Epilogue

Tulay

Epilogue

 

After 1 year...

 

Andito ako ngayon sa Starbucks, magkikita raw kami ni Seunghoon eh. May pag-uusapan kami.

 

"Jinwoo! Tapos ko na yung story. Gusto mo bang basahin yung ending?" Eto yung sinimulan namin. Yung totoong kwento ng buhay namin.

 

Pagkatapos ng pag-amin ni Mister Yoso na gusto niya si Miss Nothing. Akala ni Miss Nothing magiging masaya na siya pero hindi. Isang araw, nilapitan siya ni Miss Everything. Nagmakaawa ito kung pwede bang i-give up ni Miss Nothing si Mister Yoso. Hindi niya alam yung gagawin niya. Nalilito na kasi siya. Gusto niyang maging masaya dahil sa wakas, nahanap na niya yung lalaking magpapatibok ng puso niya. Pero malungkot siya dahil may nasaktan sa relasyon nila. Pwede naman kasing magkaroon ng love life na walang komplikasyon diba? Bakit yung kanya may ganito pa? Hindi siya makatanggi kay Miss Everything kasi sobrang dami na nitong naibigay sa kanya. Hindi lang 'material things' kundi yung mga bagay na walang kapantay na pera. Kaya napagdesisyonan niya na ipaubaya si Mister Yoso kay Miss Everything. Sa una, nahirapan si Miss Nothing. Nasasaktan rin siya pero habang tumatagal nakamove on na siya kasi nakikita niyang masaya sina Mister Yoso at Miss Everything. Siguro nga, may mga taong darating para may matutunan tayong leksyon. Na may mga bagay o tao na kahit gustong gusto nating makuha eh kahit kelan hindi magiging atin. Minsan, kahit abot kamay na natin sila may darating na problema. Dalawa lang eh, magpapadala ka o ipaglalaban mo. Pero nakakasawa rin yung laban ka ng laban tapos sa huli, talo ka parin.

 

Eto ang kwento ko. Ako si Jinwoo. Ang tulay nina Mino at Seunghoon. Kahit kelan talaga, ang tulay eh tulay lang. Nagdurugtong lang sa magkabilang dulo. Taga-dugtong lang pero hindi ako yung bubuo sa kanila. Siguro nga, hindi talaga para sakin si Mino.

 

"Nagustuhan mo ba yung pagkakasulat ko?"
Ngumiti ako. "Oo naman Seunghoon. Grabe, parang kelan lang ang lungkot pa natin pareho pero ngayon, kita mo naman. Ang saya na natin."
"Salamat Jinwoo ah? Utang ko tong kaligayahan ko sayo."

 

===END===

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ReadingThis
#1
Chapter 9: Tangina naman Hoon mashaket: (( omgg ang sakitttt
beautiful_monster26 #2
Chapter 9: Tangina? Whyyy? Noooo! Bad seunghoonie!
nanaxoxoxo #3
It's in pinoy TAT /trying to translate it to english with google translate/ kkkk