Chapter 5

Para Lang Sa'yo

                          NAGTATAGIS ang mga bagang ni Kim habang pinupunasan nya ang center table sa sala ng bahay ni Lola Rosa. Hindi dapat sya papayag na magpaalila kay Gerald sa loob ng isang linggo. Kaya lang ay nakita nya nang nagdaang araw sa corridor ng university na kausap ni Gerald si Rico. Kinabahan sya nang makitang tila seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa. Naisip nyang baka sinasabi na ni Gerald kay Rico ang tungkol sa sekreto nya. Napilitan tuloy syang lumapit ng kaunti sa mga ito upang pasimpleng pakinggan ang usapan ng mga ito.

                          "Alam mo pare may sasabihin ako sayo." sabi ni Gerald "Hindi ko na kayang itago itong nalalaman ko kailangan ko nang sabihin ito sayo..."

                          Hindi nya alam kung saan sya kumuha ng lakas ng loob upang biglang umeksena sa usapan ng mga ito. Kumapit sya sa braso ni Ge na mukha namang hindi nagulat sa biglang paglitaw nya.

                          "Honey nandito ka lang pala! Kung saan-saan kita hinanap akalo ko ba kakain tayo ng snack? Halika na." Naalibadbaran sya sa pagtawag ng endearment dito pero kailangan nyang umarteng nobya nito dahil iyon ang pakilala nito sa kanya kay Rico.

                          "Pare saka ko na lang sasabihin sayo. Mukhang nagugutom na itong baby ko eh."

                          Baby? Eeww... 

                          Kinompronta nya ito nang makalayo sila kay Rico. Sya ang lumabas na talo kaya alipin sya nito.

                          "Anong itinutunga-tunganga mo riyan?"

                          Nakatayo sa harapan nya ang kanyang evil master. At bakas sa mukha nito ang pagkaaliw. Tiningnan nya ito ng matalim.

                          "Ipagluto mo ako ng dinner" utos nito.

                          Padabog na tumayo sya mula sa pagkakaluhod sa sahig at inihagi dito ang basahan. Tumama iyon sa dibdib nito inirapan nya ito pero tinawanan lang sya nito. "Oh I hate him to pieces" bulong nya habang naghihiwaya ng sibuyas.

                          Kanina ay pinakain nya ang aso nitong akala nya ay maamo ngunit pasaway rin pala katulad nito. Awang-awa sya sa sarili. Tumulo ang mga luha nya pinamiserable pang lalo ng sibuyas na hinihiwa nya ang buhay nya.

                          "Why are you crying?"

                          Napatingala sya kay Gerald. Bakit parang iba ang hilatsa ng mukha nito ngayon? Hindi ito nakangisi at walang anumang bakas ng pagkaaliw sa mukha habang pinagmamasdan ang kamiserablehan nya. Para bang may pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.

                          "Ayaw mo bang magluto?"

                          Umiling sya wala sya sa mood na makipag-away dito dahil masakit talaga ang mata nya. Isa pa naninibago sya sa timbre ng boses nito. He spoke softly as if he cared. It was her first time to hear him speak like that. Nkakaapekto rin ba sa tainga ang paghihiwa ng sibuyas? Ay engot!

                          "All right." sabi nito. "Sa labas na lang tayo kumain."

                          "Huh?"

                          Lumapit ito sa kanya hinawakan sya nito sa braso at hinila sya patayo. Sa pagtataka nya ay ito pa ang naghubad ng apron nya. Ngunit ang mas ikinagulat nya ay pinahid pa nito sa pamamagitan ng mga daliri ang mga luha nya.

                          "Come on kumain tayo sa labas." Pinagmasdan pa nito ang ng tingin ang suot nya. "Your dress is fine. Tara na." Hinila na sya nito palabas.

                          Binawi nya ang kamay nya mula dito. Siguradong may binabalak ito kaya kunwari ay nagbabait-baitan sa kanya. She wasn't a total fool to fall into his trap again. "Kumain kang mag-isa mo may bahay akong pwedeng kainan." Pero bago pa sya makalabas ng tuluyan ay hinila na nman sya nito.

                          "Get in the car."

                          "Bakit ba kailangan mo pa akong isama? Dahil ba kailangan mo ng tagasubo sayo ng pagkain?"

                          Ngumisi ito. "Yeah. Kailangan ko rin ng tagapunas ng bibig ko."

                          She sheered at him. The beast was back. Sinasabi na nga ba nya at nagbabait-baitan lamang ito kanina.

