Chapter 8

Para Lang Sa'yo

                         "Kimmy..."

                         Mula sa swing house ay marahas na napasulyap si Kim sa bakod na naghihiwalay sa bahay nila at sa bahay ni Lola Rosa. Tinatawag na naman ni Gerald ang aso nito. Nandoon pa rin pala ang mokong na iyon. Ang akala nya ay umuwi na ito sa totoong bahay nito. Pinagalaw nya ang swing at ngumiti.

                         Hindi pa rin sya makapaniwala sa nangyari sa masquerade debut party ng kapatid ni Yana. Nang makauwi sya ng gabing yon ay halos hindi sya makatulog dahil sa kasiyahan sa nangyari. Gerald loved her. Masayang masaya sya na pumayag itong maging slave for a week.

                         Nautusan nya itong magwalis ng bakuran nila, maghiwa ng sibuyas, mag-encode ng term papers nya, at gumawa ng assignments nya sa Trigonometry. Hindi uubra sa kanya ang kaarogantehan at ka-macho-han nito. Nagsimula itong under the saya sa kanya at masaya sya dahil sa paraang iyon ay napapatunayan nito sa kany na totoo ang sinabi nito at isinigaw sa maraming tao sa party. Totoong mahal sya nito.

                         Sa loob ng isang linggo ay nalaman nyang ganoon na rin ang nadarama nya para dito. Ngunit natatakot syang ipakita dito na pareho sila ng mararamdaman. Natakot na kasi syang masaktan ulit.

                         "Kimmy..."

                         Napasimangot sya. Bakit ba hindi nya naisip na utusan itong baguhin ang pangalan ng aso nito? Wala na syang karapatang utos-utusan ito dahil tapos na ang term nito sa pagiging slave sa kanya. Not unless sagutin na nya ito. Kinilig sya sa naiisip. Sa nakalipas na isang linggo kasi ay napaka-sweet nito sa kanya kahit inaalipin nya ito. Inaasar pa rin sya nito ngunit handa naman itong mahampas dahil sa kalokohan nito. Masaya sya sa isang linggong nakasama nya ito nang hindi sila nag-aaway.

                         "Kim...."

                         Muli syang napasulyap sa bakod nang tawagin naman nito ang pangaln nya. Nakita nya itong nakasilip sa taas ng bakod. Hindi pala ang aso nito ang tinatawag nito kundi sya. He smiled as soon as he saw her look at him. She wanted to smile back but she held herself up. Baka kasi mahalata pa nito na tuwang tuwa syang makita ito at asarin na naman sya.

                         Itiniro nito ang hagdang kahoy sa bakuran nila. "Kim pakikuha naman niyon."

                         Nahulaan na nya ang gustong gawin nito. Gusto nitong mag-over the bakod sa kanila. She pouted.

                         "Ayoko nga. I'm not your slave anymore." Tumingala sya sa langit sasabihin sana nya na maraming stars kaso pagtingin nya dito wala na ito sa bakod nalungkot naman sya 'Ikaw kasi pakipot ka pa haaay' Umalis sya sa swing at lumapit sa bakod. Bakit ba nya kailangan pang ilihim ang nararamdaman para dito? Siguro natatakot na syang masaktan ulit at baka agawin lang ito ng iba at bumigay din. Siguro mahal sya ngayon ni Gerald. Pero pano kung katulad din pala ito ni Andy ay magbago din ang damdamin nito pagkalipas ng ilang buwan? Hindi kaya naging pabigla-bigla ito sa pagdedesisyon tungkol sa nararamdaman? but her heart was wishing otherwise. Sana ay hindi katulad ni Andy si Gerald.

                         "Gerald!" tawag nya dito. Nang walang sumagot ay kinuha nya ang hagdang kahoy atidinikit sa pader na bakod. Napagpasyahan nyang itigil na ang pagpapakipot at sundin ang puso nya. Umakyat sya sa hagdan upang tawagin ito mula sa itaas ng bakod. Nakita nya itong nakatayo at nakatingala sa bakod. Nagtama ang kanilang mga mata atngumiti ito ng nakakaloko.

