Chapter 2

Para Lang Sa'yo

                      Kim sighed in irritation. Kung hindi lang kasalanan ang pumatay, malamang ay hindi na lumaki pa si Gerald dahil noong nine years old pa ito ay itog na ito sa sobrang pagkaasar niya sa pagmumukha nito. Hinding-hindi niya makakalimutan ang unang asunto nito sa kanya....

                      

                      Nasa audience benches ng soccer field si Kim at ang kaibigan at kaklase niyang si Maja. May pinag-uusapan sila. Sa gitna ng pag-uusap nila ay nauhaw siya kaya tinungga niya ang mineral water bottle na dala nang bigla na lang may tumamang bola sa kamay niya dahilan upang mabitawan niya ang bote at tumapon ang laman niyon sa uniform niya. Napatili siya nang malakas at muntik pang mapaiyak sa inis nang makita ang basang uniform. Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng bola ay nakita niya ang grupo ng mga soccer players na kasalukuyang nagpapractice.

                      Nakatingin sa kanya ang mga ito. Pinandilatan niya ang mga ito. Wala man lang siyang narinig na sorry sa kahit na sino sa mga ito. Tila walang umamin kung sino ang nakatama ng bola sa kanya. Nahuli niya ang pagpipigil ng ngiti ng isa sa mga lalaki na tila gusto pang pagtawanan ang disgrasyang nangyari sa kanya.

                      Dala ang bolang tumama sa kanya ay pinuntahan niya ang mga ito. Malakas ang pakiramdam niyng ito ang nakatama sa kanya ng bola. Huminto siya sa harap nito at nakipaglaban ng titig dito. Kitang-kita niya ang pagkaaliw sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Guwapo sana ito kaya lang ay napaka-ungentleman. Mukang ikinaaaliw pa nito ang disgrasyang nangyari sa kanya.

                      "Mag-sorry ka," utos niya.

                      Ngumiti lamang ito. "Bakit naman ako magso-sorry? Hindi naman ako ang nakatama sayo."

                      "Hindi nga siguro ikaw ang nakatama. Pero pinagtatawanan mo ang nangyari sa akin," mataray na sabi niya

                      "Hindi kita pinagtatawanan."

                      "Really? So, why the smart- smile on your face?"

                      " Smart- smiling face lang talaga ako," sabi nitong parang hindi nainsulto sa sinabi niya.

                      " Ah, ganon? Tingnan ko lang kung makangiti ka pa." Itinapal niya sa muka nito ang bolang hawak niya. Nabigla ito ng bumagsak ito sa lupa tila nagulat ito sa ginawa niya pati na rin ang mga kaibigan nito. She turned her back with pride. Pero nagulat siya ng biglang magsalita ito.

                      "Tangerine.... nice color, huh?"

                      Her eyes widened. nang yukuin niya ang kanyang basang damit ay nakita niya na nakabakat ang kulay dalandan na bra niya. Tiningnan niya ito. Nakangisi ito.

                      " Bastos!" she hissed. Kaya pala halos nakatanga sa kanya ang mga kasamahan nito.

                      Inaasahan niyang nagalit ito sa ginawa niya rito kaya nang makasalubong niya ito sa corridor ilang araw pagkatapos ang insidenteng iyon ay hindi niya inaasahang ngingitian siya nito. Huminto pa ito sa tapat niya.

                      "Hi."

                      Hindi siya mapagtanim ng galit kaya di niya ito sinungitan. Isa pa ay guwapo iro kaya napagpasyahan niyang patawarin na lang ito "Hello," ganting-bati niya. Bagaman hindi nakangiti ay hindi naman siya nagtataray.

                      Nice to see you again... Kimberly," wika nito sabay alis.

                      Hindi niya alm kung pano nito nalaman at totoong pangalan niya pero hinayaan na lamang niya ito. Pero parang pamilyar talaga ang lalaking iyon sa kanya at parang nakita na niya ito hindi lang niya maalala. Nang biglang naalala niya ang batang lalaking lagaing nang-aaway sa kanya noon. "RJ!"

                      Ang sumunod na pagkikita nila ay sa school cafeteria. Palabas siya at papasok naman ito. Binati ulisiya nito.

                      " Hi, Kim."

                      "Shut up!" putol niya sa sasabihin nito. Nandidilat siya habang dinuduro niya ang dibdib nito. Anong ginagawa mo dito?!"

                      "Syempre dito ako nag-aaral. And we used to know each other way back. Hindi mo na ba ako naaalala?"

                      "Tinaasan niya ito ng kilay. "Really? pagmama-angmaangan niya. "Kung totoo man ang sinasabi mo, well hindi na ako magtataka kung bakit nakalimutan na kita. I don't store terrible people in my memory."

                      "Baligtad pala tayo. I typically remember horrible personalities rather than the good ones."

                      "She fumed. "You jerk!" 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jixxypit1 #1
Wow.. More pls. Kakakilig. Thx sa updates
b1_nipahut #2
yay!!kilig kiligan sa e.k. haahha...

thank u soo muccchhh


more

more

more
KG4life #3
Cute date for both of them :)
KG4life #4
Waaaaa nabitin...itinuloy sana yun ni kuya ge...lol :p
shammy_kg #5
waaaaaaaaaaaaaaa! Thank you readers for your appreciation! love you all! Sorry late update na naman... hehehe...

enjoy reading! :)
teddibear #6
Waaaaaaahhhh!!!! Soooooo sweet and kilig <3 thank you for updating! More more more! Hehe :"D
KG4life #7
Hahaha sila na :) tnx sa update :D
enderez #8
hello kimerald authors update naman pls...thanks
buang03 #9
Waaaaaaaaa. Please update ka na. Go go go
keeegeee #10
yey!! umamin na si Geraldo!!


I love the slave thingy!!! hahahha
woot woot!! goo Kimmy!!
sweet revenge!! :)

thank you shammy!