                         

                          Hindi makakain ng maayos si Kim. Hindi sya makapaniwalang kumakain syang kasama si Gerald.

                          "Hey kakain ka ba o titigan mo na lang ako nang masama?"

                          Inirapan nya lang ito at kumain na.

                          "Kung iiyakan mo ang pagluluto gabi-gabi dahil hindi ka marunong magpapa-deliver na lang tayo ng dinner sa bahay."

                          "Bakit ba kung makapagsalita ka ay parang nakatira ako sa bahay mo? Hindi ko iniiyakan ang pagluluto. Marunong akong magluto. Nakakaiyak lang talaga ang paghihiwa ng sibuyas."

                          "Dahil sa sibuyas kaya ka umiiyak kanina?"

                          "Oo. hindi mo ba alam na nakakaiyak ang sibuyas kapag hinihiwa?"

                          He slightly winced. "Akala ko pa naman...." Hindi na nito itinuloy ang sinasabi. "Bukas magluto ka na ako na lang ang maghihiwa ng sibuyas." Ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis sa kanya. Infairness ang gwapo pala nya. Ano ba! kinikilig ka ba? Hindi kaya! kontra ng isip nya.

                          "Pangalawang gabi na ito ng pagiging slave ko sayo master Anderson." sarkastikong sabi nya.

                          Tumango lamang ito.

                          "Hindi mo na rin ipagsasabi ang sekreto namaing magpipinsan."

                          "Pag-iisipan ko pa."

                          "Anong pag-iisipan mo pa?"

                          "You're my slave for a week beacause you lost the bet. Hindi iyon kabayaran sa pagtahimik ko."

                          "You are really despicable. Hanggang kailan mo ako paglalaruan?"

                          "Hanggang hindi nyo itinitigil ang ginagawa nyo laban kina Rico at Nina."

                          "What?"

                          "Tell your cousins to stop plotting against them. kahit pa may kasalan sayo si Nina di pa rin tama na gantihan mo sya. Baka mapahamak lang kayo."

                          "Who are you to tell waht's proper? Isipin mo muna ang mga ginawa mo bago ka pumuna ng mali ng iba."

                          "You don't understand..."

                          "Ewan ko sayo!"

  

                          'Haaay Gerald.... baliw ka na baliw na baliw ka na talaga sa babaeng yon.' 'Ano bang nagustuhan mo don eh ang taray taray nun mapanakit pa, kawawa ka nga dun palagi eh.' 'Pero ang ganda ganda nya talaga kahit ang pagtingin na lang sa kanya ang gawin ko buong araw solve na ako.' Torpe ka kasi eh di mo pa masabi ng diretso na may gusto ko sa kanya! parati mo pang pinagtritripan ayan tuloy galit na galit na sayo.' 'Oo na torpe na kung torpe eh ano gagawin ko natatakot akong baka mas lalo syang magalit sa akin kapag inamin ko agad. Kaya nga ginawa ko tong kalokohan na to para mapalapit sa kanya at para sa akin na lang nya ibaling ang pagkagusto nya sa Rico na yon!' Pagkausap nya sa sarili nya. (baliw nga tsk tsk! hahaha!)

                           Teka asan na ba yung babaeng yun Saturday naman ngayon ah dapat andito na yon. Kinuha nya ang cellphone nya para tawagan ito.

                           "Hello hudas?" sagot ni Kim sa tawag.

                           "Ano ba may pangalan naman ako ah! Aba ang gwapo ko namang hudas nyan!"

                           "Pwede ba tigil-tigilan mo yang kayabangan mo nakakasuka ka! Ano bang kailangan mo? May ginagawa pa ako eh pupunta nmn ako dyan mamaya wag kang mag-alala kamahalan." sarkastiokong sabi ni nito.

                           "Linisin mo kuwarto ko ngayon na!"

                           "Demanding din pala ang hudas ah." pang-aasar ni Kim.

                           "Oo demanding talaga ang gwapong hudas na to! Slave kita kaya kailangan mo akong sundin or else...."

                           "OO na! pupunta na! Mananakot ka naman eh!"

                           "In five seconds dapat andito ka na!"

                           "Wait---" binabaan na nya ito ng telepono. 

                             "Late ka ng one second!" sabi nya dito nang nasa bahay na si Kim.

                           "Pwede ba! wag mo nga akong pinagmamadali muntik muntikan na akong madapa ah!"

                           "Tsk! Lampa ka pa rin pala hanggang ngayon."

                           "Tigilan mo na nga ako! Nandito na ako diba! San ba ako maglilinis kamahalan?"