                         "Sabi ko na nga ba, hindi mo rin ako matitiis."

                         "Hindi mo naman kasi kailangan itong hagdan para makapasok sa bakuran namin may gate naman kami."

                         Umakyat uli ito sa hagdan hanggang sa magkaharap na sila sa itaas ng bakod. "Palusot ka pa. Bakit kasi ayaw mo pang aminin na mahal mo rin ako?" He  teased smiling.

                         Inirapan nya ito. "Dun tayo sa swing."

                         Mayamaya ay nasa swing na sila.

                         "Akala ko umuwi ka na sa inyo."

                         "Na-miss mo ba ako?" pang-aasar na naman nito sa kanya. Dalawang araw din kasi silang hindi nagkita.

                         "She smile. "Miss mo mukha mo!"

                         "Na-miss kita," sabi nito habang titig na titig sa kanya.

                         Kinilig na naman sya sa sinabi nito ngunit hindi nya ipinahalata. Gusto nyang aminin dito ang na na-miss din nya ito pero kapag ginawa nya iyon ay para na rin nyang sinagot ito. "Bakit ayaw mo pang umuwi sa inyo? In the first place bakit ka nga pala nandyan sa lola mo samantalang may bahay naman kayo?"

                         Huminga ito ng malalim at pagkatapos ay lumipat ito sa tabi nya."You wanna know the truth?"

                         "Truth?"

                         "The reason why I choose to live next door."

                         "What is it?"

                         Umisod ito upang magkadikit sila. Hindi sya umiwas. She wanted him that close. Kung bakit kasi ang bangu-bango nito at ang gwapo pa. Naniniwala na syang mas gwapo ito kaysa kay Rico. He looked straight into her eyes and said. "You."

                         "A-ko?"

                         He nodded.

                         "Paano nangyaring ako?"

                         "Naalala mo ba nung una tayong nagkita sa school?"

                         "Nung tinamaan ako ng teammates mo ng bola at tumapon sa akin yung tubig na iniinom ko? Tapos tinapalan ko ng bola ang mukha mo dahil nainis ako sa pagkapilosopo mo."

                         "Tapos kulay orange pa nga yung---."

                         Hinampas nya ito sa balikat Nag blush sya sa pagtukoy nito sa bra nya na bumakat dahil sa nabasang uniporme nya.

                         "Alam ko nang ikaw si Kim na iyakin noong mga bata pa tayo. kaya ako napangiti nang makita kong ikaw ang natamaan ng bola. Akala mo pinagtatawanan ko iyong nangyari. Na-amuse lang ako dahil hindi ko inakalang palaban ka na. Noon kasi parati ka na lang umiiyak kapag tinitukso kita."

                         "Alam mo nang ako iyon? Ang ibig sabihin matagal mo na akong nakikita sa school?"

                         "Yeah. In fact nagkakasalubong pa nga tayo pero hindi mo akong pinapansin kasi palagi mong kasama yung boyfriend mong chekwa. Ayaw kong magpakilala kasi alam kong galit ka sa akin noong mga bata pa tayo."

                         Nagseselos ba sya? "So ano naman ang kinalaman nun sa pagtira mo sa bahay ng lola mo?"

                         He grinned. "Gusto kong ibalik ang childhood days natin. Na-miss ko kasi yung atungal mo eh ."

                         Hinampas nya uli ito sa balikat . "Salbahe ka talaga."

                         "Crush kita noon pa. Kaya ako tumira sa kabilang bahay para parati kitang nakikita. Inaasar kita kasi gusto kong napapansin mo ako. Nandaya ako sa pustahan at ginawa kitang slave kasi gusto kitang makasama. At noong yakapin mo ako sa dilim narealize kong mahal na kita."

