Chapter 7

Para Lang Sa'yo

                        Ngingiti-ngiti si Gerald habang nagmamaneho sya ng sasakyan nya pauwi sa bahay ng Lola Rosa nya. Sobrang saya nya nang araw na yun dahil nga nahalikan na nya ang mahal nya. Una pa lang naman ay alam na nyang si Kim ang nasa kissing booth para magpahalik kaya dali-dali syang bumili ng ticket at sumingit sa pila. At nung makita nga sya nito ay parang handa na syang lapain nito ng buhay. Sinabi pa nito na hinding-hindi sya nito hahalikan pero hindi sya madaling sumuko at inasar na naman ito dahilan para asarin din ito ng mga kasamahan nito. At dahil dun ay pumayag na rin ito. Sa pisngi lang naman talaga dapat humalik sa kissing booth na iyo kaso iba ata sya! Inunahan na nya ito bago pa ito may masabi. At lumanding nga sa lips nito ang lips nya. Hindi na sana nya ito pakakawalan kung wala lng maraming tao ang nakakakita sa kanila pero wala syang choice kaya bumitiw na sya di nya alam kung ano pa ang sasabihin dito pagkatapos nang nangyari kaya umalis na lang sya kahit alam nyang mapapahiya ito kaya kailangan na nyang bumawi sa lahat ng nagawa nyang kasalanan dito.

                         Miss na miss na kasi nya ito dahil tatlong araw na na hindi nya ito nakikita. Kasalanan din naman kasi nya eh, kung hindi nya pinapunta si Lizbeth sa bahay para pagselosin ito ay hindi ito magagalit ng sobra sa kanya. Di naman nya alam na matindi pala talaga magselos yon at napakapikon pa. But he  enjoy each day with her. Napakaganda nito lalo na pag inaasar nya at nagagalit ito. Haaaay baliw na nga talaga ako. Dapat ko na talagang aminin sa kanya dahil mamamatay na ako sa pagtitiis pag hindi ko pa inamin sa kanya. Bata pa lang sila napapansin na nya kung gaano ito ka-cute noon pero ngayon syempre hindi lang sya cute ubod ng ganda pa! Pero pano na lang pag-inamin na nya dito ang nararamdaman nya baka di pala kami pareho ng nararamdamann. 'Naku malulugmok ka Gerald pag nagkataon!' Kaya kailangan kong paghandaan kung paano ko to sasabihin sa kanya nang hindi sya nagagalit sa akin. 'Haaaay buhay parang life'.

                           

                        Kim's first kiss was from the person she hated the most! Hindi sya makapaniwalang umabot hanggang doon ang pang-aasar sa kanya ng Gerald. Hindi nya inaasahang kaya nitong gawin ang ganoong bagay para lang galitin at ipahiya sya sa harap ng maraming tao. Umabot na sa sukdulan ang kasamaan nito. Hindi nito alam kung gaano kahalaga sa kanya ang first kiss nya. She wanter to receive that very special thing from her first love. But he messed up her dreams. Ngunit bakit ganoon? Bakit nung dumampi na ang mga labi nito sa mga labi nya ay may kakaiba syang naramdaman? Bakit tila nararamdaman pa rin nya ang mga labi nito hanggang nang sandaling iyon? Bakit wala nang laman ang isip nya kundi ang alaala ng halik nito?

                           She must be crazy. Hinding-hindi nya matatanggap sa sarili na nagustuhan nya ang halik nito. it was just a quick kiss. It came from an absolute jerk. It was nothing. But how come she was still thingking about it? She was surprisingly thingking about Gerald who !

                           "Ngumiti ka naman dyan. Paano may magyayayang magsayaw sayo kung nakabusangot ka naman?" pukaw ni Yana sa pagmumuni-muni nya.

