Chapter 3

Para Lang Sa'yo

 

Continuation.....

                        Kung hindi lang siya inawat at hinila ni Maja dahil late na sila sa klase ay hindi niya ito lulubayan. Sino ito para sabihing may horrible personality siya?     Napagod na ang utak niya sa kakaisip kung sino talaga ito. Hindi rin nakatulong ang kaunting naresearch niya tungkol dito.

                        Gerald Anderson. Kahit ang pangalan nito ay hindi pamilyar sa kanya. Nalaman niya isa itong senior Industrial Engineering student at player ito ng soccer varsity team. Pero hindi talaga niya naalalang kilala niya ito.

                        Ngunit nang makita niya ito sa bahay ni Lola Rosa isang araw ay nagkaroon siya ng hinala kung sino talaga ito. Nakumpirma niya ang hinalang iyon nang marinig niya ang pag-uusap nito at ng kanyang mama. Nalaman niya na ito pala ang salbaheng batang si RJ. Hindi lang niya maintindihan kung bakit naroon ito sa bahay ng lola nito gayong sa pagkakaalam niya ay mansiyon ang bahay ng mga Anderson sa isang First class village.

End of flashback...

 

                               Naputol ang pagbabalik-tanaw niya nang mag-ring ang kanyang cell phone. Galing sa pinsan niyang si Mel ang text message na natanggap niya, tinatanong nito kung handa na siya sa plano nilang gagawin. Balak nilang isagawa ang scheme na binabalak nilang magpipinsan laban kay Nina. Plano nilang sirain ang relasyon ni at ni Rico upang malaman nito kung gaano kasakit ang mawalan o lokohin ng nobyo. gusto nilang gantihan ito sa ginawang pang-aakit kay Andy na naging dahilan ng pagkasira ng relasyon nila ng dating nobyo. Dalawang taon na ang nakakalipas simula nang magtagumpay si Nina na saktan siya ngunit noon lang nila napagdesisyinang gumanti. Kung hindi pa nila ito nkasalubong noong isang linggo ay hindi pa mabubuo ang planong pabagsaking ang feeling-prinsesang kapitbahay. Tinawag silang "loser" ni Nina at nilait-lait ang love-life niya. Kesyo mabuti pa ito at may love-life at masaya sa nobyo samantalang loveless silang magpipinsan.


                                Nag-init ang ulo niya sa mga sinabi nito. Ganumpaman ay hindi naulit ang insidente kung saan nagrambulan sila at pinagtulungan nilang magpinsan si Nina dahil sa ginawa nito noon sa kanya. Nakapangako kasi sila sa mga mgaulang nila na hindi na mauulit ang away na iyon. Pabor sa kanya ang planong iyon. Dahil kapag nagkalayo na ang dalawa ay magkakaroon sya ng pagkakataon para mapansin ni Rico. In short crush nya si Rico.  

                                Umisip na lang sila ng paraan upang mawala ang pinagyayabang na lovelife nito. Gagawa sila ng paraan para layuan ito ni Rico.

                                Pero hindi pa rin sya nagtagumpay na makalapit man lang kay Rico para kausapin ito. After a week of working secretly to break Rico and Nina apart, everything came to nothing.

                                Nasa bakuran sila ng kanilang bahay na magpipinsan para pagplanuhan kung ano na ulit ang susunod nilang plano nang marinig nya ang pangalan nya.

                                "Kimmy..." 

                                "Bakit?" she snapped. Kapagkuwan pinanlakihan sya ng kanyang mga mata nang marealize kung saan nanggagaling ang pagtawag at kung sino ang may ari ng tinig na iyon. Lumipad ang tingin nya sa bakod.

                                "Tsu, tsu, tsu... Kimmy..."

                                Uminit ang mukha nya sa inis. Walanghiyang Gerald ito! Tinatawag na naman nito ang aso nito. Sinandya pa nito iyong iparinig sa mga pinsan nya upang ipahiya siya. Sa inis ay hinubad niya ang kanyang tsinelas ay ibinato sa kabilang bakuran.

                                "Shut up, you freaking super jerk!"