                           "Sa kuwarto ko. Bilisan mo maliligo lang ako." at iniwan na nya ito.

                         

                            NAGDADABOG si Kim habang dinadampot nya ang mga gamit na nagkalat sa kuwarto ni Gerald. hindi nya matiyak kung kuwarto nga ba tagala iyon o gubat. Tila pinagrambulan ng mga wild creatures sa gulo ang kuwarto nito. Parang tinulugan ng sampung lasing ang kama nito. Ganoon ba talaga ito mamamahay o sadyang ginulo lang nito nang husto ang silid nito dahil gusto nitong pahirapan sya. Ipinaghahagais nya sa laundry basket ang maruruming gamit. Ipinagtatapon nya sa trash bin ang mga kalat nito. 

                            "Ay butikong tumalon!" bulalas nya nang biglang tumunog ang cell phone ni Gerald na nasa kama. Hindi na sana nya papansinin iyon ngunit nakatatlong beses iyong tumunog. Na-curious syang tingnan kung kanino galing at ano ang laman ng mga text messages na natanggap nito kaya dinampot nya ang cell phone.

                            Baby, I'm on my way there. Baby, wait for me. Baby di ba sabi mo you're home alone? I can spend the night there. 

                            On her way where?  Tumaas ang kilay nya. Pupunta roon ang babae. Napanganga at napahawak sya sa dibdib. At may sniley pa! Sa inis sa babae ay pinagbubura nya ang mga messages nito. Mukhang balak pang gawing motel ni Gerald ang bahay ng lola nito. Kaya pala ipinalilinis nito sa kanya ang silid nito ay dahil may balak itong gawin kasama si Ashley. Hindi nya mapapayagang magkaroon ng maliligayang sandali si Gerald habang pinahihirapan sya nito. She punched his cell phone's keypad. Ni-reply-an nya si Ashley.

                            Baby huwag ka nang pumunta rito. Biglang dumating ang lola ako next time na lang.  

                           She  sent it and smiled wickedly. Mabilis ang naging pag-reply nito.

                           Let's go out na lang somewhere.

                           She made a face and punched her reply. Can't go tonight. May mom's here to. Don't reply anymore.

                           Nang hindi na ito nag-relpy ay napanatag ang loob nya. (Nagseselos lang? hahaha!) Naisipan pa nyang tinganan ang Inbox ng cell phone nito at basahin ang mga messages doon.

                           "Anong ginagawa mo?"

                           Nabitawan nya ang cell phone sa pagkagulat. Nahulog iyon sa kama. Lumipad ang tingin nya sa pinto. Her eyes windened as he saw Gerald Half-. Puting tuwalya lang ang nakatabing sa ibabang bahagi ng katawan nito. Para syang namantanda na nanatili lang  na nakatitig sa hubad na katawan nito.

                           Malapad ang dibdib nito. In fairness maganda pala ang abs nito. Para syang nakakita ng live billboard ng halk- na lalaking modelo sa EDSA. Inalis nya ang tingin sa abas nito at inilipat sa mukha nito. Cute pala ito kapag bagong ligo at basa ang buhok. Sinaway nya ang sarli sa mga pumapasok sa isip. Nakalimutan nyang ang salbaheng si Gerald ang nakikita nya.

                           "Bakit mi pinapakialaman ang cell phone ko?" he asked, talking like indeed a master to his slave.

                           "Ha? Hindi ah. Nakita ko lang sa kama kaya itatabi ko sana," pagkakaila nya.

                           Mukhang hindi ito naniwala. Mabilis niyang dinampot ang cell phone at inilipat sa side table. "Ayan na nga oh. Itinatabi ko na. Hindi ka kasi marunong magtabi eh."

                           "Bilisan mo riyan at may darating akong bisita."

                           Uminit ang ulo nya. Naalala nya ang balak ng mga ito na gumawa ng kalaswaan. Kung isumbong kaya nya ito sa lola nito? Pero paano nya gagawin iyon wala namang cell phone number si lola Rosa?

                           Dahil abala sa pag-iisip ay hindi nya napansing nakalapit na sa kanya si Gerald. Napapitlag sya nang mapadikit ang braso nito sa kanya nang kunin nito ang cell phone nito sa side table. Hindi nya alam kung bakit rila napaso sya sa pagdidikit ng mga balt nila. Dati ay wala naman siyang nadaramang ganoong klaseng reaksiyon sa tuwing hinahatak sya nito sa braso.

                           "Ano pang tinatanga-tango mo dyan? Maglinis ka na." utos nito.