                           Nasa debut party sya ng kapatid nitong si Candy. Ang party theme ay "masquerade merrymaking" kaya nakamaskara ang lahat ng mga bisita. Pang-medieval period ang mga outfit nila. Nahirapan pa syang makahanap ng damit na isusuot para sa party na iyon. Itinakas lamang nya mula sa dressing room ng school theater ang gown na suot nya at ang maskara lamang ang binili nya.

                           Uminom sya ng alak at saka umingos. "Wala ako sa mood makipagsayaw."

                           Gumuhit ang nanunuksong ngiti nito sa mga labi nito. "Dahil ba busy ka sa pagre-reminisce?"

                           "Excuse me? Hindi ang nangyari sa school fair ang iniisip ko no!" Alam nya kung ano ang tinutukoy nito. Ilang bebes syang inasar nito tungkol sa nangyari sa kissing booth. Mabuti na nga lang at hindi nakarating sa mga pinsan nya ang nangyari sa kanya noong school fair kung hindi ay aasarin din sya ng mga iyon.

                           "Uy defensive. Wala naman akong sinasabi na iyon ang iniisip mo."

                           "Tse! Tumigil ka na nga. Maghanap ka ng kasayaw mo."

                           "Pero alm mo friend. Sa palagay ko may crush sayo si Gerald."

                           Muntik na syang masamid sa iniinom na alak."Ano bang pinagsasabi mo?" Kung alam lang nitong ginawa lamang ng lalako iyon upang inisin at ipahiya siya sa mga tao.

                           "Sa tingin ko rin may gusto ka sa kanya," bulong pa nito.

                           Namilog ang mga mata nya. Muntik na nyang mahablot ang buhok niyo kung hindi lang agad ito nakalayo. Nang wala na ito ay iniisip nya ang huling sinabi nito. Imposibleng magkagusto sya kay Gerald. Naguguluhan lang sya dahil sa halik nito sa kanya. Nagsalin uli sya ng alak sa kanyang baso at inubos iyon. Biglang gumaan ang katawan nya at parang lumabo ang paligid nya. Lasing na ba siya?

                           Maya-maya pa ay may lalaking naka-full-faced mask na lumapit sa kanya. Inilahad nito ang kamay sa kanya.

                           "Shall we dance?" tanong nito.

                           Ngumiti sya. Hindi na sya nagdawalang-isip pa sa pagtanggap sa alok nito. Sumama sya rito sa gutna ng dance floor. She was smiling while dancing with him. Hindi nya alam kung bakit magaan ang pakiramdam nya sa lalaking kasayaw nya o marahil ay talagang tinamaan kaagad sya sa apat na basong alok na ininom nya.

                           "Who are you?" tanong nya sa lalaki.

                           "Just call me Prince,"

                           "Wow! You got a very nice name."

                           "Thanks. You? What's your name?"

                           "Princess," she answered giggling.

                           "Well, I think we belong together.

                           Kahit hindi nya nakikita ang mga labi nito ay alam nyang nakangiti ito. Hindi nya alam kung bakit para syang kinikilig sa sinabi nito. She continued giggling. Nagpatuloy ang pagkukuwentuhan nila tungkol sa mga bagay na walang kaugnayan sa kanilang mga sarili. Gusto niya ang pagkamisteryoso nito.

                           Ni hindi nya nalaman na nakailang palit na sila ng tugtog. Hindi nya alam kung epekto lamang ng alak o sadyang charming lamang ang lalaking kasayaw nya kaya totoong nag-eenjoy sya sa pakikipagkuwentuhan at pakikipagsayaw dito. She even liked the feeling og their hands clasped together and his other hand on her waist. Even his scent was enchanting. Matangkad ito at malaprinsipe nga ang tindig. Hindi nya maiwasang isipin na marahil ay guwapo ito sa likod ng maskarang iyon.

                           "Are you seeing someone?" tanong nito.

                           "No," she answered.

                           "Liking someone right now?"