                         Pakiramdam nya ay kinikiliti sya habang sinasabi nito ang mga salitang iyon. She looked away because she thought she couldn't contain her smile anymore. Napakasaya nya. Noon lang nya naramdaman ang ganoon katinding saya. Napabaling na lang sya ng maramdaman nyang hinawakan nito ang kamay nya. He entwined his fingers with hers.

                         "Kim... don't you feel the same about me?" he asked softly staring at her eyes anticipatingly.

                         Love was taking risks. Maniniwala sya dito dahil iyon ang gusto ng puso nya. Napapagod na rin kasi syang magatago ng totoong nararamdaman. "What do you think?" she teased.

                         "Say it. Say that you love me too."

                         Hindi sya umimik gusto pa nyang asarin ito.

                         Mukang hirap na hirap na ito sa paghihintay kaya nagsalita na sya. "I love you too," she said almost a whisper.

                         She saw her face shine from happiness. He gathered her in his arms. Gumanti sya ng yakap din dito. Hindi na nya kailangan pang pigilin ang mga gustong gawin. Nang magbitiw sila ay bumaba ang mga mata nito sa mga labi nya. She knew he wanted to kiss her. She wanted his kiss too.

                         Pipikit na sana sya nang biglang nyang marinig ang tinig ng kanyang ina. Napatayo sya bigla at tumingin sa pinto ng bahay. Ang akala nya ay sya ang tinatalakan nito. May kausap pala ito sa telepono. Muli syang umupo sa swing ngunit dumistansya sya kay Gerald. Baka kais biglang lumabas ang kanyang ina at makita silang nagyayakapan. Alam nito na nanliligaw sa kanya si Gerald. Nang tingnan nya si Gerald ay nakita nyang nakatingala ito sa kalangitan. Tumingala na rin tuloy sya. "Ang daming stars no?"

                         "Pa-kiss naman o," biglang sabi nito.

                         Uminit ang pisngi nya sa sinabi nito. "Ano ka ba? Baka biglang sumilip si mama lagot tayo."

                         "Please?"

                         "Sige na nga pero pinge lang ha." Iniumang nya ang kanyang pisngi ngunit naramdaman nya ang kamay nito na humawak sa kanyang baba upang iharap dito ang mukha nya. Naalarma sya. Bago pa sya makahuma ay sinakop na ng mga labi nito ang kanyang mga labi. Parang part two iyon ng ginawa nito sa kanya sa kissing booth. Ang kaibahan nga lang mapusok ang halik na iginawad nito sa kanya ngayon. He seemed hungry with the way he kissed her. It was as if her lips were edible. Soon she was returning his kisses as eagerly as he was giving them.

                         "Kimberly!"

                         Napabitiw sya bigla kay Gerald. Halos sabay pa silang yumuko upang magtago mula sa kanyang ina.

                         "Kimberly daw. Tinatawag ka ng mama mo." sabi nito na nakangiti.

                         She made a face.

                         "Nasaan na ba ang batang iyon? Bigla-bigla na lang nawawala." aburidong wika ng kanyang ina.

                         The both suppressed laughter.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jixxypit1 #1
Wow.. More pls. Kakakilig. Thx sa updates
b1_nipahut #2
yay!!kilig kiligan sa e.k. haahha...

thank u soo muccchhh


more

more

more
KG4life #3
Cute date for both of them :)
KG4life #4
Waaaaa nabitin...itinuloy sana yun ni kuya ge...lol :p
shammy_kg #5
waaaaaaaaaaaaaaa! Thank you readers for your appreciation! love you all! Sorry late update na naman... hehehe...

enjoy reading! :)
teddibear #6
Waaaaaaahhhh!!!! Soooooo sweet and kilig <3 thank you for updating! More more more! Hehe :"D
KG4life #7
Hahaha sila na :) tnx sa update :D
enderez #8
hello kimerald authors update naman pls...thanks
buang03 #9
Waaaaaaaaa. Please update ka na. Go go go
keeegeee #10
yey!! umamin na si Geraldo!!


I love the slave thingy!!! hahahha
woot woot!! goo Kimmy!!
sweet revenge!! :)

thank you shammy!