                           She could see in his eyes he was enjoying playing the master to her. Sasagot pa sana sya nang paangil ngunit biglang namatay ang ilaw. Napatili sya at wala sa loob na napayakap dito. May phobia sya sa dilim at sa tuwing nawawalan ng ilaw ay para syang nababaliw sa takot. Wala talaga syang makita sa paligid  dahil makakapal ang kutina sa mga bintana. Nanginginig sya sa takot.

                           "Ilaw... ilaw... please..."

                           Narinig nya ang marahas na pagbuntong hininga ni Gerald. Noon nya naalalang ito an niyakap nya at sa hubad na dibdib pala nito nakasubsob ang mukha nya. She was supposed to move away but she did not. Dahil sa takot ay handa syang kalimutan muna ang galit nya rito. Nang maramdaman nyang umangat ang mga braso nito upang ikulong sya sa mga bisig nito ay tila pinanigasan sya ng katawan. May iba pang klaseng damdamin ang nakikisabay sa takot nya. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib nya. Bakit parang masarap ang pakiramdam na nakakulong sa mga bisig nito?

                           "Do you realize you're hugging mo now, Kimmy?" she heard him whisper softly.

                           Kimmy? Bakit tila parang nang-aakit ang tinig nito?

                           Hindi sya nakasagot. Natatakot syang bumitiw dito ngunit mas nakakatakot ang kakaibang damdaming nadama nya habang magkayakap sila. Biglang bumukas ang ilaw at kaagad syang bumitiw dito. Pinakawalan naman sya nito. Saglit pa silang nagkatitigan bago sya nagpasyang bumalik sa ginagawa. Inayos nya ang kama at hindi pinansin ito. Hindi ito unalis sa kinatatayuan nito. Hindi nya alm kung bakit kinakabahan pa rin  sya.

                           "Ganoon na lang ba iyon?"

                           "Huh?" Napaangat sya ng tingin dito mula sa pag-aayos ng kama.

                           Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. "Pagkatapos mo akong tsansingan ganoon na lang iyon?"

                           "Ang kapal mo! Hindi kita tsinassingan no!"

                           "Kaya pala para kang sawa kung makayakap sa akin. For a moment akala ko re-in mo na ako."

                           "Mahiya ka sa balat mo. Hindi kita type!" Inihagis nya dito ang unan sa isis. Hindi nya maintindihan kung bakit kailangan mag-init ng mukha nya dahil sa panunudyo nito.

                           "Bakit sa tingin mo ba type kita?"

                           "Wala akong pakialam kung hindi mo ako type!"

                           Pinagtawanan sya nito. Inihagis din nya dito ang natitirang malilit na unan. Hindi nya inaasahang gaganti ito. Nagbatuhan sila ng unan parang mga batang tumatawa sila habang naglalaro. Then all of a sudden Gerald's towel fell down the floor. Isang malaks na pagsinghap  ang kumawala mula sa bibig nya bago sya mabilis na tumalikod. Pakiramdam nya ay umakyat ang lahat ng dugo nya sa mukha.

                           "Hmmm... wala ka namanng nakita diba?"

                           Hindi naman nya tiningnan ang nabilad na katawan nito kaya hindi nya maintindihan kung bakit tila sya pa ang mas nahiya sa pagkaka-expose ng katawan nito  sa kanya.

                           "Bastos ka!" 

                           Nagtititili sya habang patakbong lumalabas ng silid nito. Narinig naman nya ang malakas na tawa nito. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jixxypit1 #1
Wow.. More pls. Kakakilig. Thx sa updates
b1_nipahut #2
yay!!kilig kiligan sa e.k. haahha...

thank u soo muccchhh


more

more

more
KG4life #3
Cute date for both of them :)
KG4life #4
Waaaaa nabitin...itinuloy sana yun ni kuya ge...lol :p
shammy_kg #5
waaaaaaaaaaaaaaa! Thank you readers for your appreciation! love you all! Sorry late update na naman... hehehe...

enjoy reading! :)
teddibear #6
Waaaaaaahhhh!!!! Soooooo sweet and kilig <3 thank you for updating! More more more! Hehe :"D
KG4life #7
Hahaha sila na :) tnx sa update :D
enderez #8
hello kimerald authors update naman pls...thanks
buang03 #9
Waaaaaaaaa. Please update ka na. Go go go
keeegeee #10
yey!! umamin na si Geraldo!!


I love the slave thingy!!! hahahha
woot woot!! goo Kimmy!!
sweet revenge!! :)

thank you shammy!