                           As in right at this moment? gusto nyang isatinig. She smiled. Kung tatanggalin lang nito ang maskara nito at makikita nya ang mukha nito baka aminin nyang gusto na agad nya ito. It was weird, but she felt as if she had known this guy for a long time. Siguro ay nakilala na nya ito noong past life nya. She giggled at the thought. "No."

                           "What about Rico?"

                           Napatigil sya sa pagsasayaw at kumunot ang kanyang noo. "You know Rico?" Bakit alam nito na naging crush nya si Rico? Was he someone she knew? O baka si Yana ang nagsabi rito?

                           "May nakapagsabi sa akin na crush mo raw si Rico."

                           Si Yana nga siguro. Anf ibig bang sabihin niyon ay sinadya ni Yana na i-set up sya sa lalaking ito? Kaya pala sinabihan pa sya nito na magpaganda nang gabing iyon at kanina ay kakaiba ang ngiti nito. Binabalak pala nito na i-matchmake siya. Saglit pa nyang inilibot ang mga mata upang hanapin ito. Natagpuan nya itong nakatingin sa kanila ng lalaki. Kumaway pa ito habang nakangiti. Ngumiti rin sya at ipinagpatuloy ang pagsasayaw.

                            "Wala na akong feelings para kay Rico."

                            "Talaga?" 

                            "Yeah wala na talaga."

                            "What about Gerald? What do you feel about him?"

                            "Kilala mo rin si Gerald?!"

                            "Yeah."

                            She twitched her lips. "Paano mo sya nakilala? Magkaibigan ba kayo? Magkaklase? Kapitbahay? Alam mo ba kung gaano kasama ang ugali ng lalaking yon? He's the most despicable creature in this world. Kapag itinabi ang lion, tigre, dinosaur. demonyo, at aswang sa kanya, babait tinganan ang mga yon. I hate him to the core. Hindi ko sya mapapatawad sa mga ginawa nya sa akin. Parati na lang nya akong pinagti-tripan, ipinapahiya, at nilalait. Ginawa pa nga nya akong slave nang ilang araw dahil lang sa pustahanng dinaya nya. He's a monster in disguise. Wala syang puso. Tuwang-tuwa sya kapag nagagalit ako... kapag nasasaktan ako."

                             Wala syang narinig mula sa lalaki. Marahil ay nabigla ito sa pagbuhos nya ng sama ng loob dito para kay Gerald. Hindi na kasi nya napigilan ang sarili. Wala syang mapaghingahan ng mga dinaramdam. Hindi nya masabi sa mga pinsan nya ang mga nangyayari sa kanya dahil kay Gerald. Ni kay Yana ay hindi nya ipinagtapat ang tungkol sa pustahan at pagiging slave niya. She was about to apologies for her sudden behavior when he spoke.

                             "Hindi mo na ba mapapatawad si Gerald?"

                             Napatitig sya sa maskara nito. "Kaibigan mo siguro sya no? Puwes sabihin mo sa kanya na hinding-hindi ko sya mapapatawad sa mga ginawa nya sa akin noong school fair. Kunsabagay hindi rin naman sya humingi ng tawad at malabong mag-apologize ang isang tulad nya. Sana lang,huwag na syang magpapakita sa akin. Wag na nya akong lalapitan at kakausapin pa kahit kailan." 

                             "Hindi sya nag-a-apologize dahil hindi nya pinagsisisihan ang ginawa nya sayo sa school fair."

                             Napasinghap sya sa sinabi nito. "Sinabi nya sayo iyon? Ang kapal talaga ng mukha nya!"

                             "Hindi nya pinagsisisihan dahil gusto nya iyon. He really wanted to kiss you..." He pause for a moment and when he continued talking, he whispered, "so badly."

                             Pinanlakihan sya ng mga mata. The way he whispered was so familiar. Noong nag-brownout at yakapin sya ni Gerald ay bumulong ito sa kanya na tila nang-aakit. Napatanga sya sa lalaking nakamskara. Could it be she was dancing with......?

