Chapter 1

Para Lang Sa'yo

                       Nakasimangot si Kim habang nagwawalis siya ng bakuran ng kanilang bahay. Para kasi sa kanya ay hindi siya ipinanganak para lang humawak ng walis - tingting. She should be in her room, specifically in front of her chest mirror, brushing her long hair with her pink hairbrush and smiling at her reflection like a real princess.

                       Huminga siya ng malalim. hindi niya maiwasang isipin ang posibilidad na siguro noong past life niya ay isa siyang prinsesang maldita kaya pinarusahan siya sa kanyang present life, Kaya ngayon ay nagwawalis na lang siya ng mga tuyong dahon at nagdidilig ng halaman.

                       What a pity.

                       Thanks to her older sistar Anastasia or "Anne". Ito ang gumagawa dati ng mga gawaing iyon. Nang mag-asawa ito at lumipat sa mansiyon ng asawang si Sam Milby ay ipinamana nito sa kanya ang mga gawain nito. Napilitan siyang Tanggapiniyon kung hindi ay kurot sa singit ang aabutin niya sa kanilang ina na si Zenaida or "Zhenny".

                       Masaya siya para sa kanyang ate. Ikinasal ito noong Isang buwan at siya ang maid of honor nito. Napakasuwerte nito. Gwapo na ang asawa ay mayaman pa. Napakaganda pa ng love story ng dalawa. Napabuntong-hininga siya. Tumingala siya sa langit at ngumiti. Nabitawan niya ang walis-tingting. Bumagsak iyon sa lupa at nasagi niyon ang pandakot kaya kumalat uli ang mga winalis niya.

                       Naging abala siya sa pagde-daydream. Gusto rin niyang maging maganda ang love story niya ng kanyang Mr. Right . She wanted to meet him in the most romantic way. he was tall, rich and handsome. He would treat her like a princess. He would love her so mush. Hindi siya sasaktan nito. At higit sa lahat hindi siya pagwawalisin nito. Magiging masaya sila habang-buhay. She put both of her hands on her cheeks. She could fell they were flushed. She smiled widely.

                       "Kimmy..."

                       Nabitawan niya bigla ang mga pisngi pagkarinig niya sa bosos lalaking tumawag sa kanya. Lumipad ang tingin niya sa gate ng kanilang bahay at bigla ay napasinghap siya sa naisip. May naghahanap bang lalaki sa kanya? Manliligaw ba niya iyon? Umagang-umaga ay mau umaakyat ng ligaw sa kanya? Nahigit niya ang hininga nang maisip ang dalawang makukulit na manliligaw niya. Sa pagkakatanda niya ay pinagbawalan niya ang dalawa na puntahan siya sa kanilang bahay. Tinapat na rin niya ang mga ito na wala siyang gusto sa mga ito ngunit sadyang makukulit ang dalawa sa panunuyo sa kanya at mukang nagpapaligasahan pa.

                       She Gritted her teeth. Sini kaya ang malakas ang loob na dalawin siya sa kanilang bahay nang ganoong oras? Ang mukang lampang si Onyx o ang nerd na si Simon? Papalapit na siya sa gate nang marinig uli niya ang tinig.

                       "Kimmy..."

                       Her eyes widened. Hindi sa gate nanggagaling ang tinig. Marahas ang ginawa niyang pagbaling sa bakod na naghihiwalay sa kanilang bahay at sa katabing bahay. Hindi siya Maaaring magkamali. Galing ang tinig sa kabilang bakuran. She snorted and jerked her eyebrow. Kahit iba ang tunog ng boses ay nakasisiguro siyang si Gerald iyon.

                       Isang buwan nang nakakalipat ang damuhong iyon sa kabilang bahay. At sa loob ng isang buwang iyon ay wala itong ginawang mabuti sa buhay niya. Lagi nitong pinag-iinit ang ulo niya dahil sa mga pang-aasar nito. He was the most insensitive, annoying jerk she had ever know.

                       Schoolmate niya ito. Noong una, ang akala niya ay doon niya ito unang nakilala. Hindi pala. Kapitbahay na pala nila noon dati pa ang damuho. Ito pala si  "RJ" ang siyap na taong gulang na batang lalaki na salbahe at parating nandidila sa kanya noon. Mahilig itong manukso a manira ng laruan. Sa tuwing nagkikita sila parati siyang inaaway nito.