 

 

                                Nang araw na iyon ay maaga siyang pumasok upang magkaroon siya ng pagkakataong makagawa ng hakbang para iwan ni Rico si Nina.

                                "Sakay na."

                                Napasulyap siya sa kotseng sumusunod sa paglalakad nya palabas ng village. Uminit ang kanyang ulo nang makita nya si Gerald. He was driving a topdown Ford model. He was smiling at her as if they were not enemies. 

                                "No, thanks" paismid na sabi nya.

                                "Sige na. Don't be shy. Pareho naman tayo ng pupuntahan eh. Sa school ka rin pupunta diba?"

                                Napahinto sya sa paglalakad at hinarap nya ito. 

                                "What is your problem? I can't believe you're talking to me now as if we're in good speaking terms."

                                He kept smiling. "I don't wanna wrangle with you now. Come on, hop in."

                                She snorted. "And what made you think you can make me ride in your car?"

                                "Kung si Rico ba ang mag-aalok sa iyo, tatanggihan mo ba?"

                                "Siyempre naman hin--" Natigilan siya. "Paano mo nalaman ang tungkol kay Rico?"

                                Ngumisi ito. "Hindi ka magugustuhan ni Rico."

                                Pinandilatan nya ito. "Anong sabi mo?"

                                "Kakilala ko si Rico. Naging kaklase ko siya sa dalawang subjects noong first year. May barkada akong kabarkada din nya kaya minsan nagkakasama kami sa mga gimikan. Madalas ko syang nakikita sa mga bars at nakakalaro ng billiards. Nagkakakuwentuhan kami kaya may mga bagay akong alalm tungkol sa kanya. Kasama na roon ang tungkol sa tipo niyang babae. So... take it from me. Hindi ka nya magugustuhan."

                                She gritted her teeth. Ngalingaling sipain nya ang kotse nito. "Ang yabang mo talagang hudas ka! Sumusobra ka na talaga sa panlalait sa akin!"

                                I'm just concerned about you, Kimber--"

                                "All right, Kimmy--"

                                "Shut up!" Pakieamdam nya ay ang aso nito ang tinatawag nito at hindi siya.

                                "What do you want me to call you then?"

                                "Nothing. Wag mo na akong tatawagin at kakausapin kahit kailan." 

                                Inirapan nya ito at itinuloy na nya ang paglalakad. Sa inis nya ay umagapay pa rin ang kotse nito sa kanya.

                                "What about Sue?"

                                "Leave me alone!"

                                "Hop in. Mahirap mag-commute kapag ganitong oras."

                                "Mas mamatamisin ko pang maglakad kaysa sumakay sa kotse mo." Ang kapal talaga ng mukha nito. Pagkatapos syang lait-laitin nito ay pipilitin pa rin syang sumakay sa kotse nito.

                                Binuksan nito ang pinto ng kotse nito. "Sumakay ka na kung ayaw mong sabihin ko kay Rico ang binabalak ninyong magpipinsan laban sa kanya at kay Nina."

                                Napapreno sya sa paglalakad. Nahulog ang hawak nyang folder sa pagkabigla. Dahan-dahan nyang binalingan ito at sa nanlalaking mga mata ay nakita nya ang malademonyong ngisi nito.

                                "Ano? Sasakay ka ba o ibubuking ko kayo kay Rico?"

                                Wala na syang nagawa kundi ang sumakay sa kotse nito.

                                "Pano mo nalaman ang tungkol sa bagay na iyon?"  

                                "Noong nambato ka ng tsinelas sa bakod namin, remember? Natamaan pa nga iyong halaman ni Lola Rosa at iyong tsinelas mo ginawang teether ni Kimmy." Ngingisi-ngisi ito.

                                "Nakikinig ka sa usapan namin? How dare you!"

                                "Hindi ko sinasadyang makinig. Kayo ang malakas ang boses. Lalo ka na. Para kang naka-megaphone. Kung sekreto pala ang pinag-uusapan nyo, dapat ay pumasok kayo sa loob ng bahay nyo para walang nakarinig."