                             Inalis nito ang nakatabing sa mukha nito. Para syang naestatwa sa tumambad sa kanya. Hindi sya makapaniwalang si Gerald ang kasayaw nya. Sinadya nitong ibahin ang boses nito para magpanggap na ibang tao. Pinaglaruan na naman sya nito!

                             "I'm sorry if I'd been an to you but I'm not sorry about the kiss," Bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi. Kung makayingin ito ay parang gusto uli syang hagkan nito. Binitawan nito ang maskara at hinapit uli sya nito sa baywang.

                             Tumalim ang tingin nya rito. Nagtangka syang kumawala rito ngunit hindi nito pinakawalan ang kamay at baywang nya. "Bitawan mo ako," mahina ngunit mariing utos nya. Ayaw nyang makakuha ng atensyon mula sa ibang magkakaparehang naroon.

                             Napasinghap sya ng bigla syang hatakin nito palapit nang husto rito. Suddenly, she was enclosed in his arms. Naramdaman uli nya ang kakaibang pakiramdam na lumukob sa kanya nang gantihan nito ang yakap nya sa dilim. Sumabay rin doon ang naramdaman nya noong hagkan sya nito sa kissing booth. It was as thought she wanted the feeling that it invoked in her. She must really be going nuts to feel them.

                             "Pakawalan mo ako!" Sinubukan nyang kumawala rito ngunit nabigo sya.

                             "Hindi kita pakakawalan. Ang lagay ba naman ikaw lang ang may karapatang mangyakap? Naalala mo ba noong tsinansingan mo ako sa dilim? May utang kang isang yakap sa akin kaya huwag ka nang pumalag."

                             "Hindi kita tsinansingan! May phobia ako sa dilim kaua kita---" She snarled in frustation and irritation. " Let go of me, you jerk! Kapag hindi mo ako binitawan sisigaw ako!"

                             Walang nangyari sa pananakot. Lalo lang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Kapag hindi ka tumigil isisigaw ko rito na patay na patay ka sa akin."

                             "Walanghiya ka talaga. Wala ka talagang pinipiling lugar. Hanggang dito ba namn---" She felt the heat of his breath on her scalp. She shivered. Ramdam nya ang pagpintig ng puso nito at ang init ng katawan nito na nakalapat sa kanya. At naiinis sya sa sarili dahil kahit nagagalit sya ay napansin pa rin nya kung gaano ito kabango.

                             "Kimmy... hug me back please?"

                             "At demanding ka pa! Bitawan mo na nga ako!"

                             "Hindi kta bibitawan hanggat hindi kayo nagkakaayos."

                             "Narinig mo naman ang mga sinabi ko kanina di ba? Hinding-hindi kita mapapatawad sa lahat ng kasalanan mo sa akin. kahit anong pananakot pa ang agawin mo, hindi na ako papayag na mapaglaruan mo."

                             She heard him sigh. "All I want is just to be close to you Kimmy,"

                             "Ano bang pinagsasabi mo?"

                             "Ginawa ko lang ang mga pranks na iyon para mapalapit sayo. inaasar kita, tinutukso, kasi iyon lang ang paraang alam ko para mapansin mo ako. Kung nasaktan man kita, hindi ko sinasadya. I'm sorry Kimmy. I hope you can still forgive me."

                             "Tigilan mo na nga ako Gerald. Hindi ako boba para magpaloko uli sayo. Kung gusto mo ng away doon na lang sa bahay at huwag dito. Wag mong sirain ang gabi ko." 

                             "Hindi mo ba talaga ako paniniwalaan?

                             "Hindi," mariing tugon nya. "Tigilan mo na ang drama mo dahil lalo mo lang dinadagdagan ang inis ko sayo."