                       Si Lola Amor lang ang nakatira roon sa bahay na iyon. Anak nito ang una ni Gerald na si Tita Vangie. Pansamantalang nanirahan doon ang mag-ina dahil nakipaghiwalay daw sa asawa si tita Vangie. Sa maikling panahon ay naging magkaibigan ang mga magulang nila. Ikinayamoy niya noon ang bagay na iyon dahil parati niyang nakikita si Gerald. Siyam na taong gulang na ito pero kung umasta ay tila limang taong gulang lamang.

                       Palagi nitong sinasabi na lampa at payatot daw siya. Kapag isinisigaw nito iyon ay umiiyak siya. Sa tuwing nag-aaway sila ay ipinagtatanggol siya ng Ate Anne niya. Tiklop ito sa kanyang ate dahil kahit bata pa ang kapatid niya at matapang na ito.

                       Isang araw ya bigla na lang niyang hindi nakita ito. Iyon pala ay nagkabalikan na ang mga magulang nitokaya bumalik na sa Amerika ang mga ito. Laking tuwa niya dahil wala nang salbaheng bata na aaway sa kanya. But he was back fourteen years later. Hindi na nga ito ang ang siyam na taong gulang na batang mahilig manira ng laruan at mandila ngunit salbahe pa rin ito at mahilig mang-asar.

                       "Kimmy..." Muli ay narinig niya ang pagtawag nito.

                       Bakit ba siya tinatawag nito na para bang close sila? Wala sana siyang balak pansinin ito ngunit narindi siya sa pagtawag nito. Lumapit siya sa tabi ng pader na bakod na naghihiwalay sa bahay nila. "Bakit ba?" sigaw niyarito.

                       "Kimmy..." Patuloy pa rin ito sa pagtawag.

                       "Bakit nga?" Bingi ba ito? Hindi ba siya naririnig nito?

                       "Kimmy nasaan ka na ba?"

                       "Hello! Nandito ako sa kabilang bakod." Pinaikot pa niya ang kanyang mga mata.

                       " Kimmy... tsu, tsu, tsu..."

                       Nanigas ang panga niya. Bakit kailangan nitong sumutsot? Ano ang akala nito sa kanya. aso?

                       " Kimmy! Nandiyan ka lang pala eh."

                       Napanganga siya nang may marinig na maliit na kahol ng isang tuta. May aso talaga? Dali-daling kuniha niya ang kahoy ma hagdan sa isang parte ng bakod at inihilig iyon sa bakod. Nang akyatin niya iyon hanggang sa tagpong nakita. Kausap ni Gerald ang isang tuta habang hinahaplos nito ang balahibo niyo.

                       " Kimmy, kung saan -saan ka nagsususuot. Ang hirap mong hanapin."

                       Napadiin ang pagkakahawak niya sa bakod. Ipinanganlan nito sa kanya ang aso nito> Kung hindi ba naman ito walang kasing-walanghiya! "Hoy! Sino'ng maysabi sayo na gamiton mo ang pangalan ko sa hayop na iyan?" sigaw niya rito.

                       Saka lang ito tumingin sa kanya. Tila noon lang siya nito napansin. Ngumisi ito na lalong ikinairita niya. Alam niya kung bakit nito ginamit ang pangalan niya. Gusto na naman nitong asarin siya at pakuluin ang dugo niya. Malamang ay pinagtatawanan siya nito habang sumasagot siya sa bawat pagtawag nito sa pangaln niya samantalang ang aso pala nito ang tinatawag nito.

                       "Pangalan mo? Bakit wala na bang karapatan ang aso kong tawaging Kimmy? Aba ang damot mo naman!"

                       Pinandilatan niya ito.

                       " Ang besides, my little Labrador suits that name more than you do." Yumuko ito sa tuta. " Right, Kimmy?"

                       " You super annoying bastard! Baguhin mo ang pangalan ng kasing-hayup mong alaga ngayon din!"

                       Lalong lumapad ang pagkakangisi nito. " Bakit ko naman gagawin iyon?"

                       Dahil hindi ko mapapayagan na may kapangalan akong aso!"

                       "Bakit ba eh s kung ito ang gusto kong ipangalan sa aso ko tsaka mas cute naman siya sayo." Sinundan pa nito ng tawa ang sinabi.

