ang bibig nito sa tenga nya.

                          "Support may act or I'll  tell him about your evil plans." 

                          Hindi sya nagkamali ng naisip. gagamitin nito laban sa kanya ang nalalaman nito. She tried to smile at Rico and looked at Gerald.

                          "You're right. hindi na natin kailangan pang itago." Walanghiya kang hudas ka! Lagot ka sa akin mamaya!   

 

                          Kim was bloodthirsty. Umakyat sya sa kahoy na hagdan baon ang bag na puno ng kung anu-anong kagamitan at mga batong maaari nyang ipukol kay Gerald. Ang demonyong iyon! Pinaglaruan sya nito. nang dahil dito ay malabo nang makapagpa-cute pa sya kay Rico. Hindi na nya ito maaaring akitin dahil sisirain nya ang image nya kapag ginawa nya iyon. Baka maging playgirl ang impresyon nito sa kanya.

                          Talo na sya sa pustahan nila ni Gerald. Bakit ba hindi nya naisip na posibleng may binabalak itonng masama para manalo sa pustahan nila. He played dirty. kunsabagay ano ba ang dapat nyang asahan sa isang tulad nito? How could she be so foolish not to be ready for his evil scheme?

                          "Geraldoooo! Lumabas ka dyan! Hudas ka!" 

                          Kaagad namang lumabas ito. Halata ang pagkaaliw sa mukha nito nang makita syang galit na galit. "O ba'y nagwawala ka na naman?"

                          "Hayup ka! Demonyo ka!" Binato nya ito ng mga basong yari sa makapal na plastic. umilag ito at tumawa. Sige pa rin sya sa pagbato ng kung anu-anong madukot nya mula sa bag ngunit hindi man lang nya matamaan ito. Akmang ibabato nya rito ang isang figurine nang magsalita uli ito.

                          "Kimberly wag yan. Babasagin yan eh."

                          "Walanghiya ka!" ibinato nya ang figurine. Nagkapira-piraso iyon nang bumagsak sa sementadong bahagi ng bakuran ngunit hindi pa rin nya nasapol ito. Kinapa nya ang bag ngunit wala na syang makapang laman niyon. She snarle in frustation.

                          "Lagot ka kay Lola Rosa nagkalat ka rito."

                          "Ang kapal talaga ng mukha mo! Madaya ka! You didn't play fair! Gumawa ka ng scheme nagawa mo pang mang-blackmail para lang manalo ka sa pustahan." 

                          He grinned. tila balewala rito ang pagwawala nya. "It's a game. Natural na gagawin ko ang lahat para manalo ako. Saka wala naman tayong rules ah."

                          "Ang sabihin mo natatakot kang makain ng buwaya kaya nandaya ka. Alam mo kasi ang posibilidad na ma-in love sa akin si Rico."

                          Sa inis nya ay tumawa ito. "Ginawa ko iyon kasi ayoko nang mag-aksaya ka pa ng panahon sa pagpapa-cute kay Rico dahil wala ka ring mapapala sa huli. Magpapagod ka lang. pati ako papagurin mo pa sa kakahintay sa wala."

                          Inihagis nya rito ang bag. "How dare you tell him I'm your girlfriend! Eeww!"

                          "Sa ringin mo ba talaga, gusto ko iyong sinabi ko kanina? I just marred my onw name. Paano na lang kung may ibang nakarinig? Kahihiyan ko iyon."

                          "Jerk!"

                          "Natalo ka sa pustahan kaya dapat lang na parusahan kita. You'll be my slave for a week right? Umpisahan mo na ngayon. Pulutin mo lahat itong mga ikinalat mo rito bago pa ito makita ni Lola Rosa."

                          "Pulutin mo mag-isa ang mga yan! Hindi ako papayag na magpaalipin sa iyo, hudas ka!. Pagkatapos ng ginawa mong pagsira sa plano ko, hindi ko na kayang tingnan pa ang pagmumukha mo! Ayaw na kitang makita kahit kailan!" Umakma na siyang baba ng hagdan ngunit natigilan sya ng magsalita ito.