                             Ang akala nya ay titigil na ito nang luwagan nito ang pagkakayakap sa kanya. Nanlaki ang mga mata nya nang biglang bumaba ang mukha nito sa mukha nya. Nevertheless, her eyes automatically closed when shefelt his warm lips claim hers in a very soft kiss. Kaagad ding natapos ang halik na iyon na tila dapyo lamang ng hangin sa kanyang mga labi. When she opened her eyes she met his melting stare. Wala syang makapang galit sa kapangahasang ginawa nito. Wala syang kakayahang sumbatan ito dahil nanginginig ang kanyang mga tuhod.

                             "I think I'm in love with yoy," he said softly.

                             Para syang natuklaw ng sampung kobra sa pagkakatitig dito.

 

                             "Lasing ka ba? nauutal na tanong ni Kim kay Gerald nang makabawi sya sa pagkabigla.

                             Ngumiti ito. "Hindi."

                             "Nakadroga?"

                             "Hindi rin."

                             "May sapi ka ba."

                             "Wala." tila naaaliw na tugon nito.

                             "Ang ibig sabihin... nasa normal kang pag-iisip ngayon. Kaya ibig sabihin lang nagti-trip ka na naman." Itinulak nya ito sa dibdib. Nakawala sya mula rito. "Leave me alone," lumayo na sya rito.

                             "I love you Kimmy Ko!" malakas na sabi nito na nakapagpahinto sa kanya sa paglalakad. Huminto rin sa pagsasayaw ang mga tao sa paligid at tumingin ang mga ito sa kanila.

                              Suddenly she felt scared. Natakot syang malaman na hindi totoo ang sinabi nito, na nagbibiro lang ito. Because she new deep inside her she was hoping it was all true. She slowly turned around to face him. She sa anticipationshinning on his face. She was torn bet ween turning back to him and telling to go to hell.

                               Habang nakatitig sya rito ay na-realize nya kung bakit ito ang nasa isip nya nang mga nakaraang araw at kung bakit sa dalawang beses na hinagkan sya nito ay may kakaiba syang naramdaman. Nagkakagusto na rin kaya sya rito. Hindi nya alam kung pag-ibig na rin iyon ngunit isa lang ang alam nya. Gusto nya itong makasama.

                                Dahan-dahan syang lumapit dito habang hindi inaalis ang pagkakatitig dito.Nang makarating na sa harap nito ay huminga muna sya nang malalim bago nagsalita. "Totoo ba talaga ang sinasabi mo?"

                                He nodded. His eyes seemed to sparkle as he looked straight in her eyes.

                                "There's only one way to find out if you really mean it."

                                "And what is that?"

                                "Be my slave for a week."

                                His jaw dropped.

                                She smiled wickedly.

                                "Ang kapal mo tlga no? FYI hindi mo ako Kimmy. Hindi pa. At umalis na sya nang nakangiti.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jixxypit1 #1
Wow.. More pls. Kakakilig. Thx sa updates
b1_nipahut #2
yay!!kilig kiligan sa e.k. haahha...

thank u soo muccchhh


more

more

more
KG4life #3
Cute date for both of them :)
KG4life #4
Waaaaa nabitin...itinuloy sana yun ni kuya ge...lol :p
shammy_kg #5
waaaaaaaaaaaaaaa! Thank you readers for your appreciation! love you all! Sorry late update na naman... hehehe...

enjoy reading! :)
teddibear #6
Waaaaaaahhhh!!!! Soooooo sweet and kilig <3 thank you for updating! More more more! Hehe :"D
KG4life #7
Hahaha sila na :) tnx sa update :D
enderez #8
hello kimerald authors update naman pls...thanks
buang03 #9
Waaaaaaaaa. Please update ka na. Go go go
keeegeee #10
yey!! umamin na si Geraldo!!


I love the slave thingy!!! hahahha
woot woot!! goo Kimmy!!
sweet revenge!! :)

thank you shammy!