                       Tuluyan na siyang napuno dito sa galit. " I hate you!" Patiling angil niya rito. Gusto niyang maiyak sa galit. Pumasok na ito sa loob ng bahay at hindi na pinansin ang pagwawala niya. "May araw ka rin sa akin, lalaki ka! tandaan mo. Balang-araw, magagantihan din kita sa laht ng mga kasamaan mo! Salbahe ka! Mayabang!"

                        "Hoy Kim anak! Ano bang ginagawa mo riyan, bata ka?"

                        Napahawak siya sa dibdib. Padabog na bumaba siya ng hagdan at hinarap ang ina. "Ma, I can't stand that super jerk anymore. Lumipat na tayo ng bahay."

                        "Ano?"

                        "Ma, siya ang magiging dahilan ang paglitaw ng mga premature wrinkles ko, ng maagang pagkakaroon ko ng high-blood preasure at malamang siya rin ang maging dahilan kung sakaling magkaroon ka ng anak na kriminal." Ikinuyom niya ang dalawang kamay.

                        Sa inis niya ay tumawa lang ito sa sinabi niya.

                        "Ma? Natutuwa ka pa na baka magkaroon ka ng anak na kriminal?"

                        "Alam kong hindi mo kayang pumatay, anak. Ipis nga lang, takot na takot ka, tao pa kaya?"

                        "Hindi tao si Gerald, Ma. Monster. Beast. Bakulaw."

                        Hindi nawala ang pagkakangiti nito. "May bakulaw bang ganoon kaguwapo?"

                        "Guwapo? Eewwww... super eeww... Pwede ba? Naalibadbaran ako sa kanya!" Di hamak na mas gwapo kaysa kay Gerald si Andy Wu, her dream guy, a sebior Architecture student and a campus heartthrob. Si Andy ang kabuuan ng lalaking pinapangarap niya. Iyon nga lang ay may nobya na ito na ubod naman ng arte kaya hindi nito napapansin ang beauty niya.

                        "Mam I think you need to see an ophthalmologist. Malabo na ang mga mata mo. May astigmatism pa yata kayo dahil distorted na ang paningin nyo. Guwapo ang tingin nyo kay Gerlad eh.

                        "Asus, itong batang ito. Sa kakaganyan mo kay Gerald baka siya pa ang makatuluiyan mo eh."

                        Tila gusto niyang isuka ang kinain niya kaninang breakfast. "Super-duper eeww! Kung siya lang din ang makakatuluyan ko, magsu-suicide na lang ako. Mukang mas masarap pang magbigti kaysa makasama siya habang-buhay. pumasok na mga po kayo Ma bago ko pa makalimutang ina ko kayo nang dahil sa sinabi nyo.

                        Umiling-iling ito nang masilayan ang winawalis niya na kalat at ang pandakot na nakahiga. She rolled her eyes. Uulitin na naman niya ang pagwawalis.
                        "Pinagwawalis kita pero sang pagsilip sa ibang bakuran ang inaatupag mo. Bilisan mo na riyan at pumasok ka na."

                        "Ma kailan po tayo lilipay ng bahay?" pahabol na sabi niya.

                        "Hindi tayo puwedeng lumipat ng bahay. Magwalis ka nalang diyan."

                        Napalabi siya. "Nasusungit na naman si Aling Zenaida," biro pa niya. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jixxypit1 #1
Wow.. More pls. Kakakilig. Thx sa updates
b1_nipahut #2
yay!!kilig kiligan sa e.k. haahha...

thank u soo muccchhh


more

more

more
KG4life #3
Cute date for both of them :)
KG4life #4
Waaaaa nabitin...itinuloy sana yun ni kuya ge...lol :p
shammy_kg #5
waaaaaaaaaaaaaaa! Thank you readers for your appreciation! love you all! Sorry late update na naman... hehehe...

enjoy reading! :)
teddibear #6
Waaaaaaahhhh!!!! Soooooo sweet and kilig <3 thank you for updating! More more more! Hehe :"D
KG4life #7
Hahaha sila na :) tnx sa update :D
enderez #8
hello kimerald authors update naman pls...thanks
buang03 #9
Waaaaaaaaa. Please update ka na. Go go go
keeegeee #10
yey!! umamin na si Geraldo!!


I love the slave thingy!!! hahahha
woot woot!! goo Kimmy!!
sweet revenge!! :)

thank you shammy!