                          "Babayaran mo ba ang pagkatalo mo sa pustahan o sasabihin ko kay Rico ang sekreto mo?"

                          "Oo na! Oo na! Napakawalanghiya mo talaga!

                         

                          Padabog na winalis ni Kim ang nagkapira-pirasing figurine. Hindi nya maimagine ang sarili na darating ang pagkakataong magwawalis sya sa bakuran ng iba. Sa isang parte ng bakuran ni Lola Rosa ay nakatayo si Gerald habang nakahalukipkip at pinagmamasdan siya sa ginagawa. Tiningnan nya ito nang matalim at saka inirapan. Mukhang aliw na aliw ito sa panggigipit sa kanya. Wala siyang magagawa kundi sumunod dito. Hindi nya maaaring hayaan na ipagsabi nito ang sekreto niya. 

                          "Kimmy..."

                          "What?" she snapped, not looking at him.

                          "Kimmy come here,"

                          She clenched her teeth. Ang kapal talaga. "Ano ba? Bakit hindi ikaw ang lumapit? Ikaw ang may kailangan." Natigilan sya nang makita niya kung saan ito nakatingin. Sa aso nito! Nananadya talaga ito. Sa inis ay pinukol nya ito ng napulot na kutsara. Hindi ito nakailag dahil sa aso ito nakatingin. Sapol ito sa sentido.

                                 "Aw!" Sinapo nito ang sentidong nasaktan.

                                 Napangiti sya. Kaagad ding naglaho ang ngiti nya nang alisin nito ang kamay sa sentido nito at makita nya ang dugo roon. Nabitawan nya ang walis ting-ting at lumapit dito. Pinakatitigan nya ang sentido nitong nagkaroon ng maliit na hiwa. Hindi nya akalaing manipis lang pala ang balat nito samantalang napakakapal ng mukha nito.

                                 Naningkit ang mga mata nito nang tingnan siya. Bahagya siyang napaatras dahil noon lang nya nakitang nagali ito. Kung nagagawa sya nitong galitin, laitin, alipinin at paglaruan ay tiyak na magagawa rin nitong saktan sya lalo na at nagkasugat ito dahil sa kanya.

                                 Napatili sya ng bigla nitong hatakin ang braso nya at hilahin papasok sa bahay nito. "Mama!" malakas na tawag nya. Wala sa bahay ang kanyang ina dahil naningil ito ng pautang. Gusto lang niyang kahit paano ay matakot si Gerald kapag narinig nito ang pagtawag sa kanyang mama; ngunit walang epekto iyon. "Lola Rosa!" sabi naman niya nangnaipasok na sya nito sa loob ng bahay. 

                                  Wala si Lola Rosa. Nasa bahay namin." Mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa braso nya.

                                  "Ate Rian!" tawag nya sa private nurse ni Lola Rosa.

                                  "Wala si Ate Rian. kasama ni lola. Isang linggo sila roon."

                                  "Aling Mila!" tawag nya sa katulong ng mga ito.

                                  "Wala si Ate Mila. Nagbakasyon sa probinsya."

                                  Lalong sinalakay ng kaba ang dibdib nya. Wala palang tao sa bahay na iyon maliban sa kanilang dalawa. Maaari syang gawan ng masama nito at walang tutulong sa kanya. "Neighbors help me!"

                                  Tinakpan nito ng kamay ang bibig nya. "Ang OA mo pwede bang tumahimik ka? Gamutin mo ang sugat ko. Pumunta ka sa kusina hanapin mo yung first-aid kit cabinet doon," utos nito.

                                  Naglaho ang takot nya. hindi pala sya sasaktan nito. Kung makahatak at makahila kasi ito ay parang gusto syang patayin. Sinunod na lang nya ang iniutos nila tutal ay sya ang maygawa ng sugay nito. Ilang sandali pa ay dinadampian na nya ng bulak na may disinfecting alcohol ang sugat nito habang magkatabi sila sa sofa. Nahuli nya ang munting ngiti sa mga labi nito na tila naaaliw ito sa nangyayari. Idiniin nya ang bulak sa sugat nito at napahiyaw ito sa sakit.