                                Tiningnang niya ito ng masama. "Malay ba namin na may tsismoso pala sa paligid? Wag na wag mong ipagsasabi ang sekreto namin kahit kanino, lalung-lalo na kina Rico at Nina. Naiintindihan mo ba?"

                                "Hmmm.... pag-iisipan ko pa."

                                "Anong pag-iisipan? Sumakay ako sa kotse no kahit ayoko. Pagkatapos ngayon, sasabihin mong pag-iisipan mo pa?"

                                "Mali ang binabalak nyo para sa dalawang iyon."

                                "Hanggang saan ba ang alam mo? Nag-rely ka lang sa mga narinig mo kaya mo nasasabi yan. Hindi mali ang ginagawa naming paghihiganti. Nina deserved it. Kailangan maranasan din nya kung gaano kasakit ang ginawa nya sa akin nang agawin nya sa akin Si Andy."

                                "Iyon lang ba tlga ang dahilan kung bakit gusto mong maghiganti kay Nina?"

                                Parang alm nitong may iba pa syang motibo. Di siya nakaimik.

                                "Dahil kay Rico? Dahil may gusto ka sa kanya?

                                "Hindi ako ganoon kababaw. Wala kang alm kaya wag ka nang makialam. Just zip up your lips."

                                "I'm telling you kahit mag-break sila hindi ka pa rin papansinin ni Rico. At iyang binabalak mong pagpapacute sa kanya wala ka pa ring mapapala."

                                "Ang sama talaga ng ugali mo! Kapag na-in love sa akin si Rico kakainin mo yang sinabi mo."

                                "Itataya ko pa ang buhay ko. Magpapakain ako sa buwaya kapag na-in love sya sayo."

                                Hindi na nya napigilan ang sarili hinapas nya ito sa balikat.

                                "Aray! Ang sakit nun ah!"

                                "I'll take that word. kapag na-in love sa akin si Rico, sabay ka naming panonoorin habang ipinapakain mo ang sarili mo kay Lolong."

                                He laughed. "Okay, deal. Pero kapag hindi sya na-in love sayo, which is for sure, you'll turn yourself into my slave for a month."

                                "What?!"

                                "All right. Baka sabihin mo naman sobrang sama ako. One week na lang."

                                "Ang kapal ng mukha mo. gusto mo akong gawing katulong? Bakit naman ako papayag na magpaalipin sayo aber?"

                                "Hindi mo ba nahahalatang nakikipagpustahan ka na sa akin?"

                                "Sino may sabing nakikipagpustahan ako sayo? Ikaw ang nagboluntaryong magpakain sa buwaya." Inungusan niya ito.

                                "Ang sabihin mo takot ka lang makipagpustahan dahil alam mong hindi ka sigurado na kaya mo ngang mapaibig si Rico."

                                She growled in irritation. Iyaon na siguro ang pagkakataon para mapatunaya nya dito ang kamndang ng karisma nya, ang pagkakataon para maipamukha nya dito na mali ito sa pangmamaliit nito sa kanya nang tumigil na ito sa mga panlalait nito sa kanya.

                                "Okay, DEAL!"

                                Lumawak ang ngit nito.                         

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jixxypit1 #1
Wow.. More pls. Kakakilig. Thx sa updates
b1_nipahut #2
yay!!kilig kiligan sa e.k. haahha...

thank u soo muccchhh


more

more

more
KG4life #3
Cute date for both of them :)
KG4life #4
Waaaaa nabitin...itinuloy sana yun ni kuya ge...lol :p
shammy_kg #5
waaaaaaaaaaaaaaa! Thank you readers for your appreciation! love you all! Sorry late update na naman... hehehe...

enjoy reading! :)
teddibear #6
Waaaaaaahhhh!!!! Soooooo sweet and kilig <3 thank you for updating! More more more! Hehe :"D
KG4life #7
Hahaha sila na :) tnx sa update :D
enderez #8
hello kimerald authors update naman pls...thanks
buang03 #9
Waaaaaaaaa. Please update ka na. Go go go
keeegeee #10
yey!! umamin na si Geraldo!!


I love the slave thingy!!! hahahha
woot woot!! goo Kimmy!!
sweet revenge!! :)

thank you shammy!