                                  "Ano ba? Dahan-dahan naman."

                                  "Dapat sayo binubuhusan nh alcohol. Isa kang malaking mikrobyo sa buhay ko."

                                  Hi grinned lopesidedly. "May mikrobyo bang ganiyo kaguwapo?"

                                  Umingos sya "Mas gwapo pa sayo si Rico kaya wag kang magyabang."

                                  "Bias ka lang dahil galit ka sa akin."

                                  She rolled her eyes. "Kahit personality wala kang panama sa kanya."

                                  He snorted. "Gaano mo ba sya kakilala para masabi mong maganda ang personality nya? Nakasama mo na ba sya? Ni hindi ka nga nya kilala eh."

                                  "For your information First year college pa lang ako crush ko na sya. I won't be pinning for him for two years for nothing."

                                  "Of course you don't know him that well. dahil kung kilala mo talaga sya posibleng hindi ka ma-in love sa kanya."

                                  Natigil sya sa pagdadampi ng bulak sa sugat nito at tinitigan ito. "Anong ibig mong sabihin?"

                                  Umiling-iling ito. "Ayokong manggaling sa akin baka sabihin mo sinisiraan ko sya sayo."

                                  Lalo tuloy syang na-curious. "Sabihin mo na."

                                  "Ayoko."

                                  "Nakakainis ka talaga." Idiniin nya ang bulak sa sugat nito. "Ikaw na lang ang maglinis ng sugat mo. Dyan ka na!" Tumayo sya ngunit hinablot sya nito sa kamay.

                                  "Lagyan mo muna ng band-aid bago ka umalis."

                                  Marahas na binawi nya ang kanyang kamay mula rito. Hindi sya makapaniwalang hinawakan nito ang kamay nya. Padabog na kinuha nya ang band-aid at bastana lang itinapal sa sugat nito.

                                  Ngumiwi ito. "I can't believe na ikaw pa ang galit samantalang ikaw ang maugawa ng sugat nito."

                                  "You deserve it. Kulang pa nga iyan eh napakarami mo nang atraso sa akin. Hindi na mabibilang sa daliri kung ilang beses mo na akong pinag-tripan, insulto, inasar at ngayon pinaglalaruan mo ba ako. You're a monsterous evil jerk and I hate you! I hate every piece of you!"

                                  Ngumiti lamang ito. "Isang linggong wala dito si Ate Mila walang katulong dito and since you're may slave for a week ikaw muna ang reliever nya."

                                  "Anong sabi mo?"

                                  "Pagkatapos ng klase mo gawin mo na agad ang assignment mo. Tapos pumunta ka rito maglinis ka ng bahay. Pakainin mo si Kimmy at ipagluto mo ako ng dinner."

                                  "Ang kapal ng mukha mo! Sumusobra ka na! Hindi ako magpapaalipin sayo! Over my dead body!" Tinalikuran nya ito at mabilis na lumabas ng bahay bago pa man nito masabi ang pananakot nito sa kanya. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jixxypit1 #1
Wow.. More pls. Kakakilig. Thx sa updates
b1_nipahut #2
yay!!kilig kiligan sa e.k. haahha...

thank u soo muccchhh


more

more

more
KG4life #3
Cute date for both of them :)
KG4life #4
Waaaaa nabitin...itinuloy sana yun ni kuya ge...lol :p
shammy_kg #5
waaaaaaaaaaaaaaa! Thank you readers for your appreciation! love you all! Sorry late update na naman... hehehe...

enjoy reading! :)
teddibear #6
Waaaaaaahhhh!!!! Soooooo sweet and kilig <3 thank you for updating! More more more! Hehe :"D
KG4life #7
Hahaha sila na :) tnx sa update :D
enderez #8
hello kimerald authors update naman pls...thanks
buang03 #9
Waaaaaaaaa. Please update ka na. Go go go
keeegeee #10
yey!! umamin na si Geraldo!!


I love the slave thingy!!! hahahha
woot woot!! goo Kimmy!!
sweet revenge!! :)

thank you shammy!